MATAMANG pinagmasdan ni Lia ng paligid ng vineyard ng mapagsesisyonan niyang dumalaw rito at maglakad lakad. Ngayong hindi na siya ang mamamahala sa hacienda at winery ay tiyak mamimis niya ito sa araw-araw. Pero kailangan niya itong gawin para maipakita kay Calton na wala siyang balak na agawin ang lahat na para lang sa binata. Gusto rin niyang maging maayos na silang dalawa.
"You spacing out. What's wrong?" Pukaw sa kanya ni Jacen.
Napalingon siya rito. Bumaba ito mula sa kabayo, naglakad palapit sa kanya at hinubad nito ang suot na sumbrelo kuway naupo sa tabi niya.
"Bakit ka nandito?" Pinilit niya itong nginitian kahit pa mahirap para sa kanya ang ngumiti ngayon.
"Ikaw bakit ka nandito habang nakatulala sa kawalan?" balik tanong nito.
Nagbuga siya ng hangin na parang nandoon lahat ng bigat na dinadala.
"Starting tomorrow, hindi na ako ang magpapatakbo ng Hacienda De Lobo," aniya.
Gulat ang rumehistro sa mukha ni Jacen. "What do you mean?"
"Calton is back, and I think he's stayin here for good."
"So?"
"Mas maigi na siya na ang mamahala ng hacienda."
"Kailangan ba talaga na iwan mo ang pangangalaga sa Hacienda? I mean ibinigay mo ang lahat ng oras mo rito at nagawa mo itong mapalago ng ilang taon lang."
Mapait siyang ngumiti. "Alam mong matagal ko ng gustong maayos ang pagitan sa amin ni Calton. Ayokong isipin niya na inaagaw ko sa kany ang lahat na dapat ay para sa kanya lang at kung ito lang ang tanging paraan para maging maayos kami, gagawin ko."
Nangunot ng noo nito. "Inutusan ka ba niyang gawin ito kapalit ng magiging maayos kayo?"
Marahan siyang umiling. "Hindi. Pero alam kong ito ang gusto niya, Jacen."
"I don't know why Calton treated you like that. Hindi naman siya ganyan noon," anito na napapailing.
"Then why he change? It's because of me? Dahil inampon ako ni Papa Marco?"
Umiling ito. "Because Tita Liana—his mother died when syndicate kidnapped her."
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang tungkol doon. Bakit hindi man lang nabanggit sa kanya ng ama-amahan ang nangyari sa asawa nito?
"I-I didn't know..." anas niya na napayuko. Siguro hindi lang handa ang ama-amahan na ikwento sa kanya ang masaklap na nangyari sa Ina ni Calton.
"Pero hindi sapat iyon para magalit siya sayo. Bakit nga ba gusto mong magustohan ka ni Calton?" tanong nito.
Bakit nga ba? Hindi niya alam ang eksaktong sagot pero isa lang ang gusto niya, iyon ay ang mapalapit siya rito.
Nagbuga siya ng hangin. "Maaari bang huwag na lang natin ito pag-uusapan, Jacen?"
Tumango ito at tipid na ngumiti. "Okay. Pero sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
Tumango siya. "Oo."
Tinapik siya nito sa balikat. "Sige. If that can make you happy. "
Nginitian niya ito. "Thanks Jacen."
"Anytime."
NAPAHINTO sa pagbaba sa wrangler si Calton nang makita niyang seryosong nag-uusap sila Julianne at Jacen. Kailan pa naging close ang mga ito? Kailan pa natutong makipag-usap sa iba ang pinsan? Knowing Jacen, mailap ito sa ibang tao.
Lalo siyang natigilan nang makita niyang ngumiti si Julianne. Kailan ba niya nakitang ngumiti ito ng ganito? No, he never seen her smiling like this. Ngayon lang.
Nakuyom niya ang kamao. He don't want to see her happy. She don't deserve to be happy while he's miserable and unhappy. Imbis na ngiti ang makikita niya sa mga labi nito, mas gusto niyang makita itong umiiyak at nasasaktan.
Hindi siya magiging masaya hanggat hindi pa niya naipaghihiganti ang pagkamatay ng kanyang ina. Hindi siya titigil hanggat hindi napaparusahan ang may dahilan ng pagkamatay nito. Ang plano niyang pasakitan si Julianne ay magsisimula na ngayon.
Sinadya niyang laksan ang pagsara sa pinto ng sasakyan niya para maagaw ang atensyon ng dalawa at hindi naman siya nabigo. Sabay na lumingon sa kanya si Julianne at Jacen.
"Hey!" aniya kay Jacen kuway tinapik ito sa balikat.
"Napapadalas ata ang pagpunta mo rito?" aniya.
Malamig ang mga matang tumingin siya kay Julianne na nakatingin sa kanya pero wala na ang ngiti nito sa mga labi. Agad din itong nagbaba ng tingin sa kanya.
"Nandito ka rin," aniya sa dalaga.
"Wala naman sigurong masama kung pumarito si Lia, Calton, diba?" si Jacen. "Makikita mo naman na maganda at maayos ang pamamalakad ni Lia sa Hacienda. La Luna is in the good hands. While you and Tito Marco busy, Lia took care everything here. Mahal din siya ng mga tao rito sa Calvaranes," sabi pa ni Jacen na ginulo ang buhok ni Lia.
He frowned. "She should. Sa ganoon man lang paraan mabayaran man lang niya ang kabutihan sa kanya ni Dad. Right Lia?"
Kagat ang ibabang labi na muli lang tumango si Julianne sa sinabi niya.
Tumayo si Julianne. "Mauuna na ako Jacen. Nakausap ko na rin ang mga trabahante dito sa sakahan at sa factory na si Calton na ang mamamahala kaya kapag may kailangan kayo si Calton na lang ang kausapin ninyo," anito kay Jacen.
"Okay. Ihahatid na kit—"
"Ako na ang maghahatid sa kanya," sansala niya. Natigilan naman si Jacen ganoon din si Julianne.
"Hindi na. Ayos lang. Magpapahatid na lang ako kay Manong Paeng para hindi ka na maaba—"
"Ihahatid na kita. I insist." Nauna na siyang bumalik sa sasakyan at agad na sumakay sa driver's seat.
Bahagyang natagalan si Julianne dahil muli itong nagpaalam kay Jacen. Kaya inis na sumungaw siya sa bintana.
"Lia, come on!" sigaw niya rito na agad itong tumalima at sumakay sa shotgun seat.
Tahimik lang sila hanggang sa makarating sila sa mansion. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng mansion ay agad na bumaba ng sasakyan si Julianne at patakbong pumasok sa loob.
Umubis siya sa sasakyan at tinawag ito. "Wait, Julia!" Huminto ito pero nanatili lang na nakatalikod.
"I don't want you talking to Jacen anymore," aniya. Nakuyom niya ang kamao.
Why the hell did he say that?
Marahan itong pumihit paharap at naguguluhang tumitig ito sa kanya.
"Bakit? May masama ba kung kakausapin ko si Jacen?"
Bakit nga ba? s**t! Answer her! Dahil hindi ka dapat maging masaya! Iyon sana ang gusto niyang sabihin.
"I just don't want to. Just stay away from him."
"P-pero parang kapatid ko na si Jacen. Wala naman siyang ginawang masama sa'kin. Sa kayunayan siya ang tumutulong at nagturo sa akin para mapaganda ang Hacienda La Luna."
Tumaas ang sulok ng labi niya. "You don't know him well."
Nangunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Jacen has a fetish like his father. You're not safe with him." f**k! Why did he say that?!
"F-fetish?" Naguguluhan itong tumitig sa kanya, parang hindi naniniwala sa sinabi niya.
"I don't want to see you talking to him. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong niya. Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya.
Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito at nasisiyahan siya dahil doon. That's right, ganyan nga.
"Nagkakaintindihan ba tayo, Julia?" ulit niya.
"Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin, Calton? Wala naman kaming ginagawang masama ni Jacen."
"You really want to know the truth? Fine. I don't want to see you happy. Nakikita ko na masaya kang kausap siya and I don't want that."
"H-hindi kita maintindihan, Calton."
"Kung gusto mo pang manatili rito susundin mo ang lahat ng gusto ko, Julianne."
Kinagat nito ng ibabang labi at marahan na yumuko. Ito ang gusto niya, ang makita itong nasasaktan, nalulungkot at nagiging miserable. Alam niyang pipiliin nitong sundin ang gusto niya dahil takot pa itong umalis dahil alam nitong wala ito pwedeng puntahan maliban dito sa Hacienda.
May ngiting sumungaw sa mga labi niya. Alam niyang sabik si Lia sa isang pamilya, kaya alam niyang gagawin nito ang lahat maging maayos lang sila. Papaasahin niya ito sa bagay na gusto nito at sa oras na maalala na nito kung paano namatay ang ina niya ay tsaka niya ito tatapusin.
Simple as that. Hindi naman siya mahihirapan dahil alam niyang inosente ito sa lahat ng bagay. Maniniwala ito sa lahat ng sasabihin niya at susundin nito ang lahat ng ipag-uutos niya rito.
Nasisiguro rin niya na wala pang isang buwan matatapos na niya ang trabahong ito na walang kahirap-hirap.
PAGKASARA ni Lia sa pinto ng kwarto niya ay agad na pumatak ang mga luha niya. Malinaw na ang lahat sa kanya na walang ibang gusto si Calton kundi ang pasakitan siya.
Gusto na niyang umalis pero dahil sa kapasidad niya ngayon alam niyang wala siyang ibang pwedeng puntahan.
Kinuha niya ang cellphone mula sa ibabaw ng nightstand at agad na nag-send ng message sa ama-amahan niyang si Marco.
To: Papa
Pa, gusto ko na pong umalis dito. Nandito na po si Calton, pwede na siya na lang ang mamahala rito sa Hacienda La Luna.
Hindi naman nagtagal ay biglang nag ring ang cellphone niya at ang amang si Marco ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot.
"Pa.."
"Please, don't leave, Lia. Mas ligtas ka kung nasaan ka ngayon," anito.
"Pero alam niyo naman ho kung gaano kalaki ang disgusto sa akin ni Calton."
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "I'll talk to him, just don't leave."
"Pero kasi, Papa..."
"Please? Ako na ang humihingi ng pasensya sa pakitungo sa'yo ni Calton. Mas mapapanatag ako kung nandyan ka lang."
Bagsak ang balikat na pinutol niya ang linya at pabagsak na naupo sa gilid ng kama niya.
Hanggang kailan kaya niya kayang tiisin ang ganitong set up nila ni Calton?