Kinabukasan, close na ang registration sa Music Club dahil nga sa sumobra na ang mga sumali. Kaya 'yong iba nanghinayang at nalungkot. Ang unfair lang kasi ang mas deserving na makapasok sa club hindi nakasali dahil lang sa mga fans ni Sebastian. Hindi muna sila nag-isip ng maayos bago sila sumali.
Bitbit ko lang ngayon ay ang gitara ko, wala na rin namang klase at continue pa rin ang event. Gusto kong mag-practice sa tahimik na lugar kaya naisipan kong sa Music Department ako pupunta. Nakapagpaalam na rin naman ako kaya ayos lang na pumasok ako ro'n para mag-practice.
Kina-reer ko na ang pagsuot ng sombrero, 'yong cap na bigay ni Britt kahapon plus pa na sobrang init ng panahon kaya kailangan ko ito ngayon. Nakarating naman ako ng Music Department, tamang-tama lang ang dating ko kasi walang tao. Kompleto naman na pala ang mga instruments dito, nilapag ko na muna ang gitara ko at nagtungo sa direksyon ng grand piano. Naupo ako sa silya paharap dito, gusto ko lang tumugtog 'tsaka nakakamiss itong gamitin.
(Song playing: Crazier by Taylor Swift)
Napatigil ako sa pagtugtog nang may pumalakpak sa likuran ko, nilingon ko rin naman ito. Actually marami sila, nasa sampung katao at iisa lang 'yong babae. Lahat sila nakangiti sa'kin pero may namumukhaan ako sa likod pero hindi ko siya masyadong nakikita.
"Ang ganda naman ng tinugtog mo plus ang ganda rin ng boses mo," nakangiting wika ng babae.
Actually 4th year student na siya, napansin ko kasi sa suot nitong ID. Pero hindi halata kasi magkasing tangkad lang kami tapos ang cute-cute pa ng cheeks niya.
"By the way, we are from the Music Club. I'm Sheene Luis Villaruz, club Secretary at ito naman si Dim Yuzon, club President."
Nag-hi na lang sa'kin 'yong si kuya Dim at ngumiti na lang ako bilang sagot. Mukhang may club meeting sila o 'di kaya rehearsal, nakakahiya dito pa 'ko nagpunta.
"I'm Vienna Malvar, 2nd year from College of Political Science," pakilala ko sa kanila.
"Nice to meet you, Vienna. By the way, anong club ang sinalihan mo?" Tanong ni kuya Dim.
"Sa club niyo po," maikling sagot ko.
"Really? Kaya pala dito ka nag-practice. 'Yong kinanta mo kanina, 'yon din ba ang ipang-au-audition mo?" Tanong ni ate Sheene.
"Hindi po ate, sumubok lang po ako."
Nahihiya na talaga ako kasi naman halos silang lahat nakatingin na sa'kin.
"Alis na po ako ate, baka po kasi-"
"You can stay here Vienna, may pag-uusapan lang naman kami and guys magpakilala naman kayo kay Vienna," putol sa'kin ni ate Sheene.
My god! Gusto ko nang umalis dito pero ayaw niya 'kong paalisin.
"Hi Vienna, I'm Patrick, drummer."
"Gian, bass guitarist."
"Louie, bass guitarist."
"Cedrick, composer."
"Sam, vocalist."
"Liam, vocalist."
"And I am Bryan, writer and composer."
An'dami naman nila at buti na lang na-memorize ko ang pangalan nilang lahat.
"Bro, magpakilala ka na," biglang sabi ni Liam sa katabi niya. At doon ko lang napansin ang presensya ni Sebastian pero hindi niya naman na kailangan pang magpakilala, I already know him.
"Sebastian, main vocalist."
Narinig ko rin finally ang boses niya pero bigla siyang nag-iwas ng tingin sa'kin. Bakit kaya hindi niya matagalan ang pagtitig sa'kin sa tuwing malapit ako sa kaniya?
"Nice to meet you all," tanging sagot ko. Ngumiti naman silang lahat bukod kay Sebastian.
"Di ba pamangkin ka ni Professor Lozano, isa sa mga teacher ng College of Music?" Tanong ni Cedrick at tumango naman ako bilang sagot.
Kaya dito ako sa university na 'to nag-aral dahil kay tito, kasi raw sabi niya mas maganda rito. Siya ang nag-encourage sa'kin na dito mag-aral, pinsan siya ni dad pero hindi ako masyadong close sa kaniya.
"Nagkita na ba kayo? Kahapon kasi nagtanong siya sa'min kung sumali ka sa club," wika ni Liam at umiling ako bilang sagot. Malaki masyado 'tong university, malabo na magkita kami ni tito dito 'tsaka ayoko ring magpakita sa kaniya.
"Isa pala siya sa magiging judge sa gaganaping audition," sabi naman ni kuya Dim. Parang gusto ko tuloy mag-back out dahil sa sinabi niya, ayoko kasi na makapasok ako sa Music Club dahil sa kaniya.
"Vienna, mag-uusap muna kami ha? Practice ka lang diyan. Good luck and god bless sa audition mo." Ngumiti na lang ako kay ate Sheene. Nagsipunta naman silang lahat sa stage habang ako nakatingin lang sa kanila.
Kinuha ko na lang din ang gitara ko at naupo malapit sa pinto. Hindi ko pa kabisado ang kanta pero kagabi nagsimula akong mag-practice nito.
Nag-start na rin naman na ako, strum lang ako ng strum, inuulit mula sa simula para makabisado kahit hanggang chorus lang muna. Medyo masakit na rin kasi ang mga daliri ko, ngayon lang ako nai-stress ng ganito, ewan ko nga ba. Ayoko rin naman kasing biguin sina Therese, plus nape-pressure ako sa kanila.
Minasahe ko na muna ang mga daliri ko, masakit na kasi tapos namumula pa. Hays, kawawa mga daliri ko.
"Vienna.." Napatigil naman ako at lumingon sa nagsalita, si Louie.
"Ipahinga mo muna 'yan, hindi ka makakatugtog kapag pinagpatuloy mo 'yan. Kita mo na, namumula na ang mga daliri mo baka magkasugat pa 'yan."
Mabait naman pala 'tong si Louie, halatang concern nga sa'kin.
"Here, pinapabigay ni Sebastian," dugtong niya sabay abot sa'kin ng pick. Nakakagulat naman na pinahiram ako nito ni Sebastian.
"Seryoso? Pero paano siya?" Takang tanong ko.
"Actually nakita ka niyang minamasahe 'yang mga daliri mo kaya inutusan niya 'ko na ibigay 'to sa'yo, kunin mo na Vienna." Kinuha ko naman ang pick na inabot niya. Napatingin ako agad sa direksyon ni Sebastian pero nakatingin siya kay kuya Dim.
"Pero nakapagtataka lang, kahit minsan hindi niya kami pinahiram niyan pero no'ng makita ka niyang nahihirapan, pinahiram ka kaagad. Ang unfair niya sa'min, 'di ba?" Bakit kaya? Na curious tuloy ako sa kaniya. Pero may kabaitan pala siyang taglay kahit napakamisteryoso niya.
"Pasabi sa kaniya, salamat," tanging sagot ko.
"Sige Vienna, balik na ko ro'n."
Nang makaalis si Louie, napatingin na lang ako dito sa pick na hawak-hawak ko. Nakalagay pa ang pangalan ni Sebastian dito, 'di ko naman napigilan ang mapangiti.
Nag-stay ako mga halos isa't kalahating oras sa Music Department at nagdesisyon na ring umalis. Bitbit ko na ang gitara ko at buti na lang napatingin si ate Sheene sa direksyon ko. Sumenyas ako na aalis na, nagba-bye rin naman siya sa'kin at ngumiti.
Nakalabas na nga ako ng Music Department pero saan naman ako pupunta? Sina Michelle mamayang lunch ko pa makakasama. Mag-isa na naman ako, saan naman kaya ako pwedeng tumambay?
Nakahanap din naman ako ng pwede kong maupuan. Tahimik dito at malayo sa venue ng event pero nadidinig ko naman mula rito ang tugtog sa stage. Nailabas ko ulit ang gitara ko, gagamitin ko na rin itong pick na pinahiram sa'kin ni Sebastian. Nag-start na rin akong tumugtog at med'yo okay na at hindi na masakit sa daliri.
Salamat sa kaniya at pinahiram niya 'ko nito.