Chapter 11

1496 Words
Hindi ako pumasok kinabukasan hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil sa magpa-practice ako buong araw. After nung nangyari, hindi na 'ko nagtagal pa sa university, umuwi na 'ko agad before lunch. Kumalat na sa social media ang litrato namin ni Sebastian at naging usap-usapan na rin ito sa university. Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nagpa-practice. Kabisado ko naman na kaso inuulit ko para maging perfect. Kasama ko rin ngayon si kuya, mamayang 1 pm pa ang practice niya tapos si mom at tito nasa trabaho na. "Vienna.." Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto, si kuya. "Yes?" Sagot ko na lang. "Kakain na, nakahanda na ang lunch sa baba," sabi niya pero umiling ako. Hindi pa naman ako nagugutom. "Hindi ka pupunta ng university?" Tanong niya at umiling na naman ako bilang sagot. "Vienna, iwasan mo nga si Sebastian." Nilingon ko naman siya at nagtatakang napatingin sa kaniya. "Why? Wala namang ginawang masama sa'kin 'yong tao. Bakit ko iiwasan?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya. I'm just telling the truth, hindi naman masamang tao si Sebastian para iwasan ko. "Wala nga pero dahil sa kaniya nai-issue ka sa university. Alam mo naman na sikat 'yon at habulin ng babae. Kabago-bago mo ro'n pero pangalawang beses ka nang pinag-uusapan ng mga estudyante," sagot niya. Napatayo na 'ko at napahalukipkip sa harapan niya. "So bakit hinahayaan mo 'kong makalapit sa kaibigan mo? 'Di ba nang dahil sa kaniya na-issue din ako? Dapat ko rin ba siyang iwasan ha? Kuya? Habulin din naman ng babae ang kaibigan mo ah, siya kaya ang sabihan mo na iwasan ako," kunot-noong tugon ko. Hindi na nakasagot si kuya. Lumabas na siya ng kwarto ko, sinara ko naman ang pinto at napaupo sa kama. Bakit kaya may mga gano'ng tao sa mundo? Mga malisyoso't malisyosa, judgementals! Sinisira lang nila ang dignidad ng isang tao. BRITT'S POV Katatapos lang ng soccer practice namin, nagpapahinga kami ngayong tatlo sa isang bench sa harap ng field. Ngayong araw hindi ko nakita si Vienna, hindi kaya siya pumasok? Sa tingin ko umiiwas siya na pag-usapan ng lahat. Kainis ba naman kasi ang mga fans ni Sebastian, mga selosa! "May hinahanap ka, pre?" Tanong ni Enzo. "Si Vienna, nakita mo ba siya?" Tanong ko pero umiling naman siya bilang sagot. "Kabago-bago niya rito sa university tapos ginagawan na siya ng issue na hindi naman totoo. Hindi naman 'yon manhid para hindi masaktan o maapektuhan," sagot ni Enzo. "Mga fans mo ba naman kasi pre ang tindi magselos, konti na lang sakalin na nila si Vienna," dugtong pa ni Enzo na ikinatawa ko. "Wala akong pakialam sa kanila, hayaan niyo silang magselos. Mapapagod din ang mga 'yan," sagot ni Sebastian. "Pinagalitan mo raw si Therese kahapon, bakit mo naman daw ginawa 'yon? An'dami tuloy niyang tanong sa'min," saad ni Enzo. Kahit ako curious din kagaya niya. Kilala namin si Sebastian, walong taon na kaming magkakaibigan. Nasa ugali niya na ang pagiging sweet at maalaga. Pinaparamdam niya 'yon sa lahat ng babae before lalo na kay Vienna. "Concern ka ba kay Vienna, pre?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya na ipinagtaka naming dalawa ni Enzo. "Yes, I am," sagot niya. Tama nga ako concerned siya kay Vienna. Hangga't maaga pa kailangan na naming malaman kung si Vienna ba talaga ang Vienna Malvar na minahal niya 3 years ago. "Sinasabi ko na nga ba, kaso pre hindi pa tayo sigurado kung siya nga 'yon. Akala ko ba iiwasan mo siya?" May bahid ng inis ang tono ng boses ni Enzo. Alam kong concern lang siya kay Sebastian, saksi kaming dalawa sa mga panahong lugmok at sobrang nasasaktan ang kaibigan namin dahil sa pag-iwan sa kaniya ni Vienna. "Hindi ako gano'n kasama para hindi siya tulungan. Pinipilit ko naman eh kaso 'yong kahapon, alam ko sa sarili ko na kailangan niya 'ko. Pero sa oras na malaman kong siya nga, iiwasan ko siya at pipilitin kong iwasan siya," seryosong tugon ni Sebastian. Halata sa boses niya na nasasaktan pa rin siya at halata rin sa kaniya na mahal niya pa si Vienna. Sino ka ba kasi talaga Vienna Malvar? Ginugulo mo ang isip namin. Hahanap na talaga kami ng paraan para malaman kung siya nga ang kaibigan ko at ang nag-iisang babaeng minahal ni Sebastian 3 years ago. VIENNA'S POV Ilang beses na kaya akong napahikab? Lima? Sampu? Pero once na humiga ako hindi naman ako makatulog. 2pm na ng hapon at kay bilis lang ng oras. Kanina panay practice lang ako tapos kapag napagod, kakain. Hays, ano ba ang pwede kong gawin? Maghahanda para bukas? Eh, ready naman na 'ko. Ang gulo ko rin, kumusta na kaya sa university? Kumusta kaya si Tine? It's already 2:30 pm, nakabihis ako ngayon dahil pupunta ako ng orphanage. Gusto kong bisitahin ang mga bata lalo na sina sister. Matagal ko na rin silang hindi nabisita mga halos isang taon na yata. Pagkalabas ko ng bahay, sumakay na rin naman ako sa sasakyan ko. Pupunta muna akong supermarket, bibilhan ko lang ng pasalubong ang mga bata. After mga 30 minutes nakarating din naman ako. Pagkatapos kong maiparada ang kotse pumasok na lang din ako sa loob para makabili na. Nakapili na rin naman ako ng ipapasalubong ko sa kanila. Tatlong packs ng candy at limang packs ng biscuits. 'Yong iba juice at bottled water. Siguro magkakasiya na rin naman na 'to sa kanilang lahat. "Vienna?" Napalingon ako agad, si Tine. "Bakit ka nandito?" Takang tanong ko at napatingin sa tuhod niya. Band aid na lang ang nakalagay, siguro gumagaling na. "Ano ba ang ginagawa sa supermarket?" Pilosopong tugon niya. Kairita talaga ang lalaking 'to, namimilosopo pa. "Biro lang, inutusan ako ng mom ko na bumili ng groceries at bilhan ng laruan ang kapatid kong kambal." May kapatid siya? Nakakagulat naman niyon. "Ahh I see, by the way kumusta na 'yang tuhod at binti mo?" "Medyo okay na siya, nakakalakad na rin ako ng maayos." "Mabuti naman, pero ang sabi ng nurse hindi ka makakalaro muna at 'yon ang bilin niya sa'kin," sabi ko at tumango naman siya bilang sagot at ngumiti sa akin. "O sya, nagmamadali ako. See you bukas," dugtong ko at hindi ko na hinintay pa na makasagot siya. Gustong-gusto ko na kasing makita ang mga bata lalo na sina sisters. Pumila rin naman na 'ko at nagbayad na. After niyon lumabas na rin ako ng supermarket. Pero nakita ko si Tine na parang may hinihintay. Sino naman kaya? "Tine? May hinihintay ka?" Tanong ko nang makarating ako sa puwesto niya. Napatingin siya sa'kin at agad kinuha ang dalawang plastic na bitbit ko. "Oy sandali Tine, kaya ko na," sabi ko nang magsimula na siyang maglakad. "Naandito nga ako para tulungan ka kaya naghintay ako sa'yo rito sa labas. Ako na at kaya ko naman, don't worry," nakangiting sagot niya. Ang tigas din ng ulo nito. "Saan kotse mo?" Tinuro ko naman ang kotse ko nang makarating kami sa pinagparkingan ko. Nilagay niya rin naman sa loob ng compartment ang mga binili ko. Nakapagtataka ang mga kinikilos niya. "By the way, saan ang punta mo?" Tanong niya nang maipasok niya na lahat. "Sa orphanage, dadalawin ko lang ang mga bata at sina sister. Alis na 'ko ah? Ingat ka sa pag-uwi," sagot ko at papasok na sana sa kotse nang pinigilan niya 'ko sa braso. "Pwedeng sumama?" Tanong niya. Kasalukuyan na 'kong bumabiyahe papuntang orphanage kasama 'tong si Tine. Ayoko naman sana siyang isama kaso nga lang nagpumilit kaya ayun napilitan na 'kong isama siya. "Paano yung mga pinamili mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko at parang nagbibingi-bingihan lang ang loko. "Kasama ko naman ang family driver namin kanina, siya na ang bahala sa mga 'yon," sagot niya at nilingon ako. Hindi na 'ko nagsalita, in-open ko na lang ang stereo at nakinig ng music. "Sabi ng kuya mo sa'min, mag-au-audition ka raw sa Music Club bukas?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. "Manunuod kami sa'yo, susuportahan ka namin," dugtong niya. Tumahimik na rin naman na siya pagkatapos at 'di na rin ako nagsalita. Gusto ko kasi na tahimik dito sa loob ng kotse ko. Mga halos 45 minutes na biyahe nakarating din naman kami sa orphanage. Walang alam sina sister na bibisita ako, gusto ko rin kasi silang sorpresahin. Bitbit ni Tine ang mga pinamili ko at mukhang 'di pa napapansin nina sister ang presensya naming dalawa. Kasalukuyan kasi silang nag-uusap habang 'yong mga bata naglalaro sa damuhan. I really miss them! Buti na lang lumingon si sister Fiona sa direksyon namin, nagulat siya nang makita ako at napatakip pa siya ng bibig niya. "Sisters, si Vienna," naisambit niya. Dahil sa sinabi niya, nagsilingon na rin ang ibang mga madre sa direksyon ko. Napangiti naman ako at lumingon na rin sa'kin ang mga bata. "ATE VIENNA!!" Malakas na sigaw ng mga bata. Nagsitakbo silang lahat patungo sa direksyon ko at niyakap ako agad. Napangiti naman ako dahil sa sobrang higpit ng mga yakap nila. Namiss ko silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD