HUMAKBANG si Lia paatras nang mabungaran niya sa kusina si Calton. Pero imbis na iwasan ito ay tinapangan niya ang sariling batiin ito.
"G-good morning," bati niya rito. Pero hindi man lang siya nito pinansin.
"Umh, pasensya na ulit sa nangyari kagabi. H-hindi ka kasi nagpasabi na madaling araw pala ang uwi mo." God! Why she's stammering?
Kunot ang noong nilingon siya nito. "Wala ba akong karapatan umuwi sa bahay ko kung kailan ko gustohin? Kailangan ko pa bang magpaalam sa'yo?" he asked sarcastically. May diin nang banggitin nito ang 'bahay ko'.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Kung alam ko man lang na kagabi ang dating mo, pinahintay sana kita kay Lolit para maipaghanda ka ng makakain."
Bahagyang tumaas ang kilay nito. "No need. Kung nagugutom man ako, I can cook. Hindi ko na kailangan pa magpaluto."
Inubos niya ang tubig na laman ng baso nahawak at marahang nagbuga ng hangin. Sa loob ng sampung-taon, hindi pa rin nagbago kung paano siya nito pakitunguhan. Ramdam niyang hindi pa rin siya nito gusto.
"How's the Hacienda and the winery?" maya'y tanong nito. Pero ang mga mata nito ay may panghuhusgang nakatutok sa kanya.
"Hacienda is doing good. Maganda rin ang takbo ng winery. Nadagdagan din tayo ng suppliers, at sa mga susunod pang buwan baka magawa na nating maiangkat sa labas ng Pilipinas ang CNL wine," may pagmamalaking sabi niya.
Nagsalubong ang kilay nito. "CNL?"
"Umh... Calton and Lia." Mahina niyang sagot.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Calton and Lia, huh? Really?"
"That's your Dad's idea," nakayuko niyang sabi.
"Mukhang nasisiyahan ka na sa pag-stay dito."
Hindi pa rin nito matanggap ang pagkupkop sa kanya ni Papa Marco. "Hindi ko naman inaangkin ang dapat na sa iyo. Sinusuklian ko lang ang kabutihan ni Papa sa akin," aniya sa malumanay na salita.
"Dapat lang, dahil wala kang karapatan ni isa sa mga ari-arian ni Dad."
Tinanggap ni Lia ang matalim na tinging ibinibigay nito sa kanya. "Alam ko. Hindi mo na kailangan pang ipagdikdikan sa akin ang bagay na 'yan."
Nagkibit ito ng balikat. "Pinapaalala ko lang sa'yo."
Mapait siyang ngumiti. "Hindi mo naman kailangan ipaalala, alam ko kung ano ang katayuan ko rito."
Pinag-ekis ni Calton ang braso sa tapat ng dibdib nito. "Hindi pa ba bumabalik ang ala-ala mo? Wala ka pa bang naaalala kahit na kaunti?"
Bakit hindi na lang nito sabihin na umalis na siya? Hindi naman nito kailangan magpanggap na concern ito sa kalagayan niya.
"Huwag kang mag-alala, aalis ako rito sa oras na may maalala ako."
Tumango-tango ito. "Mabuti kung ganu'n para hindi na kita kailangan pang paalisin."
Nakaramdam siya ng sakit sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang ng galit sa kanya ng binata. Hindi na sila mga bata para sa ganitong awayan.
Nakuyom niya ang kamao at taas noong tinitigan ito. "Why you're so mad at me? Ano bang ginawa ko sa'yo para maging ganyan na lang ang galit mo sa'kin?" buong tapang niyang tanong.
Iyon ang gusto niyang malaman sa loob ng mahabang panahon. Hindi kasi sapat ang dahilan lang dahil inampon siya ng ama nito. Alam niya na meron mabigat na rason kung bakit ito nagagalit sa kanya.
"Simple lang, you took away something important to me," tiim-bagang sagot nito. Marahan itong humakbang palapit sa kanya. "You took away everything what's mine," he added. Huminto ito isang dangkal ang layo sa kanya.
"I-I didn't."
Galit na hinawakan siya nito sa braso. "You took my Dad's attentions, my happiness and everything. You took it away from me!"
Natigilan siya at naguguluhang pinakatitigan si Calton. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito.
"H-hindi kita maintindihan..."
"You will. At kung dumating man ang araw na iyon, sinisigurado kong tuluyan ka ng mawawala sa landas ko, sa landas namin." Isang mapanigurong tingin ang binigay nito sa kanya bago siya nito nilagpasan at iwan.
Naguguluhang sinundan ni Lia ng tingin ang papaalis na bulto ni Calton. Parang may kung anong sakit ang namutawi sa dibdib niya dahil sa mga salitang binitawan nito sa kanya. Naguguluhan siya pero hindi niya alam kung saan nangagaling ang galit na nararamdaman nito para sa kanya.
Did she really took everything from him? How? In what way? Tinungkod niya ang isang kamay sa countertop nang bahagyang kumirot ang ulo niya. Muli siyang nagsalin ng tubig sa baso at kinuha ang gamot mula sa bulsa niya kuway agad niya iyong ininom. Nang mawala ang sakit sa kaniyang ulo ay nagpasya na lang siyang bumalik sa kaniyang kwarto para muling magpahinga.
KINABUKASAN sinundo ni Dr. Mendez si Lia at dinala sa clinic nito. sinuri nito ang kalagayan niya at pagkatapos ay isinalang siya sa CT scan. Matapos siyang mabigyan ng gamot ay ito ulit ang naghatid sa knaiya pauwi.
Pagkadating nila sa mansion ay nagpasalamat siya rito at agad na pumasok. Napahinto siya nang masalubong niya si Calton sa sala na bagong paligo. Hindi niya ito pinansin at nilagpasan ito.
"How's your check up result?" tanong nito na nagpahinto sa paghakbang niya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nagpa-check up siya.
Marahan niya itong nilingon. "Dr. Mendez said, my medical result are doing well."
"Said?" Kunot noong tanong nito. "Where's your CT scan result? I want to read it."
Hindi maintindihan ni Lia kung ano ang intensyon ni Calton, kung bakit nito gustong makita ang resulta ng Check up niya. Para ba masiguro na gagaling na siya at makakaalis na rito?
"Walang pinapakitang resulta si Dr. Mendez sa mga check up ko mula noong una pa. Dumidiretso iyon lahat kay Papa," paliwanag niya na totoo naman.
Lalong lumalim ang guhit nito sa noo. "Paanong wala?"
"H-hindi ko alam," aniya na naguguluhan na rin.
Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang supot, gamot iyon na ibinigay sa kanya ni Dr. Mendez. Humakbang ito palapit sa kanya at walang paalam na basta na lang nito hinablot ang plastic mula sa kamay niya at tiningnan ang mga laman ni'yon.
Mula sa gamot ay kunot ang noo nitong tumingin sa kaniya. "Ito ang mga gamot na iniinom mo?"
"O-oo. May problema ba?"
Binalik nito sa kaniya ang supot at walang paalam na umalis sa kanyang harapan at umakyat sa kwarto nito.
"DUMIDIRETSO ba sayo ang mga resulta ng check up ng ampon mo?" bungad ni Calton sa kanyang ama nang sagutin nito ang tawag niya.
Hindi niya gustong tinatawag na Lia ang ampon ng ama, dahil sa tuwing tinatawag itong Lia, naaalala niya ang kanyang ina na namatay dahil sa dalaga.
Narinig niyang nagbuga ng hangin ang ama mula sa kabilang linya. "Para saan iyang tanong mo?"
"Just answer my question."
"No. Hindi na kailangang ipadala pa sa'kin. Lia is fine, there's nothing wrong with her."
"Kung ganoon, para saan pa ang mga check up niya buwan-buwan? Bakit kailangan ninyo siyang painumin ng Blebbistatin?" Alam niya kung para saan ang gamot na iyon. Isa iyong gamot na magagawang burahin ang memorya ng isang tao.
Sandaling natigilan ang ama niya mula sa kabilang linya. "To erase her memories. Alam mo na siguro ang dahilan."
Nagtagis ng bagang niya. "Dahil ayaw mo lang patayin ang ampon mo?"
"Calton, hijo... I won't stop you for doing your mission. I told you before, always trust your instinct. If you feel like she's a threat to everyone, then kill her. But don't regret the decision you made."
Nakuyom niya ang kamao. Bakit pakiramdam niya pinapapili siya nito sa dalawang bagay, gawin ang trabaho niya o huwag patayin si Lia?
Magsasalita pa sana siya nang pinutol na nito ang linya. Inis na binato niya ang cellphone sa ibabaw ng kama. Talagang pinapamukha ng ama niya kung gaano kahalaga si Julianne para rito. Pero kahit na anong mangyari gagawin niya ng trabaho niya. Papatayin niya si Julianne Hosni.
Papasakayin muna niya si Lia at kukunin ang loob nito and then he will kill Julia before this month end, with no hesitation and with no regrets.
Pagkatapos ni Calton makausap ang ama ay nagtungo siya sa clinic ni Dr. Mendez para kausapin ito.
"Gusto mong itigil ko na ang pagbibigay ng gamot kay Lia?" hindi makapaniwalang tanong ni Dr. Mendez nang puntahan niya ito sa clinic nito.
Dr. Mendez is his father long time friend, kaya kilala rin siya nito at alam din nito kung ano ang trabaho nilang mag-ama. Alam din nito ang tungkol kay Julianne, kaya marahil ganito na lang ang pagtataka nito nang sabihin niyang ihinto na ang pagbibigay ng gamot sa dalaga.
"Are you sure? Did your father know about this?"
"I'm sure. Don't worry, alam ni Dad ang tungkol dito. Besides, Julianne is my mission. Stop being concerned about her, she will die anyway," walang emosyong sabi niya.
Hindi makapaniwalang tinitigan lang siya ni Dr. Mendez at pagkakuway marahas itong nagbuntong-hininga.
"Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa trabaho na meron kayo ng amo mo, pero bata pa lang si Lia ako na ang nangangalaga sa kondisyon niya at sa tagal ng panahon na iyon ay kilala ko na siya, kaya alam ko na mabuti siyang tao. Lia is not a Threat to everyone."
Nakuyom niya ang kamao. Nakakaramdam siya ng pagkainis sa tuwing pinupuri ng iba si Julianne. "Anak pa rin siya ng kriminal at siya ang dahilan ng pagkamatay ni Mommy. Kaya kahit na anong sabihin ninyo hindi ninyo mapipigilan kung ano ang plano kong gawin sa kaniya."
"Anong plano mong gawin sa kaniya? Ikaw ba ang magtutuloy sa misyong si Marco dapat ang gagawa?"
Hindi na siya nagulat pa kung pati ang tungkol doon ay alam nito. "Ganu'n na nga, Tito. Tulad ng ipinag-utos ng organisasyon, I need to kill her."
Saglit itong natahimik. "Ilang araw ang palugit mo sa misyon mo?"
"Mayroon akong isang buwan para gawin iyon."
Tumango-tango ito. "Sa loob ng isang buwan, hayaan mong muli kong pag-aralan ang kondisyon ni Lia."
Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Para ano?"
"Titingnan ko kung maaaring sumailalim sa isa pang operasyon si Lia para maialis sa ulo niya ang microchip, sa ganung paraan hindi mo na kailanganin pang gawin ang misyon mong patayin siya."
Hindi makapaniwalang natatawang umiling si Calton. "Alam ninyo naman na darating ang araw na ito, bakit hinayaan ninyong mapamahal sa babaeng iyon."
"Lia is a kind woman, Calton. Kung bubuksan mo hindi lang ang iyong mga mata pati na ang iyong puso ay maiintindihan mo kung bakit."
Nag-igtingan ang mga bagang niya. Ang isa sa ayaw niya ay pinangungunahan ang nararamdaman niya. Madaling sabihin ang bagay na iyon dahil hindi naman ito ang nawalan.
Mapait niya itong nginitian. "If you were in my shoes, Uncle Troy, you will understand why I hate her. You will understand why I can't accept her."
Nagbuntong-hininga lang ito at hindi na nagsalita pa patungkol doon. "Okay, sa susunod na check up ni Lia, hindi ko na siya bibigyan ng gamot."
"Thank you." Tumayo na rin siya. "By the way, hindi na rin kailangan pa ni Lia na magpunta pa rito."
Napatayo si Dr. Mendez mula sa kinauupuan nito. "Pero, Calton-"
"Iyon na ang desisyon ko."
"Give her a chance to live."
"Binigyan na siya ng pagkakataong mabuhay at sa tingin ko sapat na 'yon."
"Pero-"
"That's final," mariing sabi niya bago ito tinalikuran.
"Calton!" tawag pansin sa kaniya nito, pero hindi niya ito binigyan pa ng pansin.
Pagkalabas niya sa clinic nito ay agad siyang sumakay sa ducati niya at pinaharurot iyon pauwi sa mansion. Nang madaan siya sa ubasan ay nakita na roon si Lia na pinagkakaguluhan ng mga bata. Saglit siyang huminto para tingnan ang mga ito.
"Ate Lia, kwentuhan ninyo po kami," narinig niyang sabi ng batang babae.
"Oo nga po, Ate Lia!"
"Sige na po!"
Nakita niya ang pagngiti ni Lia na hindi niya pa nakikita habang magkasama sila. "Okay, pero isa lang ha? May gagawin pa kasi si Ate Lia."
"Yehey!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bata.
Naiiling na pinagpatuloy na niya ang pamamaneho. Trabaho ay trabaho at kailangan niyang gawin ang pangakong binitawan niya sa organisasyon. Kahit anong sabihin ng iba hindi magbabago ang desisyon niya na tapusin ang buhay ni Julia Hosni.
Pagkarating niya sa mansion ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Brad na isang sniper.
"I'm about to call you," bungad nito pagkasagot sa tawag niya.
"Meron na ba 'yung gamot na hinihingi ko?"
"Yes, nasa akin na. Ipapadala ko na lang sa'yo."
"Good. Hihintayin ko na lang," aniya at pinutol ang linya.
Bukas na magsisimula ang mga plano niya para kay Lia.