Chapter Ten

2400 Words
ILANG oras ng gising si Lia pero hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Wala siyang tulog dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung bakit siya hinalikan ni Calton at kung anong dahilan kung bakit nito iyon ginawa? May gusto ba ito sa kanya kaya niya 'yun ginawa? Tanong niya sa isipan. Pabalikwas na bumangon si Lia at mabilis a umiling. "Hindi. Imposible na may gusto sa'kin si Calton dahil malabong mangyari 'yon," sagot niya sa sariling tanong. Ginulo niya ang buhok at pabagsak ulit na nahiga. Hindi naman niya pwedeng sabihin kay Monet ang tungkol sa nangyari, baka kung saan pa mapunta ang mga sasabihin nito. Nagbuntong-hininga siya at muling bumangon. Walang ibang pwede makasagot ng tanong niya kundi si Calton lang. Pero makakaya ba niyang itanong 'yon sa binata? Iniisip pa lang niya na magkakatitigan sila ay talaga namang nahihiya siya. Katok sa pinto ang nagpapiksi sa kanya sa gulat. "S-sino 'yan?" tanong niya na hinihiling na sana hindi iyon si Calton. "Lia, dumating na si Nanay Esme," sabi ni Lolit mula sa naka sarang pinto ng kwarto niya. Dahil sa sayang nararamdaman ay wala sa isip na mabilis siyang umalis sa ibabaw ng kama at binuksan ang pinto. "Nandyan na siya?" tanong niya. "Oo," Pagkasabing iyon ni Lolit at hindi alintana ang sarili na tumakbo papunta kung nasaan man si Nanay Esme. Si Nanay Esme ang kasa-kasama nila noon ni Calton. Ito rin ang nagsilbing ina niya sa mga panahon na kailangan niya ng magulang kapag wala ang ama niyang si Marcos. Kinailangan lang nitong umalis dahil kailangan ito ng anak nito na nasa manila. "Nay!" galak niyang tawag dito nang makita niya ito sa kusina. Ni hindi niya napansin si Calton na nandoon din. "Lia!" Mahigpit na nagyakapan sila Lia at Nanay Esme sa sobrang kagalakan. Napapatalon pa siya sa sobrang saya. "Naku kang bata ka! Hinay-hinay at matanda na ako," natatawang sabi nito. "Sorry ho, Nay. Sorang tuwa ko lang po talaga na bumalik na ho kayo," aniya nang pakawalan ito. "Masaya rin ako na nandito na ulit ako. Kumusta ka? Ayos ka lang ba habang wala ako?" "Ayos lang po ako, Nay." "Jus-mio kang bata ka! Bakit lumabas ka na ganyan ang ayos mo?!" tanong ni Nanay Esme na sinipat ang suot-suot niya. Paano manipis na pantulog ang gamit niya at halos bagat at hulmang-hulma ang malusog niyang hinaharap. Doon nabaling ang mga mata niya kay Calton na nasa likod pala ni Nanay Esme at titig na titig ito sa kanya. Mabilis niyang tinakpan ang dibdib gamit ang mga braso niya. "Magbibihis lang po ako, Nay. Babalik ako agad," aniya at patakbong bumalik sa kwarto niya. Iling-iling naman na natawa si Nanay Esme dahil hindi pa rin nagbabago ang pinakamamahal niyang alaga. Mabilis na naligo at nagpalit ng damit si Lia bago muling bumalik kay Nanay Esme. Sobrang na-miss niya kasi ito. Tatlong taon din kasi itong nawala. "Mabuti naman marunong ka ng magluto, hija?" sabi sa kanya ni Nanay Esme nang tinutulungan niya itong magluto ng ulam nila para sa tanghalian. "Inaral ko po talaga, Nay. Mabuti na lang po at matyaga si Jacen na turuan ako," aniya. "Mabuti na lang at nadyan si Jacen, kaya maluwag din ang loob ko noon na umalis dahil alam kong may gagabay sa'yo habang wala ako." Napalingon sila sa kanilang likuran nang makarinig sila ng palatak. At nandon si Calton na nakaupo sa harap ng countertop. "Nandyan ka pala, hijo." "Kanina pa ho," tila iritableng sagot nito. Hindi niya ito magawang tingnan dahil naaaala niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya. "Kumusta ka naman hijo? Mabuti at naisipan mo ng bumalik dito?" tanong ni Nanay Esme sa binata. "Kailangan ho. May kailangan ho kasi akong gawin at tapusin." "Ganu'n ba? Balita ko isa ka ng ganap na doctor?" si Nanay Esme. Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Calton. Ang alam niya nag-aral ito ng medisina sa ibang bansa pero hindi niya alam na isa na pala itong ganap na doctor. "Kanino niyo ho nalaman?" "Abay kanino pa? Syempre sa iyong ama. Ikaw talagang bata ka." "Nay, akala ko ho sa susunod na taon pa kayo babalik dito? Bakit ho napaaga?" tanong niya. "Gusto na akong pabalikin dito ni Marco, marahil nag-aalala at baka mag-away kayong dalawa. Tutal ayos naman na ang anak ko kaya nagdesisyon na rin akong bumalik. Pero sa nakikita ko naman mukhang nag matured na si Calton," pabiro nitong sabi sa huli. Napansin ni Lia ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Calton pero agad din naman iyong nawala kaya hindi na niya iyon binigyan ng pansin. "Ayos na ho kami ni Calton, Nay. Diba, Calton?" aniya. "Oho," mabilis naman na sagot ni Calton. "I just realized that we're not child anymore para sa ganu'ng mga away." Titig na titig sa kanya si Calton habang sinasabi ang katagang iyon. Napalunok naman siya at umiwas ng tingin dito. "Mabuti kung ganu'n. Iyan naman ay matagal ko ng pinapangarap na sana magkasundo rin kayong dalawa. Tiyak na matutuwa si Marco kapag nalaman niya 'yan. Bueno, tapusin na natin ang pagluluto nang makakain na tayo." Habang kumakain sila ay hindi niya binabalingan ng tingin si Calton hanggang sa matapos sila. Iniiwasan din niya na magkadikit ang mga balat nila habang nagliligpit sila ng mga pinagkainan nila. Eksaktong tapos na sila magligpit nang dumating si Jacen. "Nay Esme!" Masayang yumakap si Jacen sa matanda. "It's been three years. Na-miss ko ho kayo." "Na-miss ko rin ang walang kasawaang pambobola mo sa'kin, hijo," natatawang sagot naman ni Nanay Esme. "Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" mahinang tanong ni Calton pero hindi ito pinansin ni Jacen. "Kumusta ka? Nag-asawa ka na ba?" maya'y tanong ni Nay Esme kay Jacen. "Ang dapat na tanong; may nobya ka na ba? Paano ho ako mag-aasawa kung wala ho ako nobya?" "Ay bakit ba hindi ka pa nag nonobya?" Tumingin si Jacen sa kanya. "Naging abala ho ako sa pag-aalaga kay Lia, Nay." "Sa'kin? Ako pa ang naging dahilan kung bakit wala ka nobya?" naguguluhan niyang tanong. "Kung papayag ho ang alaga niyo, baka sakaling magkaroon na ako ng nobya at ngayon din magpapakasal ako," sabi pa ni Jacen na lalo niyang kinalito. Mahinang hinampas ni Nanay Esme sa balikat si Jacen. "Ikaw talagang bata ka! Puro ka kalokohan." Pumalatak naman si Jacen at walang paalam na umalis. Sinundan lang ito ng tingin ni Lia hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Kung minsan talaga mahirap espelengin ang ugali ng binata. "Any way, I'm just here to pick, Lia. Pupunta ho kami ngayon sa winery," sabi ni Jacen. Sinamaan ito ng tingin ni Nanay Esme. "Oh siya, sige na. Ibalik mo ng buo ang alaga ko, Jacen, kung hindi malalagot ka sa'kin." "Makakaasa po kayo, Nay. Walang labis at walang kulang." Mahina niyang pinalo si Jacen sa braso. "Puro ka talaga kalokohan, Jacen. Halika na nga. Alis na po muna ako, Nay. Maya na lang ho ulit tayo magkwentohan," paalam niya sa matanda. "Mag-iingat kayo." MAGHAPON na nasa winery si Lia at Calton, pero ang atensyon nila ay wala sa isa't isa. Naging abala sila dahil meron mga panibagong customer ang umorder ng wine sa kanila. Bukod 'dun ay inasikaso na rin ni Calton ang ibang taniman at ang ibang mga alagang hayop. Gusto kasi nito mas pagandahin at palakihin pa ang hacienda para mas marami silang maiangkat na produkto hindi lang sa buong Calbaranes kundi pati na rin sa iba't ibang panig ng bansa. Halos maggagabi na nang magpasya silang umuwi. "Ihahatid na kita, Lia," si Jacen. "Bakit pa? Pwede naman sa'kin sumabay si Lia dahil iisang bahay naman ang uuwian naming dalawa," sabat ni Calton. "Ako ng kasama niyang pumunta rito kaya ako rin ang magbabalik sa kanya," sagot naman ni Jacen. Nagbuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit nagbabangayan pa ang mga ito sa maliit na bagay. "Hindi niyo naman kailangan mag bangayan pa. Jacen, tama naman si Calton kaya sa kanya na ako sasabay para hindi ka na maabala pa," aniya. "Hindi ka naman abala sa'kin, Lia, alam mo 'yan." Nginitian niya ito. "Alam ko. Pero alam ko rin na pagod ka na, kaya sasabay na lang ako kay Calton." Nagbuntong-hininga ito at hinaplos ito ang buhok niya. "Okay, sige. Mag-iingat ka," anito na tumalikod na. Tiningnan niya si Calton na walang salitang sumakay na sa wrangler nito kaya agad na rin siyang sumakay. "Hindi mo naman kailangang sungitan si Jacen," basag niya sa katahimikan. "Don't say anything if it's about him," walang gana nitong sabi. "Tingnan mo, ang sungit mo na naman. Bakit ka ba naiinis kay Jacen?" Pero hindi ito sumagot. "Calton—" Inis na hininto ni Calton ang sasakyan na halos muntikan na siyang masunsob sa dashboard, buti na lang at may suot siyang seatbelt. "Can you please stop mentioning his f*****g name?!" singhal nito na ikinagulat niya. Ngayon lang ulit niya nakitang magalit ng ganito si Calton. Napalunok siya. "H-hindi ko kasi alam kung bakit ka nagagalit sa kanya." "f**k! Hindi mo ba maintindihan na ayoko siyang pag-usapan?" Kahit natatakot siya ay lakas loob niyang sinalubong ang tingin nito. "Gusto ko lang naman malaman. Gusto ko lang din naman kayo magkaundo—" "Enough. Get out." "Calton..." "I said get the hell out of my car!" sigaw nito na ikinaigtad niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang pinto at agad na bumaba. Pagkababa niya ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan at siya naman ay naiwan sa madilim na daan. Hindi niya mapigilan na pumatak ang mga luha niya. Dahil sa inaakala niyang okay na sila ni Calton ay hindi na niya inaasahan na magagawa pa rin nito ang ganito sa kanya. Masama bang malaman kung bakit ito nagagalit? May masama rin ba na gusto niyang magkaayos ang magpinsan? Dahil noon pa man pansin na niya ang makapal na pader na nakapagitan sa dalawa. Mabilis niyang tinuyo ang nabasang pisngi at mas minabuti na lang niyang maglakad kaysa idaan pa sa iyak ang lahat. Samantala, gusto namang murahin ni Calton ang sarili dahil hindi niya alam kung bakit siya umaakto ng ganu'n. Kahit man siya ay alam niyang wala dapat ikagalit, pero hindi niya maiwasan na mainis sa tuwing nakikita niyang malapit ang dalawa sa isa't isa. Pagkarating ni Calton sa bahay ay pabagsak niyang isinara ang pinto at galit na hinilamos ang sariling mukha. Sobra siyang naninibago dahil it coms to his temper alam niya kung paano niya iyon kontrolin. Hindi siya ganito kaya kahit siya ay naninibago sa sarili. "Why the hell are you acting like that, Calton?" tanong niya sa sarili na nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto. "At nagawa mong iwan si Julianne sa madilim na daan," ani pa niya sa sarili. Tiyak magagalit si Nanay Esme kapag nalaman nito ang ginawa niya. At sa ginagawa niyang ito baka mabulikyaso pa ang mga plano niya. Hindi na niya magagawang makuha ang loob nito. Muli siyang lumabas ng mansion para sana sunduin si Julianne. Pasakay na sana siya sa wrangler niya nang dumating ang sasakyan ni Jacen at huminto sa harap ng mansion. Bumaba si Jacen mula sa driver's seat para pagbuksan si Julianne. "Salamat, Jacen," anito. Magsasalita na sana si Jacen nang makita siya nito. Awtomatikong nanlisik ang mga mata nito sa kanya. "You..." Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kanya at malakas siyang inundayan ng suntok sa mukha. "f**k you! Paano mo nagawang iwan si Lia sa madilim na daan? Buti na lang bumalik ako dahil meron akong nakalimutan ibigay sa kanya kundi maglalakad siya mag-isa sa dilim!" Pinunasan niya ang likidong kumawala sa gilid ng kanyang labi at walang emosyong tumingin dito. Kaya niya itong patumbahin kung gugustohin niya, pero pinigilan lang niya ang kanyang sarili na gawin iyon. "Sana hindi ka na nagpumilit na isabay siya sa'yo kung iiwan mo rin pala siya!" duro sa kanya ni Jacen. "Jacen, tama na 'yan. Sige na, umuwi ka na," pigil dito ni Julianne. "I told you, Lia, he's not true," si Jacen. "Sige na, Jacen, umuwi ka na. Salamat sa paghatid mo sa'kin dito. "No. I want to end it here. Hindi ako aalis dito hanggat di ko nasasabi ang gusto kong sabihin." "Jacen, ano ba yang sinasabi mo?" "Makinig kang mabuti, Lia, at pag-isipan mo ito ng ilang beses. I like you. You hear me, Lia. I like you." Pagkasabi nito ni'yon ay hinalikan nito si Lia sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Calton at doon tila biglang nag-dilim ang paningin niya. Hinaltak niya si Jacen palayo kay Julianne at binigyan ito ng malakas nasuntok kaya ito pabagsak na sumubsob sa lupa. "Calton!" tili ni Julianne. Mabilis naman tumayo si Jacen. "What the f**k is your problem?!" Ngumisi ito. "Don't tell me, you like Lia too? I know you f*****g don't." Natigilan siya. Of course not. Nagkakaganito siya dahil ayaw niyang mabulilyaso ang mga plano niya. "Umalis ka sa pamamahay ko kung gusto mo pang mabuhay," pagbabanta niya rito. "No. Hindi ko iiwan dito si Lia sa'yo! You're not good for her. Kapag nanatili pa siya rito baka hindi lang yun ang matamo niya mula sa'yo!" Akmang muli niyang susugurin si Jacen ay niyakap siya ni Julianne mula sa likod para pigilan siya. "Tama na please! Jacen, umalis ka na!" "I won't leave without you, Lia!" "Ano bang nangyayari sa inyong mga bata kayo?" si Nanay Esme na halatang nagising dahil sa ingay nila. "Gabing gabi na nagsisigawan pa kayo," sabi pa nito. "Itong magaling mong alaga, iniwan si Lia mag-isa sa madilim na daan!" si Jacen. "Totoo ba, Calton?" Nasa boses nito ang galit. Nayuko siya. Pagdating kay Nanay Esme hindi niya kayang sumagot ng pabalang. "Oho." "At bakit mo naman ginawa 'yon?" "Fuck..." anas niya. "Tinatanong kita Calton Dave!" sumigaw na ito. "Because I hate seeing them close to each other," mahina niyang sabi pero nassiguro niyang narinig ng mga ito ang sinabi niya. "Nagseselos ka?" si Jacen. "So, you really like Lia too?" "Eh anong paki mo kung gusto ko nga siya?" "Jus-mio kayong mga bata kayo, oo. Hala, umuwi ka muna Jacen at magpalamig kayo. Bukas tayo mag-uusap. Lia hija, halika na rito. Magpahinga ka na." Mabilis na kumilos si Lia na sumunod kay Nanay Esme na pumasok sa loob ng mansion. Binigyan muna niya ng matalim na tingin si Jacen bago niya ito iniwan at pumasok ba rin sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD