bc

THE GOVERNOR’S WIFE SACRIFICE

book_age18+
560
FOLLOW
1.3K
READ
contract marriage
HE
age gap
fated
drama
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Contented at proud wife si Angelie Fabregas Sandoval bilang asawa ni Governor Michael Sandoval.But her almost fairytale love story turned into nightmare when a tragic accident came across. Michael changed. Is she willing to keep her marriage vow kung si Michael na mismo ang natulak sa kanya palayo?Paano ipaglalaban at ipagpapatuloy ni Angelie ang pangarap na binuo kung isa sa kanila ang tuluyang sumuko? Ano kaya ang kayang gawin ni Angelie to save thier marriage?

chap-preview
Free preview
chapter one
TAGAKTAK ang pawis sa noo ni Angelie dala-dala ang malaki at mabibigat na paso na pagtatamnan ng mga halaman. Masakit na rin ang sikat ng araw na tumama sa balat. Maging ang kanyang sikmura ay nagsimula na ring kumakalam dahil hindi pa ito nagkaroon ng laman, kahit na isang pirasong pandesal. Alas-singko pa lamang ng umaga nang gisingin siya sa reyna ng malaking bahay na kanyang pinagsisilbihan. Kailangan niyang magtrabaho sa malawak ng hardin ng mga Sandoval. Napapagod na ang man ang katawang lupa niya pero wala siyang magawa kundi ipagpatuloy ang trabahong kanyang nasimulan. Gustuhin man niyang magpahinga ngunit hindi niya magawa dahil nakaanyabay sa kanya ang mala-asong pag-ugali ng kanyang biyenan. Hindi niya gugustuhin kapag magagalit naman ito sa kanya. Tama kayo sa inyong naririnig, asawa siya sa nag-iisang anak ng mga Sandoval. Ang isa sa pinakamayamang pamilya ng kanilang lugar. At Gobernador ng kanilang lalawigan ang kanyang asawa na si Michael Sandoval. Pero ’di ba dapat hindi na niya kailangan pa ang kumilos sa mga gawain bahay lalo pa’t marami namang katulong ang mansiyon na kanyang kasalukuyang tinitirhan? Ngunit kabaliktaran ang mga nangyari. Hindi parte ng Pamilya Salvador ang turing ni Donya Clemente. Bagkus mas tinuturing siya nito na isang hamak na taga-silbi dahil sa mababang uri na pinanggalingan ni Angelie. Datapwat, hindi man maganda ang pakikitungo ng pamilya ni Michael sa kanya, hindi niya magawang magreklamo. Ayaw niyang magsimulang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan nilang mag-asawa. Hindi rin naman niya alintana ang kanyang mga gawain dahil sana’y rin naman siya sa mga mabibigat na gawain dahil nagtatrabaho naman siya sa kanilang bukid noong hindi pa sila mag-asawa ni Michael. Una pa lamang, nagpahayag na ng matinding pagkadis-gusto ang matanda kay Angelie, sa kadahilanang isa lamang siyang hamak na anak ng magsasaka sa kanilang lugar. Hindi man lamang siya nakapagtapos ng kolehiyo, dahil hindi nakayanan ng kanyang mga magulang ang malaking pera na sa kanyang pag-aaral. Kaya sa edad na labing walo, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Pumasok bilang tindera ng Bakery sa kanilang lungsod. At doon na rin niya nakilala si Michael, nang minsan na padaan ito sa kanyang pinagtatrabahuhan. Una, pa lamang nabighani na si Michael sa kanya. Kaya araw- araw itong bumibili ng tinapay para lamang makita siya. Hanggang si ’di naglaon naging malapit sila sa isa’t-isa. Nanauwi naman sa panliligaw ang lahat. Nang niligawan pa lamang siya hindi alam ni Angelie na mayaman at Gobernador pala si Michael. Wala rin naman siyang pakialam sa politika. Kaya kahit nasa mataas ito na posisyon hindi pa rin niya ito nakikilala. Huli na nang nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Michael. Masyado na niya itong mahal para iwasan niya. At dahil nasa mababang uri lamang ng lipunan napapabilang ang kanyang pamilya, kaya ganoon na lamang ang pagtutol ng Donya kanilang relasyon. Hindi matanggap ng matanda na ang kagaya niya ang pinakasalan ng anak nito. Ikinakahiya siya bilang membro ng pamilya Salvador. Kaya sa bawat oras at araw na wala ang kanyang asawa nakahanap ng pagkakataon ang demonyong biyenan na pahirapan siya. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ikinasal sina Michael at Angelie. Labag sa kalooban ni Donya Clemente, ang ginawang pagpapakasal nilang dalawa. Ngunit, wala na itong nagagawa pa nang iuwi siya nito sa mansiyon dala ang kanilang marriage contract. Sa judge muna sila nagpapakasal at ang mga magulang ni Angelie, kasama ang ninong ni Michael na tumatayong witness sa kanilang kasal. “Ma’am Anglie, ako na ang tatapos dito. Pumasok na po kayo sa loob. Mainit na ang araw at baka nagugutom ka na rin,” puno ng pag-aalang saad ni Manang Lucille, ito aang mayordoma ng mansyon dahil sa tagal na nitonb naninilbihan sa mga Salvador. Mabini niya itong nginigitian. Mabait ito sa kanya simula noong unang dating niya sa tahanan ng kanyang biyenan. “Salamat po, pero huwag na Manang. Kaya ko pa naman po. At isa pa baka magagalit na naman sa akin si Donya Clemente, kapag nakita niya akong walang ginagawa. At huwag mo na po akong tawaging, ma’am. Nakakahiya naman po hindi ako sanay,” tanggi niya. Tatakot kasi ito na makita ng kanyang biyenan. “At hindi pa rin naman po ako nagugutom, Manang,” pagsisinungaling niya. Pero ang totoo kanina pa siya nagugutom. Biglang napahawak siya sa impis niyang na tiyan nang muling narinig ang tunog ng kanyang kumakalam na sikmura. “Naku, Ma’am Angelie ay este hija. Hindi mo dapat pinapabayaan ang ’yong kalusugan. At huwag na po kayong magsinungaling, naririnig ko ang pagkalam ng ’yong sikmura.” Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa ginang. Naalala niya ang kanyang mama Florencia . Kahit iisa lang ang kanilang lalawigan hindi pa rin niya magawang dalawin ang kanyang mga magulang dahil hindi siya pinapayagan ng Donya. “Pasensiya na po, Manang. Ang totoo nagugutom na talaga ako.” Nagpalinga-linga muna sa paligid si Manang Lucille, sinisigurado niyang hindi nakatingin sa kanila ang Donya Clemente. Sakto naman umalis ito sa gazebo at pumasok sa loob ng mansyon. Inilabas nito mula sa kanyang bulsa ang tatlo pirasong pandesal. “Heto, anak. Kainin mo ito, makabawas man lang sa gutom na iyong nararamdaman.” Buong takam na inabot ang kawawang Angelie ang tinapay na binigay sa kanya ng ginang. “Salamat po, Manang. The best po talaga kayo.” Niyakap niya ito bilang pasasalamat sa kabutihan na ipinakita nito sa kanya. “Sana umuwi na si sir Michael. Para hindi ka na tratuhin ni Donya Clemente ng ganito.” Nalulungkot na saad ng ginang. “Okay lang naman po ako, Manang. Masaya naman po ako na nakakatulong. At hindi rin naman ako sanay na walang ginagawa.” Ang totoo nalulungkot din siya dahil kailangan siyang iwan pansamantala ni Michael dahil marami itong kinakailangan tapusin na trabaho. Hindi lamang ang kompanya ng mga magulang nito ang pinapamahalaan. Ngunit pati na rin ang trabaho nito bilang isang gobernador. Kaya madalang lamang silang magkakasama, kagaya na lamang ngayon isang buwan na itong wala, dahil may kailangan itong dadaluhan na mga pagpupulong. Pero naiintindihan naman ni Angelie ang lahat. Alam niyang maraming responsibility si Michael. “ST*PIDA! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ang babaeng tatanga-tanga! Umayos ka kung ayaw mong malilintikan sa akin!” bulyaw ni Donya Clemente sa kanya. Dumadagundong sa loob ng mansiyon ang tinig ng matanda. Na kahit ang ibang mga katulong nahintatakutan na rin. Nanginginig na dinampot ni Angelie ang nagkalat ng parte ng mga basag na baso sa sahig. Dumulas ito sa kanyang kamay dahil sa sobrang pagmamadali kanina. “Huwag kang umasta na senyorita sa pamamahay ko. Tandaan mo, kung saan ka ng gagaling. Pinulot ka lamang ng anak ko sa basura! At huwag kang makalimot, ako pa rin ang reyna sa pamamahay na ito kaya ako ang masusunod!’ walang pasubaling bulyaw muli ng kanyang biyenan sa kanya. Sa araw-araw ganito ang eksena sa loob ng pamamahay. Laging pinapagalitan kahit wala naman siyang ginawang mali. Nahihirapan na pakisamahan ni Angelie ang kanyang biyenan. Kahit ginawa naman niya ang lahat para makuha ang loob ng matanda. Mainit pa rin mga dugo nito sa kanya. Pero kapag nasa paligid lamang ang anak nito. Nag-iiba ang pakikitungo nito sa kanya, bigla na lamang itong bumabait. Pina-plastic siya nito kapag kasama niya si Michael. Lumaki man siya na mahirap ang kinagisnang pamumuhay ngunit tinuruan siya ng tamang pag-uugali ng kanyang magulang. Lalo na ang pagbibigay respeto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Palihim siyang lumuluha. Nanginginig pa rin ang kanyang katawan. Nanlalambot ang mga tuhod dahil sa sobrang takot kay Donya Clemente. Nakapamaywang at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya magawa ng maayos ang pagliligpit ng mga bubog dahil malakas na kalabog ng kanyang dibdib. Muntik na rin niyang nabitawan ang dust pan at walis na hawak. “P-p-pasensiya na po, Ma-mommy,” nagkanda utal-utal niyang saad. Humihingi siya ng tawad. Hindi siya sana’y na pagtaasan ng boses dahil kahit mahirap lang sila pinuno siya ng pagmamahal ng kanyang mga magulang. “Pasensiya? Is that all you can say? Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang mga ‘yan? Kahit buhay mo pa ang ipapalit, kulang pa ’yan na kabayaran sa mga nabasag mong mga gamit. Ano pa nga ba ang asahan ko sa kagaya mong hampaslupa!” Halos lumuwa na ang litid sa ugat ng leeg ni Donya dahil sa matinding galit. “Clean all that mess! Kung ayaw mong ipapakain ko sa ’yo ang lahat ng mga ’yan!” Buong lakas nitong hinila ang kanyang mahabang buhok. “T-tama na po. Nasasaktan po ako,” pagmamakaawa ni Angelie kay Donya Clemente. Tuluyan na siyang napapalahaw ng iyak dahil sobrang nasasaktan na siya. Nakita niya ang awa sa mga mata ng mga katulong. Maging si Manang Lucille, sobrang naawa ito sa kanya ngunit hindi man lamang siya magawang tulungan ng mga ito dahil natatakot din sila kay Donya Clemente. Napasulampak na siya sa sahig pero hindi pa rin tumigil ang matanda. “You deserve this! Ito ang kabayaran ng katangahan mo!” “What’s happening here, Mom?” biglang dumating si Michael na lihim niyang ipinagpasasalamat. “Nothing, hijo. Tinulangan ko lamang ang iyong asawa dahil nadulas siya sa sahig, right Angelie?” pagsisinungaling ng Donya sa kanyang anak. “Com’on, hija. Get up.” Kaagad siya nitong inalalayan para makatayo. Lihim siyang pinandilatan ng mata ng matanda at sumenyas na tuyuin ang luha ng kanyang mga mata na kaagad din sinusunod ni Angelie. “Com’on, Mom. Don’t lie. I saw and hear everything. I know how you treated my wife. Kaya mas mabuti pang umalis na lang kami!” galit na saad ni Michael sa ina. Kaagad siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Itinatago siya nito sa malapad na likod ng lalaki. Marahan niyang hinawakan ang braso ni Michael para pakalmahin. Nakita niya kung paano naikuyom ang kamao ng kanyang asawa. Tumingin siya kay Donya Clemente para humihingi ng paumanhin ngunit kaagad rin siyang nagyuko ng ulo dahil hindi niya kayang salubungin ang mga nagbabagang mga mata ng matanda. “You’re impossible, Michael. You leave your parents because of that woman?! She’s a social climber and gold digger! Trust me son. Pera lang ang habol ng babaeng ’yan sa’yo!” Nang gagalaiti sa galit ang Donya. Napasiksik si Angelie sa malapad na likod ng kanyang asawa dahil sa takot. Tuluyang na napahikbi dahil nasasaktan siya sa pang-aakusa nito sa kanya. “I’m sorry, Mom. But, the woman you’re insulting is my wife. I love her. Bakit hindi mo na lamang kami suportahan sa buhay naming mag-asawa. Sana tanggapin mo siya alang-alang lamang sa akin.” “I can’t do that. That will never gonna happen! Hindi ko matatanggap na maging parte ang babaeng ’yan pamilya natin. Ano na lamang ang sasabihin ng aking mga amega kapag nalaman niyang isang hampaslupa ang pinakasalan mo? That woman will ruin our reputation! Pagtatawanan tayo ng madla kapag malalaman ito ng lahat!” “Will, that’s not my problem, Mom. It’s yours. I don’t care about our reputation, and I don’t care about others! Lalo na sa mga taomg makikitid ang utak na kagaya mo.” Napasinghap ang Donya sa narinig. Hindi niya inaasahan na sasabihin ang mga katagang iyon ng kanyang anak laban sa kanya. “Ganyan! Ganyan ang itunuro sa ’yo ng babaeng ’yan? Hindi mo na ako ginalang! I’m still your mother!” “Hindi ko nakakalimutan ’yan. Pero kahit ina kita, wala pa rin kayong karapatan saktan ang aking asawa. Kaya mas mabuti pa na umalis na lamang kami rito.” “Let’s go, honey. Were leaving this house. Hindi ko hahayaang sasaktan ka nila.” Hinayaan lamang niyang tangayin siya ng kanyang asawa paakyat ng pangalawang palapag ng mansiyon. kung saan na roon ang kanilang silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook