"GOOD job, Colton! You took down the Alfa Legion," bati sa kanya niya ni Marcelo na siyang boss niya, and he's talking about the European organization crime.
Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "I'm sure your father will be proud of you."
Unti-onting nawala ang ngiti niya sa labi nang banggitin nito ang kanyang ama. Sa loob ng mahigit sampung taon kahit paminsan-minsan na kinakamusta siya nito, alam niyang mayroong pader na nakapagitan sa kanilang dalawa.
Nang matapos niya ang kolehiyo sa America, sinabi niya sa kaniyang ama na gutso niyang pasukin ang trabaho nito, kaya ipinasok siya nito sa COMANDO-a member of the special forces unit for the US Navy who is trained for unconventional warfare on sea, air, and land. They are terminating the illegal organization who harm many people.
Matapos nilang patumbahin ang sindikatong gustong pumatay sa presidente ng america ay nagpasya siyang iwan na ang COMANDO at nagdesisyong magtrabaho na lang sa Philippines Secret Intelligence Agent Service (PSIAS) na pinapatakbo ng kanyang tiyuhin bilang isang spy agent.
PSIAS is an intelligence agencies of defense against potential internal and external threats. They are tasked with gathering intelligence, conducting various forms of espionage, advising the government when it comes to national security matters, spreading fake information and in the case of some agencies, even carrying out assassinations. And his job is to investigate things like terrorism, fraud, corrupt governments, and a wide variety of other crimes.
"What is my next mission?" tanong niya sa tiyuhing si Marcelo. Hanggat maaari kasi ayaw niyang nababakantehan siya ng oras.
"Mission agad? Sunod-sunod ang naging assingment mo, ayaw mo ba muna magpahinga?"
"I'm fine, Boss. Hindi ako titigil hanggat hindi lumalabas ang La Khawf." Ang triad na dumukot at walang awang pumatay sa kanyang ina.
La Khawf means 'No Fear'.
Nagbuntong hininga si Marcelo at inilabas ang isang envelope mula sa drawer nito at inilapag sa lamesa. "Binigyan ako ni Greg ng permiso na ipahawak sa'yo ang misyong 'yan. I think you already knew about this, nasabi na sa'yo ni Marco na sa tamang panahon ay ikaw na ang hahawak nito at sa tingin ko ngayon na ang araw na 'yon."
Kumunot ang noo ni Calton habang tinitigan ang envelope na nasa kanyang harapan sa mga oras na iyon. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng ama noon. Kinuha niya iyon at agad na tiningnan ang nilalaman. Hindi siya makapaniwala nang makita ang susunod niyang assignment. Si Lia, ang ampon ng kanyang ama.
"Your next mission is Julianne Hosni. She's a half Filipina, half Arabian. Her mother was rape by the leader of La Khawf, and the rest is the history," pag-uumpisa nito.
"Malaki ang galit ni Afzal sa Pilipinas dahil sa pagkamatay ng pamilya niya rito kaya naghiganti siya. Nang-hostage at nagpasabog ng iilang establisimyento rito sa bansa at hindi pa siya nakuntento, nagtanim sila ng bomba somewhere in Manila. And you won't believe this, ginamit ni Afzal ang anak niya para ito ang mag-activate ng bomba at magsasanhi ng malakas na pagsabog na maaaring pumatay sa maraming tao."
Hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin si Calton kay Marcelo mula sa binabasang inpormasyon patungkol kay Lia.
"Sa paanong paraan mai-a-activate ni Lia ang bomba?" curious niyang tanong.
"When Julia turned fifteen, pinabuksan ni Afzal ang ulo nito at doon inilagay ang isang microchip na nagsisilbing remote ng high-tech bomb na inilibing nila somewhere in Manila. Once na makalapit si Julia kung saan inilibing ang bomba, the bomb will activate at magko-cause ito ng isang malakas na pagsabog," mahabang paliwanag nito.
Hindi alam ni Calton kung ano ang magiging reaksyon niya sa salaysay ni Marcelo. Hindi siya kapanipaniwala sa ginawa ni Afzal, na magagawa nitong gamitin ang sariling anak para sa paghihiganti.
"And then, they kidnap your Mother, para paghigantihan si Greg," sabi pa nito.
He frown. "For what reason?"
"Greg killed Afzal family." Hindi naman na siya nagulat pa sa sinabi nito. Alam niya sa trabahong ito ay hindi maiiwasang may madamay sa pagitan ng matinding labanan.
"I want to know how Mom died," hindi niya mapigilang sabihin. Sa tuwing tinatanong niya ang ama tungkol dito, wala itong maibigay na sagot sa kanya.
Marahas itong nagbuntong-hininga. "It's not my story to tell, wala akong karapatan para sabihin sa'yo ang tungkol doon."
Hindi na pinilit pa ni Calton si Marcelo na magsalita dahil alam niyang hindi niya ito mapipilit. Muli niyang tiningnan ang litrato ni Lia. Marami na ang nagbago sa pangangatawan nito pero hindi man lang nagbago ang gandang taglay nito.
"How can I stop the activation?" maya'y tanong niya.
Matagal bago sumagot si Marcelo. "You have to kill Julianne Hosni."
Gulat na muling nagtaas ng tingin si Calton dito. "Kill her?" kunot noong tanong niya. Baka nagkamali lang siya ng rinig.
"Yes, you have to kill her before her memory returned."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa papel. "Alam ba ni Dad ang tungkol dito?"
Marahan itong tumango. "Sa kanya dapat ang trabahong 'yan, pero hindi niya kayang gawin." Nagbuga ito ng hangin. "Napamahal na sa kanya ang babaeng 'yan at tinuring niyang isang tunay na anak so, Greg can't kill her."
Lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa hawak na papel. Iyon din ang isa sa mga dahilan na ikinakagalit niya sa ama. Minahal nito ang ampon nito habang siya naman ay napapabayaan nito. Mas minahal nito ang anak ng isang kriminal kaysa sarili nitong anak.
"Sigurado akong lalabas ang La Khawf, gagawin nila ang lahat para mailapit si Julianne kung nasaan ang bomba." Muli niyang tiningnan ang lukot na litrato ni Lia. Mapaghihigantihan na din niya sa wakas ang kanyang ina.
"Ilang araw?" maya'y tanong niya.
"You have one month to do your mission, Calton. Kapag hindi mo 'yan nagawa sa loob ng isang buwan, mag-aasign ako ng bagong agent para tapusin si Julianne Hosni. Gusto lang kitang paalalahanan, Calton, don't fall in love with her hindi siya makakabuti para sa'yo. Kaya tatanungin kita, kaya mo ba?"
Paano nito nasabi na mahuhulog ang loob niya kay Julia? He will never fall for criminal's daughter. "I can do it," determinado niyang sagot.
MABILIS na sinagot ni Lia ang cellphone nang mabasa niya kung sino ang tumatawag.
"Hello, Papa?"
"Lia, Hija." Garalgal na boses nito ang bumungad sa kanya.
Nangunot ang noo niya. "Ayos lang ho ba kayo, Pa?" nag-aalalang tanong niya.
"I'm fine, don't worry."
"Kumusta na ho kayo?"
"Ikaw ang kumusta? Sumasakit pa ba ang ulo mo?"
Tipid siyang ngumiti dahil mas inuuna talaga siya nitong kumustahin.
"Ayos lang ho ako, paminsan minsan sumasakit po ang ulo ko, but I'm fine."
He tsked. "Baka naman pinapagod mo ang sarili mo."
"Hindi naman po. Gusto ko lang pong makasiguro na maayos ang takbo ng hacienda at ng winery para sa ganoong paraan man lang ako makabawi sa tulong na ibinigay ninyo sa akin."
"Lia, you are my daughter, kung ano binibigay ko sa'yo, nararapat lang iyon para sa'yo."
"Salamat po na itinuring ninyo ako na parang isang tunay ninyong anak."
Hindi ito sumagot. Nanatili lang itong tahimik mula sa kabilang linya.
Nang magising siya sa hospital na walang naaalala na kahit na ano, ito ang una niyang nagisingan. Sinabi nito sa kanya na naaksidente siya kaya nawalan siya ng ala-ala. Inampon siya nito, binigyan ng magandang buhay at tinuring na parang isang tunay na anak kaya maswerte siya na ito ang kumupkop sa kanya.
Nakagat niya ng ibabang labi. "Umh... By the way, the winery is doing good. Sunod-sunod po ang pag-ani at paggawa ng mga wine at walang araw po na hindi pumupunta si Kuya Jacen para kumustahin ang wine-,"
"Lia, please take care of your self." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Because I'm really care."
Ngumiti siya. "Alam ko po, Pa, hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko. Paminsan-minsan lang po sumasakit ang ulo ko pero nadadaan naman po sa gamot na ibinibigay ni Dr. Mendez sa akin."
May monthly check up siya. Palagi siyang sinusundo ni Dr. Mendez para isalang sa CT scan. Hindi niya alam kung para saan iyon, pero dahil sa gusto ni Papa Marco na gawin niya iyon ay hinahayaan na lang niya ito.
Narinig niya itong nagbuga ng hangin. "That's good. Don't forget to drink your medicine, you need it."
"Opo. You too, Papa, alagaan niyo po ang sarili niyo."
"I will. By the way, uuwi si Calton dyan para magbakasyon," anito na ikinabilis ng t***k ng puso niya.
"G-ganu'n po ba? K-kailan po, Papa?" hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Siguro dahil alam niyang ayaw nito sa kanya.
"He will be there tomorrow." Bukas na agad?
"Sige po, Papa. Ipapalinis ko po 'yung kwarto niya."
"Thank you! I have to go."
"Okay po. I miss you, Pa."
"I miss you too. Bye."
"Pa?" muling tawag niya sa ama.
"Yes, Lia?
"I love you."
Saglit itong hindi sumagot. "I love you too, Nak."
"Bye po," sunod na narinig niya ay ang end tone.
Marahan siyang nagbuntong hininga at sinapo ang nagwawalang puso. Humugot siya ng hangin at marahan iyong pinakawalan. Muli na naman niyang makikita si Calton at kahit alam niyang galit ito sa kanya ay hindi niya mapigilan ang sarili na maging masaya sa muli nilang pagkikita.
matapos makausap ang ama ay agad niyang pinalinis ang kwarto ni Calton at ang buong mansion para wala itong masabi sa pagdating nito. Pinaasikaso na rin niya ang pagkain na lulutuin para rito bukas. Gusto kasi niyang maayos ang lahat sa pag-uwi nito.
Bago matapos ang araw ay sinigurado ni Lia na matatapos niya ang ang dapat na tapusin. Halos pumipikit na ang mga mata niya habang nakatingin sa ginagawang trabaho. Kailangan niyang tapusin ang ginagawa para maideliver na nila bukas ang mga wine sa mall at sa ibang panig ng lugar sa Pilipinas.
Tiningnan niya ang orasan na nasa lamesa niya. maghahating gabi na pala kaya nakakaramdam na siya ng pagkaantok. Tumayo siya habang hinihilot ang sentido. Nanunuyo na ang lalamunan niya kaya nagpasya siyang bumaba para kumuha ng maiinom na tubig.
Agad siyang natigilan nang may aninong nandoon. Dahil sa tangkad at pangangatawan nito alam niyang isa itong lalaki. Napasukan ba sila ng magnanakaw?
Humanap ng pwedeng ipanghampas si Lia at ang nakuha niya ang bote ng wine na walang laman. Marahan siyang humakbang palapit rito at inangat ang hawak na bote at mabilis iyong inihampas sa estrangherong lalaki. Pero bago pa niya magawa iyon ay mabilis itong nakaikot paharap sa kanya at agad na nasalag ang boteng ihahampas sana niya rito.
"Is that your way to welcome me, Lia?" She stilled when she heard a familiar voice. It's Calton!
Mabilis niyang binaba ang hawak na bote at itinago iyon sa kaniyang likuran.
"I-kaw pala 'yan Calton, akala ko kasi kung sino na. Pasensya ka na."
"Hindi mo ba inaasahan na uuwi pa ako rito?" Tinungga nito ang hawak na isang basong tubig.
Humarap ito sa kaniya habang nakasandal sa countertop. "Gusto mo na bang angkinin ang Hacienda, Lia?" may sarkasmo nitong tanong.
Mabilis siyang umiling. "Hindi sa ganu'n, inaasahan ko kasi na bukas pa ang dating mo tulad ng sabi ni Papa."
"So, sinabi na pala sa'yo ni Papa ang pag-uwi ko rito?"
Marahan siyang tumango. "Tumawag siya sa akin kanina at pinaalam niya ang pag-uwi mo rito. Sinabi niya na magbabakasyon ka raw dito."
Binaba nito ang hawak na baso. "Magbabakasyon?" Humakbang ito palapit sa kaniya at bahagya yumuko. "I'm staying here for good, Lia. Kukunin ko na ang nararapat na para sa akin lang."
Umiwas siya ng tingin sa binata, hindi niya kayang tapatan ang matalim na tingin na ibinibigay nito sa kaniya. Alam ni Lia kung ano ang ibig nitong sabihin sa kaniya. Noon pa man ay kakumpitensya na ang tingin nito sa kaniya, kalaban o kaagaw sa lahat at pati na rin sa atensyon ng ama nito at pati sa lahat ng ari-arian.
"Hindi ko naman inangkin kung ano ang sa'yo at wala akong balak na kunin kung ano ang sa'yo, Calton," mahina niyang sabi.
"Wala ba?"
lihim siyang nagbuga ng hangin. Wala siyang balak na makipagtalo rito kasi alam niyang hahaba lang din ang usapan.
Tiningnan niya ito. "Alam kong pagod ka kaya mabuti pang magpahinga ka muna." Tipid niyang nginitian ang binata. "Pinalinis ko ang kwarto mo para komportable kang makatulog. Huwag kang mag-alala, wala akong pinagalaw o pinabago sa kwarto mo. S-sige babalik na ako sa kwarto ko."
Sabi niya at malalaki ang hakbang na iniwan niya si Calton sa kusina at bumalik sa kaniyang kwarto.
Pagkasara ni Lia ng pinto ay agad niyang dinama ang puso niya dahil sa bilis ng kabog ni'yon. Marahil dahil iyon sa kaba o takot niya para sa binata. Noon pa mang mga bata pa sila ganu'n na siya kung pakitunguhan ni Calton kaya sanay na siya rito.
Sinuklay niya ang sariling buhok gamit ang mga daliri at pabagsak na naupo sa gilid ng kama. Calton staying here for good, dapat na niyang ihanda ang sarili sa posibilidad na mangyayari ngayong nandito na ito kasama niya?