Ang Pagkapariwara

7702 Words

Nagising ako kinabukasan na medyo masakit ang ulo. Disoriented, masakit din ang katawan, pagod na pagod, antok na antok, at parang gusto ko na lang na huwag bumangon sa higaan. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding. Alas nueve na pala ng umaga. Kinapa ko ang aking katawan. Nakahubad ako at sa aking tabi ay si Brix na wala ring saplot sa katawan. “Uhmmmmm!” ang pag-unat ni Brix sa kanyang mga braso. Nagising siya sa aking paggalaw. Noong nakita niya ang wall clock, bigla siyang napabalikwas sa higaan. “Shiiit! Late na tayo love!” Ngunit hindi ako gumalaw sa aking pagkakahiga. Tumagilid lang ako na parang wala lang akong pasok o mga responsibilidad sa araw na iyon. Pakiwari ko ay naroon na naman ang lungkot, ang sakit ng pag-iwan sa akin ng Kuya Andrei. Parang ayaw ko nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD