"Huwag na nga lang natin pag-usapan, madami pang araw para d'yan at marami ka pang matutuklasan." Ngumiti na lang ako bilang sagot. At ayun nga nagkuwento ng kung anu-ano si Therese para mapaiba lang ang usapan. Nag-enjoy naman akong kausap siya, she's nice and kind, for sure she could be my best friend.
After naming kumain, nag-aya siyang pumunta ng field. Sumama na lang din ako para malaman ko rin kung saan 'yon. Maganda naman pala 'tong university, malawak kaso medyo malayo ang ibang building ng iba't-ibang course.
Nakarating din naman kami sa field at kasalukuyang may naglalaro. Naupo rin naman kami ni Therese sa isang bench at nanuod ng laro. Hanggang sa may napansin akong isang lalaki, it's Vince, ang kuya ko. Magaling naman pala talagang maglaro si kuya and nakita ko ring may nagche-cheer sa kaniyang grupo ng kababaihan. Iba rin ang appeal niya but he just ignore it.
"Nakikita mo ang lalaking 'yon?" At tinuro niya si kuya, hindi ko pa pala na ikuwento sa kaniya.
"He's my brother," agad kong sagot na ikinagulat niya. Tumawa na lang ako dahil sa naging reaksyon niya.
"Seryoso? Kuya mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kinuha ko naman ang phone ko at ipinakita sa kaniya ang mga pictures namin ni kuya.
"Naniniwala ka na? We're really close before but now medyo hindi na pero nagpapansinan naman kami sa bahay," sagot ko sabay balik ng phone ko sa bag.
"Gano'n ba, kaya naman pala magkamukha kayo. Nasa lahi niyo na talaga ang pagiging gwapo at maganda."
After ng ilang minuto natapos na rin ang laro nila, tumayo na rin naman kaming dalawa ni Therese. Ayoko rin kasi na makita ako ni kuya rito baka isipin pa niya na hindi ako pumasok sa klase.
"Therese, saan pala 'yong building ng Engineering?" Tanong ko nang makaalis na kaming dalawa sa field.
Tinuro rin naman niya sa'kin ang daan. Balak ko kasing sorpresahin ang bestfriend kong si Michelle. She didn't know na ngayong araw ako papasok, akala niya kasi sa Monday pa.
Michelle Lorenzo is my bestfriend since 10th grade at nagkakilala kami sa US because of my dad. Mas nauna nga lang siya na mag-transfer sa university na 'to. Nag-stay siya sa US for almost 4 years with her lola and bumalik siya ng Pilipinas 1 year ago.
Nakarating na nga kami ni Therese sa building ng Engineering, mula rito sa malayo nakikita ko na siya. Nakatayo at may kausap sa phone niya. Wala talagang may nagbago sa kaniya, maganda siya as usual. Lumingon din naman si Michelle at gano'n na lang ang gulat niya nang makita ako. Ngumiti naman ako nang pagkatamis sa kaniya.
"VIENNA!!" Malakas na sigaw niya.
Hindi ko napigilan ang magulat, umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong building. Hindi na talaga nahiya ang babaeng 'to.
Napatakbo siya sa direksyon ko at bigla siyang tumalon para yakapin ako. Nasasakal ako sa ginagawa niya pero namiss ko naman ang kaibigan ko.
"I missed you so much, Vienna. Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na ngayon ka pala papasok? Ang sama mo talaga," nakangusong sabi niya. Napatawa ako saglit. Pinagtinginan na tuloy kami ng mga estudyanteng nandito.
"I missed you too, Mich. Gusto lang kitang sorpresahin, sorry kung hindi kita sinabihan. By the way she's Therese, classmate ko, Therese siya naman si Michelle Lorenzo bestfriend ko." Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa'kin at hinarap si Therese.
"I know you, Therese Perez ng swimming team right?" Tumango naman si Therese bilang sagot.
"Swimmer ka pala? Hindi mo na ikuwento sa'kin kanina," sabi ko.
"Sorry Vienna, nahihiya kasi ako," sagot naman ni Therese.
"Bakit ka naman mahihiya kay Vienna? You know what friend si Therese representative 'yan ng course niyo sa swimming competition, 'di ba ikaw ang nag-champion this year?" Nahihiyang tumango si Therese.
"Congrats Therese, keep it up," sabi ko naman sa kaniya, nginitian din naman niya 'ko.
"Sandali lang ha? Hintayin niyo 'ko, kukunin ko lang ang bag ko saglit."
Umalis din naman si Michelle at nagtungo nga sa room niya. After mga ilang minutes nakalabas na siya at nagtungo na sa direksyon namin ni Therese. Ngayon ko lang napansin na may bitbit pala siya na gitara. Si Michelle rin kasi mahilig tumugtog, kumakanta rin siya at nagbabanda pero tumigil ang loka kasi magfo-focus daw siya sa acads. Alam niya na nagco-cover ako ng kanta, siya rin ang sumasama sa'kin tuwing nagre-record ako sa studio ni kuya RJ.
Nakababa na rin naman kami sa building ng Engineering habang nagkukuwento ng kung anu-ano si Michelle about sa nangyayari dito sa university. Actually silang dalawa lang ni Therese ang nagkakaintindihan, 'di ko naman kasi nasaksihan ang kinukuwento nila kaya nakikinig na lang ako.
Naupo naman kami sa isang bench, madaming nakatambay at okupado lahat ng upuan. May kaniya-kaniya rin namang ginagawa ang lahat ng estudyanteng naandito. Nasa left side ako, sila namang dalawa ang nasa right side at mula rito sa puwesto ko, nakita ko sa isang dulo sina Britt. Magkaharap kami ni Sebastian pero hindi niya napapansin na tinitingnan ko siya.
Bakit parang familiar sa akin ang gan'yang mukha?
Did I met him before?
"Vienna.. oy."
"Ha?" Saka ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatitig kay Sebastian.
Napansin kaya nina Therese 'yon?
"Kanina ka pa namin kinakausap," wika ni Michelle.
"Sino ba tinitingnan mo?" Takang tanong ni Therese.
"Ahh wala, ano ba 'yon?" Iwas na tugon ko. Baka kasi tuksuhin pa nila ako kapag nalaman nilang si Sebastian ang tinitingnan ko.
"Kantahan mo kami Vienna," sagot naman ni Therese.
"Paano mo nalaman na kumakanta ako?" Nagtataka na tanong ko. Tinuro niya si Michelle. Minsan talaga itong kaibigan ko pahamak.
"Iparinig mo naman kay Therese ang golden voice mo," sabi pa niya. Nag-aalangan ako, ang daming nakatambay na estudyante rito. Pahamak talaga 'tong si Michelle minsan.
"Michelle maraming tao, sa ibang lugar na lang," tugon ko pero umiling siya.
"Huwag mo silang pansinin, sige na Vienna kaya mo 'yan." Kinuha ko na lang ang inabot niyang gitara. Bahala na si batman, sisisihin ko talaga siya kapag napahamak ako dahil dito.
Pumalakpak naman silang dalawa nang mag-start na 'kong mag-strum. Naagaw tuloy ang atensiyon ng lahat, kahit sina Britt napatingin na sa direksyon ko maging si Sebastian.
(Song playing: "Walk with Me" by Bella Thorne)
Hindi ko akalain na sasabay sila sa beat ng kanta, ang mga nakaupong estudyante lumapit na sa direksyon namin. Nakakaramdam na talaga ako ng hiya, promise.
Ito ang pinakaunang song na kin-over ko way back in 2017 noong nasa US pa 'ko. I really love this song, kaya nag-decide ako na ito ang unang ico-cover ko.
Saka ko na lang na realize kay Sebastian na pala ako nakatingin. Ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit hindi siya umiwas at nakipagtitigan din sa'kin.