Chapter Six

1695 Words
"SIGURADO ka na ba sa misyong papasukin mo, Calton? Wala na bang atrasan 'yan?" tanong sa kanya ni Brad mula sa video call. Si Brad ay tulad din niyang secret agent. "Bakit mo naman natanong?" "Well, alam mo naman kung gaano kamahal ng ama mo si Julianne. Alam ng lahat na ang misyon na nasayo ngayon ay dati sa kanya," anito. Nagtiim ang mga bagang niya sa sinabi nito. Hindi lingid sa kaalaman niya na totoo ang sinabi nitong napamahal ang kanyang ama kay Julianne kaya hindi nito nagawa ang misyon na lubos niyang ikinagagalit. "Kaya ko rin itinatanong sa'yo dahil alam mong manghihimasok na si Marcelo kapag hindi mo napagtagumpayan ang misyong ito at alam mong kapag nangyari 'yon mas magiging matindi ang pagdadaanan na hirap ni Julianne," sabi pa nito nang hindi siya nakapagsalita. "Kaya kong tapusin ang misyong ito, Brad. You know how much I have waited for this, para maipaghiganti ko si mommy sa pagkamatay niya. Once I've done with Julianne, isusunod ko ang ama niya at wala akong ititira ni isa sa kanila," kuyom ang kamaong sagot niya. Buo ang tiwala niya sa sarili na kaya niyang gawin at tapusin ang misyong ibinigay sa kanya. He will make sure that he can kill Julianne without mercy. "So anong plano mo?" Sa katunayan kaya niyang patayin na si Julianne, pero ayaw niyang mapa sadali ang lahat ng hindi man lang ito nahihirapan. Gusto niya muna ito maging miserable. Gusto niya muna ito mahirapan at gusto niya muna itong makitang umiiyak at nasasaktan bago niya tuluyang gawin ang misyon. "Gusto ko muna siyang saktan ng paunti-unti. I want to see her cry and become miserable before I kill her." "In what way?" kunot ang noong tanong nito. "Huwag mong sabihin sa'kin na gagawin mo kung ano ang naiisip ko sa mga oras na ito?" Tumaas ang sulok ng labi niya. "Why not? I'll make her fall in love with me, at kapag nahulog na siya sa'kin then boom!" Umiiling-iling si Brad. "Tandaan mo isang buwan lang ang palugit na ibinigay sa'yo ni Marcelo para sa misyon na 'to, Calton." "I know." Naningkit ang mga mata nito. "Why are you looking at me like that?" tanong niya. "Why I have this feeling na parang interisado ka rin kay Julianne Hosni?" Hindi niya mapigilang matawa. "What? Me interested with her? That's impossible! Alam mo kung gaano ako kagalit sa kanya kaya Hinding-hindi mangyayari 'yang sinasabi mo." "At kapag hindi mo nagawa? Paano kapag makuha rin niya ang loob mo tulad sa ama mo?" "I'm not like my father, Brad. Hinding-hindi niya makukuha ang loob ko lalo pa ang umibig sa isang katulad niya. Hinding-hindi ko magagawang magmahal ng anak ng isang kriminal at lalo pa siya ang dahilan ng pagkamatay ni mommy. Sukdulan ang galit ko sa kanila kaya nasisiguro kong hinding-hindi mangyayari ang mga sinasabi mo. I will never fall in love with her. Never," mariin niyang sabi. "Sana nga, Brad. Gusto lang ulit kitang paalalahanan. Don't fall in love with her." Mariin niyang nakuyom ang mga kamao. He won't and he never will. NAPABALIKWAS ng bangon si Lia nang halos hindi siya makahinga nang dahil sa masamang panaginip na lagi niyang napapaginipan. Inabot niya ang basong tubig na nasa nightstand at agad iyong ininom. Sa tuwing napapaginipan niya ang masamang bangungot ay tila iyon humihiwa sa buo niyang pagkatao. Habang tumatagal din palinaw nang palinaw ang mukha ng mga taong nasa panaginip niya. Pero hanggang kailan niya kayang mapaginipan ang masamang panaginip na 'yon? Sinipat niya ang orasan na nasa night stand. Nang makita niyang ala-sais na ng umaga at nag desisyon na siyang umalis sa ibabaw ng kama, sinuot ang roba at lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng umagahan, pero may nauna na sa kanya roon, si Calton. Naaamoy na niya ang masarap na umagahan na niluluto nito. Pero imbis na umalis ay humakbang siya palapit para kumuha ng tubig sa ref. Nang bubuksan na sana niya ang refrigerator ay nagulat siya nang biglang pumihit paharap sa kanya si Calton habang nakaamba sa kanya ang hawak nitong kutsilyo. Higit ni Lia ang kanyang hininga habang nanlalaki ang mga mata niya dahil sa takot sa mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganu'n ang naging akto ni Calton. Nang makabawi si Calton ay tumikhim ito at marahan na inilayo sa kanya ang hawak nitong kutsilyo. "I'm sorry. I didn't mean to do that," hinging paumanhin nito na ikinagulat niya. Calton never say sorry to her, ito ang unang pagkakataon na ginawa nito iyon. "A-ayos lang. Siguro nagulat lang din kita, kaya pasensya na rin Calton." Nagkatitigan silang dalawa pero ang lubos na ikinagulat ni Lia ay ang nginitian siya ni Calton. "Nagluluto kasi ako ng umagahan natin," Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Si Calton nginitian siya? At nagluto pa talaga ng umagahan nilang dalawa? Si Calton ba talaga ang kaharap niya ngayon? "Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?" Napakurap-kurap siya. "Pasensya na, naninibago lang ako." "Ganu'n ba? Well, honestly gusto ko rin talagang makipag-ayos sa'yo, I know biglaan at alam kong nagulat ka. But I really want to offer you a trust. I know I was rude and bad to you, kaya sana hayaan mong unti-onting ko 'yong itama, bigyan mo lang ako ng panahon." Bumilis ang kabog ng puso ni Lia. Totoo ba ang naririnig niya ngayon mula kay Calton o baka naman isa pa rin itong panaginip? Dahil sa sayang nararamdaman ay pumatak ang mga luha niya. "Why are you crying?" kunot ang noong tanong nito. Mabilis niyang tinuyo ang nabasang pisngi at marahan na umiling. "Masaya lang ako, Calton. Matagal ko na kasing gustong maging maayos tayo. Para kasing panaginip lang 'to. I mean, hindi lang ako makapaniwala na narinig ko 'yan mula sa'yo." "Imposible ba talaga na mangyari 'yon?" Tumango siya. "Nasabi mo kasi sa akin na hinding-hindi mo 'ko matatanggap bilang parte ng pamilya kahit na anong mangyari. Ramdam ko kasi ang galit mo sa'kin." Nagbuntong-hininga si Calton. "Sorry for what I said to you. Kung pwede ko lang sana bawiin ang mga binitawan kong mga salita ginawa ko na, but I can't. Kaya gusto ko na lang sana ayusin at itama sa paraan na ganito." "Bakit? Anong nagtulak sa'yo na gawin ito, Calton?" Nagkibit ito ng balikat. "Naisip ko lang na nakakapagod din palang mabuhay ng may galit sa dibdib. Naisip ko rin naman na wala ka naman talagang nagawang kasalanan para magalit at kamuhian kita. Sana mapatawad mo 'ko?" Ramdam naman ni Lia ang sinsiridad ni Calton sa mga sinabi nito. Marahan siyang umiling. "Hindi naman ako galit sa'yo, Calton." "So, are we okay now?" Maragab siyang tumango. "Oo." "Thank you, Lia." "No. Thank you, Calton, kasi inalis mo ang bigat dito sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para lang maging maayos tayo. Pero heto ngayon ikaw pa mismo ang may gusto kaya nagpapasalamat ako at masaya ako dahil nangyari na ang matagal ko nang hinihiling." Napatingin siya sa kamay nitong inilahad sa harapan niya. "Friends?" Malawak ang ngiting tinanggap niya ang pakikioagkamay nito sa kanya. "Friends." Samantala, lihim namang napapangiti si Calton dahil nagawa nitong paniwalain si Julianne sa kasinungalingan nito. Ganyan nga maniwala ka sa'kin, hanggang sa iyon ang magiging dahilan ng katapusan mo, Julianne Hosni. Sabi ni Calton sa isipan. "At ang tungkol sa Hacienda La Luna —" "Wala na akong balak pa na manghimasok sa pagpapalakad ng Hacienda, Calton. Ayokong pagmulan pa iyon ng hindi na naman natin pagkakasunduan." "No, Lia. Hindi 'yan ang gusto kong sabihin sa'yo. Infact, hindi na kita pagbabawalan na mamahala sa Hacienda." Hindi makapaniwala muli siyang napatitig sa binata. "Ang ibig mo bang sabihin ay hahayaan mo ulit akong magpatakbo ng Hacienda La Luna?" Tipid siya nitong nginitian. "Yes. Gawin mo lang ang mga naka ugalian mong gawin." Dahil sa lubos na kaligayahan ay wala sa oras na napayakap siya kay Calton. "Maraming salamat, Calton!" At huli na nang mapagtanto niya ang ginawa. Naka ngiwing marahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap niya rito. "Pasensya na..." Ginulo nito ang buhok niya. "Ayos lang." Natigilan siya nang makaamoy siya na tila nasusunog. "Calton, 'yung niluluto mo!" "s**t! Bigla kong nakalimutan," anito na nagmamadaling binalikan ang iniwan na niluluto. Hindi naman niya mapigilang matawa dahil sa panibagong nakikita mula kay Calton. "Maghain ka na para makakain na tayo pagkatapos nito," anito na bahagyang lumingon sa kanya. "Eye, eye, captain!" "BAKIT mukhang masaya ka?" kunot-noong tanong ni Monet kay Lia. Si Monet ang naging best friend niya mula nang dito na siya nanirahan sa Calbaranes. Kasalukuyan silang nasa bayan at namamalengke. "Masaya talaga ako, Monet. Walang kasing saya." "Abay bakit nga? Gusto mo pa atang hulaan ko ang dahilan kung bakit ka masaya." "Masaya ako kasi ayos na kami ni Calton." Napahinto ito sa paglakad. "Sa paanong paraan aber?" Naging saksi din kasi ito sa kung paano siya tratuhin noon ni Calton. "Siya mismo ang may gusto na magkaayos kami," aniya. "Si Señorito Calton ang may gusto? Bakit? Sa anong dahilan?" hindi makapaniwalang tanong nito. Nginusuan niya ito. "Bakit parang hindi ka naman makapaniwala? Ganu'n ba talaga kaimposible na magkaayos kaming dalawa?" "Hindi naman sa ganu'n. Nagtataka lang ako kasi biglaan naman? Kakasabi mo lang sa'kin noong isang araw na galit pa rin sa'yo si Señorito at halos gusto ka ng palayasin, tapos ngayon nakikipagbati na?" "Hindi ba pwede 'yon?" "Ewan ko lang ha? Parang may mali kasi." Sinamaan niya ito ng tingin. "Kung ano-ano ang iniisip mo, Monet. Ang mahalaga ngayon ay okay na kami at iyon ang iportante sa lahat at masayang masaya ako," aniya na nagsimula ulit maglakad. Naiiling naman si Monet habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Ang tanging hiling lang niya ay sana totoo nga talaga ang pakikipagbati ng señorito kay Lia dahil ayaw niya na sa huli ay masasaktan lang ito. Ayaw niyang mangyari iyon dahil hindi iyon deserve ng kaibigan niya. Huminto si Lia at nilingon si Monet na nakatayo pa rin. "Hoy, Monet, halika na!"sigaw niya rito. Patakbo namang lumapit sa kanya si Monet. "Ano pa ba ang bibilhin natin?" Anito na ikinawit ng braso sa braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD