chapter 17

1317 Words
ONE MONTH LATER Naging magaan ang kalooban ni Angelie, dahil may basbas na sa kanyang biyenan ang pag-alis nila sa puder nito. Muling bumalik ang saya at sigla ng kanyang katawan lalo na ang kanyang puso. Sinikap naman ni Michael na punan ang lahat ng kanyang pagkukulang kay Angelie. Muling nanumbalik ang tamis at init ng kanilang pagmamahalan. Hindi pa man nakahanap ng eye donor ngunit naging positibo pa rin ang pananaw nila sa isa’t- isa. Maririnig na rin nila ang malutong nilang mga halakhak na kay tagal nilang hindi naririnig. Unti-unti na rin bumalik ang dating Michael na minahal niya. Hindi man maiwasan ng lalaki ang malungkot dahil sa sinapit ngunit sinisiguro ni Angelie na nandiyan siya sa oras ng kalungkutan para damayan ang kabiyak. Naging makulay muli ang buhay ni Angelie ang minsan madalim niyang buhay. Michael naman nagsisikap siya na hindi maging pabigat sa kanyang asawa. Pinag-aralan niya lahat ng pasikot-sikot sa kanilang bahay kahit na wala siyang makita. Malaki na ang improvement ni Michael. Nakabawas sa kanyang anxiety ang paglilibang sa mga gawain. Sinikap niyang ibalik ang interest sa mga bagay nakinahihumalingan niya rati. kahit na sa simpleng pagkain at pagpaligo nakakaya na nitong gawin. Hindi katulad dati na si Angelie lahat ang gumagawa. “Honey, sabihin mo nga sa akin kung ano ang nakikita mo?” biglang saad ni Michael kay Angelie. Nandito sila ngayon sa may veranda. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat. Naipikit niya ang kanyang mga “Maaliwalas ang kalangitan. Half moon kaya hindi masyadong maliwanag ang buwan ngunit napakaraming mga talang nagniningning sa kalawakan. May nakikita akong hugis singsing na mga bituin, Michael. Napakagandang tingnan,” masayang larawan ni Angelie sa kanyang nakikita. “Really? Mas kikinang pa ba kaysa mga butuin na ’yan, honey?” Napaisip tuloy si Angelie. “Hmmp, siguro wala na,” kaagad na tugon niya. “And do you want to wear that ring, honey?” seryosong tanong ni Michael. Naikinatawa ni Angelie. Mas hinigpitan ni Michael ang pagkakayakap sa kanya sabay halik ng kanyang buhok. Pagkatapos lumayo ito sa kanyang katawan. “How could I wear that ring? E, hindi naman totoong singsing ’yan.” “Sino ang nagsabi na ’yan ang isusuot mo?” wika ng lalaki na ikinalingon ni Angelie. Gayon na lamang ang kanyang pagkagulat ng makitang nakaluhod si Michael bitbit ang kumikinang na bagay. Napatakip siya sa bibig para pigilin ang paghikbi. Biglang bumuhos ang kanyang emosyon. “Angelie, will you marry me, again?This time I want you to walk down the aisle wearing a beautiful white dress.” Napakagat siya sa kanyang ibabang labi para pigilin ang paglakas ng kanyang paghikbi. Ngunit dahil sa sakit kundi dahil sa labis na kaligayahan. “Y-yes, I will marry you again, Michael.” Magkahalong iyak at tawa ang lumabas sa kanyang bibig. “T-thank you, for choosing me again, Angelie. Kahit na sa aking mga ginawang pagkakamali ako pa rin ang pinili mong makasama habambuhay.” Umiiyak na ring saad ni Michael habang dahan-dahang isinuot nito sa kanyang daliri ang singsing na may malaking dyamante sa ibabaw. Bagay na bagay ito sa kanyang mala-kandilang hugis na daliri. “Kahit ano man ang mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin. Walang iba akong mamahalin kundi ikaw lamang mahal ko. Mahal na mahal kita, Michael.” Sinilyohan nito ng mainit na halik ang mga labi ni Angelie. Malugod namang sinuklian niya ang halik ng kanyang asawa. Dahan-dahan siyang inihiga sa couch. Hanggang sa naging palalim ng palalim ang kanilang mga halik. Ninanam ang bawat sandali. Napatingala si Angelie nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Ekspertong paulit-ulit na dinidilaan ni Michael ang balat niyang nalalantad na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa kanya. “Hmmp, M-Michael,” tila hibang na tawag niya sa pangalan ng lalaki. Mas lalo namang pinagbuti nito ang ginagawa. Nakadagdag ng pagnanasa ang kanyang seksing tinig. “I will do everything just to satisfied your needs, honey. Hindi maging rason ang aking kakulangan, para ibigay sa ’yo ang ibayong sarap,” saad nito habang hindi tumigil sa pagpapaligaya sa kanya. Walang siyang naging tugon sa sinasabi ng kabiyak dahil nagsimula nang sumisindi ang apoy ng kanilang pagmamahalan. Nakakalunod at nakakadarang ang bawat haplos ni Michael sa kanyang kahubdan. “Uhm," hindi niya alam kung saad ibabaling ang kanyang ulo nang hindi pa rin tumitigil sa pagpaligaya sa kanya. Naging mainit ang malamig na gabi. Maging ang buwan at mga tala ay saksi sa sa kanilang pag-iisang katawan. Hanggang sa nararing na nila ang sukdulan ng langit. EVERYTHING goes well, napalitan ng saya ang puso ni Angelie na ilang buwan rin nakabalot ng sakit at kalungkutan. Maginga g kanyang inang si Aling Florencia at si Donya Clemente, nagkausap na rin ng masinsinan at nagkakapatawaran. Wala na ang lahat ng mga agam-agam ni Angelie dahil nagkakasundo at nagkakaisa ang mga taong nakapalibot sa kanya. Nagsisimula na silang maggawa ng bonding nilang dalawa. Every weekend pupunta sa kanila si Donya Clemente para magkaroon din sila ng alalang dalawa. Ngayon lamang na diskubri ng matanda na marami pa lang similarities ni Angelie. Parehas silang libangan ang pagluluto. Magkatulad din sila ng mga hilig. bulaklak at halaman. Pagkatapos ng pagsubok ng kanyang buhay bumubuhos naman ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Bagong araw, pinabagong answered prayer ang dumating sa buhay mag-asawa. NGAYON ang araw para sa eye transplant ni Michael. Nakahanap sila ng eye donor mula sa isang ama na cancer patient na may taning na ang buhay. Nais nitong may pakinabang siya sa kanyang pamilya bago pa man ito mawala rito sa mundong ibabaw. Kusang nag-message ang nasabing donor sa f*******: page na ginawa ni Angelie para makahanap ng eye donor kay Michael. Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit walang man silang natatanggap na willing magbigay ng kanilang mata. Ngunit laking pasasalamat nila nang mabasa ang naturang mensahi ni Mang Hener. Kabilang sa mga kondisyones nito ang financial assistance para sa maiwan nitong pamilya at Educational plan para sa dalawang anak ni Mang Hener. Walang pag-alinlangan na pumayag si Donya Clemente dahil sa kagustuhang makakita ng muli si Michael. “Honey, kinakabahan ako. What if hindi maging successful ang eye transplant ko? What if hindi na akong makakitang muli?” nahintatakutang saad ni Michael habang umiiyak itong nakayakap sa kanya. Mayamaya lamang dadalhin na ito sa operating room kasama si Mang Hener. “Huwag mong sabihin ’yan, Michael. Alam kong ibibigay ng Panginoon ang ating mga hiling. Let's think positive, okay? Maging maayos din ang lahat.” Tila batang marahang tumango ito sa kanya. Halos hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap. “Sir Michael, huwag po kayong mawalan ng pag-aasa. Ang Panginoon ang nakatakda nito kaya alam kong maging successful ang operasyon mo. Marami ka pang purpose rito sa mundo. Marami ka pang mga bagay na nagagawa. Ako ilang araw na lamang ang natitira sa mundo. Kaya masaya ako na kahit na huling sandali ng aking buhay makapagpasaya ako," si Mang Hener. “Angelie and Mang Hener is right, son. Let's just pray for your successful operation.” “Mrs. Sandoval, ipapasok na po namin sila sa loob ng operating room.” HINDI mapakali habang naghihintay si Angelie sa labas ng OR. Hindi na mabilang kung makailang ulit siyang nagpapabalik-balik sa kanyang lakad upo na ginawa. Hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan para sa kanyang asawa Natatakot siya na mabigo si Michael. “Anak, ako ang nahihilo katitingin sa ’yo. Huwag kang mag-aalala, maging ayos din ang lahat,” sita ni Aling Flarencia sa kanya. Kaagad na sinalubong nila ng makita ang doktor na papalabas ng Operatiinb Room. ”Dr. kumusta ang asawa ko?” “How's my son? How’ s the operation doktor?” Nakangiting tinanggal ng doktor ang mask na suot. “Don't worry, successful ang operasyon. Mayamaya ihahatid na siya sa kanyang silid.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD