Droga

5470 Words

Umiyak ako nang umiyak sa paghihiwalay naming iyon ni Kuya Andrei. Ibinuhos ko ang lahat ng aking hinanakit at sama ng loob sa pag-iyak. Syempre, wala naman akong ibang puwede pang magagawa. Hindi na puwedeng magbago pa ang isip ko. Hindi ko siya puwedeng habulin at sabihing “Kuya... nagbago na ang isip ko. Ayokong masaktan tayong pareho...” Parang lalabas na napaka-selfish ko kapag ginawa ko iyon. Hindi ko maaaring kalimutan ang ibang taong mas may karapatan sa kanya, ang munting anghel na nasa sinapupunan ni Ella. Alam ko, kahit sinabi niyang mas pipiliin niya ako kaysa kay Ella, si Ella lamang ang taong makapagpapatupad sa palagi niyang sinasabi sa akin dati na pangarap niya sa buhay – ang magkaroon ng anak, ng asawa, ng isang buo at masayang pamilya. Hindi ko kayang ibigay sa kanya iyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD