CHAPTER THREE: Warning

1960 Words
CHAPTER THREE: Warning                 Maagang nagising si Jess tulad nang ginagawa niya araw-araw. Kailangan niya kasing maghanda nang makakain para kay Stef. Bago magtungo sa kusina, binuksan niya muna ang radio para makapakinig ng balita. Hindi niya kasi hilig ang magbasa ng mga dyaryo kaya idinadaan na lang niya sa pakikinig ang pagsagap ng balita.                 ‘Isang pagsabog ng sasakyan ang naganap sa gusali ng R700 kagabi. Sinasabing isang nangangalang Rose Jimenez, DJ sa R700, ang lulan nang sumabog na sasakyan. Namatay din ang nobyo nitong si Dave Buenaventura sa hiwalay na insidente.’                 “Puro p*****n na lang,” nasabi ni Jess sa sarili at saka nailing sa mga buhay na nasayang. Kasalukuyan niyang inilalatag ang mga gamit at pagkain sa mesa.                 ‘Ayon sa saksing si Samantha Walker, nakarinig daw siya ng isang malakas na pagsabog sa labas kaya agad siyang lumabas nang gusali. Kasabay no’n ay natagpuan nila ang naghihingalong si Dave Buenaventura papunta sa kanila na humihingi ng tulong.’                 “S-Sam…” nauutal niyang sabi. Nanginig bigla ang buong katawan ni Jess sa narinig. Hindi maaaring isang aksidente lang ang nangyari na kinasangkutan ni Sam. Maaaring dahil ito kay Sarah.                 Naibagsak niya ang hawak hawak niyang pinggan. Nabasag ito at kumalat ang mga bubog sa sahig. Agad namang bumaba mula sa itaas si Stef para tingnan kung ano ang nangyari.                 “Mom!” sigaw nito. Naabutan niyang tulala at nanginginig ang mga kamay ng kanyang ina. Nakatingin lang ito sa kawalan. Tila ang mga kilos nito ay takot na takot. Lumapit siya rito.                 “Mom. What’s happening?” Nag-aalala siya para sa ina.                 Agad din bumalik sa ulirat ang kanyang ina.                 “Lumayo ka. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Baka masugatan ka,” bulalas niya. Pinaurong niya sa isang tabi ang anak para makaiwas sa mga bubog na nakakalat. Nakatingin lang sa kanya ang anak na tila ba ay nagtatanong. Hindi nito mawari kung ano ba ang nangyari sa ina dahil sa mga kinikilos nito.                 Natatakot pa rin si Jess sa nabalitan. Kailangan niyang makausap ang iba pa.   ~~~                   Nasa isang theatrical play ngayon si Celine. Naimbitahan kasi siya bilang isang panauhin. Kilala kasi sa larangan ng pag-arte ang dalaga, mapa-teatro man o telebisyon. Marami na rin siyang ginawang pelikula kaya masasabing nasa kasagsagan siya ng kanyang kasikatan.                 Nagsimula nang magsitayuan ang lahat ng manunuod, hudyat na tapos na ang palabas. Kasabay nito ay ang pagsasara ng kurtina.                 “What a nice show, Mr. Palarma,” malugod na bati ng dalaga. Kinamayan niya ang ginoo bilang simbolo na natuwa siya sa naging palabas. Minsan lang matuwa sa isang palabas si Celine kaya sobrang ikinatuwa ni Mr. Palarma ang naging positibong reaksyon nito.                 “Thank you, Ms. Celine Rodriguez,” masaya nitong sabi.                 “By the way, Mr. Palarma, magkakaroon pala ako ng bagong proyekto and I want sana na isa sa kanila ang makasama ko sa proyektong iyon. I’ve already talked to the management regarding dito and they are willing to accept naman kung sino ang magustuhan ko,” saad ni Celine.                 “Ganoon ba? Tiyak na maliligayahan sila dahil matagal-tagal na rin nilang inaasam ang mapasabak sa pag-arte sa telebisyon,” natutuwang sabi ni Mr. Palarma. “Gusto ka nilang maging katulad. Nagsimula sa teatro at tiningnan mo ngayon, isa ng sikat na aktres sa telebisyon.”                 Ngumiti lang si Celine sa sinabi nito. Sa likod ng maamo at mabait na personalidad ni Celine ay may itinatago pa itong baho. Hindi nito gustong may nakakalamang sa kanya kahit na sino. Ginagawa niya ang lahat para siya ang manguna.                 Tulad nang nasa high school palang sila.                 Pumunta sila sa backstage para makita ni Celine ang mga nagsiganap sa kaninang palabas.                 “Guys! Can I grab your attention, please?” wika ni Mr. Palarma at saka pumalakpak upang kunin ang atensyon ng lahat. “I’m with Ms. Celine Rodriguez. I guess you all know her.”                 Nagsimulang magbulungan ang lahat nang makita si Celine. Alam kasi nilang sobrang sikat nito sa buong bansa. Ang ilan ay kumuha na ng kanya-kanya nilang cellphone para sa minsang pagkakataon na makakuha ng larawan kasama ang dalaga.                 “Guys, mamaya na ang autograph and pictures dahil may good news ako sa inyong lahat. Ms. Rodriguez will have a new project and the good news is that one of you will be joining her. Isn’t exciting?” Lumapad ang mga ngiti ng mga tao roon. Tyansa na nila ito para sumikat at makilala.                 “Sir!” sigaw ng isa habang nakataas ang kanang kamay. “ So, sino po sa amin ang mapipili?” pagtatanong niya.                 “Good question. Si Ms. Rodriguez ang pipili sa inyo.  So Ms. Rodriguez, sino na ang napili mo?” Lahat ay nag-aambang sa sasabihin ni Celine. Parang isang talent search ang nangyayari ng mga oras na iyon na tanging iisang tao lang ang maaaring manalo.                 “Nahirapan ako sa pagpili sa inyo kaya pinanuod kong mabuti ang palabas. Lahat kayo ay may potential pero one of you stands out. I’ll choose the one who portrayed the role of Mischievous, Ms. Alex Farr.” Gulat na gulat ang napili ni Celine na makakasama niya sa bagong proyekto niya.                 Lahat ay nagpalakpakan para sa kasamahan. Walang paglagyan ang tuwang nararamdaman ni Alex nang mga oras na iyon. Parang natupad na ang mga pangarap niya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon upang matupad din ang kanyang mga pangarap.                 “Maraming salamat, Ms. Celine,” pasasalamat nito na halos abot tainga ang ngiti. Hinawakan niya ang mga kamay ni Celine sa sobrang tuwa. Mabilis namang binawi ng dalaga ang kamay at saka matipid na ngumiti kay Alex.                 “You’re welcome. Congratulations,” matipid niyang sagot.                 “So Alex, do your best. Gamitin mo ang mga natutunan mo rito sa teatro, okay?” payo sa kanya ni Mr. Palarma.                 Tumango bilang sagot si Alex habang hindi pa rin maitago ang galak na nararamdaman.                 “Sige, may pag-uusapan muna kami ni Ms. Celine. Maiwan ko muna kayo.” Umalis na si Mr. Palarma kasama si Celine. Pag-uusapan pa nila ang muling pagbabalik ni Celine sa teatro.                 Nakatingin lang sa kanila si Alex habang papaalis. Nakangiti ito.                 “Magiging sikat ako. Tatalunin kita Celine,” nasabi na lang niya sa hangin.   ~~~                   Ilang minuto lang ay natapos na rin ang meeting ni Celine kasama si Mr. Palarma. Nagkamayan sila bago magpaalam sa isa’t-isa.                 “Pagkakaguluhan ang magiging pagbabalik mo, Celine,” saad ni Mr. Palarma na tila ay naninigurado.                 “Siguro,” matipid niyang sagot na ibig sabihin ay ‘sigurado.’                 Lumabas na sila ng gusali. Nagtungo sila sa parking lot kung saan nakaparada ang kani-kanilang sasakyan.                 “Inabot na pala tayo ng gabi. May kasabay ka bang umuwi?” pagtatanong ni Mr. Palarma.                 “Wala nga, e. Pero kaya ko naman ang sarili ko,” pagmamalaki ni Celine. Binuksan ni Celine ang kanyang bag upang kunin sana doon ang susi. Hinalungkat niya ang bag pero wala roon ang wallet niya na naglalaman ng susi ng sasakyan.                 “May problema ba?” Napansin ni Mr. Palarma ang kinikilos ni Celine.                 “Naiwan ko ‘ata yung wallet ko sa loob. Teka lang. Babalikan ko lang.”                 “Gusto mo bang samahan pa kita?” pag-aalok ni Mr. Palarma.                 Ngumiti naman ang dalaga. “Hindi na. Mabilis lang naman ‘to.” Naglakad pabalik sa loob ng gusali si Celine upang hanapin ang wallet. Bumalik siya mula sa kanyang inupuan, nagbabakasakali siyang makita roon ang hinahanap.                 “Nasaan na ba ‘yon?” nasambit niya. Ilang minuto lang ang makalipas, nahanap niya rin ang wallet. “Mabuti na lang at nakita ko ‘to.”                 Nakarinig siya ng kaluskos sa loob ng auditorium. Inisip niya na lang na gawa ito ng mga dagang naglalaro. Tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa.                 Unregistered number ang natawag. Marahil ay isa ito sa mga fans niya na maswerteng nakakuha ng numero niya. Binuksan niya ang cellphone at saka sinagot ang natawag.                 “Hello?” panimula niya.                 “Hi, Celine,” sagot sa kabilang linya.                 “Sino ‘to?” nagtatakang tanong niya.                 “Lahat ba kayo naging makakalimutin na? O sadyang kinalimutan niyo lang ako?”                 Napakunot ng noo si Celine. Wala siyang ideya kung sino ang natawag maliban sa isa, si Sarah. Alam niya na darating ang panahon na makakausap niyang muli ang dating kaibigan.                 “Sarah…”                 “Magaling, Celine at natatandaan mo pa ako. Ano’ng feeling na sikat ka na? Hindi ba’t nakakatuwa. Paano kaya kung sirain ko ‘to? Madali lang naman ‘yon para sa akin. Maling galaw mo lang, maglalaho lahat ng pinaghirapan mo.”                 Nagkulo bigla ang dugo niya. “Subukan mo lang sirain ang pinaghirapan ko!” pagbabanta niya. Narinig niya ang pagpalakpak sa kabilang linya.                 “Ang galing mo talaga umarte, Celine. Makatotohanan. Natatandaan mo pa ba nang sukang-suka ka nang kinakaibigan mo ako? Alam kong labag ‘yon sa loob mo pero ano? Wala kang magawa. Kailangan mong magtiis para makuha ang mga gusto mo, ‘di ba?”                 Bigla na lang tumawa si Celine na parang nababaliw. “Akalain mo ‘yon? Napansin mo pala ang magaling kong pag-arte. Ang husay mo! Ginamit ko lang naman kayo, e’. Mga wala naman talaga kayong kwentang kaibigan.”                 “Recorded. Magsalita ka pa, Celine. Hindi ka kasi nag-iingat.” Biglang namawis si Celine dahil sa sinabi ni Sarah. Maaaring gamitin niya itong pang-blackmail.                 “Akala mo ba natatakot ako sa ’yo?” Kailangang laksan niya ang loob niya kundi madadaig siya.                 Tumawa ito nang malakas. “Kailangan ko pa bang sabihin na kailangan mong matakot. Kitang-kita kita mula rito sa kinatatayuan ko.” Nagpalinga-linga sa paligid si Celine para makatiyak. “H’wag kang palinga-linga. Baka bigla na lang may sumulpot na b***l sa harapan mo.”                 “Hayop ka! Nasaan ka?! Magpakita kang demonyo ka! H’wag kang duwag!” pagwawala ni Celine.                 “Natatakot ka na ba? Hindi pa panahon para magpakita ako sa inyo. Paglalaruan ko muna kayo.” Nakakatakot ang mga tawa nito. Nakakapanindig hanggang sa laman.                 “Hayop ka! Hindi mo masisira ang buhay ko!”                 Biglang nagbukas ang pinto sa auditorium. Iniluwa n’on si Mr. Palarma. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nagmadali itong lumapit sa kanya.                 “Paalam na, Celine. Sa muling pagbabalik ko na lang. Mag-iingat ka pala. Baka may bomba akong nilagay sa sasakyan mo,” pagbabanta nito at saka muling tumawa nang malakas.                 Naputol na ang tawag sa kabilang linya. Napaluhod na lang si Celine sa sobrang takot. Hindi niya maikilos ang katawan dahil sa kabang nadarama.                 “Celine, ayos ka lang ba?” nag-aalalang sabi ni Mr. Palarma. Inalalayan niya sa pagtayo si Celine. Tulala ito at parang wala sa sarili. Hinatid niya ito palabas hanggang sa makaabot sa parking area.                 “Kaya mo ba magmaneho?” tanong sa kanya nito.                 “Pwede bang ihatid mo na lang muna ako. Natatakot ako.” Mababakas sa mukha ni Celine ang sobrang pagkatakot. Ngayon lang siya natakot ng ganoon. Masyado siyang naapektuhan sa sinabi ni Sarah. Akala niya ay nakapaghanda siya sa pagbabalik nito ngunit hindi pala.                 Tulala pa rin si Celine hanggang sa makauwi ito sa kanyang bahay. Inalalayan siya ni Mr. Palarma papasok ng bahay.                 “Okay ka na ba?” tanong ni Mr. Palarma sa kanya.                 “Oo. Maraming salamat sa iyo.” Ngumiti na lang siya pagkatapos.                 “Ipapahatid ko na lang bukas ang sasakyan mo. Siya nga pala. Nakita ko ito sa tabi ng sasakyan mo. Hindi mo na ‘ata napansin ‘to nang bumalik ka sa auditorium. Kinuha ko na lang, baka may makadampot pa kasing iba.” Tinitigan lang ni Celine ang puting kahon.                 “Oh, sige mauna na ako. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka.” Nagpaalam na si Mr. Palarma.                 Nanghihina pa rin si Celine sa mga naganap kanina. Natatakot pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya lubos maisip na ganon pala ang magiging epekto sa kanya nito.                 Nang mahimasmasan, kumuha siya ng isang basong tubig. Napaisip siya nang malalim.                 “Hindi ako magpapatalo sa kanya. Tatapusin ko ang dapat na tinapos namin sampung taon na ang nakararaan,” wika niya sa hangin.                 Napansin niya ang iniwang kahon ni Mr. Palarma. Binuksan niya iyon at natagpuan ang isang maliit na card sa loob.                                 Happy Birthday Celine.                                                                 Lovelots,                                                                 Sarah                 Naalala niyang sa May 20 na ang kanyang kaarawan. Maaaring ito ang araw kung kailan makikita niyang muli si Sarah.                 “Mamamatay ang dapat na patay na,” wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD