VIENNA'S POV
Lunch time na namin ngayon pero kakain ako mag-isa kasi si Therese lumabas agad ng room at pumunta sa swimming club, may meeting daw. Tapos si Michelle naman busy din at sa council na lang daw siya kakain. Okay lang naman na mag-isa akong kakain, sanay na 'ko ro'n pero mukhang nasanay na 'ko sa presensya ni Therese at Michelle.
Inayos ko na ang mga gamit ko at pinasok ito sa loob ng bag ko. Si Sebastian um-attend na sa klase, siguro tapos na ang practice nila.
"Vienna sabay ka na sa'min," wika ni Sandra. Actually mabait siya at approachable pero hindi ko feel ang presence ng mga kaibigan niya.
"No need Sandra, okay lang thank you," sagot ko at nginitian siya.
"Sige Vienna, see you around." At umalis na rin sila ng mga kaibigan niya. Tumayo na rin naman ako pero bigla akong napasinghap nang makarinig ako ng tilian sa labas ng room. Nagtaka tuloy ako, nandito naman sa loob si Sebastian.
"Vienna, may naghahanap sa'yo rito sa labas," wika ni Lester.
Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Lumabas na lang din naman ako para matingnan. Pero hindi ko naman kilala ang taong nandito at tinitilian ng mga kababaihan. Sino naman kaya siya? Bakit niya 'ko hinahanap?
"Ako ba ang hinahanap mo?" Takang tanong ko na ikinatahimik naman ng lahat.
Ano naman ang sa tingin nila na boyfriend ko 'to? Pero hindi ko man lang napansin ang presensya ni Sebastian na nasa tabi ko pala siya. Akala ko pa naman dadaan siya pero hindi, nagtaka tuloy ako.
"Im Tine Alvarez, 4th year Engineering student. Kaibigan ng kuya mo, ngayon alam mo na kung sino ako."
Kaibigan siya ni kuya? Pero bakit ngayon ko lang 'ata siya nakilala. Ito na ba ang ganti sa'kin ng kapatid ko? Malalagot talaga sa'kin ang tukmol na 'yon.
"Let's go, nagugutom na 'ko." At bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak paalis ng room. Naagaw tuloy ang atensiyon ng lahat.
Ano ba ang problema ng lalaking 'to? Inaalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero ayaw niyang bitawan tapos ang tangkad pa niya.
"Pwede bang tumigil ka muna? Hey! Ano ba? Kanina ka pa! Sabing bitawan mo 'ko!" Naiinis na sigaw ko. Bumitiw nga siya sa pagkakahawak ng kamay ko at parang gusto ko tuloy siyang sampalin.
"I can walk on my own, okay? And I don't need you, 'tsaka bakit ka ba nanghahatak? Close ba tayo? Kaibigan ka lang ni kuya pero hindi kita kilala," masungit na sambit ko sa kaniya. Nakakapikon siya actually pero hindi siya sumagot at tiningnan lang ako.
"I'm sorry, okay? Gusto ko lang makaalis sa room mo, nakakairita kasi 'yong mga classmates mong babae. And yes, inutusan ako ng kuya mo na samahan kang kumain. Huwag ka nang magalit, nandito na rin naman na tayo pwede bang pumayag ka na lang?" Sagot niya pero bigla ko siyang inirapan.
"Okay fine, payag na pero lumayo ka sa'kin." At nauna na 'kong maglakad kaysa sa kaniya. Sumunod din naman siya hanggang sa makarating kami ng cafeteria. Napatingin tuloy lahat ng estudyante sa'min nung sabay kaming pumasok.
"Ako na ang bibili, hanap ka na lang ng bakanteng table."
Hindi na 'ko naka-react kasi iniwan niya na 'ko para bumili. Ayoko na rin namang mag-inarte, nagugutom na rin kasi ako. Nakahanap din naman ako ng bakanteng table at naupo na. After mga 15 minutes, nakabili na rin 'yong si Tine ng pagkain. Nilapag niya rin naman ito sa mesa. 'Yong sa'kin steak with rice and bottled water at ang sa kaniya naman menudo with 3 rice and 2 bottled water.
Gutom na gutom yarn?
"I know what you're thinking." Nabasa niya ang iniisip ko, kahiya!
"Gutom na gutom ka? Hati na lang tayo rito sa steak, malaki rin naman 'to."
Nagsisi tuloy ako sa naging approach ko sa kaniya kanina. Tapos itong si kuya napag-utusan pa siya na samahan ako. Hinati ko rin naman ang steak at nilagay ito sa plato niya.
"Mabait ka pala, thank you," nahihiya niyang sabi pero hindi na 'ko sumagot at kumain na lang.
"After lunch may practice kayo?" Tanong ko at tumango naman siya. Paano ba naman kasi may laman ang bibig niya at punong-puno pa.
"Dahan-dahan lang, hindi ko naman kukunin ang pagkain mo," biro ko na ikinatawa niya.
"Oo, next Friday na kasi ang laro namin kaya todo practice kami," sagot niya nang mailunok niya na ang kinakain niya.
"Sino ang makakalaban niyo?" Muling tanong ko. Ewan ko ba pero ang daldal ko yata ngayon.
"Political Science," maikling sagot niya.
So sina Sebastian? Pero bakit parang hindi naman sila nagpa-practice?
"Hi Tine," bati sa kaniya nang isang grupo ng kababaihan na lumapit sa table namin. Napatingin rin naman sila sa'kin sabay irap. Are they really a seniors?
"I'm with someone, so leave," walang emosyong sagot ni Tine.
"Girlfriend mo ba siya? Ngayon lang namin siya nakita na kasama mo," tanong ng isang babaeng matangkad. Umiwas na lang ako ng tingin dahil baka ano pa ang masabi ko.
"Kung sasabihin kong girlfriend ko siya titigilan niyo na ba 'ko?"
Napatingin talaga ako bigla kay Tine nang sabihin niya 'yon. Pinagsasabi nito? Nang-aasar ba siya? Pero bigla siyang lumapit sa direksyon ko sabay bitbit ng upuan niya. Ito na nga ba ang iniisip ko, ipapahamak niya 'ko.
Napasinghap ako nang bigla siyang umakbay sa'kin at 'yong mga babae gulat na gulat habang nakatingin sa'min. Siniko-siko ko siya pero parang wala lang sa kaniya.
"Baby, look at me," malambing na sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko pero bigla akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
My gosh, Tine! Anong balak mong gawin? Mapapatay kita kapag may sinabi kang kung anu-ano sa kanila.
"Hey, baby look at me," malambing na usal niya at marahang hinawakan ako sa baba para iharap sa kaniya.
"I love you," agad niyang sabi na ikinagulat talaga ng lahat lalo na ako. Kinakabahan ako sobra. This time I'm dead.
"Ayiee, Vienna, kinikilig ako. Kung nandoon lang talaga ako sa cafeteria, masasakal kita."
Ngayon lang ako nagsisi kung bakit ako sumama sa tukmol na 'yon kundi pinag-uusapan na ako ng lahat. Ang bilis mag-spread ng chismis kahit na fake lang 'yon, kaasar!
Pagkatapos ng gano'ng eksena hindi na 'ko tinantanan ng mga fans niya. Panay tanong kung kailan naging kami, ang iba naman binati ako at sinabihan ng congrats pero 'yong iba, ang sasama ng tingin sa'kin. Parang gusto ko na lang hilingin na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
"Michelle, tumigil ka nga, sasabunutan na talaga kita." She's with me now at kanina pa niya 'ko inaasar.
"AHAHA, friend ang gwapo kaya ni Tine. Maputi, friendly, matangkad, sporty, makinis, walang pimples o scars." 'Yon talaga ang napansin niya, ang sarap niyang sabunutan, gigil niya 'ko.
"VIENNA!!"
Here she comes, none other than si Therese. For sure, aasarin din niya 'ko at tutuksuhin kay Tine. Pagkarating niya sa direksyon namin, umakbay agad siya sa'kin at niyugyog ako.
"Ano ang feeling na sinabihan ng I love you ni Tine Alvarez?" I rolled my eyes at inalis ang kamay niya na nakaakbay sa'kin.
"Wala, I don't feel anything. Ang na fe-feel ko ngayon, inis at galit dahil sa ginawa niya."
Alam ko naman na ginawa niya lang 'yon para tigilan siya ng mga babae kanina pero kainis lang talaga dahil 'yon pa ang sinabi niya.
"Hindi ka man lang ba kinilig? Ang gwapo kaya ni Tine," dugtong pa ni Therese. Nag-apir pa silang dalawa ni Michelle. Natutuwa pa talaga sila habang ako naiinis na. Kagigil 'yong si Tine, ito pa lang ang unang pagkikita namin pero pinahamak niya na 'ko.
"Ako? Kinilig? ASA!" Inis na sagot ko.
Kapag nakita ko ulit ang tukmol na 'yon, malalagot talaga siya sa'kin. Ano ba namang araw 'to? Nakakaasar, nakakapikon at nakakainis. Tama si kuya, maiiyak talaga ako. Grabeng ganti naman 'to sa'kin, hindi nakakatuwa.