CHAPTER FOURTEEN: Love and Hate Tahimik lang na nakaupo si Rick. Tila nasa harap niya ang maraming tao na tinatakot at pinapaamin siya sa isang kasalanan. “Rick, nasaan ka nang gabing mangyari ang pagpatay kay Samantha?” tanong ni Detective Mark. Nakayukom lang ang mga kamay niya na tila nagpipigil na makasakit ng tao. “Nasa isang bar,” aniya pero hindi direktang nakatingin sa detective. “May mga nakakita sa ’yong pumunta sa condo unit niyo ni Samantha. Ano’ng ginagawa mo ro’n?” dagdag pa nito. “’Di ba, sinabi kong nasa bar ako kagabi?!” galit niyang sabi. Umiling lang si Detective Lance. Hindi niya sana balak makialam pero para ito sa hustisya at katotohanan. “Rick, sinabi mo sa akin n