Chapter 13

1543 Words
TINE'S POV After naming kumain ng dinner, niyaya ko muna si Vienna sa garden para na rin makausap ko siya at maging malinaw sa akin ang lahat. Nagtataka kasi ako kanina, na meet na ni mom si Vienna before pero bakit hindi ko siya na meet sa kaarawan ni Vince? How come eh nandoon ako sa celebration? Alam ko si Vienna lang ang makakasagot nito. Nakaupo siya sa isang swing. Alam kong nag-iisip siya at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya kanina. My mom still remember her pero siya hindi na, kahit matagal na panahon na 'yon I still remember what happened sa party. Naupo ako sa bakanteng swing right next to her at tiningnan siya pero nakatingin siya sa malayo. Anong nangyari kaya sa kaniya before? Bakit parang wala siyang naaalala? "Vienna, is it okay to ask you some questions?" Tanong ko at tumango naman siya bilang sagot. "If nameet ka na ni mom before, how come na hindi kita nakilala at hindi mo sila naalala?" Tanong ko pero hindi siya nakasagot agad. Ang lalim ng mga iniisip niya, nakikita ko na rin ang lungkot sa mga mata niya. "Vienna, may nangyari ba noon? P'wede mo bang ikuwento sa'kin?" Muling tanong ko at saka lang siya napatingin sa'kin. I already saw the pain from her eyes, natatakot siyang magkuwento, nararamdaman ko. "3 years ago, I'm into a car accident," malungkot na sambit niya na ikinagulat ko. Three years ago? Pero bakit hindi na ikuwento sa'kin ni Vince ang nangyari sa kapatid niya. "I'm only 16 that time, may konting alam na sa pagda-drive. Pagkauwi ko sa bahay nakita ko na may kahalikan si mom na lalaki. Sa mga panahong 'yon, doon ko lang nalaman kung sino ang kabet niya na naging dahilan ng paghihiwalay nila ni dad. Sobra akong nasaktan sa mga nakita ko, hindi ako makapaniwala na magagawa 'yon ng mom ko. Umalis ako ng bahay dala ang kotse niya at hinabol nila ako pero hindi ako tumigil. Pinaharurot ko lang ang kotse hanggang sa nabangga ko ang isang ten wheelerd truck. Pagulong-gulong ang kotse sa daan at hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. At sa puntong 'yon, naisip ko na 'yon na ang katapusan ko." Halata sa boses niya ang sakit na pinagdaanan niya. Nakikinig lang ako ngunit nasasaktan sa kuwento niya. "Wala na 'kong naririnig sa mga oras na 'yon pero alam ko na nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. Mahigit dalawang linggo rin akong na coma, pagkagising ko hindi ko nakilala ang mga tao na nasa harapan ko. Sabi ng doktor, nagkaroon ako ng retrograde amnesia caused of major head injury at mahihirapan ako na alalahanin at balikan ang mga pangyayari sa nakaraan ko. Pero laging laman ng panaginip ko ang dalawang taong naghahalikan at ang nangyari sa'king aksidente. Dumaan na 'ko sa iba't-ibang therapy, consultation, at medication pero hindi pa rin bumabalik ang memory ko." Nangingilid na ang luha sa mga mata niya na parang ano mang oras ay bubuhos na ito. Lumapit na 'ko sa direksyon niya at marahan siyang kinabig paharap sa'kin para yakapin. Wala akong masabi pero nasasaktan ako sa bawat kuwento niya. "Kaya naging close ako kina sister kasi tumira ako sa orphanage, tinulungan nila ako sa recovery ko. Kung hindi dahil kina sister at ng mga bata baka tuluyan ng nasira ang buhay ko at baka hanggang ngayon wala pa rin akong ni isang naaalala mula sa nakaraan ko. After 4 months bumalik na 'ko sa US at hindi na 'ko umuwi rito sa Pilipinas, at hindi ko na binisita sina mom at kuya. And last year December 15, nabalitaan naming may sakit si dad, colon cancer stage 4. For almost 7 months na stay ni dad sa hospital, hindi rin pala siya magtatagal dahil iniwan niya na 'ko." Humagulgol na siya at hindi ko rin napigilan ang sarili ko na umiyak but still nakayakap pa rin ako sa kaniya. "After what happened kay dad, na aksidente ulit ako at hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan pa 'ko ng panginoon na mabuhay. Dahil sa aksidenteng 'yon, mas lalong lumala ang kondisyon ko. Dumaan ulit ako sa isang therapy pero wala namang saysay. Hindi ko na pinilit ang sarili ko na alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan ko." Naging malinaw na sa'kin ang lahat, naintindihan ko na. Hindi ko akalain na ang isang tulad niya mapagdadaanan ang gano'ng bagay. Masyado pa siyang bata na maranasan ang gano'ng kadilim at masakit na nakaraan. Gusto ko siyang tulungan pero paano? Anong gagawin ko? VIENNA'S POV After ng mga napag-usapan namin ni Tine, nagdesisyon na rin akong umuwi na. Nagpaalam na rin ako sa mom at dad niya lalo na sa kaniya. Pagkapasok ko ng kotse, agad akong napayuko sa manubela. Hindi ko inaasahan na mag-o-open up ako kay Tine. Nakikinig lang siya habang nagkukwento ako pero ramdam ko ang mahigpit niyang yakap kanina. Tama nga sila, mabait si Tine at maalaga. Nagpapasalamat ako sa kaniya kasi nandiyan siya para mapaglabasan ko ng sama ng loob. I really appreciate his concern, para na rin siyang nakakatanda kong kapatid. Naalala ko na naman ang mga nangyari sa'kin 3 years ago. Ang dami ko ng ginawang paraan para lang bumalik ang memory ko pero walang magandang nangyari. Hindi curable ang condition ko, walang gamot kundi magfo-focus sa therapies at techniques na makakatulong sa pag-improve ng buhay ko. Konti pa rin ang naalala ko kahit ang mga taong naging parte nang buhay ko hindi ko sila naaalala o nakikilala. Dahil sa mga kuwento ni kuya at mom saka ko lang sila matatandaan. Ngunit ang nag-iisang tanong ko kina mom kung may naging kaibigan ako before pero hindi nila magawang sagutin ng diretso. Meron daw pero hindi na nila tanda ang pangalan. Ewan ko kung totoo ba ang mga kinuwento nila sa'kin o hindi. Now I'm 19 but I can't remember anything and I think I'm in a stage of permanent amnesia. This condition deals with forgetting my old memories but still I'm hoping and praying that I will remember at least one episodic memories from my past. (Thursday, September 8, 20**) "University Gymnasium, Music Club Audition, 1st set of 100 participants 9:00 am to 12:00 pm." Binasa ko ang nakasulat sa bulletin board. Akala ko pa naman sa Music Club lang gaganapin pero bakit sa gym? Hindi naman ako kinakabahan pero bakit do'n pa? Ang pangalan ko nakalagay sa 1st set, number 28 at med'yo matagal pa. Bawat studyante na mag-au-audition meron lang 3 minutes na mag-perform on stage para na rin mabilis matapos ang 1st set. Kasama ko ngayon sina Therese, sa gym na ang punta namin kahit 7:48 am pa lang. Gusto raw kasi nilang umupo sa harap para kitang-kita nila ako once ako na ang kakanta. Pagkarating naman namin sa gym, maraming tao na ang nasa loob para manuod at parang big event lang ng Music Club. Pumunta naman na sila sa harap habang ako nagtungo sa back stage. Pagkarating ko, an'dami na ring naghihintay at naandito rin ang old members ng Music Club kasali na riyan si Sebastian. Mamaya ko na siguro ibabalik 'yong jacket at pick na pinahiram niya. Mukhang busy siya at hindi niya napansin ang presensya ko rito. After a minute, nagpunta si Kuya Dim sa direksyon namin kasama sina ate Sheene at saka lang ako nakita ni Sebastian pero hindi naman nagtagal ang tingin niya sa'kin. "Everyone, may I have your attention please just for a minute before we start," sabi niya. Napatingin naman kami sa kaniya lahat pero mukhang worried ang itsura niya. "Ngayong taon na ito lang nangyari ang ganitong sitwasyon at nalaman ko na ang iba sa inyo sumali lang sa Music Club dahil sa isang lalaki," wika ni kuya Dim. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh pero buti na lang alam ni kuya Dim ang dahilan kung bakit madami ang sumali sa Music Club. "Mahigit 20 years na rin ang Music Club at nagbigay ito ng karangalan sa university. Ayoko naman kayong takutin pero 'yong mga judges na makakaharap niyo, ipapahiya kayo sa lahat kapag hindi naging maganda ang performance niyo. Ngayon, may chance pa kayo para mag-backout, ayokong masira ang reputasyon ng club dahil sa inyo," seryosong saad ni kuya at mukhang natakot naman ang iba. Agad silang tumayo sabay bitbit ng mga gamit nila. Hindi na nagulat si kuya Dim, alam niya rin naman na ito ang mangyayari. Kokonti na lang kami ang natira rito at saka naman napabuntong hininga si kuya Dim. Nagsilapitan sa amin ang ibang old members ng Music Club na nakilala ko na rin noong isang araw pero ang ikinagulat ko kung bakit lumapit sa'kin si Sebastian. Nagtaka naman sina ate Sheene mas lalo na ako. Anong gagawin niya? I mean bakit siya lumapit? "Okay na ba ang mga daliri mo? Nakaka-strum ka ba ng maayos?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin. Hindi ako nakasagot agad kasi naman 'yong titig niya. Ang boses niya parang musika sa pandinig ko, kalmado at halatang nag-aalala sa'kin. "Oo, okay na, salamat. Ibabalik ko na lang ang jacket at pick mo mamaya," sagot ko at tumango naman siya. "Sige, good luck," sabi niya bago siya umalis. Bakit kaya 'di siya makatagal na tumingin sa'kin at kausapin ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD