Chapter Nine

2249 Words
SA MGA sumunod na araw, napansin ni Lia ang pagbabago ni Calton. Pagkatapos nung pag-uwi nila dahil nanganak ang kabayo niya ay tila iniiwasan na siya nito. Nagsasabay man sila sa pagkain ay tahimik lang ito at pagkatapos ay muli itong babalik sa kwarto. Iniisip tuloy niya kung may nagawa ba siyang mali? Nagalit kaya ito dahil naputol ang pamamasyal nilang dalawa? Wala naman kasi siyang makita na ibang dahilan kundi iyon lang. Lumabas siya sa kwarto niya at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape at dalhin kay Calton. Gusto niya itong makausap para malaman kung bakit ito umaakto ng ganu'n. Ayaw na niya 'yung pakiramdam na para siyang hangin na hindi nakikita. Ayaw na ulit niyang maramdam kung ano sila noon ni Calton. Kung kailan umookay na ang relasyon nilang dalawa tsaka ulit nagiging ganito. Pagkatapos niyang itimpla ang kape ay agad niyang tinungo ang kwarto ni Calton. Tatlong katok lang ang ginawa niya ay sumagot na ito mula sa loob. "Come in." Pinihit niya ang seradura at tinulak pabukas ang pinto. Nkita niyang abala si Calton sa harap ng laptop nito. "May kailangan ka?" tanong nito na hindi man lang tumingin sa kanya. "Pinagtimpla kita ng kape," aniya na nanatili lang nakatayo sa daanan ng pinto. "Just put it there, iinomin ko mamaya." Inilapag niya ang tasa sa ay bedside table nito. Pero nanatili lang siyang naka tayo at nakayingin kay Calton. Kunot ang noong nilingon siya nito. "May kailangan ka pa ba?" "Gusto ko lang sana itanong kung ayos lang ba tayo?" "What do you mean? Of course we're okay." "Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ko, Calton. Galit ka ba sa'kin?" Binitawan nito ang hawak na papel at pinihit ang swivel chair paharap sa kanya. "Why did you think I was mad at you?" "Hindi mo kasi ko pinapansin simula noong umuwi tayo galing sa pamamasyal. Pasensya na kung ginusto kong umuwi. Mahalaga kasi talaga sa'kin ang kabayo na 'yon—" "Dahil si Thunder ang naka buntis sa kabayo mo bago ito namatay tama?" Hindi alam ni Lia kung paano nito nalaman ang tungkol doon, pero marahan na lang siyang tumango. "Pasensya na," hinging paumanhin niya ulit. Nagbuntong-hininga si Calton. "Hindi ako galit sayo, Lia." "Kung ganu'n bakit iniiwasan mo 'ko?" "Hindi kita iniiwasan. Kung iniiwasan kita sana hindi kita sinasabayan sa pagkain." "Pero bakit hindi mo 'ko pinapansin?" Saglit itong natahimik bago ulit nagsalita. "Meron lang akong iniisip, about my work." "Ganu'n ba?" Pero hindi niya makuhang makumbinsi sa sinagot nito sa kanya. Pakiramdam talaga niya merong kakaiba kaya ito nagkakaganito ngayon. "H-hindi lang ako komportable, Calton. Ayoko lang maramdaman ulit 'yung pakiramdam na ayaw mo sa'kin. Ayoko ulit bumalik tayo sa kung ano tayo dati. Natatakot ako na magalit ka ulit sa'kin tulad noong dati," pag-amin niya. Muling nagbuntong-hininga si Calton. "I'm sorry if I make you feel that way, pero hindi ako galit sa'yo." Pero bakit pakiramdam niya nagsisinungaling ang binata? "Talaga? Hindi ka galit sa'kin?" Umiling ito. "I'm not." Tumango-tango siya at napahawak sa dibdib. "Masaya ako kung ganu'n." "Masaya ka dahil hindi ako galit sa'yo?" Mabilis siyang tumango. "Ayoko kasing galit ka sa'kin, Calton." Tipid na natawa si Calton. "Bakit?" Bakit nga ba? "H-hindi ko alam. Basta ayoko lang nang pakiramdam na 'yon." Tumayo si Calton mula sa swivel chair at humakbang palapit sa kanya kuway hinaplos nito ang buhok niya. "Don't worry you won't feel that again. Marami lang talaga akong iniisip tungkol sa trabaho." Tumango-tango siya. "Hindi muna kita iistorbohin para magawa mo ang trabaho mo. Pupunta muna ako sa bayan para mamili." "Sino kasama mo?" "Si Monet. Siya lang naman ang lagi kong kasama kapag lumalabas." "Okay. Mag-iingat kayo." SINAMANTALA ni Calton ang pagkakataon na wala si Julianne para maglagay ng secret camera sa loob at labas ng mansion. Sa ganitong paraan mas mapapadali ang pagmo-monitor niya sa bawat kilos ng dalaga. Sa ganu'n din paraan para makita niya kung sino ang naglalabas-masok sa mansion at kung sino ang nakakausap at nakakasama ni Julianne. Eksaktong tapos na siya sa ginagawa nang tumunog ang cellphone niya. Si Dr. Mendez ang tumatawag. Ayaw niya sana sagutin iyon pero sa huli ay pinili sinagot niya iyon. "Napatawag ka?" "Can I talk to you personally, Calton?" "For what?" "About Lia's case." "Diba napag-usapan na natin ang tungkol dito, Tito Simon? Na wala ka ng concern pa kay Julianne o sa kung anong kalagayan niya." "I know. But, just this once, Calton. Kapag wala pa rin sa'yo, hindi na ako mangingialam pa sa kanya." Nagdadalawang isip siya kung makikipagkita ba siya rito o hindi. Pero sa huli ay pinili na lang niyang puntahan ito sa clinic nito. "Okay, I'll be there in thirty minutes," iyon lang at pinutol na niya ang linya. Lumabas siya sa secret room na nasa loob ng kwarto niya. Pinasadya ito noon ng kanyang ama in case of emergency at nasisiguro niyang hindi iyon alam ni Lia. Inihagis niya ang cellphone sa ibabaw ng kama bago pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo at magbihis, agad siyang nagtungo sa clinic ni Dr. Mendez para pakinggan kung ano man ang nais nitong sabihin. "Mabuti naman at pumayag kang pumunta rito at makipag-usap sa'kin," agad nitong sabi pagkarating niya sa clinic nito. "Just tell me you want to say, Tito." Tumango-tango ito. Ibinaling nito sa kanya ang monitor at ipinakita ang resulta ng CT-Scan ni Julianne. "Ito ang huling CT-Scan ni Julianne at base sa resulta, muling nakikita ang microchip na inilagay sa ulo niya. Meaning, may pag-asa na pwede ulit na sumailalim si Lia sa isa pang operasyon para matanggal ang microchip," pagbibigay kaalaman nito. "Iyon lang?" walang gana niyang tanong. "Calton, kapag natanggal natin ang microchip sa ulo ni Lia, maaaring hindi mo na siya kailangan na patayin—" "Nonsense." "Calton—" "Ito lang ba ang dahilan kaya gusto mo akong makausap?" "Calton, alam mong hindi masamang tao si Lia kaya kung hindi lang dahil sa microchip na nasa ulo niya hindi mo siya kakailanganin na patayin. Matanggal lang natin ang microchip sa ulo niya magiging okay na ang lahat," pangungumbinsi nito sa kanya. Nagbuntong-hininga siya. "Naiintindihan ko na napamahal na sa inyo si Julianne, pero simula ngayon kinakailangan mo ng sanayin ang sarili mo na kalimutan siya. Aalis na ako." Akmang lalabas na siya nang pigilan siya nito sa braso. "Calton—" Galit na winaksi niya ang kamay nito at walang emosyon ang mga matang tumingin dito. "Tigilan niyo na ang pagkumbinsi sa'kin na huwag ng patayin si Julianne, Tito, dahil imposible 'yang gusto mo! Kasalanan niyo 'yan dahil alam niyong darating sa ganito pero pinag-aralan niyo pa rin na mahalin ang babaeng iyon!" aniya na dinuro-duro ito. Mariin niyang hinilamos ang sariling mukha. "Sa tingin mo ba matatapos ang lahat ng problema kapag natanggal mo na ang microchip sa ulo ni Julianne? Pwes nagkakamali ka! Kahit si dad alam 'yan!" "Anong ibig mong sabihin?" kunot ang noong tanong nito. "Kung may plan A si Afzal, nasisiguro namin na may plan b, plan c, at plan d siya na binuo. Paano pala sa gagawin mong pagoopera kay Julianne iyon pa pala ang magiging hudyat para ma-activate ang bomba? Walang nakakatiyak kung sa Manila lang ba talaga nagtanim ng bomba ang hayop na Afzal na 'yon. Hindi natin alam kung meron din dito o sa iba pang panig ng bansa. Isa pa, Julianne is owned by the organization, kaya, hindi pwede na ako o ikaw ang magdesisyon sa bagay na 'yan, dahil isang maling hakbang lang marami ang maaaring madamay," mahaba niyang sabi. Laglag ang mga balikat na muling naupo si Dr. Mendez sa swivel chair. "Nakakaawang bata. Nadamay sa lahat ng gulo na 'to." Nagbuntong-hininga siya. "Tuloy ang plano kong pagpatay sa kanya. Kaya kung ako sa'yo umpisahan mo ng isipin na walang Lia ang nage-exist dito sa mundo," iyon lang at walang paalam ba nilisan niya ang lugar na 'yon. "KUMUSTA naman ang pakikipagkaibigan mo kay Señorito Calton?" usisa ni Monet habang namimili sila ng baboy sa mercado. "Ayos naman. Masaya," aniya. "Mukha nga. Kitang-kita naman sa mukha mo na masaya ka. Mabuti naman kung ganu'n." Nakangusong nilingon niya ito. "Parang hindi ka masaya na okay na kami ngayon ni Calton." "Hindi naman sa ganu'n, ayoko lang ulit na dumating ka sa punto na masasaktan ka ulit. Hindi mo kasi deserve na masaktan, Lia." Nangunot noo niya. "Bakit naman ako masasaktan?" "Five hundred thirty lahat, ineng," sabi ng tindera ng baboy. Kumuha muna siya ng pera sa wallet at agad na binayaran ang ale. "Salamat, ineng." "Salamat din po." Kinuha niya ang supot na inabot nito at ipinasok iyon sa loob ng bayong. "Bakit nga ako masasaktan?" muli niyang tanong sa kaibigan. Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ko alam, nasabi ko lang. Piling ko kasi iyon ang mangyayari sa'yo." Tinawanan niya ito. "Ano ka may kapangyarihan na maramdaman ang posible na mararamdaman ng isang tao sa hinaharap? Monet, hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang sinasabi mo na mararanasan ko, pero isa lang ang nasisiguro ko, iyon ay ang hindi ako darating sa punto na 'yan, okay?" "Sana nga." "Isa pa, hindi ganu'ng klaseng tao si Calton. Pinangako niya sa'kin na hindi ko na ulit mararamdaman 'yung naramdaman ko noon." "Pinangakuan ka niya?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Oo. Kagabi lang." Hindi na muling nagsalita pa si Monet patungkol kay Calton hanggang sa makabalik sila sa mansion. Naabutan naman nila ang binata na kabababa lang din sa hagdan. "Maganda araw ho, Señorito Calton," bati ni Monet dito. Tango lang ang isinagot ni Calton. "Sige, Lia, aalis na ako," paalam na nito sa kanya. "Sige, Monet, maraming salamat sa pagsama mo sa'kin," aniya. "Sige po, Señorito, mauna na ho ako," paalam naman nito kay Calton at agad din umalis. "Ikaw naman sinungitan mo 'yong tao," aniya nang tuluyan ng wala si Monet. "Ako? Kailan?" Painusenteng tanong naman ni Calton na tinutulungan siyang ilabas sa bayong ang mga pinamili nila ni Monet. "Ngayon lang. Sinusungitan mo si Monet," "I'm not." "Oo kaya. Kaya tuloy iniisip niyang hindi ka pa nagbabago ng pakitungo sa'kin eh." "Sinabi niya 'yun sa'yo?" Tumango siya. "Kasi ipinapakita mo pa rin sa iba na masungit ka pa rin." "Dapat ba pati sa kanila maging mabait ako?" Umiling siya. "Hundibsa ganu'n. Ang tawag 'dun pakikisama, Calton." Napalunok siya nang hindi nagsalita si Calton at tahimik lang ito habang nakatitig sa kanya. Masyado ba siyang lumagpas sa boundary? Tumikhim siya at umiwas ng tingin sa binata dahil hindi niya kayang tagalan ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. "P-pasensya na. Hindi ko dapat sinabi 'yon." "Lia." "A-ano?" Hindi pa rin siya tumingin dito. "Lia, look at me." Marahan siyang tumingin sa binata. Nang magtama ang kanilang mga mata, heto na naman ang puso niyang bigla na lang tumitibok ng mabilis. "Masama ba akong tao?" tanong nito. "H-hindi —" "I want your honest answer," putol nito sa iba niyang sasabihin. "Sa tingin ko hindi talaga, Calton." "Hindi kahit ganu'n ang trato ko sa'yo dati?" "Noong una masama ang loob ko sa'yo kasi hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganu'n mo na lang ako pakitunguhan. Pero noong huling beses na narinig ko kayo ni papa na nag-uusap alam kong meron kang pinagdadaanan. Iyon na lang ang iniisip ko ng mga oras na 'yon. Tapos nalaman ko mula kay Jacen na 'yung araw na mismo na dumating ako rito iyon din ang pagkakataon na namatay ang mama mo," puno ng sinseridad niyang sagot. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi mo ako magawang tawagin sa pangalan na Lia kasi iyon ang pala ang pangalan ng iyong ina." Hindi makapagsalita si Calton. Hindi rin mabasa ni Lia sa mga mata ng binata kung ano ang saloobin nito dahil wala man lang kaimo-imosyon ang mga iyon. "Kaya para sa'kin hindi ka masama," aniya na muling umiwas ng tingin dito. Pero bago pa tuluyang maalis ang mga mata niya rito ay pinigilan siya nito sa kanyang baba at muling itinaas patingin dito. "Hindi ba talaga ako masama sa paningin mo, Lia?" tanong nito sa baritonong boses. "H-hindi." God! Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. "Sa gagawin ko kayang ito hindi pa rin ako masama sa paningin mo?" "A-anong ibig mong sabihin?" Pero imbis na sagutin nito ang tanong niya, ang mga labi nito ay lumapat sa mga labi niyang bahagyang naka awang. Sa pagkakataon na iyon ay tila biglang huminto sa pag-ikot ang mundo ni Lia. Pakiramdam niya pati oras ay tumigil. Wala siyang ibang naririnig kundi ang pagtibok ng puso niya na ang bilis-bilis. Naipikit ni Lia ang mga mata nang maramdaman niyang gumalaw ang mga labi ni Calton para mas ibuka pa ang mga labi niya. Napaungol siya nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya at tila meron iyong hinahanap doon. Ang marahan na paggalaw ng bibig nito ay bumilis na tila ba sabik sa bawat sandali na matikman ang mga labi niya. At halos pareho silang agaw hininga ng pakawalan nito ang mga labi niya. "Fuck..." narinig niyang sabi ni ni Calton habang ang noo nito ay nakasandig sa noo niya. "Calton..." "Mabait pa rin ba ako sa paningin mo, Lia, kahit na sabihin kong; I want to f**k you right here, right now." "C-Calton..." tanging salitang lumabas mula sa bibig niya. Gulat na gulat siya. Hindi niya akalain na magagawa nitong halikan siya. Dahil bakit nito iyon magagawa sa kanya? "I need to cool down my self," anito pagkatapos ay iniwan siya nito na punong-puno ng pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD