Chapter Eleven

1592 Words
"YOU look stress, Calton. Hindi mo na ba kayang ituloy ang misyon mo?" tanong sa kanya ni Brad. Kasalukuyan silang nasa Taverna, isang bar na hindi kalayuan sa Hacienda. Inaya niya itong mag-inom matapos ang rebelasyon na nasaksihan niya kanina lang sa pinsan niyang si Jacen. Kunot ang noong nilingon niya ito. "What? No." "Eh bakit parang problemado ka? Inaya mo pa akong mag-inom." "Namomoblema ako sa mga taong nasa paligid namin ni Julianne. Alam kong sinasadya ni dad na mapalibutan kami ng mga tao para ma-distract ako sa plano king gawin." "Dahil lang 'dun? Nasaan na ang Calton na kilala ko? I know you can kill Julianne effortlessly, ewan ko ba sa'yo kung bakit gusto mo muna siya masaktan bago mo siya tuluyang patayin," naiiling nitong sabi. "You know why," aniya na tinungga ang laman ng basong hawak niya. "Anyway, may namataang kahina-hinalang tao sa bayan. Galing 'yan sa mga tauhan na inutusan ni Marcelo para magmanman sa bawat sulok ng Calbaranes. Mas makakabuti kung hindi makakalabas ng Hacienda si Julianne. Pero ang pinakahihintay ni Marcelo ay ang pagtapos mo sa misyon mo," mahabang sabi nito. Napadiin ang hawak niya sa baso. "Talagang hindi sila titigil." "Hindi titigil si Afzal hanggat hindi niya napapatay ang ama mo at ang mga taong malapit sa buhay nito." Pagak siyang natawa. As if namang papayag siya sa gustong mangyari ni Afzal. Hindi siya aabot sa ganito kung hindi siya diterminadong mapaghigantihan ang pagkamatay ng kanyang ina. Unahan na lang sila kung sino ang unang mamamatay sa kanila, pero sisiguraduhin niyang mas mauuna ito bago siya mamatay. Pagkatapos makipag-inuman ni Calton kay Brad ay nagpasya na rin siyang umuwi. Naabutan niya sa kusina si Julianne na umiinom ng tubig. Natigilan ito nang makita siya. "Gising ka pa," "N-nagising lang ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Ikaw, galing ka sa labas?" "Uminom lang para magpaantok." "Ganu'n ba? Sige babalik na ako sa kwarto ko—" "Do you like it?" tanong niya na nagpahinto sa akma nitong pag-alis. "A-anong ibig mong sabihin?" "Do you like it when Jacen kissed you?" tiim ang bagang na tanong niya. Nagbuntong-hininga naman si Lia. Mukhang hindi ito kumportable sa naging tanong niya. Pero gusto niyang malaman ang sagot nito. "I want to know, Lia. Answer me." "Hindi ko gustong sagutin ang tanong mo, Calton. Magpapahinga na ulit ako, magpahinga ka na rin." Nang akmang muli itong aalis ay pinigilan niya ito sa braso at hinila pabalik. Napadaing ito nang isadal niya ito sa pader. "C-Calton, nasasaktan ako." "I want to know if you like Jacen's kiss," "Ano bang klaseng tanong 'yan, Calton?" "Oo at hindi lang, Lia. Mahirap bang sagutin 'yon?" "Nakainom ka. Bukas na tayo mag usap, Calton," Tinulak siya nito palayo pero hindi siya nagpatinag. Kinalso niya ang mga palad sa magkabila nitong gilid para hindi nito magawang maka-alis basta-basta. "Calton..." Nakita niya ang takot sa mga mata nito. "Are you afraid of me, Lia?" anas niyang tanong. "Tinatakot mo ko, Calton." "Mahirap ba talagang sagutin ang tanong ko? It's just a simple f*****g question, Lia, pero hindi mo magawang sagutin." Doon siya lalong naiinis. Oo at hindi lang ang pagpipilian hindi pa nito magawang sagutin. "I-importante bang nalaman mo pa?" "Yes." Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ko gusto, ayos na ba?" Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng saya sa nakuhang sagot sa dalaga. "How about my kiss, Lia? Do you like it?" Hindi ito agad naka sagot. "H-hindi rin." Ang sayang naramdaman niya kanina ay agad ding nawala sa naging sagot nito. Ito pa lang ang kauna-unahang babaeng nagsabing hindi nagustohan ang halik niya. Halos lahat ng babae hinihiling na mahalikan niya, pero ito hindi nagustohan ang halik niya. Patuya siyang natawa. "You lied to me aren't you?" "Sinagot ko na ang tanong mo, Calton. Matutulog na ako—" Ang mga labi niya ang nagpatigil sa iba pa nitong sasabihin. He couldn't accept that she didn't like his kiss. NANLAKI ang mga mata ni Lia nang lumapat ang mainit na mga labi ni Calton sa mga labi niya. Dapat niya itong itulak palayo pero ayaw kumilos ng mga kamay niya para itulak ito. Hindi totoong hindi niya nagustohan ang halik nito, pero hindi magawang sagutin ito ng totoo, dahil hindi naman niya alam ang dahilan nito kung bakit siya nito hinalikan. Ang totoo gusto niya ang pakiramdam ng init ng ma labi ni Calton, ibang iba sa halik ni Jacen. Tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito para sana itulak ito palayo, pero tila naging hudyat pa iyon para lumalim ang paghalik nito sa kanya. Malumanay ang paggalaw ng mga labi nito sa kanya. Nalalasahan niya ang ininom nitong alak, pero baliwala iyon sa kanya. Bawat halik nito ay tila nagiiwan ng kakaibang sarap, sarap na dumadaloy sa buo niyang pagkatao. Napaungol si Lia kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata dahil sa sensasyong nararamdaman niya sa mga sandling iyon. Kumapit ang mga kamay niya sa batok ito dahil pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga binti niya at ano mang sandali ay maaari siyang mawalan ng balanse. Naimulat niya ang mga mata nang huminto sa paggalaw ang mga labi ni Calton. "I'm asking you again, Lia. Do you like my kiss?" tanong nito nang pakawalan nito ang mga labi niya. Napalunok siya. Gusto niyang itanggi na gusto niya ang halik nito pero pinagkakalulo siya ng kanyang sarili. "G-gusto ko ang halik mo, Calton," mahina niyang sagot, pero sapat na 'yon para marinig nito. "Ang halik ni Jacen?" "Sinagot ko na 'yan." "I want to hear it again." "Mas gusto ko ang halik mo." Nakita niya ang pagngiti nito na tila ba nanalo sa ito sa isang pustahan. "I will kiss you more and more, Lia," anito na muling inangkin ang mga labi niya. "I will spoiled you with my kiss," sabi pa nito habang dinadampi-dampi ang mga labi sa mga labi niya. "B-bakit? Calton, hindi ko... Umh.." napapikit siya nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. "Hindi ko rin alam ang dahilan. Pero ang mahalaga ngayon ay pareho tayo ng nararamdaman, Lia. Let's figure it out, gusto mo ba 'yon?" Marahan siyang tumango. Gusto rin niyang malaman kung bakit ganito na lang ang nararamdaman niya para kay Calton. Sandali siya nitong muling hinalikan. "Go back to your room, Lia, before I forget my sanity," anas nito at bahagyang lumayo sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at patakbo na lang siyang bumalik sa kanyang kwarto. HABOL ang hiningang sinarado at ni-lock ni Lia ang pinto mg kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ano ba itong nararamdaman niya. Pero kung ano man ang tawag sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay isa lang ang nasisiguro niya, gusto niya ang pakiramdam na iyon. Nakakaramdam siya ng takot at pag-aalala, pero sa kabila ng mga iyon ay masaya siya. Kagat ang labi na natutop niya ang bibig. Hinalikan siya ni Calton at alam niyang hindi iyon basta halik lang. Ibang-iba iyon kumpara sa unang beses na hinalikan siya nito. Impit siyang napatili. Ganitong ganito iyong napapanood niya sa mga telanibela at kdrama. Pakiramdam niya para siyang nasa isang romance movie at siya ang bidang babae at si Calton naman ang bidang lalaki. Pero hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan nang katapusan ng kwento nila ni Calton. Hindi niya matukoy kung ano ang damdamin niya para kay Calton at tulad din ng sinabi nito ay hindi rin nito alam at sabay nilang aalamin kung ano ba damdamin nila para sa isa't isa. O ito na ba iyung tinatawag nilang love? Love? Mahal nga ba niya si Calton? Sinapo niya ang dibdib sa tapat ng puso niya niya. Hanggang ngayon dama pa rin niya ang lakas at bilis ng pintig ng puso niya na tanging si Calton lang ang may kayang gumawa. Nakakasama rin niya si Jacen pero kailan man ay hindi naging ganito ang reaksyon ng puso niya kahit pa noong hinalikan siya nito. Naupo siya sa dulo ng kama at pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot niyang kama. Kung panaginip man ito hinihiling niya na sana hindi na siya magising pa. Sa ganu'ng ayos siya dinalaw nang antok ng hindi niya namamalayan. Nagising si Lia dahil sa huni ng mga ibon na naglalaro sa mismong labas ng veranda niya. May ngiti sa mga labi na bumangon siya at ininat ang mga braso. "Good morning, universe," nakangiting bati niya. Napapiksi siya nang may kumatok sa pinto. Hindi na niya tinanong kung sino iyon na basta na lang niyang binuksan ang pinto. "Good morning, Lia," maligayang bati sa kanya ni Calton. Tila naman pumuso ang mga mata niya nang masilayan niya ang gwapo nitong mukha. "M-magandang umaga rin, Calton," bati niya rin dito. "Where's my good morning kiss?" pilyo nitong tanong. "G-good morning kiss?" "Yes. Hindi mo ba gusto? I won't force you if you don't like it." Naging malungkot ang mukha nito. "H-hindi sa ganu'n—" Humakbang ito palapit sa kanya at hinapit siya nito sa bewang. "Then kiss me, Lia. I want you to kiss me." "Pero hindi pa ako nagto- toothbrush eh," nahihiya niyang sabi. Pero imbis na sumagot si Calton ay kusang bumaba ang mukha nito para halikan siya sa labi. Napapikit na lang siya nang maramdaman niya ang mainit nitong mga labi. "Good morning again, Lia," sabi nito nang pakawalan siya nito at may ngiting sumilay sa mga labi nito. "Hihintayin kita sa baba," anito sabay kindat sa kanya bago ito tuluyang umalis. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD