HINDI maawat ni Lia ang sarili niya na palaging sulyapan si Calton kinatatayuan nito hindi malayo sa kubo na kinaroroonan niya. Habang siya abala sa pag-inventory si Calton naman ay abala sa pakikipag-usap nito sa ibang mga tauhan ng Hacienda.
Nang mapapansin niyang lilingon sa gawi niya si Calton ay mabilis naman niyang inalis ang tingin dito. Ganito sila kanina pa at kahit man siya ay natatawa na lang sa pinaggagawa nilang dalawa.
"Ayos 'yan. Para lang kayong mga baliw sa pinaggagawa ninyong dalawa ni Señorito Calton," naiiling na sabi ni Monet sa kanya.
Inilapag nito ang ilang Tupperware na may lamang lunch nilang dalawa ni Calton.
"Pinadala 'yan dito ni Nanay Esme. Siguro gutom lang 'yan kaya mabuti pang kumain ka na bago ka pa tuluyang matuluyan dyan."
Natatawang inirapan niya ito. "Sana nga gutom lang 'to, Monet."
Humila ito ng upuan at naupo sa tabi niya. "Ano na ba ang label ninyo ni Señorito Calton?"
Nangunot ang noo niya. "Label? Ano 'yun?"
"Label; kung ano na ang status ninyo ni Señorito Calton, kung getting to know each other o kayo na ba?"
"Getting to know each other ka dyan. Matagal ko ng kilala si Calton para dyan."
"So kayo na?"
"Hindi. Walang ganu'n, Monet."
"Eh ano 'yung ginagawa ninyo kanina pa? Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin tingin sa'kin, ganu'n ba 'yun, Lia?"
Nagbuntong-hininga siya. "Sa totoo niyan hindi ko rin alam at hanggang ngayon para pa rin akong nakalutang dahil sa mga pinaparamdam sa'kin ngayon ni Calton. Alam mo 'yung pakiramdam na ang saya-saya ko pero natatakot ako dahil aka may lungkot na kapalit 'to."
"Talagang nakakatakot 'yan kung hindi mo aalamin kung ano ka ba talaga para kay Señorito Calton. Aba! Baka naman paibigin ka lang niya tapos goodbye sa huli."
"Hindi naman siguro," aniya kahit pa pakiramdam niya may posibilidad iyong mangyari.
Hindi niya masisi si Monet na ganu'n ang isipin dahil noon pa man ay kaaway na amg turing ni Calton sa kanya tapos isang araw pagkagising niya bigla na lang ito nagbago ng pakitungo sa kanya.
Pero kahit na ganu'n ay ayaw naman niya isipin na ganu'n. May bahagi pa rin sa pagkatao niya na gusto niyang maniwala kay Calton na talagang totoo ang ipinapakita nitong pagbabago sa kanya.
Muli niyang sinulyapan si Calton at eksakto namang nakatingin din ito sa kanya at kinawayan siya. Tipid niya itong nginitian at bahagya rin itong kinawayan.
"Isang ngiti lang marupok ka na agad," pabirong sabi ni Monet.
Inirapan niya lang ito.
"Hiling ko lang talaga na sana totoo nga ang pinapakita sa'yo ni Señorito Calton. Kahit siya pa ang amo rito ay talagang makakatilim siya sa akin ng mga salitang hindi niya magugustohan."
"Anong hindi ko magugustohan, Monet?" tanong ni Calton na hindi nila napansin na nasa pintuan na pala.
Biglang napatayo si Monet. "A-ano, Señorito, baka hindi niyo ho magustohan ang ulam na niluto ni Nay Esme," nauutal nitong sabi. "Sige, Lia, mauna na ako. Chat-chat na lang ha? Sige, Señorito, alis na ho ako." Mabilis itong lumabas sa kubo.
"Anong nangyari 'dun?" kunot noong tanong ni Calton habang may ngiti ito sa mga labi.
Napailing siya. "Tinakot mo kasi,"
"Tinanong ko lang naman siya kung ano 'yung sinasabi niyang hindi ko magugustohan."
"Pero nakaka-intimidate kasi ang boses mo. Para kang laging galit."
Naupo ito sa upuang inupuan ni Monet. "Kasalanan ko ba kung ganito amg boses ko? Paano ba dapat ang boses ko? Ganito ba? Ano ang hindi ko magugustohan, Monet?" anito na niliitan ang boses sa huling sinabi nito.
Muli siyang napa-iling at napatitig sa binata.
Nawala ang ngiti nito sa mga labi at seryosong tumitig sa kanya. "Bakit ganyan mo na lang ako titigan?"
"Kailan pa natutong magbiro ang isang Calton Martinez?"
"Because you change me, Lia." Sinapo nitonang pisngi niya at tinitigan ang kanyang mga labi. "I want to ki—"
Pinisil niya ito sa ilong para pigilan ang paglapit ng mukha nito sa kanya. "Alam mo, gutom lang 'yan. Mabuti pang kumain na tayo,"
"Isa lang?"
"Tumigil ka, Calton."
"Hindi."
"Lia—"
"Kakain tayo o lalayasan kita?"
Bigla itong umayos ng pagkakaupo. "Gutom na nga ako eh. Tama ka kumain na tayo."
Natatawang umiiling-iling na lang siya.
"NAPAPANSIN ko ang mga pagbabago sa inyo ni Calton, Lia," sabi kay Lia ni Nanay Esme kinaumagahan ng tulungan niya itong magluto ng almusal nila.
"Ano ho ang ibig ninyong sabihin, Nay?" aniya na napahinto sa paghiwa ng sibuyas para sa isasangag na kanin.
"Hindi nakakatakas sa paningin ko ang sulyapan ninyo ni Calton. Anong meron kayong dalawa?"
Wala siya maisagot dahil kahit man siya ay hindi alam kung ano ang meron sa kanila ni Calton.
"Wala ho, Nay. Kayo talaga kung anu-ano ho ang napapansin niyo," sabi na lang niya.
"Abay, hindi lang ako ang nakakapansin nun. Halos lahat ng nakakausap ko rito sa Hacienda iisa ang sinasabi."
Nangunot ang noo niya. "Ano naman ho ang sinasabi?"
"Kung nagkakamabutihan na raw ba kayong dalawa ni Calton? Abay, kung meron man para sa akin walang problema, pero para sa mata ng iba meron dahil alam nila na inampon ka ni Marco at tinuring na isang tunay na anak. Hindi mo mapipigilan na mag-isip ng kung anu-ano ang ibang tao. Hindi natin hawak ang kaisipan nila." mahaba nitong sabi.
Napaisip tuloy si Lia. Tama naman ang sinasabi nito dahil tinuring naman talaga siyang bunsong anak ni Marco at ganu'n na rin ang naging tingin sa kanya ng lahat sa Hacienda.
"Masaya ako na naging maayos na kayo ni Calton, Hija. Pero ang gusto ko lang maghinay-hinay ka. Wala akong masamang tingin kay Calton dahil mabuti siyang bata, ang akin lang huwag padalos-dalos."
Tipid niya itong nginitian. "Opo, Nanay. Salamat po."
Hanggang sa matapos silang magluto, sa pagkain hanggang sa matapos ay walang ibang laman ang isipan ni Lia kundi ang mga sinabi no Nanay Esme sa kanya.
Kasalukuyan siyang nasa garden nang lapitan siya ni Calton. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo, Lia. Pansin na kita mula pa kanina. May problema ka ba?"
Tiningnan niya ito at muling ibinalik sa mga magaganda at iba ibang bulaklak na nandoon.
"Sinabi sa'kin noon ni papa na mahal na mahal ng mommy mo ang lugar na ito, kaya ginawa ko ang lahat para mapaganda ulit ito at bumalik sa dating sigla tulad ng mga nasa mga litrato."
Isinuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon.
"Yeah, mom's really love this place. Pagkagising pa lang niya sa umaga ito na agad ang kinakamusta niya, kaya muntikan ko nang pagselosan ang hardin na 'to," natatawa nitong sabi. "Thank you for taking care the house."
Nginitian niya lang ito. "Tandang-tada ko po noong unang araw na dumating ako rito. Anak agad ang pakilala sa'kin ni papa sa mga tao rito sa Hacienda. Ang saya-saya ko kasi sa piling ko, iyon lang ang pagkakataon na nakaramdam ako ng pagmamahal at pagtanggap."
Tumabi si Calton ng upo sa kanya. "Lia, why are you saying this now?"
Tiningnan niya ito. "Kasi parang ayoko ng ituloy pang alamin kung ano man ang nararamdaman natin para sa isa't isa."
"Hey... Why are you saying that?"
"Ayoko lang kasi isipin ng mga tao na mapagsamantala akong tao."
"Bakit mo naman naisip 'yan?" kunot noo nitong tanong.
"Kasi tinuring na akong tunay na anak ni papa, means parang kapatid na kita—"
"Hindi kita kapatid at kahit kailan hindi kita tinuring na kapatid."
Nasaktan siya sa sinabi nito. Pero pinaramdam naman nito sa kanya na hindi siya nito tinanggap noon.
"Kasi alam kong darating ako sa ganito. Alam kong sa kabila ng mga pinapakita ko sa'yo noon, meron akong kakaibang damdamin na nararamdaman para sa'yo," dugtong nito.
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa binata.
"Lia, hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa'yo." Hinawakan siya nito sa kamay. "I like you, Lia. Hindi ko maipakita sa'yo noon dahil natatabunan iyon ng galit ko sa mundo dahil sa pagkamatay ni mommy."
"G-gusto mo ko?"
Mapait siya nitong nginitian sabay tango. "Sobra akong nagsisisi kung bakit ngayon lang ako nagising sa kahibangan ko. Sana noon ko pa kinumbinsi ang sarili ko na magpatawad para hindi na humantong sa punto na nasaktan kita. I'm sorry, Lia. I really do. Kung alam mo lamg kung gaano ako nagsisisi sa mga nagawa ko sa'yo."
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang pumatak ang mga luha niya. Marahil dahil sa sayang nararamdaman niya.
Pinunasan nito ang mabasa niyang pisngi gamit ang hinlalaki nito. "Hey...why are you crying?"
"Masaya lang ako, Calton kasi hindi ko akalain na ang isang katulad mo magagawa akong gustohin. Hindi ako lubos na makapaniwala, nakakatakot. Natatakot ako, Calton."
"Bakit naman?"
"Bago kasi sa'kin ang ganitong damdamin."
"Gusto mo rin ba ako?"
"H-hindi ko alam kung iyon ba ang tamang eksplinasyon sa nararamdaman ko."
"You want it to figure out?"
"Sa paanong paraan naman?"
"Let's date."
Nanlaki ang mga mata niya. "Date? As in date na ginagawa ng magkasintahan?"
Natawa ito at bahagyang pinisil ang tungki ng ilong niya. "Opo, date po tulad ng magkasintahan." Nagbuntong-hininga ito. "Lia, I really like you. Let me date you. Give me five days para matulungan kang alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa akin. Please?"
Nakagat niya ang ibabang labi. Pinakiramdaman niya ang sarili kung ano ba talaga ang gusto niya. Kahit natatakot siya ay sa huli marahan siyang tumango.
Malalaman nga ba talaga niya ang damdamin niya kay Calton sa loob lang ng limang araw?