"Hey, girlfriend ni Tine."
Tuluyan ng nasira ang mood ko sa tatlong babaeng dumating. Naupo pa talaga sila sa harapan ko sabay lapag ng drinks na binili nila. Aalis na sana ako kaso pinigilan naman ako ni Liezel.
"Ayaw mo bang makasama kami? 'Tsaka ba't ka nandito? Samantala 'yong boyfriend mo nando'n sa field at injured."
Nandito si Tine? Bakit pa pumasok ang asungot na 'yon? Pero nag-init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko boyfriend si Tine pero ang pangit sa pandinig ng mga sinabi niya.
"Sa Music Club ka sumali?" Tanong ni Rachelle. Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. I don't like their presence here.
"Dahil din ba kay Sebastian kaya ka sumali sa Music Club?" Tanong naman ni Mae.
"Gusto mo rin bang magpapansin kay Sebastian? You don't need to do that, kasi wala naman kayong mapapala sa kaniya." Nakakapikon na 'tong si Liezel, nakakaubos siya ng pasensiya pero kalmado pa rin ako. Ayokong maging defensive sa harapan nilang tatlo. Mga impostor!
"Good luck na lang sa'yo, Vienna."
Tumayo na silang tatlo at umalis na sa harapan ko. Saka ako napabuntong-hininga ngunit pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman ko na lang ang malamig na bagay na umaagos sa balikat ko.
"Ops! Sorry.."
Boses 'yon ni Rachelle at alam kong sinadya niyang gawin 'yon. Pero umalis sila agad, an'daming nakakita sa ginawa niya at pinagtinginan tuloy ako pero in-ignore ko na lang. Ngayon pa talaga na wala akong extrang damit tapos itong damit na suot ko manipis at kapag nabasa kitang-kita ang suot kong bra. Tinakpan ko na lang ang dibdib ko gamit ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay ko kinuha ang gitara at binalik sa lalagyanan nito. Nakakainis silang tatlo, s**t that bitches! Evil witches!
"Vienna..."
Tuluyan ko nang tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawang kamay ko nang dumating sina Britt kasama si Sebastian. Nakakahiya na makita nila akong ganito. Pero nanlalagkit na ang buo kong katawan.
"Anong nangyari?" Tanong ni Britt. Hindi ako nakasagot agad kasi pinagtitinginan na kami rito.
"Vienna basa ka, may extra akong damit sa locker kukunin ko-" Akmang aalis na si Enzo pero pinigilan ko siya.
"Okay lang Enzo, s-si Therese papunta na."
Pero nagulat na lang ako nang lumapit si Sebastian sa direksyon ko. Nang makarating siya sa harapan ko, hinubad niya ang suot niyang brown na jacket at pinasuot sa'kin. Halos lahat ng atensiyon nasa amin na, an'dami na ring nagbubulungan at may kumukuha na rin ng litrato.
"Suotin mo hangga't hindi pa dumating si Perez," aniya at umalis na sa harapan ko. 'Di ko man lang nagawang magpasalamat kasi tuluyan na siyang umalis mag-isa.
"Ang sweet naman ni Sebastian."
"Swerte ng babae, sino kaya siya?"
"Magkakilala kaya sila?"
'Yan ang mga naririnig ko sa paligid kahit ako nagtataka rin. Kapag nalaman 'to ng mga fans niya lagot ako.
Bakit kaya concern sa'kin si Sebastian ngayong araw? Anong nakain niyon?
"Pre, kunin mo na 'yong extra mong t-shirt, ang tagal ni Therese," rinig kong utos ni Britt at tumakbo paalis si Enzo. Sorry to them, I lied.
"Okay ka lang? Ano bang nangyari?" Tanong ni Britt.
"Aksidente akong nabuhusan ni Rachelle ng drinks pero okay lang ako," sagot ko naman. Pero mukhang 'di siya naniwala sa sinagot ko. Nakabalik din naman si Enzo at na konsensiya tuloy ako.
"May malapit na CR do'n, kami na munang bahala rito sa gitara mo." Sinunod ko naman ang utos ni Britt. He's just like my older brother at mas concern pa siya kaysa sa kuya ko.
Nakapagbihis na ako ng damit, medyo may kalakihan pero okay na 'to kesa naman magkasakit ako. Thanks to the both of them, sobrang bait nila sa'kin.
"Salamat sa damit Enzo," sabi ko pagkabalik ko sa puwesto nila. Nilapag ko muna ang jacket na pinahiram ni Sebastian at inayos na ang gitara ko. Dumating din naman si Therese at Michelle, at halatang nag-aalala ang mga ito sa'kin.
"Vienna anong nangyari? Okay ka lang ba? Anong ginawa nila sa'yo?" Tanong ni Michelle pagkarating nila sa puwesto ko.
"Mga kontrabida ng taon, mga demonyita. Grr!! Kainis na sila," galit na sabi ni Therese. Mukhang 'di man lang nila napansin ang presensya ni Britt at Enzo.
"Okay lang ako 'tsaka pinahiram na 'ko ng damit ni Enzo," tugon ko at saka lang nila nilingon sina Britt pero inirapan lang nila ang dalawa.
"Iyang kaibigan niyo pinagalitan ako. Ang bagal ko raw kumilos at walang kwentang kaibigan," galit na sambit ni Therese sa dalawa.
It's all my fault, I lied. Pero bakit siya pinagalitan ni Sebastian?
"Sorry, nagsinungaling ako sa inyo. Hindi ko naman talaga kasama si Therese kanina at mag-isa lang ako. Ayoko lang kasi na maabala ko kayo. Therese, sorry kung pinagalitan ka ni Sebastian nang dahil sa'kin," paumanhin ko sa kanila. Kaagad na lumapit sa'kin si Therese at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Vienna, okay lang, may kasalanan pa rin naman ako kasi wala ako sa tabi mo habang inaaway ka ng tatlong bruhilda na 'yon," sagot ni Therese ngunit ramdam ko ang inis sa boses niya.
"Me too, sorry Vienna. Kung nandito lang sana kami, pinagtanggol ka na namin do'n sa tatlo," wika ni Michelle.
"Pero kainis pa rin 'yang kaibigan niyo. Bakit siya nagagalit? Ano concern siya kay Vienna? At bakit? Why all of the sudden naging mabait siya? Bakit kay Vienna lang?" Sunod-sunod na tanong ni Therese at bakas pa rin ang inis sa boses niya.
Nakakagulat ang mga tanong niya. Kahit sina Britt nagulat at halatang natakot sa mga tanong niya.
"Girl kalma lang," natatawang wika ni Michelle habang minamasahe ang balikat ni Therese. Palihim naman akong napatawa.
"Kahit kami hindi rin namin alam 'tsaka nagulat din kami kanina nung pinasuot ni Sebastian 'yong jacket niya kay Vienna," saad ni Britt.
"PINASUOT NI SEBASTIAN ANG JACKET NIYA KAY VIENNA?!"
Jusko! Gulat na gulat? Sabay pa talaga silang dalawa na sabihin 'yon. Nagtaka tuloy ang mga estudyante na nasa paligid namin.
"Ito ba 'yon?" Tanong ni Michelle at dinampot ang jacket na pinahiram sa'kin ni Sebastian. Marahan naman akong tumango bilang sagot.
"Ang swerte mo naman, Vienna. Bakit kaya concern sa'yo si Sebastian? May pasuot pa siya ng jacket sa'yo," kinikilig na wika ni Therese. Sinundot pa niya 'ko sa tagiliran eh kanina galit na galit 'to no'ng pinagalitan siya ni Sebastian.
"Tinanong mo pa talaga si Vienna. Kung ako sa'yo, si Sebastian ang lapitan at tanungin mo," sabat naman ni Britt, inirapan tuloy siya ni Therese.
"Kung ang mga fans nga niya ayaw niyang kausapin, si Therese pa kaya? Utak mo Britt," sabat din ni Michelle.
"Vienna, nasa social media ka na naman. Ikaw na naman ang pinag-uusapan." Napatingin kaming lahat kay Therese na kasalukuyang nakatingin sa phone niya at may binabasa.
"Bakit girl? Ano na naman 'yan?" Nagtataka na tanong ni Michelle.
"May nag-post ng picture niyo ni Sebastian sa i********:. An'dami na ring nagco-comment parang halos lahat galing sa fans club niya. Ang iba naiinggit, naiinis at nagagalit sa'yo Vienna," tugon niya at pinakita ito sa'min.
Ang nakakainis lang binibigyan nila ng malisya ang isang litrato tapos ginagawan ng kung anu-anong kuwento para mapag-usapan lang ng lahat.
"Ito may isang nag-comment, "Paano na si Tine? magjowa sila, 'di ba?" Talaga namang naniwala rin sila sa bagay na 'yon tungkol sa inyo ni Tine. Bakit kasi hindi pa umamin si Tine na walang kayo para tigilan ka na rin ng mga fans niya?" Saad ni Michelle. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Kaka-transfer ko pa lang sa university na 'to pero pangalawang beses na akong na issue.
"Huwag mo na lang pansinin Vienna, wala lang magawa ang mga 'yan. Titigil din sila, hindi pa nga lang sa ngayon," wika ni Britt at napilitan naman akong ngumiti.
"Napakamisteryoso ba naman kasi ng kaibigan ninyo. Gwapo nga masungit naman. Tapos ngayon nagpapakasweet kay Vienna, 'di kaya gusto niya 'tong kaibigan ko?" Wika ni Michelle pero may bahid ng pang-aasar ang tono ng boses niya.
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. 'Yon ba naman kasi ang isipin niya na malabo namang mangyari.
"Alis na muna kami. Bye, Vienna," paalam ni Britt at umalis na silang dalawa. Naiwan na kaming tatlo rito pero ako nagtataka pa rin sa mga nangyari.
Bakit kaya masyado siyang concern sa'kin?
Ang unfair niya masyado. Hindi rin naman big deal 'yon sa'kin kaso nakapagtataka lang ang mga kinikilos niya. Akala ng lahat masama siya, pero hindi naman pala. May kabaitan pala siyang taglay kaya palihim naman akong napangiti dahil sa ginawa niya.