Chapter 12

1490 Words
"Ate Vienna, namiss ka namin." "Bakit ngayon lang po kayo bumisita?" "Matagal na po namin kayong hinihintay." "Ate, araw-araw na ba kayong bibisita rito?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na pisilin ang mga pisnge nila dahil sa mga sinabi at tanong nila sa akin. Sina sister nakangiti lang pero parang gusto na nilang pigilan ang mga bata. "Mga bata may pasalubong sa inyo ang ate Vienna niyo, here," biglang sabi ni Tine sabay abot niya kay Alicia, ang mas nakakatanda sa lahat ng bata dito sa orphanage. "Salamat ate Vienna, salamat din po kuya," nakangiting sagot ni Alicia. "You're welcome," sagot naman ni Tine sabay gulo ng buhok nito. "Kuya ano po ang pangalan niyo?" "Boyfriend po ba kayo ni ate?" "Bagay po kayong dalawa." Jusko naman! Ang mga batang 'to, grabe rin kung mag-isip. Ang lawak ng kanilang pag-iisip at imahinasyon. "Ako nga pala si Tine, kaibigan ng ate Vienna niyo," pakilala ni Tine. Nalungkot ang mukha nilang lahat dahil sa sinagot niya. Nag-e-expect silang lahat na boyfriend ko ang nilalang na 'to. "Mga bata pagsaluhan niyo ang pasalubong na bigay ng ate Vienna niyo, huwag mag-aaway maliwanag?" Wika ni sister Elizabeth. Sumunod naman ang mga bata sa sinabi ni sister at pagkaalis nila napayakap na 'ko kina sister. Sobrang namiss ko sila. "Namiss ko po kayong lahat," sabi ko. "Namiss ka rin namin anak, isang taon din tayong hindi nagkita. Sana tumawag ka man lang para nakapaghanda kami ng pagkain," sagot ni sister Fely. Siya ang mother superior nitong orphanage at pinakamatanda sa lahat ng madre rito. "Gusto ko po kasi talaga kayong sorpresahin kaya hindi na 'ko nag-abala pang tumawag," wika ko. "Na sorpresa mo nga kami Vienna, salamat sa pagbisita mo rito," nakangiting sambit ni sister Fiona, ang pinakabata sa lahat ng madre rito sa orphanage. Maganda siya kaso gusto niya talagang maglingkod sa panginoon. "Hijo, ikaw si Tine 'di ba?" Tanong ni sister Celia. Muntikan ko pang makalimutan na kasama ko pala si Tine. "Opo, Tine Alvarez po sister," sagot din naman niya. "Anong nangyari d'yan sa tuhod mo?" Nag-aalalang tanong ni sister Elizabeth. Si Tine halatang nahihiya, sina sister kasi nakatingin na sa tuhod niya. "Wala ho 'to sister, gumagaling na po siya, nadapa lang sa soccer practice," sagot niya. "Sa susunod mag-iingat ka." Napangiti naman si Tine sa sinabi ni sister Elizabeth. "Mabuti naman at may sinama kang kaibigan mo rito, hindi na kami mag-aalala sa tuwing aalis ka pauwi sa inyo," wika ni sister Louisa. Nag-aalala lang kasi sila sa'kin at alam ko naman kung bakit. "Hijo, pakibantayan nga itong si Vienna at iiwas mo siya sa ano mang disgrasya." Si Tine tumango naman at ngumiti bilang sagot kay sister Fely. "Opo sister, akong bahala sa kaniya," sagot ni Tine. "Pumasok na muna kayo sa loob para makapagpahinga," aya ni sister Celia pero umiling ako. "Sister 'di na kami magtatagal, gustuhin ko man kaso may kailangan pa po kasi akong gawin. Pasensiya na po kayo, pangako po babalik ho ulit ako rito," sagot ko, niyakap din naman ako ni sister Celia. "Okay lang anak, bumisita ka kahit anong oras hihintayin ka namin. Mag-iingat ka, kayo ni Tine. Namiss ka namin anak," wika ni sister Celia. Niyakap ako agad ni sister Elizabeth at napayakap na rin sa'kin sina sister Fely. Mamimiss ko silang lahat lalo na ang mga bata. Sana makabisita ulit ako rito. Nasa biyahe na kami ngayon ni Tine. After ng mga nangyari kanina sobra ang saya na nararamdaman ko. Parang halos lahat ng problemang iniisip ko nawala dahil sa yakap nina sister at ng mga bata. "Halatang ang saya mo," biglang sabi ni Tine. Nilingon ko naman siya at nakangiti ang loko. "Napakaimportante siguro nina sister at ng mga bata sa buhay mo," dugtong pa niya. I suddenly remembered what happened 3 years ago. Sobra akong nagpapasalamat sa tulong nina sister at ng mga bata para lang maka-recover ako from the accident. Kung hindi dahil sa tulong nila baka wala na talaga akong ni isang naaalala ngayon. "Vienna, ayos ka lang?" Napalingon ako ulit kay Tine, nakikita ko sa mga mata niya ang pag-alala. "Yeah, okay lang ako.. may naalala lang," sagot ko. "Care to share? Willing akong makinig. Malayo pa naman ang bahay ko 'tsaka medyo traffic pa." Should I trust him? Nakikita ko naman ang sincerity sa mga mata niya pero ayokong ikuwento sa kaniya ang nangyari sa'kin 3 years ago. Only Michelle knows my story at ayoko ng ibahagi 'yon sa iba. "Tumira kasi ako for almost 1 year sa orphanage then after that bumalik ako ng US at do'n na tumira. Umuuwi lang ako rito sa Pilipinas every first day of the month para bisitahin sina mom." I didn't tell him the whole story, ayoko naman na malaman niya lahat. "Kaya naman pala napamahal ka na sa kanila at kaya rin pala hindi kita na-meet before kahit na palagi akong sinasama ng kuya mo sa bahay niyo. 'Yon pala sa orphanage at sa US ka tumira. Kinuwento naman sa'kin ni Vince bakit ka sa amerika tumira pero hindi niya sa'kin naikuwento ang tungkol sa orphanage." Kinukwento pala ako ni kuya sa kaniya, pero never naman nagkwento sa'kin si kuya tungkol sa kaniya. Hindi ko pa naman na-meet si Tine before kasi nga sa orphanage ako tumira. "Tine, thank you nga pala sa pagsama sa'kin," sabi ko na ikinagulat niya. "You're welcome Vienna, salamat ulit sa pagtulong mo sa'kin at sorry ulit sa nagawa ko." "It's fine Tine, no need to say sorry ayos lang," sabi ko at nginitian siya. He smile in return. After ng isang oras na biyahe naihatid ko na rin si Tine sa bahay nila, ako pa talaga ang naghatid 'di ba? Anyways, malaki ang bahay nila tapos may malawak na garden at ang dami ring nakatanim na bulaklak. Ayoko naman na sanang pumasok sa bahay niya kasi 6:30 pm na kaso nagpumilit siya, kaya 'di na ko nakahindi. "Mom, I'm home," sabi niya pagkapasok namin sa loob ng bahay nila. Ang ganda ng loob, ang daming picture na naka-display, vases, chandeliers at ang ganda rin ng pagkakadesign ng bahay. Meron silang tatlong kasambahay na abala sa paghahanda ng mga pagkain sa mesa. "Finally, nakauwi ka na." Napatingin ako sa isang babaeng pababa ng hagdan na nasa edad 30 to 35 years old. Siguro ito na ang mom niya kasunod nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay dad niya. "Good evening po," bati ko bilang paggalang at napatingin din naman silang dalawa sa'kin. Ang mama niya agad ngumiti sa'kin ng pagkatamis gano'n din ang dad niya. "Hindi mo naman sinabi anak na may kasama ka pala. Hi hija good evening too, anong pangalan mo? Girlfriend ka ba ni Tine?" Nakangiting wika niya. Sinasabi ko na nga ba, 'yan agad ang iisipin nila. Siguro wala pang ni isang babae na dinala rito si Tine. Ang gwapo pero walang girlfriend. "Mom she's not my girlfriend, kapatid siya ni Vince," iritadong sagot ni Tine. Parang gusto ko tuloy tumawa dahil sa reaksiyon niya. "Oh I'm sorry hija, hindi man lang kita nakilala gumanda ka kasi lalo ngayon. Kumusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita, taon na yata? Tama ako, 'di ba?" Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Na-meet ko na siya before? Bakit hindi ko siya naaalala? Hindi man lang siya naikuwento sa'kin ni mom o 'di kaya ni kuya. "Nagkakilala na ho tayo before?" Takang tanong ko na ikinagulat ng mom ni Tine lalo na ang dad niya. "Akala ko nagsisinungaling lang sila, so it's true. I'm Victoria, Tine's mom and this is Timothy my husband, Tine's father. Na-meet na kita before, 13th birthday ng kuya mo no'n," sagot niya na lalo kong ipinagtaka. Hindi ko talaga siya matandaan at hindi ko na rin matandaan kung ano ang mga nangyari sa birthday ni kuya. "Umm, let's eat, nasa mesa na ang mga pagkain. Vienna hija, dito ka na maghapunan, sumabay ka na sa'min," wika ng dad ni Tine nang 'di na ako nakasagot sa sinabi ni tita. Pagkaupo ko sa silya, still iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Kahit si Tine napansin kong nag-iisip din, siguro nagtataka rin siya. Nagsimula na rin naman na kaming kumain. Tahimik ang hapag pero napapansin kong napapatingin sa'kin ang mom ni Tine. "Vienna hija, ayos ka na ba ngayon?" Biglang tanong ng dad ni Tine na ipinagtaka ko pero hindi ko ipinahalata sa kanila. "Opo tito, ayos na po ako," tanging sagot ko. "Good to her that. Be careful, okay? Umiwas ka na sa disgrasya. And by the way ikamusta mo na lang kami sa mom at tito Lucas mo," aniya. Tumango na lang ako bilang sagot. How come na hindi ko sila nakilala at naalala if kilala nila si mom at tito Lucas? Wala ba silang alam sa nangyari sa'kin 3 years ago? Hindi kaya sila sinabihan? How come? Masyado na ba talagang nasira 'tong utak ko kaya pati sila nakalimutan ko na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD