Ang Pagpang-abot

8236 Words

Hindi agad ako nakasagot sa tanong na iyon ni Kuya Andrei. Mistula akong nabilaukan. Pakiwari ko ay iyon na ang pinakamahirap sagutin na tanong sa tanang buhay ko. Akala ko ay ganoon lang kadali ang magsabing “Gusto kong ako ang magbest man sa kasal mo”. Parang sa papel ko lang pala kayang isulat iyon. Ngunit kung nariyan na sa harap mo ang katotohanan, matinding sakit pala ang dulot nito. Tiningnan ko siya, nagkasalubong ang aming mga tingin. Ngunit ako na rin ang umiwas. Yumuko ako sabay sagot ng “O-ok…” bagamat sa kaloob-looban ko ay mistulang sasabog na ang aking puso. Iyon lang ang isinagot ko. Ni hindi man lang ako nagtanong kung kailan ang kasal, saan ito gaganapin, anong oras magsimula, saang simbahan, ano ang mottif… “Seryoso na talaga iyan, Andrei ha?” ang tanong ng itay. “Opo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD