VIENNA'S POV
"Vienna, saan natin hihintayin si Michelle?" Tanong ni Therese.
Kasalukuyan na kaming naglalakad dalawa sa hallway papuntang cafeteria. Katatapos lang ng tatlong class namin at kanina hinanap ng mata ko si Sebastian pero hindi siya pumasok. Ewan ko ba kung bakit ko siya hinahanap?
"Mamayang lunch pa natin makakasama si Michelle. Busy siya ngayon sa council, alam mo naman na siya ang Vice President, 'di ba?" Sagot ko habang nakatingin sa paligid.
"Ahh gano'n ba. Hala! May nakalimutan ako," wika niya. Bigla niyang tinampal ang kaniyang noo na ikinagulat ko. Nagtaka naman ako kung bakit niya ginawa 'yon. Agad niya namang kinuha ang phone niya sa bag.
"Bakit anong problema?" Tanong ko, nagtataka habang nakatingin sa kaniya.
"Ngayon na kasi ire-release ang bagong ico-cover na kanta ni VnM," masayang sambit niya.
So she's one of my listeners? Palihim naman akong napangiti. This time mukhang mapapaamin na 'ko sa kaniya. After all I treat her as my friend.
"You know what Vienna, same voice kayo," dugtong pa niya pero 'di siya nakatingin sa'kin.
"Ako siya," maikling sagot ko na ikinatigil niya sa paglalakad. Napatakip siya ng bibig at gulat na gulat na napatingin sa'kin.
"Oh my god!" Naibulalas niya habang gulat na napatingin sa akin. Pero bago pa siya mag-hysterical dito, agad ko nang tinakpan ang bibig niya.
"Shh! Huwag kang maingay, secret lang natin 'to okay?" Mahinang sambit ko at nginitian siya.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang isa sa mga paborito kong artist kasama ko na pala, my god," hindi makapaniwalang sambit niya na ikinatawa ko.
Paulit-ulit niya ng sinabi 'yan magmula nung bumili kami ng pagkain sa cafeteria. Ilang beses niya na rin akong niyakap, kumapit sa braso ko nang mahigpit at halikan ako sa pisnge. Sinabi ko na rin naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon naka-hidden identity pa rin ako. I'm thankful kasi naintindihan niya and sinusuportahan niya 'ko.
"Kumain ka na lang Therese, kanina ka pa ang ingay mo." Napatawa ako agad pero nginitian niya lang ako nang malapad. Kumain na rin naman kaming dalawa at nagkuwentuhan ng kung anu-ano. Nag-enjoy naman akong kausap siya, tawa lang ako nang tawa sa mga kinukuwento niya. Mga halos isang oras din kaming kumain, thankful kaming pareho kasi wala kaming class after break, so we can stay longer here.
"So sa Music Club ka sasali?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. "Hindi ka ba natatakot na malaman nila na ikaw si VnM?" dugtong niya.
"Lahat ng sekreto nabubunyag 'tsaka bakit naman ako matatakot? If malaman man ng lahat, I'm willing to explain," sagot ko, inakbayan naman ako agad ni Therese.
"Don't worry, support kita riyan. Uhm, Vienna pwede ba tayong mag-selfie?" Nahihiyang tanong niya, ngumiti naman ako at tumango.
At ayun nga nag-selfie kaming dalawa, mga limang ulit then after niyon niyakap niya na naman ulit ako. Fan na fan niya raw ako for almost 2 years na, hindi naman ako makapaniwala pero lahat ng mga kin-over kong kanta meron siya sa phone niya. Hindi ko rin naman napigilan ang sarili ko na yakapin din siya.
Napatigil naman kaming dalawa nang may marinig kaming nagtitilian na grupo ng mga kababaihan. Napatingin naman kaming dalawa, halatang kilig na kilig silang lahat. Sino naman kaya ang tinitilian nila?
"Mukhang si Sebastian na naman," wika ni Therese.
Tama nga siya dahil kay Sebastian, mula rito sa puwesto namin kitang-kita ko siya. May kasama siyang mga lalaki pero hindi naman sina Britt, siguro kasama niya sa Music Club. May nakasukbit na gitara sa balikat niya plus bagong gupit siya. Kaya pala, alam ko na ang dahilan kung bakit ang lakas talaga ng appeal niya.
"Na gwagwapuhan ka rin ba kay Sebastian?" Tanong ni Therese pero nakatingin pa rin siya ro'n kina Sebastian.
"Oo but it doesn't mean na crush ko siya," agap ko.
"Nagtatanong lang naman, eh. Anyways, kaya siguro wala siya sa klase kanina kasi nag-practice sila para sa event."
Mukhang naiirita na siya sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya, hindi kasi siya makaalis sa puwesto niya.
Ano bang meron sa lalaking 'yon na all of the sudden na cu-curious ako sa personality niya. The way he look at me parang may meaning, hindi naman sa nag-a-assume ako. Dalawang araw pa lang akong nandito pero parang matagal ko na siyang nakilala.
"Hi Vienna."
Muntikan na 'kong mapamura, napapikit na lang ako at humarap sa dalawang lalaking dumating. It's them again, bakit kaya lapit ng lapit to sa'kin?
"Vienna next class na natin hali ka na," wika ni Therese sabay hila sa'kin papatayo.
Naiwan namang nagtataka 'yong dalawa. Alam ko naman kung bakit kami umalis do'n, gusto lang talaga ni Therese na umiwas ako sa kanila.
Pero bakit naman kaya? Eh, hindi naman nila kasama si Sebastian.
BRITT'S POV
Bakit kaya iniiwas sa'min ni Therese si Vienna? Wala naman kaming gagawing masama sa kaniya. Gusto lang naman namin siyang makilala at makausap.
"Ano ang problema ni Therese? Kahapon pa siya," naiinis na wika ni Enzo nang makaupo na kami sa bench na inupuan nina Vienna kanina.
"Ewan ko pero sa tingin ko dahil na naman kay Sebastian. Tsk! kainis," inis na sagot ko.
Paano namin malalaman na si Vienna nga si Vienna na naging kaibigan namin at bespren ko?
"Hays, ano pa nga ba, napakasikat ba naman kasi ng kaibigan natin. Pero bakit hindi tayo nakilala ni Vienna?" Malungkot na sambit ni Enzo. Ano kaya ang nangyari kay Vienna 3 years ago?
"Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Wala naman kasi tayong natanggap na balita 3 years ago. Paano natin malalaman na siya nga si Vienna na kaibigan natin kung iniiwas naman siya sa atin ni Therese?"
"Mayroon siyang kapatid si Vince, tanda mo? Na meet natin siya noong 1st year high school tayo, celebration ng birthday ni Vienna."
Napa-isip si Enzo sa sagot ko pero sana naalala pa niya. Noong mga bata pa kasi kami ni Vienna, never ko pang na meet ang kuya niya, hindi raw kasi ito nakatira sa bahay nila. Pero noong birthday ni Vienna, 'yon pa lang ang unang beses na nakilala ko siya at nakilala niya 'ko. Nakikita ko siya rito sa university, team captain siya ng Engineering soccer team pero hindi pa namin siya nakakalaban sa laro.
"Ano naman ang plano mo? Kahit nasa iisang university lang tayo hindi niya naman tayo pinapansin." Tama si Enzo, hindi kami kinakausap ni Vince ewan ko ba kung bakit. Nagkikita kami minsan dito sa university pero parang hindi niya kami kilala.
"Susundan natin siya mamayang uwian," sagot ko.
"Ano tayo stalker? Mag-isip ka nga ng mabuti, baka ano pa ang isipin niya sa'tin."
Ano naman kaya ang pwedeng gawin bukod do'n? Kasi ako wala ng maisip na iba pang paraan. Hays, isa kang malaking QUESTION MARK sa'min Vienna.