Chapter Eight

2010 Words
MAAGA pa lang ay hindi na magkaganda-ugaga si Lia sa paghahanap ng maisusuot. Walang ibang laman ang aparador niya kundi lumang palda at mga kupasing mga blusa. Nakakahiya naman kung ganito ang isusuot niya sa pamamasyal nila ni Calton. Ayaw niyang mapahia ito habang kasama siya. Napapiksi siya nang may kumatok sa pinto. "Lia?" boses iyon ni Calton. "Lia?" muling tawag nito sa pangalan niya. "C-Calton..." "Are you ready?" Nakagat niya ang ibabang labi. "Huwag mo na lang kaya ako isama, Calton?" aniya. "What? Why? Open the door, Lia, Let's talk." Buntong-hininga humakbang si Lia palapit sa pinto kuway binuksan iyon. "Now tell me, what's the problem?" Nahihiyang yumuko siya. "Wala kasi akong matinong damit na pwedeng suotin, Calton. Puro luma ang mga damit ko. Ayoko naman mapahiya ka kapag kasama mo 'ko." Hindi alam ni Calton kung maiinis ba siya o maartihan sa inaakto ni Julianne, pero sa isipin na siya ang iniisip nito ay tila nawala ang mga dapat na mararamdaman niya. Narinig ni Lia na nagbuntong-hininga si Calton. "Look at me, Lia," anito. Nahihiya man ay marahan siyang nag-angat ng tingin sa binata. "Bakit?" "Wala akong pakialam kung bago man o luma ang susuotin mo at lalong wala akong pakialam kung sa tingin mo ay mapapahiya ako sa kapag kasama ka, Lia. What is matter to me is that you are with me. At huwag mong isipin na mapapahiya ako kapag kasama ka. Bakit mo ba naisip 'yan?" Nakagat niya ang ibabang labi. "Naisip ko lang..." Muli g nagbuntong-hininga si Calton. "Wag mo ng isipain 'yan kasi di 'yan mangyayari okay?" Marahan siyang tumango. "Okay." "Now, get dress. I'll wait you downstair." Muli siyang tumango bilang sagot. Ginulo muna ni Calton ang buhok niya bago siya nito iwan. Kagat naman ang ibabang labi niya na muling sinara ang pinto at matamis na ngumiti. Tulad ng sinabi ni Calton ay nagsuot siya ng damit kung ano man meron siya sa apardor. Pagkatapos magbihis ay sinuklay at tinali niya ang unat at mahaba niyang buhok. Pagkatapos niyang magpulbo ay agad na rin siyang lumabas sa kwarto. "Let's go?" agad na tanong sa kanya ni Calton pagkababa niya. Nginitian niya ito at marahan n tumango. Giniya siya ni Calton pasakay sa wrangler nito at inalalayang sumakay. "Saan mo gusto unang pumunta?" tanong ni Calton sa kanya habang binabaybay na nila ang daan palabas sa Hacienda. "Kahit saan, Calton," aniya. "Okay, ako na ang bahala," anito na itinuon ang sarili sa daan. Dinala siya nito sa Bayan. Marahil may bibilhin ito roon. Inakay siya nito papunta sa isang boutique kung saan bilihan ng mga damit pangbabae. "Anong ginagawa natin dito, Calton?" tanong niya. "Choose everything you want, Lia," anito. Gulat na napatingin siya kay Calton. "Naku, Calton, hindi mo na ko kailangan bilhan ng bagong mga damit." "Come on, this is my peace offering for you. Kapag hindi mo tinanggap iisipin ko na hindi mo talaga tinatanggap ang peace offering ko sa'yo." "Pwede naman tayo maging okay kahit walang ganito, Calton." "But I want to. I want to spoiled you, Lia. Ngayon lang ako babawi hindi mo pa ako mapagbibigyan?" Saglit na nag-atubili si Lia bago siya marahan na tumango. "Sige pero isa lang ha?" Matamis siya nitong nginitian. "Ikaw ang bahala. Sige na mamili ka na maghihintay ako rito." NANG makalayo si Lia kay Calton ay tumunog ang cellphone niya, si Brad ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot. "Napatawag ka?" "Ayon kay Marcelo kumikilos na raw ang La kawft para hanapin si Julianne Hosni." Hindi na siya nagulat pa sa balitang iyon dahil matagal nang nakasubaybay ang mga tauhan ni Marcelo para bantayan ang bawat galaw ng La Kawft. Ang lubos na ikinagulat niya ay paano nalaman ni Afzal na buhay pa si Julianne? Ipinalabas kasi noon ng kanyang ama na pinatay nila ang bata kasama ng ibang miyembro ng La Kawft. Nangunot ang noo niya. "Paano nalaman ni Afzal?" "Iyan ang hindi namin alam. Iniisip ni Marcelo na marahil meron din silang nilagay na tracker na nasa loob ng katawan ni Julianne at marahil umiikot sa iba't ibang lugar ang mga tauhan ni Afzal kaya nila na-detect na buhay pa si Julianne." Kuyom niya ang kamao. "That mother fucker!" Naiinis siya sa isipin na ginagamit ni Afzal ang anak para sa sarili nitong kapritso at kasamaan. "Kaya hanggat maaari gustong pamadaliin ni Marcelo ang pagtapos sa buhay ni Julianne Hosni." Napatingin siya kay Julianne na abala pa rin sa pagpili ng damit na bibilhin nito. "Calton?" pukaw ni Brad mula sa kabilang linya. "Yes, of course," mabilis niyang sagot. "Don't hesitate to kill her, Calton. Tandaan mo maraming inosenteng buhay ang pwedeng masayang." "I know. You don't have to tell me." "Good. Tatawag ulit ako kapag may balita. Mag-iingat ka dahil maaring nasa paligid lang ang mga kalaban." pagkatapos ay pinutol na nito ang linya. "Calton ito na ang napili ko," ani sa kanya ni Julianne nang makalapit sa kanya. "Okay. Babayaran ko na," aniya na nagtungo sa counter para bayaran ang damit na napili nito. Pagkatapos bayaran ay agad na rin niyang inaya si Julianne na kumain sa karindirya kung saan sila noon dinala ng kanyang ama nang ipasyal sila nito. "Do you remember this place, Lia?" tanong niya sa dalaga pagkaupo nila sa loob. Nguniti ito. "Oo naman. Dito tayo dinala noon ni papa na ikinagalit mo, tama?" Pagak siyang natawa. "I hate it every time dad always thinks about what you want. Simula noong dumating ka palaging ikaw ang iniisip niya, kung gusto mo ba nito o kung ayaw mo ba niyan." "P-pasensya na, Calton. Hindi ko gustong masaktan ang damdamin mo maniwala ka." Hindi siya nakapagsalita dahil ayaw ba niyang may masabi pa. 'Yung mga nasabi niya sa mga oras na iyun ay hindi na dapat niya sinabi pa. "Gusto mo ba lumipat na lang tayo—" nang akmang tatayo si Julianne ay mabilis niya itong pinigilan sa kamay. "Okay lang. Ako naman ang nagdala sayo rito. Tsaka nakaraan na 'yon. Sorry if I bring it up. Hindi ko na dapat pa sinabi." Napatingin siya sa kamay ni Julianne na humawak sa kamay niya. "Pasensya na talaga. Pero maniwa ka sa hindi, wala akong intensyon na maramdaman mo kung ano ang nararamdaman mo noon," nakita niya ang sinsiridad sa mga mata nito habang sinasabi nito ang katagang iyon. Nginitian niya ito. "Let's just forget that. Umorder na tayo ng kakainin natin bago tayo pumunta sa falls," aniya. PAGKATAPOS nga nila kumain ay agad na silang nagtungo sa falls. Sumakay sila sa bangka at pumasik sa loob ng cave. Nakita nila ang kagandahan ni'yon at nakita rin nila ang maraming paniki na naninirahan doon gayon din ang mga iba't ibang bulaklak na hindi mo aakalainin na tutubo roon. Pagkatapos nila roon ay nagtungo sila sa flower farm. Pinaupo siya ni Calton sa gitna ng nga bulaklak para kuhaan ng litrato. Pagkatapos siya nitong kuhaan ay nakisuyo ito sa ibang tao para kuhaan naman sila gamit ang mamahalin nitong cellphone. "Ang ganda rito, Calton," aniya habang nilalakad nila ang mahabang pedestal at habang tinitingnan ang magagandang bulaklak na madadaanan nila. "You haven't been here yet?" Marahan siyang umiling. "Mula nang umalis kayo ni Papa, hindi na ko nakakalabas sa Hacienda, ngayon lang ulit." "Bakit?" Kunot-noong tanong nito. "Kasi mas gusto ko na lang na ituon ang sarili ko sa Hacienda kaysa pumunta kung saan-saan. Ayoko rin kasi sayangin ang lahat ng mga binibigay sa'kin ni papa." "At least ngayon nakalabas ka na ulit sa Hacienda at nakapunta rito." "Kay nga eh. Salamat, Calton." Huminto ito sa paglalakad kuway hinaplos nito ang buhok niya. "No worries." Sa hindi na naman malaman na dahilan ay biglang tumahip ng mabilis ang puso niya. Kung dahil ito kay Calton, bakit at sa paanong paraan naman? "May problema ba, Lia?" takang tanong nito nang mapansin nitong biglang nagbago ang mood niya. "Naguguluhan lang ako, Calton," "Saan naman?" "Sa tingin ko kasi may sakit na ko sa puso." Nangunot ang noo nito. "Bakit naman?" "Kasi sa tuwing kausap kita o kaya sa tuwing malapit ka sa'kin ng ganito, bumibilis ang t***k ng puso ko tulad ngayon," aniya habang hawak ang dibdib na katapat ng puso niya. Hindi makapaniwalang napatitig si Calton kay Julianne pero sa huli ay napatawa ito. "Wala kang sakit Julianne," anito na pinipigilan ang sariling matawa. "Pero bakit ganito?" So innocent, sabi ni Calton mula sa isipan nito. "Silly. That's normal." "Normal? Paanong normal? Anong ibig-sabihin nun?" Nagbuntong-hininga si Calton. "Why you're so innocent, Lia?" "H-ha?" Umiling si Calton. "Ibig-sabihin lang niyang nararamdaman mo ay masaya ka, that's all." Iyon lang iyon? Dahil sa masaya siya? Pero bakit hindi naman siya ganito noon? Bakit ngayon lang? Ibig ba sabihin ibang saya ang nararamdaman niya noon sa ngayon? "G-ganun ba 'yun?" "Yes. Though it's bot big deal." "Big deal sa'kin to, Calton, kasi masaya ako na kasama ka ngayon at masaya ako dahil nakakausap na kita ngayon na walang halong galit." Malamlam ang mga matang tinitigan siya nito. "Did I scared you?" Marahan siyang tumango. "Takot na takot sa tuwing nagagalit ka kaya mas pinipili ko na lang noon na magkulong sa kwarto." Hinaplos nito ang buhok niya. "I'm sorry, Lia. Promise that's not gonna happen again." Ngumiti siya at marahan ulit na tumango. "Nakaraan na 'yan, Calton na dapat ng kalimutan. Ang mahala ay 'yung ngayon." "Yeah. You're right." "Let's go now?" Tumango siya. Pero nang ihahakbang niya ang mga paa ay tumunog ng cellphone niya. Agad niyang sinagot ng si Jacen ang tumatawag. "Jacen, napatawag ka?" "Manganganak na ang kabayo mo, Lia," balita nito. "Talaga ba? Sige uuwi na kami," aniya at pinutol na ang linya. "Lia, what's happen?" tanong ni Calton sa kanya. "Kailangan na natin umuwi, Calton, manganganak na kasi ang alaga kong kabayo," aniya na iniwan na ito. "PASENSYA na kung naabala ang pamamasyal ninyo ni Lia," sabi sa kanya ni Jacen nang matapos nitong maipanganak ang kabayo ni Julianne. Walang emosyong nilingon niya ito. "Ayos lang, meron pa naman ibang araw para ipagpatuloy namin ni Lia ang pamamasyal." Tiningnan nito si Lia na abala sa anak ng kabayo nitong si Rufa. "Hindi mo ba itatanong kung bakit mahalaga sa kanya ang kabayong iyan?" "Bakit?" "Dahil si Rufa ang huling kabayong nabuntis ng kabayo mo bago ito nagkasakit at namatay." Nangunot ang noo niya. "Anong konek?" "Dahil kabayo mo ang nakabuntis ay gustong ingatan ni Lia ang anak ni Rufa dahil alam niya kung gaano mo kamahal ang alaga mong si Thunder." Naa-amaze na tiningnan niya si Julianne na ngayon ay nakatingin na sa gawi nila. Kumaway ito kaya bahagya niya rin itong kinawayan. "Lahat ng iportante sa'yo, Calton ay pinahahalagahan ni Lia, ganu'n siya magpahalaga at magmahal sa mga bagay na may kaugnayan sa inyo ni tito Marco." Ngayon lang niya nalaman ang tungkol doon. Hindi niya akalain na ganu'n pala si Lia. "Mahal din ng mga taga Calbaranes si Lia dahil sa kabutihan ng loob nito. Walang pagdadalawang isip na tumutulong siya sa mga nangangailangan, Calton." Muli niyang nilingon si Jacen. "Why are you telling me this?" "Gusto ko lang na malaman mo na maraming malulungkot kapag nawala rito si Lia." "Bakit naman mawawala si Lia rito?" "Diba iyon naman ang gusto mo? Ang pakikipaglapit mo sa kanya ay isa lamang pakitang tao. Calton, alam ko kung ano ang gusto mong mangyari. Hindi kita pipigilan pero sana pag-isipan mo pa ng maraming beses bago mo siya tuluyang saktan. Sana makita mo rin ang kabutihan na nakikita namin sa kanya," mahaba nitong sabi. Tinapik-tapik nito ang balikat niya bago siya nito iniwan para lapitan si Julianne. Nang muli niyang tingnan ang dalaga ay may matamis na ngiti ito sa mga labi. Ito ang mga ngiti na ayaw niyang makita. Nakuyom niya ang mga kamao at walang paalam na umalis at bumalik sa mansion. Hindi dapat siya ma-distract ng mga bagay na makakasira sa mga plano niya. Walang salita ang pwedeng makapagpabago sa mga gusto niyang gawin kay Julianne Hosni. Hindi siya naaawa at lalong hindi siya papadala sa mga inosente nitong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD