Tawag Ng Mga Ibon

1204 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ----------------------------------                 HUMUPA NA ang ulan at nagsimulang magpakita ang araw noong maisipan naming lumabas ng kubo. Habang naglalakad kami, inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at tumingala sa mga matatayog na puno ng kahoy at sumigaw, "Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" "A-ano yan?" ang tanong ko. Hindi mo pa ba narinig ang tinig na iyan?" "S-sa ibon?" "Tama. Tinig iyan ng isang klaseng ibon na namumuhay sa gubat na ito. Kapag nag-iingay kang ganyan, may lalapit. Akala nila, kasamahan nila ang tumatawag sa kanila." Nahinto siya, "Ayan... tingnan mo. Nakita mo iyon?" Sabay turo sa akin sa isang sanga na may ibong dumapo at tumingin sa aming direksyon. "Akala niya kalahi din niya ang pinagmulan ng tawag. At sasagot din iyan sa tawag ko at magtatawag din ng kasama." At narinig ko nga ang sigaw din ng ibon. "Kuckowww! Kuckowww! Kuckowww! Kuckowww! Kuckowww! Kuckowww!" Walang pinagkaiba sa tinig na ginawa ni Meg. Inilagay ko rin ang aking dalawang kamay sa aking bibig, ginaya ang ginawa niya. ""Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" Biglang natawa si Meg. Paano ba naman, nagsiliparan palayo ang mga ibon. "May teknik kasi ang pagsigaw niyan. Hindi mo basta-basta na lang isigaw na kagaya nang nagtatawag ka ng tao. Dapat ay may kinokontrol ka sa iyong lalamunan para makuha ang tamang timpla ng boses-ibon." Paliwanag niya. "Ganito o...." at isinigaw na naman niya ang "Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" Magaling talaga siya. At maya-maya lang ay may iilang ibong nagsidapuan na naman sa mga sanga ng kahoy, nakatingin sa kinaroroonan namin. "Ang galing!" ang sigaw ko. "Matuto ka rin niyan, isang araw... At malalaman mong natuto ka na dahil dadapo ang mga ibon sa sangang malalapit sa iyo, at sasagutin nila ang tawag mo." KINAUMAGAHAN, nagising akong wala si Meg sa aking tabi. Lumabas ako ng kubo at tinawag siya. "Meggg! Meggg!" Ngunit ang tanging sumagot sa akin ang ingay lamang ng ibon. "Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" "Meggg! Megggg!" ang sigaw ko uli. At muli ay ang ingay ng ibon, "Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" Kinabahan na ako dahil wala akong Meg na nakikita. "Megggggg! Megggggg!" ang sigaw ko uli. At muli ay, "Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" Na lalo pang ikinatatakot ko. Nasa ganoon ako ka tensyonadong sitwasyon noong mula sa aking likuran ay, "Hindi mo pala kilala ang tawag ko. Mabuti pa ang mga ibon nagsilapitan, sumasagot pa." Sabay tawa. "Eh... malay ko bang ikaw iyon. Wala namang pinagkaiba." "Kaya ikaw, dapat matuto ka na rin niyan. Gusto kong kapag nandito tayo sa gubat, tayo ay magtatawagan sa pamamagitan niyan, upang hindi mapansin kapag may kalaban. Lalo na kapag nasa bingit tayo ng panganib..." "Sige... magpraktis na ako niyan." Sagot ko sabay lagay ng aking mga kamay sa aking bibig, "Kuckooooowww! Kuckoooooowww!" Tawa lang sya nang tawa. Hindi ko pa kasi nakuha ang tamang tunog kung kaya ay muling nagsiliparan ang mga ibon. "Ano iyan?" tanong ko nang napansin ang bitbit niya. "Itong isa ay baboy-ramo na nahuli ng bitag ko." inangat niya nang bahagya ang baboy-ramo na tadtad ng tuhog ang katawan. "At iyan namang isa?" turo ko sa dalawang maliliit at maninipis na kawayang may butas-butas. "Ito ay plawta, yari sa kawayan. Hinihipan ito upang mapatugtog. Kapag nalulungkot ako o naiinis, ito ang pinapatugtog ko." At ibinaba niya ang dalang baboy-ramo at nagsampol ng pagtugtog. Pinatugtog niya ang isang kanta. "Waahh! Ang galing naman! Saan ka natuto niyan?" "Dito lang... Nalungkot ako isang araw at naisipan kong gumawa ng plawta." "At iyang kanta? Bakit naman iyan pa ang ipantugtog mo? Iyan kaya ang theme song ng kuwentong 'Romeo and Juliet'." "Ganoon ba? Iyan kasi ang paboritong kanta ng aking inay. Kahit sa pagpapatulog niya sa amin ni Mark noong mga bata pa kami, iyan na ang kinakanta niya. Bakit pala, ano ba ang mayroon sa kuwentong iyan?" sagot niya habang dinampot muli ang baboy-ramo at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kubo. "Malungkot kasi ang kuwento ng pag-ibig nila. At ang pamagat ng theme song nila na pinatugtog mo ay 'A Time For Us'" "Ganoon ba? Bakit naman malungkot?" "Sila iyong nagmamahalan ngunit bawal dahil magkaaway ang kanilang mga pamilya at angkan. At ang nangyari, sa bandang huli, kinitil nila ang kanilang mga buhay upang magsama nang walang hadlang, nang walang hanggan... sa kamatayan." "Ah... saklap!" nahinto siya, nalungkot. At pagkatapos bitiwan ang isang buntong-hininga, "K-kaya pala iyan ang napiling kanta ng inay. Bawal din kasi ang pagmamahal niya sa itay ko." Tumingin siya sa akin. "At a-ano naman ang mensahe ng kanta?" "Parang isang taong nangarap, umasa na darating ang araw, sa isang lugar, na malaya na sila sa kanilang pagmamahalan. 'A time for us' – ibig sabihin ang panahon para sa atin..." Napangiti siya. "Kung ganoon, mas nagustuhan ko pa ngayon ang kantang iyan." "Bakit? Mayroon ka na bang taong mapagsabihan mo ng 'atin'?" biro ko. Na-excite kasi ako na baka – baka lang – sabihin niyang "Tayo". Para siyang nabilaukan. Nahinto sandali. "Eh... ang inay ko, ang utol ko...'kami'" "Sabagay..." ang sagot ko na napangiti ng hilaw. Tahimik. "Gusto mo kantahin ko para sa iyo iyan, habang ikaw naman ay magpatugtog sa iyong plawta?" ang pagbasag ko sa katahimikan. "Sige..." At tumugtog siya habang ako naman ang kumanta – A time for us*, someday there'll be When chains are torn, by courage born Of a love that's free A time when dreams, so long denied Can flourish, as we unveil the love we now must hide A time for us, at last to see A life worthwhile for you and me And with our love, through tears and thorns We will endure as we pass surely through every storm A time for us, someday there'll be A new world, a world of shining hope for you and me A time for us, at last to see A life worthwhile for you and me And with our love, through tears and thorns We will endure as we pass surely through every storm A time for us, someday there'll be A new world, a world of shining hope for you and me Noong natapos na kami, ibinigay niya sa akin ang isang plawtang gawa niya. "Ito, para sa iyo. Pag-aralan mong tumugtog ha?" ---------------------------------- * A Time For Us. Composed by Nino Rota, a theme song from the movie "Romeo and Juliet" ---------------------------------- Umuwi kami sa kubo, dala-dala ang huli niyang baboy-ramo. At noong naghapunan na kami, iyon ang ulam namin. "Meg, n-nakaranas ka na bang m-magmahal?" ang pag-aalangan kong tanong habang kumakain kami ng hapunan. Na casual niyang sinagot ng, "Hindi pa." "Pero nakaranas ka na ng crush?" "Mayroon. Noong fourth year high school ako." Na-excite naman ako. "S-sino? K-kilala ko ba siya?" "Hindi." "Taga-saan siya?" "Taga bayan lang. Nanalo siya sa isang paligsahan." "Wow! Magaling pumili! A-anong paligsahan?" "N-nalimutan ko na kung anong paligsahan iyon." "Hmmm... N-naging kaibigan mo ba siya?" "Nangarap. Kahit nga makamayan ko man lang. Ngunit anak- mayaman siya. Ang katulad kong mahirap ay hindi niya pag-aaksayahan ng panahon..." "Woi... hindi naman siguro." Ang pagtutol ko pa. "Iyan naman ang totoo, di ba? Ang mayayaman ay para sa mayayaman. Kaming mga mahihirap, para rin sa mga kauri namin." "Hindi sa lahat ng pagkakataon, Meg..." "Maaari..." Nahinto siya sandali. "Huwag na nating pag-usapan iyan. Ayokong maalala pa." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD