Prologue
"Good bye Mrs. Pimentel," sabay sabi naming lahat. After that, lumabas na rin si teacher bitbit ang mga projects na ipinasa namin sa kaniya.
Hayss sa wakas! Nakahinga ako ng maluwag. Ang hirap ng discussion kanina, hindi ko masyadong maintindihan 'yong geometric 'tsaka arithmetic sequence. Ang bobo ko pa naman pagdating sa Math.
"Vienna sasama ka ba sa'min? Pupunta kami sa mall," aya ni Samantha nang magtungo siya sa direksyon ko.
She's the classroom president and she's pretty but I don't like the way she act in front of me. We're not close, lumalapit lang siya sa'kin dahil sa mga kaibigan ko.
"I'm sorry, naghihintay kasi ang boyfriend ko sa labas. Pupunta rin kami sa mall, maybe next time, Sam," tugon ko. Mukhang na disappoint siya sa sinabi ko but it's not true, ayoko lang talaga silang makasama ng mga kaibigan niya.
"Gano'n ba, uhmm okay. So, next time.. I hope your friends will join. Bye Vienna, see you tomorrow." See? that's why I hate her. Bakit kasi ang gwapo ng mga kaibigan ko?
I have girl friends pero magkaiba kami ng pinapasukang school. May mga naka-close naman ako rito sa classroom but not as much close than my boy friends. Kaya minsan napagkakamalan akong tomboy dahil ang mga kaibigan ko lalaki.
Kasalukuyan na 'kong naglalakad sa hallway palabas ng school. Mag-isa lang ako ngayon dahil na rin sa may soccer practice ang mga kaibigan ko at may guitar practice ang boyfriend ko kaya hindi ko sila kasama.
Uuwi na naman ako ng mag-isa pero ayos lang. I know that we have different responsibilities in school pero minsan nakakainis na. Dahil do'n hindi kami nagkikita o nakakapag-usap but I understand and I still support them.
"Hello dad.." masayang sambit ko. Finally! Nakausap ko rin siya. I really miss him.
(Hello honey, how are you? I miss you)
"I'm fine dad and I miss you too. Kailan niyo po ako susunduin dito? Gusto ko na po bumalik diyan." Napabuntong hininga siya sa kabilang linya, isa lang ang ibig sabihin niyan.. hindi niya 'ko masusundo. That means, magtatagal pa 'ko rito sa Pilipinas.
(I'm sorry honey, mukhang matatagalan pa bago kita masusundo riyan. I have a lot of works to do, I hope you will understand)
"Yes dad, I understand. Please be safe there, see you soon dad and I love you."
(I love you too honey, please be safe too)
Binaba ko na ang tawag matapos naming mag-usap ni dad. Wala naman kaming masyadong pinag-usapan, nagkuwento lang ako tungkol sa mga nangyari sa akin ngayong araw at ang mga nangyari sa bahay.
Nang makarating ako sa parking lot, sumakay na 'ko agad sa kotse kung saan naghihintay na sa'kin si kuya Ronald, family driver namin. After ng isang oras na biyahe, nakarating na rin kami sa bahay. Pero ang nakaagaw agad ng pansin ko ay ang itim na kotse na pamilyar sa akin.
"Kuya Ronald, may dumating ba na bisita?" Takang tanong ko nang makababa na kami sa kotse.
"Hindi ko alam Vienna, bakit mo natanong?"
"Iyang itim na kotse, parang pamilyar sa'kin."
"Baka bagong kotse 'yan ng mom mo." Marahan akong napailing, sa tingin ko may bisita talaga na dumating pero sino?
Dahil sa curiosity ko, dumiretso na 'ko ng pagpasok sa bahay pero katahimikan ang bumungad sa akin.
"Mom, I'm home," sabi ko.
Nasaan ang mga tao rito, bakit ang tahimik? Hindi ko makita si nanay Selda, wala rin si ate Riza maging si mom. Bakit nawawala ang mga tao rito sa bahay?
Ano bang petsa ngayon? Hindi ko naman birthday pero ang daming pagkain na nakahanda sa mesa. May sorpresa bang magaganap?
Umakyat naman ako sa hagdan papunta ng kwarto pero napatigil ako nang may marinig akong boses na galing sa isang sulok nitong bahay. Ito nama'y aking pinuntahan, pero hindi ko inaasahan na ito ang bubungad sa akin.
Si mom, kahalikan ang kapatid ni papa.
Hindi ko magawang makapagsalita, hindi ko maigalaw ang bibig ko, hindi ko magawang tumakbo, nanatili lang akong nakatingin sa dalawang tao na sabik na sabik sa halik. Tumulo na ang aking mga luha, nanlamig na ang buo kong katawan pero hindi pa rin nila napapansin ang aking presensiya.
Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit siya pa ang pinalit niya kay dad? Bakit ang kadugo pa ng tatay ko?
"Vienna anak, nakauwi ka na pala."
Hindi ko nagawang lingunin ang taong nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Pero nang dahil sa pagdating niya, saka lang tumigil ang aking ina at napatingin sa direksyon ko. Nakita ko ang gulat at takot sa mga mata niya, saka lang ako tumakbo at lumabas ng bahay. Hindi ako lumingon, patuloy lang sila sa pagtawag ng pangalan ko.
Hindi ko akalaing dahil sa pangyayaring ito magbabago ng tuluyan ang takbo ng buhay ko.