Chapter 8

1802 Words
"Matangkad ka kaysa sa'kin, halos lahat ng bigat mo sa'kin mapupunta. Kaya umayos ka, baka siyam-siyamin tayo bago makarating sa clinic." Tumango naman siya bilang sagot. Dahan-dahan ko siyang inakay at ginawa niya rin naman ang sinabi ko. Ngunit napapatawa ako nang palihim kasi napapangiwi siya once na dumapo ang kanang paa niyang injured sa lupa. Medyo malapit na rin naman kami ngayon sa clinic kaya tumigil na muna kami at pinagpahinga siya saglit. Naaawa na kasi ako sa itsura niya at mula rito sa puwesto namin pinagtitinginan na kami. "Baka pagod ka na, pwede mo na 'kong iwan dito malapit na lang din naman ang clinic," sabi niya pero umiling ako. "Don't worry about me okay? I'm fine, ano hali ka na?" Sagot ko at tumango naman siya. Kaya tinulungan ko na siyang makatayo at inakay na papuntang clinic. Nakarating na rin naman kami, may nag-assist ng nurse sa kaniya at ako naman naupo lang sa bakanteng upuan. Hinubad ko muna ang suot kong cap at ginawang pamaypay, mainit kasi kahit naka-aircon 'tong clinic. After mga 20 minutes, natapos na ring gamutin ng nurse si Tine at nalagyan na rin ng benda ang tuhod niya. Kasalukuyan siyang natutulog, siguro dahil na rin sa matinding pagod. "Kailangan niya munang magpahinga kahit isang oras lang then pwede na siyang umuwi. Sorry pero hindi na muna makakapaglaro ang boyfriend mo, kailangan niya munang ipahinga ang kanang paa niya. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, excuse me," wika ng nurse. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Isipin ba namang boyfriend ko si Tine, kaasar! "Vienna.." Napalingon ako, sina Michelle at Therese. Paano naman nila nalaman na nandito ako sa clinic? "Paano niyo nalaman na nandito ako?" Takang tanong ko. "Nalaman namin sa mga fans ni Tine na injured siya at may kasamang babae," sagot ni Therese. "Ang hula namin ikaw at hindi nga kami nagkamali, ikaw nga ang tumulong sa kaniya," dugtong pa ni Michelle. Tinukso naman nila akong dalawa buti na lang at hindi nagising si Tine, mahimbing pa rin siyang natutulog. "Vienna, kung totohanin niyo na lang kaya." Hinampas ko na talaga si Michelle sa balikat dahil sa sinabi niya. My god! Wala sa plano ko na jowain si Tine. "Tumigil ka nga Michelle, bunganga mo talaga. Isa pa, babatukan na kita," sagot ko at inambahan siya ng suntok pero tinawanan niya lang ako. "Mabuti pa umalis na kayo," dugtong ko pa. "Gusto mo lang masolo si Tine eh, aalis naman kami don't worry. Hehe, ito na nga aalis na." Natakot silang dalawa sa tingin ko at lumabas na nga sila ng clinic. Pero tinukso pa nila ako bago sila tuluyang makaalis at mawala sa paningin ko. Napatingin ako sa wrist watch ko, 10 am na pala. Tapos na kaya ang show? Gusto kong manuod pero paano naman ang isang 'to? Hindi naman pwede na iwan ko 'to rito habang ako nando'n sa event at nakikinig. Ito na sana 'yong chance na maririnig ko ang boses ni Sebastian pero wrong timing itong nangyari kay Tine. "Vienna hey.." Nagising ako nang may mahinang tumapik sa balikat ko pero si Tine lang pala. 'Di ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako. Anong oras na kaya? "Kanina ka pa nakatulog, akala ko no'ng magising ako umalis ka na 'yon pala nakatulog ka lang diyan," sabi niya. "Sorry, by the way anong oras na? Gutom ka ba?" Mukhang nagulat naman siya sa huling tanong ko. Anong akala niya sa'kin masama o 'di kaya walang puso para hindi siya tanungin ng gano'n? "11:30 am na, medyo lang naman," nahihiyang sagot niya. "Sige, bibili lang ako. Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko. "Huwag na Vienna, kaya ko naman na eh 'tsaka nakapagpahenga na 'ko." Tatayo na sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin at mukhang natakot din naman sa'kin. "Balik ako agad." Hindi ko na siya hinintay na makasagot, lumabas na 'ko agad ng clinic. Nagtataka tuloy ako sa mga kinikilos ko, hindi naman ako ganito ka concern sa mga taong kakakilala ko pa lang. Except Therese madali siyang pakisamahan, unless gusto ko si Tine. Nakakalahati pa lang ako sa paglalakad nang may grupo ng kababaihan ang pumigil sa'kin sa dinaraanan ko. Actually anim sila and based sa ID nila, mga 4th year student sila and I think isa sila sa mga die hard fan ni Tine. "Ikaw ang girlfriend ni Tine, 'di ba?" Tanong ng isa na nasa gitna. Ito siguro ang leader nila, as if naman na matatakot ako sa kanilang lahat. "Girlfriend ka ba talaga ni Tine? Bakit hindi ka namin nakikita araw-araw na nakabuntot sa kaniya?" Tanong rin ng isang babaeng ka height ko. "Ano ako aso? Na araw-araw nakabuntot sa kaniya, 'di ba parang kayo 'yon?" Mukhang nainis silang lahat dahil sa sinagot ko. Kahit na mas matanda sila sa'kin, wala akong pakealam. "Hindi mo ba kami nakikilala? 'Tsaka mas matanda kami sa'yo, matuto kang rumespeto," galit na sabi ng isa ngunit napatawa ako ng wala sa oras. Napabuntong hininga naman ako at hinarap ang babaeng nagsalita kanina. "Paano ko kayo rerespituhin? Kung hindi niyo rin ako kayang respituhin. It's not fair alam niyo 'yan," sabi ko na lalong kinainis nilang anim. Na parang ang isa sa kanila gusto na 'kong sabunutan. "Alam niyo mga ate halata naman na isa kayo sa mga die hard fan ni Tine pero ang payo ko lang 'wag kayong umarte na isa kayo sa mga naging girlfriend niya. Pwede ba suportahan niyo na lang siya at huwag niyong pakealaman ang personal niyang buhay," dugtong ko pa. "Sumusobra ka na..." Susugod na sana 'yong babaeng nasa gitna pero napatigil siya. Nagtaka tuloy ako kung bakit, lumingon naman ako para matingnan kung sino ang nakita niya. "Sige sabunutan mo siya, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo at sa inyo," galit na sabi ni Tine. Biglang umalis ang anim na babae sa harapan ko. Ano natakot kay Tine? "Wala ba silang ginawa sa'yo? Okay ka lang?" Biglang nagbago ang expression ng mukha niya, napalitan ng pag-alala. "Bakit ka lumabas? Sinabi ko naman sa 'yo na ako na," sagot ko. "At kung hindi ako lumabas baka ano pa ang magawa nila sa 'yo. I'm sorry, Vienna." "Kaya kong lumaban, hali ka na ibabalik na kita sa clinic." Pero pinigilan niya 'ko at bigla siyang umakbay sa'kin. "Ayoko ng mag-stay do'n, tulungan mo na lang ako. Let's go, alam kong gutom ka na." Hindi na 'ko nakasagot kasi nagsimula na siyang maglakad kaya inalalayan ko na lang siya. Nakarating din naman kami sa cafeteria, thankful ako kasi kokonti lang ang tao at konti lang din ang nakapansin sa presensya namin. Pinaupo ko rin naman siya sa upuan sa isang bakanteng table, daig ko pa caregiver niya. Bumili na lang din naman ako ng pagkain pero hindi ko man lang napansin na nandito pala sina Britt at kasama si Sebastian. Tapos na kaya ang show? "Hi Vienna, kumusta si Tine?" Tanong ni Enzo. Napatingin naman ako sa direksyon ni Sebastian pero nakayuko siya. "Okay na rin naman na siya," sagot ko. Nakuha ko na rin naman ang pagkaing binili ko at nagtungo na rin sa direksyon ni Tine. Nilapag ko na rin sa harap niya 'yong menudo, steak 'tsaka dalawang rice at sa'kin naman fried chicken at isang rice. Binigyan ko rin siya ng isang bottled water at coke. Nakatingin lang siya sa'kin habang nilalapag ko sa harapan niya ang mga pagkain. "Magkano lahat ng 'to? Ako na ang magbabayad," sabi niya nang makaupo na 'ko. "No need to worry, nabayaran ko na," sagot ko. Sinamaan niya 'ko ng tingin, irap naman ang ginanti ko. Kumain na rin naman kaming dalawa pero hindi ako makapag-concentrate kasi naman si Sebastian ang sama ng tingin sa'kin. Ewan ko ba, hindi pa nga kami pormal na pinakilala sa isa't-isa pero ang sama na ng tingin niya sa'kin daig pa may ginawa akong malaking kasalanan sa kaniya. "Vienna bakit hindi ka kumakain? May problema ba?" Biglang tanong ni Tine. Buti hindi siya lumingon para matingnan kung saan ako nakatingin. Umiling na lang ako bilang sagot, ang Sebastian na 'to ginugulo niya utak ko. After naming kumain ng lunch, nagdesisyon ng umuwi si Tine kaya hinatid ko siya palabas ng university. Una hindi siya pumayag pero nagpumilit ako, alam kong masakit pa ang tuhod niya ayaw niya lang talaga na abalahin ako. Nakahinga naman ako ng maluwag pagkapasok ko ng university, sinalubong pa 'ko ni Therese at Michelle. At tinukso na naman nila akong dalawa, kainis nga eh, sila natutuwa habang ako naaasar. Ngayon kasama ko silang dalawa, manunuod kami ng show ng isang banda. Na-excite nga 'ko eh kasi first time kong mapapanuod ito rito sa university. Nakarating naman kami sa venue ng event, akala ko pa naman sina Sebastian ang magpe-perform, 'yon kasi ang narinig ko kanina nung papunta na kami rito pero hindi naman pala. Ang lungkot pa ng kinanta nila, parang gusto ko na lang umalis. Ewan ko ba ba't ako nawalan ng gana manuod? "Vienna, ayos ka lang?" Tanong ni Therese habang si Michelle nag-e-enjoy sa kakanuod. "Alis na tayo," maikling sagot ko. "Ha? Eh, kanina atat na atat kang pumunta rito tapos aalis na tayo?" Aniya pero hindi na 'ko sumagot baka kasi magtaka pa siya, nakinig na lang ako kahit labag sa loob ko. Natapos din naman ang show. Siguro no'ng pinuntahan ko kanina si Tine sa field, nag-start na sina Sebastian tumugtog. At nung makita ko si Britt at Enzo sa cafeteria tapos na sila mag-perform. Bakit ngayon ko lang naisip? Kaasar! wrong timing talaga 'yong kanina. Naglalakad na kami ngayon palabas ng university, tapos na ang first day ng Club Fair at bukas ulit ang karugtong ng event. "So Vienna my friend, ano ang kakantahin mo para sa audition?" Biglang tanong ni Michelle na ikinagulat ko talaga. "Wala kang alam 'no? Paano ba naman kasi lahat ng atensiyon mo na kay Tine," dugtong pa niya. "Nakita namin sa bulletin board kanina, lahat ng mga nagpa-register sa Music Club dadaan muna sa isang audition. Paano ba naman kasi in just one day umabot ng 500 students ang sumali? Biruin mo 'yon. Sa ibang club wala ng sumali dahil kay Sebastian, kaya Vienna mag-prepare ka. Sa Thursday na ang audition, dapat makapasa ka," explain naman ni Therese sa'kin. Kaya naman pala, akala ko pa naman mas malala ang mga fans ni Tine, pinakamalala pala 'tong mga fans ni Sebastian. "Kaya mo 'yan friend, nandito lang kami ni Therese, support ka namin," sabi naman ni Michelle sabay akbay sa'kin. Hindi naman ako kinakabahan o natatakot, mas gusto ko nga na hindi ako makapasa eh para wala akong poproblemahin at makakapag-focus ako sa acads. Pero siguro nakatadhana talaga na mangyari 'to sa'kin. Kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin. Kaya mo 'to Vienna, laban lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD