MAKALIPAS ang ilang araw na paghihintay. Excited na si Michael namakakitang muli. Lahat tahimik, nag--aabang sa bawat galaw ng mga kamay ng doktor habang unti-unting tinanggal ang ang bendahi na nakatabon sa mga mata ng kanyang asawa.
“Open your eyes, Mr. Sandoval," utos ng doktor.
Dahan-dahang iminulat ni Michael ang kanyang mata. Ngunit muli siyang napapikit dahil na silaw siya na nagmumula sa liwanag ng ilaw
“Tell me, did you see us, Mr. Sandoval?”
Ilang minuto rin ang nakalipas walang nakuha silang kasagutan. Tahimik itong lumuluha dahil sa labis na galak. Lagpas isang taon din nang kinuha sa kanya ang paningin at sa pangalawang pagkakataon nakakita na siyang muli.
“Honey, nakikita mo ba kami?” malumanay na tanong ni Angelie. Lumapit siya rito at pilit na pinapakalma ang kabiyak. Nakita kasi niya ang pagyugyog ng balikat ni Michael, alam ni Angelie na umiiyak ito. Nag-angat ng ulo si Michael. Niyakap niya ng mahigpit si Angelie at pagkatapos ikinulong sa mga palad ito ang kayang mukha ag sinunggaban siya ng halik. Wala itong pakialam kung may mga tao man ito sa harapan nila.
“Yes, honey, Mom, Mama. Nakikita ko na kayong lahat.”
“Oh, My God, son. Thank you, Lord,” wika ni Donya Clemente dahil sa labis na tuwa.
“Thank you, doktor.”
“No worrries, Donya Clemente. Will anyway I have to go. Mr. Sandoval, congratulations." Nakipagkamay ito kay may namalugod naman tinatanggap ng lalaki. Pagkalabas nila sa hospital kaagad nilang pinuntahan ang bahau ni Mang Hener. Ngunit nalungkot sila na nabalitaan tuluya na pala itong namaalam sa pamilya. Namatay na pala ito dalawang araw bago ang operayon. Labis-labis naman ang pagpapasalamat nila sa pamilya ni Mang Hener. At nangangako si Michael na tutulong siya kapag may kailangan ang pamilya.
NAGISING si Angelie dahil tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Mapait ang kanyang lalamunan. Kaya patakbo siyang pumasok sa banyo. Napapasulampak na siya sa sahig dahil sa labis na panghihina. Halos naubos na lahat ng kanyang laway sa kakaduwal. Ilang araw na siyang nakaramdam ng ganito ngunit pinipilit niyang balewalain baka mawala rin lang.
Pagbalik niya sa kama t’saka pa lamang niya napansin wala na si Michael. Nagmamadali siyang naligo pagkatapos lumabas na ng silid. Malayo pa lamang siya sa kusina amoy na amoy na niya ang niluluto ng lalaki.
“Hi, honey good morning. I cook your favorite food,” malambing na saad ni Michael sa kanya. Ipinaghila siya nito ng upuan at pagkatapos matunog na halik ang iginawad nito sa kanya.
“Wow! Mukhang ang sarap niyan, ah,” papuri niya sa lalaki na mas lalong ikinalapad ng ngiti nito.
“Ofcourse, basta para sa ’yo, honey,”
She mouthed to say. “ Thank you.”
Maliksing kumilos si Michael. Pinagtempla niya ng gatas si Angelie, pagkatapos naghiwa rin siya ng mga prutas. At huling inihain niya ang kanyang nilulutong chicken afritada na paborito ng babae.
“Ini-spoiled mo naman ako niyan, Michael. Sige ka, baka araw-araw kitang paglulutuin ng pagkain,” nakangising saad ni Angelie habang kumukuha ito ng pagkain. Excited
na nag-aabang sa maaring reaction ng babae.
Ngunit embes na masarapan bigla na lamang dumuduwal at tumakbo sa sink ng lababo at doon muli na naman itong nagsusuka.
“Oh, God! What happen to you, hon? Hindi mo ba nagugustuhan ang lasa? Gusto mo ba magluto ako ulit?” Nababahalang tanong ni Michael habang walang patid na paghaplos sa likuran ng babae.
“Your fainted, honey.eI take you to the hospital,”
“Hu-huwag kang mag-aalala. Ayos lamang ako Mi—” hindi na natapos ang sabihin ni Angelie dahil nawalan na ito ng malay.
Tarantang siyang binuhat ni Michael palabas ng kanilang bahay at kaaagd itinakbo sa hospital.
“Nurse! Doctor! Help! Help!” Nasa majn entrance pa lamang siya ng emergency room ng nagsisigaw siya. Kaagad naman lumapit ang dalawang nurse sa kanya namay dalang stretcher.
“Ano’ng nangyari, Sir?” tanong ng isang nurse.
“Bigla na lamang siyang nawalan ng malay.”
Napahilamos siya sa kanyang mukha, napasabunot sa kanyang buhok. Sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib. Natatakot siya baka may masamang mangyari kay Angelie. Nanginginig ang kanyang mga kamay nakinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at tinawagan niya si Donya Clemente at Aling Florencia.
“Michael, what happen? Why are you crying?”
“Nandito ako sa hospital. Bigla na lamang nawalan ng malay si Angelie, Mom. I’m afraid, what doif there's something happen to my wife.”
“Calm down, okay? I'll be there in a minute," kaagad na niyang pinatay ang tawag.
“Dr. what happen to my wife? Bakit siya nagsusuka at pagkatapos biglang nahimatay?” puno ng pag-aalalang
“Wala po kayong dapat ipag-aalala dahil normal sa babaeng buntis ang magsusuka."
“Really? Oh, my God. Magiging ama na ako! Thank you, Lord.” Napaluhod pa ito dahil sa sobrang tuwa.
“Yes, she's four weeks pregnant.”
“Son, Mareng Florencia, may apo na tayo.” tila batang nagtitili ang sina Aling Florencia at Hindi maitatago ang tuwa ng dalawang matanda nang malaman na magkakaapo na sila.
“Congratulations, Mr. Sandoval. But you need to make an extra careful to your wife. ?Medyo maselan ang kalagayan niya. I recommend her bed rest for the first trimester. May mga instancis na magbabago ang mood swing dahil sa pag-iiba ng kanyang hormone. May iririsita akong mga vitamins, gatas para sa pagbubuntis. At gamot para mas lalong kumapit ang baby.”
“Don’t worry, Dr. Siliva. Tatandaan ko lahat ng iyong bilin.”
INILIBOT ni Angelie ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Nagtataka siya kung bakit puti ang pader ang kanyang nakikita? Gayong kulay gray naman ang pintura ng kanilang silid.
T’saka lamang niya napagtanto na nasa hospital siya nang nakita niya ang swero sa kanyang kanang kamay. Mahina niyang tinapik ang pisngi ni Michael na nakasubsob ang mukha sa kama.
“Honey, your awake. Nagugutom ka na ba? What do you want to eat? Tell me? Just name it, honey.” Nangunot ang noo niya sa inakto ng lalaki.
“You want apple or orange, hon?”
“Ano ’ng nangyari sa 'yo, Michael? At saka ayaw kong kumain n’yan. Ang pangit ng lasa," itinabing niya ang pagkain na isusubo sa kanya ng kabiyak.
“But, hon. You need to eat. Baka magugutom ang maliit na angel na nasa iyong tiyan.”
“A-ano ’ng ibig mong sabihin? B-buntis ako, M-Michael?” Nagsimula ng umiinit ang sulok ng kanyang mga mata sa isiping nagdadalantao na siya.
“Yes, honey. Magkaka baby na tayo.” Napayakap siya ng mahigpit kay M-Michael. Labis ang tuwang kanyang nadarama. Kapalit ng mga pagsubok na pinagdaanan nila bilang mag-asawa. Sunod-sunod naman ang blessings na tinatamo nila.
“Angelie, hija . Thank you for giving me grandchild. You don't know how happy I am, hija.” Niyakap siya ng mahigpit ni Donya Clemente.
“Anak, mag-ingat kang mabuti dahil maselan ang iyong pagbubuntis. Kung kailangan mo ng tulong sabihan mo lamang kami.”
Madamdaming niyakap niya ang kanyang ina. Napakaswerte siya dahil napakaraming sumusuporta sa kanya. Si Aling Florencia at Donya Clemente, hindi man maganda ang kanilang naging simula ngunit heto at naging malapit pa sa isa't isa.