CHAPTER FIFTEEN: Believe It or Not? Naging isang malaking balita sa buong Bulacan ang nangyari. Naging headline ito sa mga dyaryo at naging hot news sa mga telebisyon at radyo. Ang karumal-dumal na nangyari ay naging usap-usapan sa sambayanan. Matapos ang pagpatay kay Samantha Walker, naging matunog ulit ang balita kay Sarah Montes. Kinumpirma ng mga pulis na magkaugnay ang dalawang kaso at isa lang ang tinuturong salarin, si Rick Flores. Dating kasintahan ni Sarah at ang kasalukuyan namang nobyo ni Samantha. ‘Kasalukuyan nagpapagaling sa San Dionisio Medical Hospital ang suspek sa pagpatay kay Samantha Walker at Sarah Montes matapos niyang masangkot sa isang banggaan sa Kapalaran Road, Bulacan. Sinasabing ang motibo sa pagpatay ay ang