ILANG araw na ang lumipas pero hindi pa rin makapaniwala si Lia na okay na sila ni Calton. Para sa kanya isang panaginip ang magkaayos silang dalawa.
Sabay na silang nakakakain, nagngingitian at nakakapag-usap na sila ng maayos. Kahit man ang iba ay naninibago sa pagbabagong ipinapakita sa kanya ng binata. Ang lahat ay natutuwa sa pagbabagong iyon ni Calton maliban kina Jacen at Monet. Pero hindi niya iniinti ang sinasabi ng mga ito basta ang importante ngayon ay okay na sila ni Calton.
"Mabuti naman at hinahayaan ka ulit ni Calton na mamahala sa Hacienda?" tanong ni Jacen nang dumalaw ito sa vineyard isang araw.
Kasalukuyan siyang nasa kubo. Dito siya namamalagi sa tuwing nagpupunta siya sa vineyard.
Tipid niya itong nginitian. "Kailan ba niya ako pinagbawalan? Wala naman," pagsisinungaling niya.
"We all know Calton hates you."
Tiningnan niya ito at tipid na nginitian. "Pero okay na nga kami ngayon."
"Na mas lubos kong ikinakabahala, Lia."
Buntong hiningang binaba niya ang hawak na log book at humarap ng maayos kay Jacen. "Bakit ba alalang-alala kayo na maayos na kami ni Calton? Ayaw niyo ba na naging okay na kami? Na unti-onti na niya akong natatanggap?"
"Hindi naman. Noong isang araw halos hindi maitago ang galit niya sa'yo tapos ngayon biglang okay na kayo?"
"Nag-usap kami okay? Pinag-usapan namin ang mga bagay-bagay at nagkapatawaran. Mahirap ba talagang paniwalaan na okay na kami?"
Pumalatak at nagbuntong-hininga si Jacen. "Okay, I'm sorry. Maniwala ka sa hindi masaya akong naging maayos na kayo ni Calton. But promise me, mag-iingat ka palagi at huwag basta-basta magpapadalos sa desisyon."
Naguguluhan man kung para saan ang gusto nitong iparating ay marahan siyang tumango. Alam naman niya na concern lang sa kanya si Jacen at iyon ang isa sa mga kinasasalamat niya.
"Promise me, Lia," ulit nito.
"Pangako, Jacen. Okay na?"
Tupid ang ngiting ginulo nito ang buhok niya. "That's good."
Saglit pang nanatili si Jacen sa vineyard bago ito nagpaalam na umalis. At doon naman dumating si Calton sakay ng wangler nito.
"Araw-araw bang bumibisita si Jacen dito?" agad nitong tanong nang makalapit sa kanya.
Nginitian niya ito. Ang gwapo lang nito sa checkered polo at kupasin na pantalon na tinernuhan pa nito ng boots.
"Oo. Lagi niya kasi kinakamusta ang winery," aniya.
"Ang winery o ikaw?"
Naguguluhang tinitigan niya ito. "Bakit ako napasama? Syempre ang winery."
Nagkibit ito ng balikat. "I think Jacen likes you."
Saglit niya pa itong tinitigan bago natawa.
"What's funny?"
"Natawa lang ako sa sinabi mo."
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Meron. Dahil imposible 'yang sinasabi mo. Mas malabo pa sa sabaw ng pusit."
"Walang imposible sa sinabi ko."
"Meron. Si Jacen Martinez magkakagusto sa isang katulad ko? Ni wala nga ako panama sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya tapos magkakagusto sa akin?"
"Why not? Maganda ka, Lia."
At sa hindi inaasahan, biglang bumilis ang tahip ng puso niya na para bang nakikipagkarera iyon sa loob ng dibdib niya.
"Parang sinabi mo na rin sa'kin na pati ikaw pwedeng magkagusto sa'kin." Natigilan siya sa sinabi pero huli na para bawiin pa 'yon.
Tumikhim siya. "Kalimutan mo na ang sinabi ko. Ikaw kasi kung anu-ano ang mga sinasabi mo. Magkaibigan lang kami ni Jacen at bunsong kapatid lang ang tingin niya sa'kin kaya tantanan mo ang pag-iisip na may gusto siya sa'kin."
"Then why he's here?"
Nagbuntong-hininga siya. "Kinakamusta lang niya ang vineyard at may sinabi lang siya sa'kin."
"Na?"
"It's personal, Calton."
Naningkit ang mga mata nito. "I want to know."
"Calton..."
"If you want my trust you won't hiding something from me, Lia," seryosong sabi nito.
Muli siyang nag buntong-hininga. "Tungkol lang 'yon sa ating dalawa," pag-amin niya.
"Tulad ng?"
"Masaya siyang nagkaayos na tayong dalawa," aniya na hindi na sinabi pa ang ibang sinabi ni Jacen sa kanya.
"That's it?"
Tumango siya. "Iyun lang talaga."
Tinitigan siya ni Calton na para bang tinitingnan kung nagsasabi ba siya ng totoo, pero sa huli ay marahan itong tumango.
"Okay."
"Hindi mo naman ako pagbabawalan ulit na kausapin si Jacen diba?" mahina niyang tanong.
"Of course not. Just don't be close to him. Kung ayaw mong magselos ako, Lia." Iyon lang at tinalikuran na siya nito.
Naguguluhan naman si Lia na sinundan niya ito ng tingin. Si Calton magseselos kapag masyado siyang naging close kay Jacen? Pero bakit?
Pero kahit anong pag-iisip niya ay wala siyang mahanap na sagot sa tanong. Kaya bago pa siya tuluyang mabaliw sa kakaisip ay pinagpatuloy na lang niya ang pag inventory.
MAGKASAMA sila Lia at Calton ng bisitahin nila ang vineyard pati na ang factory kung saan ginagawa ang CNL wine. Lahat naman ay naging masaya at maganda ang pagtanggap sa pagbabalik ni Calton.
"Mananatili ka na ba ng matagal dito, Señorito?" tanong ni Ka Andoy kay Calton.
"Titingnan ko pa, Ka Andoy."
"Si Señor Marco baga di pa babalik?" tanong naman Ka Epeng.
"Wala pa rin akong balita. Magugulat na lang tayo kapag bumalik siya. Sa ngayon, ako muna ang makikita niyo rito."
"Ibig bang sabihin na nanditi ka na, ikaw na ang mamamahala ng winery at sa Hacienda?" tanong naman ng isa sa mga trabahante.
Tiningnan siya ni Calton at bago ibinalik sa mga trabahante. "Hindi. Magtutulungan na kami ni Lia."
Nabakas sa mukha ng mga trabahante ang labis na tuwa na hindi nakatakas sa paningin ni Calton. And he hates that. He hates the fact everyone likes Lia, pero hindi nito pinahalata dahil nasa ilalim ito ngayon ng pagpapanggap.
"Kaya simula sa araw na ito ay palagi ninyo na akong makikita. Marami pa akong dapat na matutunan kaya sana magtulungan tayo na mas lalo pang mapaunlad ang winery," sabi ni Calton.
"Makakaasa ho kayo, Señorito. Tiyak din naman na hindi kayo pababayaan ni Lia. Abay siya ang dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Hacienda gayun din ang winery," sabi ni Ka Andoy.
Tiningnan siya ni Calton. "Alam ko ho," anito sabay kindat sa kanya dahilan para magwala ang puso niya.
Ano ba itong nangyayari sa kanya? May sakit ba siya sa puso?
"Ayos ka lang?" maya'y pukaw sa kanya ni Calton nang manahimik siya.
"A-ayos lang ako, Calton."
"Are you sure?"
"Oo."
"Good. Sabay na tayong umuwi," anito na nauna ng naglakad.
Mariin siyang napapikit at buntong-hiningang sumunod siya sa binata.
KATOK sa pinto ng kwarto niya ang nagpahinto kay Lia sa ginagawang pagsulat niya sa kanyang diary. Pinamulahan siya ng mukha ng malingunan si Calton na naka sandal sa pintuan habang titig na titig sa kanya.
Nasanay na siyang iniiwang bukas ang pinto ng kwarto niya. Nakalimutan niyang kasama na nga pala niya ulit sa bahay si Calton.
"C-Calton..." isinara niya ang diary book niya at itinago iyon sa loob ng drawer.
"Mukhang nasanay ka na hindi na sinasara ang pinto ng kwarto mo," anito.
"Kaya nga eh. May kailangan ka ba, Calton?"
"May gagawin ka ba bukas?" tanong nito imbis na sagutin ang tanong niya.
Marahan siyang umiling. "Wala naman. Bakit?"
"Huwag ka munang pumunta sa vineyard bukas."
Nangunot ang noo niya. "Bakit?"
"Let's go somewhere tomorrow. Libutin natin ang Calbaranes bukas."
"B-bakit? Ang ibig kong sabihin, bakit ako?"
"Simple lang, matagal mula noong nalibot ko ang lugar na ito kaya gusto kong makita ang pagbabago ng lugar na kinalakihan ko at gusto kong gawin iyon na kasama ka."
"H-ha?"
"Don't ask." Matamis siya nitong nginitian at kinindatan bago ito tuluyang umalis at pumasok sa sarili nitong kwarto.
Nang marinig ni Lia ang pagsara nang pinto ng kwarto ng binata ay mabilis niyang sinara ang pinto ng kwarto niya kuway ni-lock iyon.
Napasandal siya sa pinto at dinama ang pagpibilis ng t***k ng puso niya. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganito? Ilang beses na niya nararanasan ang ang ganito. Ibig sabihin ba nun ay may sakit na siya? Pero nararamdaman lang naman niya ang ganito kapag nakakausap niya si Calton. Ano naman kaya ang ibig-sabihin nun?
Pero imbis na ituon niya ang isipan sa pag-iisip ay kinuha niya ang cellphone para tawagan ang kaibigan niyang si Monet.
"Napatawag ka akla?" agad nitong bungad.
"Matutulog ka na ba?"
"Sana. Pero bakit ka napatawag? May problema ba? Inaway ka na naman ba ni Señorito Calton?" sunod-sunod nitong tanong.
"Si Colton kasi..." nakagat niya ang ibabang labi.
"Ano nga ang ginawa sa'yo ni Señorito, Lia? Sinaktan ka ba niya?"
"Hindi. Tungkol sa kanya pero mali ang iniisip mo."
"Tungkol nga saan? Pupunta ako dyan para batukan ka lang dahil ang tagal mong sabihin."
Nagbuntong-hininga siya. "Inaya niya kasi akong mamasyal bukas."
"Inaya ka ni Señorito lumabas?"
Nailayo pa niya ang cellphone dahil halos sumisigaw na si Monet mula sa kabilang linya.
"Hindi mo kailangan sumigaw, Monet."
"Pasensya na. Hindi lang kasi ako pakapaniwala. Pero talaga bang inaaya ka ni Señorito lumabas?"
imposible ba talagang yayayain siyang mamasyal ni Calton?
"Oo. Sa tingin mo, iyon ba 'yung tinatawag na date? Pero diba ang date ay para lang sa magkasintahan?" curious niyang tanong.
"Oo. Pero baka naman gusto lang niya may kasamang mamasyal? O baka naman gusto niyang mag-bonding lang kayong dalawa. Diba sabi nga niya gusto niyang magkaayos kayong dalawa? Baka 'yan na ang way niya."
"Baka nga. Hmm... May isa pa akong tanong, Monet."
"Ano 'yon? Basta wag lang math ha?"
"Sa tingin ko may sakit ako sa puso."
"Bakit mo naman nasabi? Sumasakit ba?"
"Hindi. Ang bilis kasi parati ng tibok."
Tumahimik ang kabilang linya.
"Monet, nandyan ka pa?" untag niya sa kaibigan.
"Nandito pa 'ko. Teka, tanong ko lang sumasakit ba?"
"Hindi nga. Mabilis lang ang t***k ng puso ko."
"Tuwing kailan ito nangyayari?"
Saglit siyang nag-isip. "Sa tuwing kausap ko si Calton."
"Oh my god..." anas nito.
"Bakit? May nangyari ba?"
"Sa akin wala, pero sa'yo meron."
Bahagya siyang kinabahan. "A-ano naman?"
Nagbuntong-hininga ito. "Ayokong sabihin dahil gusto ko ikaw ang makatuklas kung ano man 'yang nararamdaman mo."
"Mamamatay na ba ako?"
"Hindi no! At nasisiguro ko sa'yo na hindi 'yan nakamamatay."
"Ganu'n ba?"
"Isa lang ang masasabi ko sa'yo, Lia. Huwag kang magpadalos-dalos sa mga gagawin mo, okay? Pag-isipan mo muna ng maraming beses bago mo gawin."
Lalo siyang naguluhan sa mga sinabi ng kaibigan. May koneksyon ba 'yon sa pagbilis ng t***k ng puso niya? Sa sinabi nito parang lang nadagdagan ang pag-iisip niya.
Pagkatapos niyang kausapin si Monet ay eksakto namang tumawa ang ama niyang si Marco.
"Papa, buti ho napatawag ka," agad niyang sabi pagkasagot niya ng tawag nito.
"Kumusta dyan, Hija?"
"Ayos naman ho, Papa."
"How about, Calton? Palagi ka ba niyang inaaway?"
Naupos siya sa gilid ng kama. "Hindi po. Sa katunayan po, ayos na po kaming dalawa."
"Ayos na kayong dalawa?"
"Opo, Papa. Si Calton po mismo ang may gustong magkaayos po kami. Sobrang saya po ng puso ko dahil hindi na po niya ako sinisigawan at sinusungitan tulad noon."
"Ganu'n ba? Mabuti naman kung ganu'n, Hija." Pero sa loob-loob ni Marco alam nitong may dahilan kung bakit nakipagmabutihan ang anak kay Julianne. Alam niyang may pinaplano ito na konektado sa misyon nito.
"Actually, Papa, bukas nga po mamasyal kami. Inaya po niya akong pasyalan ulit ang Calbaranes. Naaalala mo ho ba noong pinasyal mo kami ni Calton? Umuwi ho tayo agad kasi nagmamaktol siya," natatawang sabi ni Lia nang maalala ang tagpong iyon.
Tahimik lang ang ama-amahan niya mula sa kabilang linya.
"Papa, may problema ka ho ba?"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa linya. "Wala naman, Hija. Oo nga pala, balita ko hindi ka na nagpupunta sa doctor mo?"
Natigilan siya. Muli niya tuloy naalala ang mga sinabi sa kanya ni Calton tungkol sa pagsisinungaling nito at ni Dr. Mendez na hindi rin naman niya alam kung nagsasabi rin ba ng totoo si Calton.
"Umm... Ayos naman na po kasi ako, Papa," pagsisinungaling niya.
"How about your medicine, iniinom mo pa ba?"
"Opo. Hindi ko ho kinakalimutan," muling pagsisinungaling niya.
"That's good to hear. Please, huwag mong kakaligtaang uminom, okay? Para 'yon sa ikabubuti mo."
Gusto niyang tanungin kung para saan ba talaga ang gamot at kung talaga bang para iyon sa ikabubuti niya, pero sa huli ay pinanghinaan siya ng loob.
Pagkatapos nilang mag-usap mag-ama ay naglinis na siya ng katawan at agad din na natulog para sa pamamasyal nilang dalawa ni Calton.
ABALA si Calton sa harap ng laptop niya nang may unregistered number na tumatawag sa kanya. Hindi na niya kailangan na tanungin kung sino iyon dahil alam na niya kung sino iyon.
"Napatawag ka? Kakamustahin mo ba ang ampon mo?"
"Calton, I know you up to something with Lia. Kung gagawin mo rin ang misyon mo, please just do it. Huwag mo ng iparamdam sa kanya ang sakit na hindi niya na dapat pang maramdaman—"
"Tumawag ka lang talaga para sabihin sa'kin 'yan? Alam mong hindi kita susundin kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin mo."
"Calton—"
"Hindi mo ko mapipigilan sa gusto kong gawin sa kanya. Ahh... Gusto mo bang malaman kung ano ang plano ko? Okay, I'll tell you." Tumayo siya at humakbang palapit sa bakasarang sliding door at mula roob ay tinanaw niya ang madilim na paligid ng mansion.
"I'll make her fall in love with me. I will f**k her and then boom! Ipapalasap ko sa kanya ang sakit na hindi niya pa nararamdaman sa buong buhay niya. I will make her life miserable before I'm going to kill her."
"Is that can make you really happy, Calton?"
Nakuyom niya ang kamao. "You know how much I've waited this to happen. In that way, mapaghihigantihan ko na si mommy."
"Mali ka ng taong sasaktan, Calton—"
"Whatever you say, Dad, it won't stop me for doing what what I want.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Sana nga tama 'yang desisyon na gagawin mo, Calton. Ayokong dumating ang araw na pagsisihan mo sa huli kung ano man ang mga nagawa mo. Just always trust your instinct, Son. You know how much I love you." Iyon lang at pinutol na nila ang linya.