bc

Passionate Vengeance

book_age18+
193
FOLLOW
2.2K
READ
family
HE
dominant
tragedy
bxg
surrender
like
intro-logo
Blurb

Ever since Calton met Lia, ipinaramdam na nito sa kanya na hindi siya welcome sa tahanan ng mga Martinez. Kinupkop siya ng ama ni Calton at tinuring na parang isang tunay na anak, dahil doon higit siyang kinamuhian ng binata.And Lia's memory come back. At ang isa sa mga naaalala niya ay ang mission na ibinigay sa kanya ng Triad. Ang patayin si Marco Martinez kapalit ng kanyang ina.Then, Calton came back for good at ang dahilan ng pagbalik nito ay... Carlton's mission is to kill her.

chap-preview
Free preview
Prologue
HUMINTO ang sasakyan sa harap ng malaking bahay at tiningala iyon ng dalagita at hindi niya mapigilang mamangha sa laki at ganda ng mansion. "Dito po ang bahay ninyo, Sir?" tanong niya nang lingunin ang lalaking kukupkop sa kanya pansamantala. Tipid siya nitong nginitian at marahan na tumango. "Simula ngayon, dito ka na titira at ito na ang magiging bahay mo." "Dito po ako titira?" "Yes, Hija. We are family now." Muli itong ngumiti. "From now on, you can call me Papa Marco or kung san ka komportable." "P-papa..." naiilang na sambit niya. "Opo, Papa." "Good. Makakasama mo rito sa bahay ang anak kong si Calton, mabait siya. You can call him kuya." Marahan siyang tumango. "Sige po, P-papa." "Good. Let's get inside." Inalalayan siya nito na bumaba ng sasakyan at inakay papasok sa mansion. Puno ng paghangang inilibot niya ng tingin ang buong mansion. Napakasimple lang ng desenyo pero maganda. Isa lang ang nasisiguro niya, hindi basta-bastang tao ang umampon sa kanya. Sa paglilibot ng kaniyang mga mata ay natuon ang tingin niya sa binatang abala sa Pag-guitara habang may suot itong headset sa magkabila nitong tainga. Ito na marahin ang anak na sinabi ni Papa Marco kanina. "Hijo," tawag pansin ni Papa Marco sa anak nito pero tila hindi nito iyon narinig. "Hijo," muling tawag ni Papa Marco sa anak nito pero patuloy pa rin ito sa pagtipa sa guitara. "Calton Martinez!" muling tawag pansin ni Papa Marco sa anak nito at sa pagkakataong iyon ay higit na mas malakas at may diin. Walang emosyong lumingon ang binata sa gawi nila, kuway hinubad ang suot na headset. Malamig ang tingin na tumingin ito sa kanya. "Dinala mo talaga siya rito?" tanong nito. "We already talk about this," sagot naman ni Papa Marco. "Did I say yes?" Nagbuntong-hininga si Papa Marco. "Yes or no, she'll staying here whether you like it or not." Tumawa ng pagak si Calton at patuyang tumitig sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Of course." Bahagyang pinisil ni Papa Marco ang balikat niya. "I want you to meet my son, Calton." "Umh... H-hi, K-kuya Calton." Inis na inikot nito ang mga mata at walang salitang iniwan sila nito. "Calton!" tawag pansin ni Papa Marco sa anak nito pero hindi ito pinansin at nagpatuloy sa pag-alis. Marahas na nagbuntong hininga si Papa Marco kuway bahagya itong nag-iskwat sa harapan niya. "Don't mind him, ok? Mabait naman siya may sumpong lang ngayon." Tipid siyang ngumiti. Ramdam naman niya na hindi nito tanggap ang pagtira niya rito. Sino nga naman ba ang tatanggap sa isang katulad niyang estranghera? Kung siya nga hindi niya kilala ang sarili, ito pa kaya? "Ayos lang po. Alam ko naman po na hindi niya gustong tumira ako dito." Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat. "Huwag mong isipin 'yan. This is my house, may karapatan akong patirahin dito kung sino man ang gusto kong patirahin." "Pasensya na po kung nagtalo pa kayo ni Kuya Colton dalhin sa'kin." Mabilis na umiling si Papa Marco. "Wala kang kasalanan." Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid ng mansion, hanggang dumapo ang mga mata niya sa isang malaking litrato na nasa sentro ng sala. Isa iyong napakagandang babae. "Papa Marco," tawag pansin niya rito. "Yes, Hija?" "Sino po siya?" Tinuro niya ang malaking portrait. "She's my wife." "Nasaan ho siya?" usisa pa niya. "Wala na siya Hija. She died nine months ago," sagot ni Papa Marco sa malungkot na tinig. "Pasensya na po kung natanong ko pa." "No, it's ok." Bahagya nitong ginulo ang maikli niyang buhok. "By the way, may naisip ka na bang pangalan na gagamitin mo habang hindi mo pa naaalala ang pangalan mo?" maya'y tanong nito. Marahan siyang umiling. "Hmm... pwede po bang ikaw na po ang magbigay? Wala po talaga akong maisip." Sandali itong nag-isip. "How about Lia?" Mabilis na umaliwalas ang mukha niya at malapad na ngumiti. "Lia..." ulit niya. "Magandang pangalan po!" "You like it?" Mabilis siyang tumango. "Gustong-gusto ko po!" "Good." Hinaplos nito ang ulo niya kuway humarap ito sa babaeng may edad na. "Manang Lida, pakihatid na ho si Lia sa magiging kwarto niya," anito na muling humarap sa kanya. "Kakausapin ko lang ang anak ko. Magpahinga ka na, malayo ang biniyahe natin." Tumango siya at sumunod na kay Manang Lida. TUMIGIL sa pagtipa si Calton sa guitara nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Inilapag niya ang guitara sa ibabaw ng kama kuway mabilis na isinuot ang headset sa magkabila niyang tainga. He doesn't want to hear his Dad's explanations. Wala rin naman patutunguhan ang magiging pag-uusap nila. "Hijo, can we talk?" Anito na tuluyang pumasok sa kwarto niya. Kunwari wala siyang narinig. "I know you don't want her to be here, but I have a reason why I choose to take care of her." Alam naman pala nito na hindi niya gustong tumira ang batang iyon kamasa niya, pero bakit nito inako ang pag-aalaga sa batang babaeng dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina? Mahirap para sa kanya na makita ang babaeng anak ng lalaking dahilan kung bakit namatay ang kanyang ina. Hindi rin niya maiwasan na magalit sa ama dahil sa trabaho na meron ito, marahil dahil doon ay nadamay ang kanyang ina. Pero ano ang karapatan niyang magalit kung tanggap ng kanyang ina ang trabaho ng ama niya? Ang hindi lang niya matanggap ay bakit kailangan pa nitong ampunin ang batang babaeng iyon? "Please, Son, listen to me." Marahas na nagbuntong-hininga si Calton at inis na inalis ang headset mula sa tainga niya, kuway nilingon niya ang ama. "Wala naman na akong magagawa Kung nakapagdesisyon ka na dito patitirahin ang babaeng 'yan kahit na ayaw ko. Para saan pa't mag-uusap pa tayo?" "Please, listen." Itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagpapakalma sa kanya. "There's a reason why she's here. Why she needs to be here—" "It's because of work?" putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Yes. It's because of my work." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Mom died because of your work," tiim ang bagang sabi niya. "Calton..." "Siya ang nawala dahil sa trabaho mo! Siya ang namatay dahil sa batang babaeng 'yon na ngayon ay kinukupkop ninyo ng dahil sa trabaho mo! Sinong susunod? Ako?" Marahas na muling nagbuga ng hangin ang ama niya. Halatang pinipigilan ang galit. "I'm sorry for your Mom's lost. Hindi ko ginusto iyon at hindi ko na hahayaan na mangyari pa sa'yo kung ano man ang nangyari sa mommy mo. I'm really sorry, Son. And about Lia—" "Lia?" kunot ang noong tanong niya. "She don't know her name, so I named her Lia until her memories comes back," malumanay na sagot ng kanyang ama. "Wow! You name her after mom? It's great Dad, it's really great!" He exclaimed. Sa dinaramirami ng pangalan napwedeng ibigay sa batang babae, bakit pangalan pa ng mommy Lia niya? "Anyway, please be good to her. She's a nice lady, Son." He snorted. Sobra-sobra na nga na pinatira ito dito kasama niya, kalabisan naman na ata kung hilingin pa na maging mabait siya rito? "Wala akong nagawa para pigilan kang patirahin siya dito so, huwag ninyo akong pilitin na pakitunguhan siya ng tama. I'm sorry, but I can't do that." Sandali siyang pinakatitigan ng ama bago ito marahan na tumango. "I understand. Again, I'm sorry. Aalis na ako." Tumalikod na ito at pinihit pabukas ang seradura. Akmang lalabas na ito nang muli siya nitong nilingon. "In time, malalaman mo rin ang totoo at ikaw ang tatapos sa trabaho ko." Nagsalubong ang kilay niya. "What do you mean?" "In time son, in time. Always remember, trust your instinct," anito na tuluyan ng lumabas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
94.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.4K
bc

The Sex Web

read
150.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook