Chapter Three

1634 Words
PABALIKWAS na bumangon si Lia dahil sa isang masamang panaginip. Taas-baba ang dibdib na isinubsob niya ang mukha sa mga palad at doon humagulhol. Alam niyang isa lamang iyong panaginip, pero bakit parang totoo ang bawat eksenang nakita niya sa kaniyang panaginip? May isang batang babaeng nilalatigo at ikinulong ito sa isang madilim na kwarto. Nasisiyahan ang lalaki sa tuwing nakikita ang batang babae na nasasaktan, hanggang sa may isang babae ang nagtanggol sa kaniya at walang habas itong ginasaha ng masamang lalaki sa mismong harapan niya. And then, everything went blurry. Bawat pananakit at pagpapahirap sa batang iyon ay tila ramdam ng katawan niya. Hindi niya maintindihan pero merong bahagi sa isip niya na nagsasabing siya ang batang babaeng iyon. Tinuyo niya ang basang pisngi at inabot ang cellphone niya na nasa bedside table. Tatawagan sana niya ang ama, gusto niyang tanungin ito kung may alam ba ito sa buhay niya dati bago pa siya mapunta sa pangangalaga nito. Ilang beses na nag-ring ang number nito pero hindi nito iyon sinasagot. Nang muli niya itong tinawagan ay out of coverage na ang network nito. Dismayadong binalik niya ang cellphone sa bedside table at pagkatapos ay umalis siya sa ibabaw ng kama at dumiretso sa veranda na kanuog ng kanyang kwarto. Madilim pa ang paligid at huni ng gamo-gamo ang tangi niyang naririnig. Mula nang marinig niya ang mga sinabi ni Calton sa kanya kanina ay hindi na siya mapalagay. Gusto niyang malaman kung ano ba siya noon o kung saan siya nagmula? Kahit hindi niya itanong ay alam niyang may bahid ng ibang lahi ang pagkatao niya. Pero sa tuwing tinatanong niya noon ang ama-amahan, palagi nitong sinasabi na hindi pa tamang panahon para sabihin sa kaniya ang totoo. Meron daw isang tao ang magsasabi sa kaniya ng lahat ng dapat niyang malaman. Pero sino naman kaya iyon? Siya ay labing dalawang taon ng ng kupkupin siya ni Greg Martinez at tinuring na isang tunay na anak, habang si Calton naman ay labing-pitong taon. Nang iwan siya ni Marco rito kasama ng binata ay walang araw na hindi nito pinagdidikdikan sa kanya kung ano lang siya rito sa mansion. Walang araw din na hindi nito ipinaparamdam ang galit nito sa kanya. Pero tinanggap niya ang lahat ng iyon dahil alam naman niya na totoo ang sinasabi nito. Nagkaroon lang ng katahimikan ang buhay niya nang umalis ang binata papunta sa america para doon mag-aral bilang doctor. Pero binalaan siya nito na babalik ito sa tamang panahon at sa pagbabalik daw nito ay paaalisin na siya rito sa hacienda. Ngayon na kaya ang panahon na sinasabi nito? Hindi naman niya pinipilit na manatili pa rito. Kung hindi na siya gugustohin pa ni Greg na manatili pa, siya na ang kusang aalis. Pero kung aalis siya, saan naman kaya siya pupunta kung sakali? Wala nga siyang maalala ni isa sa pagkatao niya. Marahas siyang nagbuntong-hininga kuway bumalik siya sa loob para magsuot ng roba bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Gusto niyang maglakad-lakad sa labas habang hinihintay ang pagsibol ng araw. Nasa bukana na ng portico si Lia ng mapahinto siya. Nandoon si Calton nakatalikod sa kanya habang hinihithit nito ang hawak na sigarilyo. Tatalikod na sana siya para bumalik na lang sa kwarto nang magsalita ang binata. "Bakit ang aga mong gumising?" untag nito sa kanya na hindi man lang siya nililingon. Paano nito nalaman na nandoon siya? Wala naman siyang suot na pang yapak para marinig ang pagdating niya. Nang hindi siya sumagot ay nilingon siya nito na para bang hinihintay ang sagot sa tanong nito. "Umh...Nightmare," tanging sagot niya. "Nightmare? Tungkol saan?" Pati ba 'yun ay kailangan pa nitong malaman? Pero para hindi nito masamain ay sinabi na lang niya rito ang napaginipan. Humakbang siya palapit dito at naupo sa hagdan na kahoy. "Simula ng dumating ako rito sa Calvares ay paulit-ulit kong napapaginipan ang eksenang iyon. Hindi ko alam kung ako ba ang bata na iyon o hindi." "Anong klaseng panaginip?" usisa pa nito. Yumuko siya. "May isang batang babaeng nilalatigo at parati siyang kinukulong sa isang madilim na kwarto. Walang araw na hindi siya sinasaktan at pinahihirapan." Napapitlag siya na tila ba ramdam niya ang bawat sakit ng kanyang kinukwento. Niyakap niya ang sarili dahil sa biglang pagnginig ng kanyang katawan. "Sa bawat hampas ng latigo, paglublob sa tubig at pagpapahirap sa batang iyon...pakiramdam ko ako ang batang babaeng 'yon." Umihip ang malamig at sariwang hangin at tila iyon yumakap sa buo niyang katawan na tila ba nakikiramay sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kasabay ng pagsilip ng sinag ng araw ay ang pagpatak ng mga luha ni Lia. "Hanggang sa may dumating na isang babae. Lagi niyang pinagtatanggol ang batang babae. Siya ang sumasalo ng lahat ng pananakit ng lalaking iyon sa batang babae—" Napasinghap siya nang bigla na lang hablutin ni Calton ang braso niya at hinila siya patayo. Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay kitang kita niya ang galit at puot sa mga mata nito. "Tell me everything you remember," mariin nitong sabi. Napangiwi siya nang mas lalong dumiin ang pagkakahawak nito sa braso niya. "H-hindi ko na alam." "Paanong hindi mo alam?!" "Hanggang doon lang ang nakikita ko sa panaginip ko." Galit siya nitong binitawan. "I want you to remember everything happened to you ten years ago, Julianne." Natigilan siya nang pangalanan siya nitong Julia. "J-Julianne?" "That's right. Your name is Julianne Hosni." So, alam na nito ang pangalan niya? Nasisiguro niyang may alam na ito sa pagkatao niya. Hinawakan niya ito sa kamay. "Kilala mo na ang pagkatao ko? Kailan pa? Saan ako nagmula? Sino ang mga magulang ko? Totoo bang ulila na ako?" Muli ay marahas siya nitong hinawakan sa braso at inilayo. "Stop drinking the medicine they're giving you if you want your memories back." "G-gamot? Ang sabi nila papa at Dr. Troy kailangan kong inumin iyon para tuluyan akong gumaling." May pag-uuyam na tumawa ito ng pagak. "Everything was a lie, Julia. Everything they said to you was a lie." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Totoo ba ang mga sinasabi nito? Totoo kayang nagsinungaling lang sa kanya ang kinilala niyang ama? Pero bakit? Para saan? Dapat nga ba niyang paniwalaan at pagkatiwalaan si Calton gayong malaki ang galit nito sa kanya? Mabilis siyang umiling. "Hindi 'yan totoo. Hindi magagawa ni papa na magsinungaling sa akin!" "Hindi mo siya tunay na ama, Julia. You are just a stranger to us. Why don't you ask him?" huling sabi nito bago siya nilagpasan at iniwang naguguluhan. ILANG BESES nang tinatawagan ni Julianne ang ama-amahan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto niyang malaman kung totoo ba ang lahat ng mga sinabi ni Calton sa kanya. Napatingin siya sa gamot na nasa nightstand. Kinuha niya iyon at tinitigan. Totoo bang hindi ito nakakatulong sa paggaling niya? Pero kung oo, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumagaling at hindi pa rin bumabalik ang mga ala-ala niya? Gusto na niyang malaman ang lahat ng katotohanan tungkol sa buo niyang pagkatao. Pero ang tanging makakapagbigay lang sa kanya ni'yon ay ang ama-amahan. Kuyom ang mga kamaong tinapon niya ang garapon ng gamot sa basurahan. Kung totoo man ang mga sinasabi ni Calton ay dapat na niyang ihinto ang pag-inom sa gamot niya. Katok sa pinto ang nagpatigil sa malalim niyang pag-iisip. "Sino 'yan?" "Ma'am Lia, hinahanap ho kayo ni Señorito Jacen," pagbibigay alam sa kanya ni Lolit. "Sige susunod ako," aniya na nagbuntong-hininga. Inayos muna niya ang sarili bago lumabas ng kwarto para puntahan si Jacen. "Julia." Malawak ang mga ngiting sinalubong siya ni Jacen pagkababa niya sa sala. Binigyan niya ito ng pekeng ngiti. "Bakit ka naparito, Jacen?" "Dinadalaw lang kita dahil ilang araw ka ng hindi pumapasyal sa ubasan. May sakit ka ba?" Sinapo nito ang noo niya. "Wala akong sakit. Ayos lang ako." "Ganu'n ba? I'm just worried. Hindi lang ako sanay na hindi ka nakikita sa vineyard." Sasagot pa sana siya nang mayroong magsalita sa likuran niya. "Hi Jacen, it's been a long time," it's Calton. "Calton? Calton, Ikaw nga!" Humakbang palapit di Jacen sa pinsan nito at binigyan ito ng mahigpit na yakap. "Kailan ka pa nakabalik? Bakit hindi ka nagpasabi?" "Noong isang araw lang. Gusto kasi kitang sopresahin sa pagbalik ko," sagot ni Calton. "It's good that you're here. Para naman may katuwang na si Lia sa pagpapatakbo ng Hacienda ninyo. Wait, are you staying for good?" "I think so." Masayang inakbayan ni Jacen si Calton kuway tumingin sa kanya. "Kaya pala hindi ka nakakapunta sa ubasan dahil nakauwi na pala itong si Calton. Look at you, you all grown up!" Tipid siyang ngumiti. "Simula ngayon si Calton na ang mamamahala sa lahat, Jacen," aniya na ikinahinto nito. Kahit man si Calton ay hindi inaasahan ang sinabi niya. "Bakit naman?" "Ngayong nandito na si Calton, wala nang dahilan para ako ang mamahala sa Hacienda." Kumalas si Jacen sa pagkakaakbay kay Calton. "Bakit biglaan naman ata?" "Napapadalas na rin kasi ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko na masyadong maasikaso ang Hacienda," pagsisinungaling niya. Sinapo ni Jacen ang pisngi niya. "Nagpupunta ka pa ba sa doctor mo?" Marahan siyang tumango. "Kailangan ko raw ng pahinga." "Ganu'n ba? Kung ganu'n dapat mong sundin ang mga sinabi niya sa'yo. Don't worry kami na muna ni Calton ang bahala sa lahat, hindi ba Calton?" Nang tingnan niya si Calton ay walang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin din ito sa kanya. "S-sige balik na ako sa kwarto ko, Jacen." "Gusto mo bang ihatid kita?" Marahan siyang umiling. "Kaya ko na. Salamat sa pagbisita mo," iyon lang at iniwan na niya ang mga ito at bumalik sa kanyang kwarto. Wala siyang ganang makipag-usap kahit na kanino ngayon. Ang tanging gusto niya ay ang mapag-isa at magkulong sa kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD