CHAPTER THIRTEEN: Free Yourself Tumatakbo sa masukal na kakahuyan si Celine. Puro sugat ang buo niyang katawan mula sa mga daplis ng kahoy sa daan. Kailangan niyang makaligtas bago siya mapatay ng kung sinumang humahabol sa kanya. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para makalayo sa killer. Nang makasiguradong hindi na siya nakikita ng killer, nagtago siya sa isa sa mga puno. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at pigil hiningang nag-abang. Pawis na pawis ang buo niyang katawan at nababalot ng takot. Tanging malakas na kabog mula sa dibdib niya na tila nagkakarerang kabayo ang kanyang naririnig. “H’wag ka nang magtago. H’wag mo na akong pahirapan,” sambit ng killer sa kanya habang inaalalayan ng ha