Chapter 4

1151 Words
Nagpalakpakan ang lahat matapos kong kumanta pero hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Sebastian. Ngunit makalipas ang ilang sigundo umiwas na rin ako, napilitan naman akong ngumiti sa harap ng lahat pero sa loob-loob ko, kinakabahan na 'ko. Natapos din naman ang gano'ng eksena, hindi ko namalayan ang oras uwian na pala. Wala naman kaming ibang ginawa kanina, pagkatapos ng meeting tinuloy na rin naman ang klase. After ng apat na subjects, uwian na rin sa wakas. Napagod ako ngayong araw, ewan ko ba. Magkasama kami ngayon ni Michelle papuntang lockers area, si Therese nauna ng umuwi may part time job pa raw siya, bilib ako sa kasipagang taglay niya. "Vienna, next week pala opening na ng mga clubs, saan mo gustong sumali?" Tanong niya habang naglalakad kami. Nabanggit sa'kin 'yan ni Therese kanina kaso hindi ko alam kung saang club ako sasali. "Kung sa Music Club na lang kaya, tutal singer ka naman talaga may alam din sa iba't-ibang instruments, for sure makakapasa ka kaagad. Ano gusto mo ba? Sasamahan kitang magpa-register next week," dugtong pa niya. Ano bang purpose ng mga clubs? To build up someone's confidence? Dagdag pasanin lang 'yan sa pag-aaral. "Hindi ko alam 'tsaka tinatamad ako," sagot ko na ikinakunot ng noo niya. "Tinatamad ka o nag-aalangan? Tama ako, 'di ba? Vienna, wala namang may makakakilala sa'yo rito, it's just me and kuya Vince," saad niya. Wala naman akong pakealam kung malaman nila. Ang iniisip ko lang naman ang sarili ko, kung ano ang maidudulot niyan sa'kin kapag sumali ako. "Okay, sige sasali na." Ayoko na rin naman ng pahabain pa ang usapan. Napilitan na lang din ako na pumayag, ngumiti naman agad si Michelle. Nakarating din naman kami sa lockers area at maraming nakatambay, at madami rin ang nag-iiwan ng mga gamit nila. Nagtungo na rin si Michelle sa locker niya gano'n din ako. Iiwan ko lang 'tong librong dala ko, masyado kasing mabigat, nakakangalay sa balikat. "Bukas ire-release na ang bagong kanta ni VnM. Na e-excite na 'ko." "For sure madaming views na naman 'yan. Sana soon malaman na natin kung sino siya." Palihim akong napangiti sa dalawa habang binubuksan ang locker ko. Ako ang pinag-uusapan nila. Screen name ko ang initials ng pangalan ko, it's just simple pero kahit ni isang listeners walang nakahula. "Vienna, hali ka na, uwing-uwi na 'ko." Sumunod din naman ako sa kaniya pagkasara ko ng locker ko. Tomorrow, it's Friday, 8:30 am start ng class ko kaya magpupuyat ako mamaya. Nakarating na kaming dalawa ni Michelle sa parking lot. Sinundo siya ni Manong Dante na family driver nila for almost 12 years kaya nauna na siya sa'kin. Nagulat naman ako ng makita ko si kuya na nakasandal sa kotse ko. Ano sasabay siya sa'kin? "Key," walang emosyong sambit niya nang makarating na ako sa puwesto niya. Napataas ang kilay ko sa inakto niya. Damn him! It's my car kaya ako ang magda-drive. Tumungo ako sa driver's area at 'di siya pinakinggan. Sumakay na nga ako gano'n din siya but I know nainis siya sa ginawa ko. "What's your problem?" Naiinis na tanong niya. Nasa biyahe na kami pauwi, nilingon ko naman siya. "Makakaganti rin ako sa'yo," dugtong pa niya. "Threat ba 'yan? Maiiyak ba 'ko?" Hamon ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya, napatawa na lang ako. Nakauwi rin naman na kami sa bahay, dumiretso na lang din ako sa kwarto at humilata na agad sa kama. Hays, hindi ko naman na feel ang ganitong stress noong nasa amerika pa 'ko pero bakit sa university na 'yon, feeling ko ang bigat-bigat ng pinapasan ko. Nagbihis na ako ng pambahay at ginawa na ang mga homeworks ko. Mahigit 30 minutes ko rin itong sinagutan. Nahiga na lang ulit ako sa kama at napapikit after kong matapos 'yon. Ngunit biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Sebastian. Bakit ko nga ba siya tinitingnan kanina? Hindi pa naman kami nakakapag-usap, I don't even hear his voice. But I have this strange feeling, I couldn't explain pero nakaka-curious siya. Sino ka nga ba Sebastian? Bakit hindi ko maiwasan ang mga titig mo? Kinaumagahan, nagising ako mga pasado alas syete. Ewan ko ba kung bakit maaga akong nagising eh nagpuyat naman ako kagabi. So, I decided na mag-ayos na lang para pumasok. For almost 1 hour din ang pag-aayos ko ng sarili after that lumabas ako agad ng kwarto para bumaba at kumain ng breakfast. Pero nang makarating ako sa dining area, wala si kuya. "Maagang umalis ang kuya mo, may soccer practice daw." Napansin pala ni tito Lucas na hinahanap ko si kuya. Naupo na lang ako para kumain na, pero bakit wala rin dito si mom? "Si mom po asan?" Tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato. "Kakaalis lang papuntang office, madami pa raw siyang aasikasuhin," sagot naman ni tito. "Okay po, uhm .. tito pwede po bang sumabay na lang ako sa inyo?" Tanong ko na ikinagulat niya. First time ko kasing humingi ng favor sa kaniya, siguro nanibago lang. "Sige, iisang way lang naman ang workplace ko sa school mo," tugon niya. Ngumiti naman ako kay tito, buti na lang pumayag siya. After mga 15 minutes tapos na rin akong kumain. Lumabas na kami ni tito sa bahay at sumakay na sa nakaparada niyang kotse. Tinatamad kasi akong dalhin ang kotse ko every Friday 'tsaka wala rin ako sa mood mag-drive. Nagpapasalamat ako kasi hindi masyadong traffic, naihatid ako ni tito Lucas exactly 8 sa university. Nagpaalam na rin naman ako kay tito at pumasok na ng gate. Nakikita ko na ang iba't-ibang posters ng mga club sa hallway, nadidinig ko rin na pinag-uusapan ito ng mga estudyanteng nadadaanan ko. I joined different clubs since 10th grade pero same lang naman 'yon sa college. It's just that malaki ang responsibilidad mo bilang isang officer. Nakasalalay sa lahat ng members at officers ang tagumpay ng isang organization. "Hi Vienna," bati sa'kin ni Britt nang makasabay ko siya sa hallway papuntang room. But I just smile at him. "Anong club ang sasalihan mo?" tanong niya. "Music Club," maikling sagot ko. "Gano'n ba, si Sebastian member pala ng Music Club baka magkita kayo ro'n." Tama nga si Therese, siguro maganda ang boses niya. Gusto ko na tuloy marinig. "Ikaw? Ano ang sasalihan mo?" Tanong ko at napatingin sa kaniya. "Hindi kami pwedeng sumali sa mga clubs ang nasa soccer team, nagfo-focus lang kami sa laro. Ang tanging nakasali lang sa amin, si Sebastian," sagot niya. Bigla ko namang naalala ang kinuwento sa'kin ni Therese kahapon. Buti na handle niya pa ang oras para sa academics. Napaka-talented pala talaga niya kaya pala marami ang humahanga sa kaniya. "I see good for him." Napaka-interesting pala ng personality ni Sebastian. Hindi mo aakalain sa itsura at ugali niya na talented siya. Like what Therese told me yesterday, anti-social si Sebastian, tahimik at masungit pero magaling naman pala sa ibang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD