Chapter 7

1585 Words
VIENNA'S POV Wala namang ibang ganap noong weekends pero tsinitsismis pa rin ako sa social media. At 'yong si Tine panay ang sorry sa'kin through text, messenger, f*******: at email. Wala akong idea kung paano niya nalaman ang social media accounts at number ko. But I think because of my brother and you know what, pagkauwi ko no'ng Friday 'di niya 'ko tinigilan sa kakatukso kahit na oras na ng pagtulog ko tinutukso niya pa rin ako. Tumigil lang ang pang-aasar niya sa'kin no'ng wala siya sa bahay dahil sa soccer practice. Nalaman ko na lang kay Therese by Sunday morning na nai-post na sa social media 'yong tungkol sa'min ni Tine. Ang daming against kahit hindi naman 'yon totoo at ang daming nag-post sa mga f*******: walls nila about me and Tine. Wala naman akong pakealam tungkol do'n pero nakakairita na kasi. Ang daming nagd-dm sa'kin. Kaya na i-deactivate ko ng wala sa oras ang lahat ng account ko sa social media dahil sa mga fans ni Tine. This day, Monday in the morning start na ng Club Fair and nawawalan ako ng gana na pumunta at magpakita sa university. But hindi pwede, I just need to act normal na parang walang nangyari noong Friday. I should not be affected about it 'cause it's fake but it really ruined my day. Nakarating din naman ako sa university safe and sound. Pagkapasok ko pa lang sa main entrance ang dami ng estudyante na hindi magkamayaw sa mga ginagawa nila. They are all busy kaya walang nakapansin ng presensya ko and I'm so thankful for that. Hinanap ko naman si Therese pero hindi ko siya mahagilap, I also texted her pero walang reply. Busy siguro 'yon sa club niya at si Michelle naman for sure busy din sa council. "Vienna.." Napalingon naman ako. Sina Britt at Enzo pero hindi nila kasama si Sebastian. "Samahan ka na namin sa Music Club," wika ni Britt pagkarating nila sa direksyon ko. They are both wearing jerseys, siguro may soccer practice sila. "Don't worry Vienna, kaming bahala sa'yo," wika rin ni Enzo. "Ito suotin mo para hindi nila malaman na ikaw ang kasama namin." At may kinuha si Britt sa loob ng bag niya. Isang cap, inabot din naman niya ito sa akin. It will be a big help after all. Sinuot ko naman ang bigay niya at inayos pa nito ang cap na suot ko. "Hali ka na Vienna," aya ni Enzo. Sumunod din naman ako sa kanila. Dumadami na ang mga tao, ang dami na ring nagpapa-register sa iba't-ibang clubs. May nagtitinda rin ng mga pagkain like ice creams, shake at milk tea, cotton candy at marami pang iba. Nakarating din naman kami sa Music Club at sobrang dami ng nagpapa-register. Ang haba ng pila at mukhang aabutin ako ng isang oras dito. "You can leave me here, kaya ko na thank you sa pagsama niyo sa'kin," sabi ko. "Ayos lang Vienna, sasamahan ka namin hanggang sa maka-register ka na," sagot ni Britt. "Mamayang 10 am pa naman ang practice, masasamahan ka pa namin na mag-ikot ikot at manuod ng show nina Sebastian," dugtong naman ni Enzo. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit na iniiwas ako ni Therese sa kanila, lumalapit pa rin sila sa'kin para samahan, tulungan at kausapin ako. "Vienna pwedeng magtanong?" Tanong ni Enzo, tumango naman ako bilang sagot. "Kayo ba talaga ni Tine Alvarez? Usap-usapan kasi sa university lalo na sa social media," nahihiyang tanong ni Enzo. May alam din pala sila tungkol sa bagay na 'yon. "Hindi 'yon totoo, it's just that gusto niya lang na iwasan siya ng mga fans niya. Kakakilala pa lang namin kahapon, nakita niyo naman 'yong reaksiyon ko 'di ba?" Tumango naman silang dalawa at ngumiti. Saksi silang dalawa sa nangyari kahapon sa labas ng room, hindi na nila kailangang marinig pa ang paliwanag ko. After mga 20 minutes na pila, nakapag-register na rin ako at may binigay silang maliit na papel sa'kin. Ngunit hindi na 'ko nag-abala pa na tingnan ito. "On Wednesday magkakaroon ng announcement, don't worry ipo-post naman ito sa bulletin board. Just keep updated lang okay? Thank you and good luck," sabi ng babae sa'kin. Nagpasalamat na lang din ako at umalis na kami. Sinamahan nga nila akong maglibot, pinuntahan namin ang iba't-ibang booth tapos bumili rin ng iba't-ibang pagkain. Nakakaenjoy naman pala silang kasama, 'di ko maiwasang hindi mapatawa at mapangiti nang dahil sa mga ginagawa at kinukuwento nila. "Pre.." tawag ni Britt kay Sebastian pero 'di niya napansin ang presensya ko. Nandito kami ngayon sa backstage kung saan naghahanda na sila para sa show. Ano kaya ang kakantahin nila? Bigla namang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko, I check it and it's my brother. Ano naman kaya ang kailangan nito sa'kin? I just answered the call at lumayo muna, nag-uusap pa naman sila. "Yes napatawag ka?" Bungad na tanong ko sa kaniya. (Punta ka ngayon dito sa field) Gagawin ko naman do'n? "Gagawin ko diyan?" Tanong ko naman. (Si Tine injured, kailangan ka niya rito) "As if I care, kuya I'm not his girlfriend kaya niya na 'yan malaki na siya," reklamo ko pero agad niya 'kong binabaan ng tawag. Nakakaasar siya, damn him! Kainis! "Vienna hali ka rito," tawag naman sa'kin ni Enzo. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala ako tinitingnan ni Sebastian. "Sorry but I have to go, si Tine kasi injured at kailangan ko siyang puntahan sa field. Salamat sa pagsama sa'kin Britt at Enzo, bawi ako bukas sorry." Bahala na kung magtaka sila pero kailangan ko nang pumunta ng field. That guy! Pinapahamak niya 'ko ng husto. ENZO'S POV Sasagot pa sana si Britt kaso agad ng umalis si Vienna. Bakit naman siya nagmamadali? Sabi niya wala silang relasyon ni Tine pero bakit nag-aalala ng sobra ang mukha niya? "Sabi niyo wala silang relasyon eh ano 'yon? Kulang na lang takbuhin niya papuntang field," seryosong saad ni Sebastian. Nagtaka tuloy kaming dalawa ni Britt dahil sa tono ng boses niya. Nagseselos kaya siya? "Oo pre, wala naman talaga at 'yon ang sabi sa'min ni Vienna kanina. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling," sagot ko naman. "Maghahanda na 'ko, pwede na kayong mag-practice sunod ako after ng show." At bigla na siyang umalis sa harapan namin. Hindi niya man aminin pero halatang nagseselos siya. "Hindi pa rin talaga nawawala ang feelings niya kay Vienna," sabi ni Britt habang sinusundan ng tingin si Sebastian. "Hayaan na natin siyang umamin bago tayo humusga, hali ka na pre." May chance pa kayang bumalik ang feelings ng isang tao once na ghinost siya ng taong mahal niya for almost 3 years? VIENNA'S POV Nakarating din naman ako sa field at hinanap na si Tine. Nakita ko naman siyang nakaupo sa isang bench at nakita niya na rin ako na naglalakad patungo sa direksyon niya. Napatingin naman ako sa field, nagulat na lang ako nang bigla silang magpalakpakan except kay kuya kasi parang wala siya rito ngayon. "Asan si kuya? Bakit niya 'ko pinapunta rito? Eh, naandiyan naman ang teammates mo?" Tanong ko kahit ang dapat kong itanong kung okay lang ba siya. As if naman na magiging mabait ako sa kaniya. "Hindi ko rin naman inasahan na pupunta ka rito 'tsaka 'yong kuya mo kakaalis lang." Pinagtitripan talaga ako ni kuya, gusto niya lang talaga akong asarin. Nakakarami na siya, humanda siya sa'kin dahil gaganti ako. Kinalma ko ang sarili ko, nandito na lang din naman ako tutulungan ko na lang siya. "Ano ba ang nangyari diyan?" Dumudugo na ang tuhod niya tapos may gasgas pa papuntang binti. Kinuha ko naman ang panyo sa bag ko at naupo paharap sa tuhod niya. Alam kong pinagtitinginan na kami pero in-ignore ko na lang. Tinali ko na rin naman sa tuhod niya ang panyo ko para tumigil ang pagdurugo at para hindi masikatan ng araw lalo pa na ang init-init ngayon. "Vienna sorry, sorry kung pinahamak kita at sorry kung nang dahil sa ginawa ko na-issue ka," biglang sabi niya. "Pang-ilang sorry mo na 'yan? 100? 200? 1000x?" Napatawa siya sa sinagot ko. "Yes naiinis pa rin ako sa'yo, gusto nga kitang suntukin eh," saad ko. "Tatanggapin ko kahit gawin mo na ngayon." "So gusto mo palang ma-bash at ma-issue ulit ako? Gagawin ko 'yon hindi sa harapan ng mga fans mo." Napatingin na talaga ako sa kaniya, mukhang natakot naman siya sa banta ko. "'Tsaka ano pang magagawa ko? Eh, nangyari na 'tsaka alam na ng lahat. Wala na 'kong takas, all I have to do is to accept the consequences of your actions. Alam ko namang lilipas din 'to. Don't worry I already accept your apology but still gusto kitang suntukin," mahabang lintanya ko pero nginitian niya lang ako. "Thank you Vienna at sorry sa abala. Dapat nando'n ka sa event at nag-e-enjoy pero nandito ka at tinulungan ako," sabi niya. "Ayos lang, nakapag-enjoy naman ako kahit mabilis lang. So ano kaya mo bang tumayo? Dadalhin kita sa clinic," sagot ko at tumayo na. Tumango naman siya bilang sagot. Dahan-dahan siyang tumayo pero bigla akong napalapit sa kaniya kasi naman para siyang matutumba. Napahawak siya sa balikat ko at ako naman sa baywang niya na naging dahilan para tuksuhin kami ng mga nakasaksi. "I'm sorry Vienna." Ito na naman siya sa kaka-sorry niya. "Isang sorry mo pa iiwan kita rito," banta ko na ikinatahimik niya. Ngayon ko lang napansin hanggang balikat niya lang pala ako tapos ang laki pa ng katawan niya. Makakaya ko kaya siyang dalhin sa clinic?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD