TULAD ng gustong mangyari ni Calton, ay nag de-date sila nito gabi-gabi. Lalabas sila tuwing gabi at kakain sa labas sa iba't ibang palainan. At sa dalawang gabing iyon ay masasabi ni Lia na napakasaya niya.
Sa umaga naman ay inaasikaso siya nito sa loob o sa labas man ng mansion. Baliwa rito kung pinag-uusapan man sila ng mga taong nakapaligid sa kanila at ganu'n din siya. Wala rin siyang pakialam hanggat wala naman siyang inaapakan na ibang tao. Gusto lang naman niya maging masaya, masama ba 'yun?
"Taste it," sabi ni Calton isang umagang nagluto ito ng hapunan. Isinubo nito sa kanya ang kutsara para matikman niya ang niluto nitong ulam.
"Hmmm... masarap, Calton," aniya matapos matikman ang Kaldereta.
"Really? Hindi ba maalat?"
"Hindi. Tamang tama lang ang lasa."
"Thanks god," anito.
"Mukhang ang daming langgam dito sa kusina," maya'y sabi ni Nanay Esme na kanina pa nandoon habang nakatingin lang sa kanilang dalawa. "Ang kati-kati na nga, kanina pa ako kinakagat," sabi pa nito.
"Nay wala naman pong langgam. Bakit kayo lang ho kinakagat," sagot naman ni Lia na hinahanap ang sinabing langgam ng matanda.
Naiiling naman na natawa si Calton dahil tila hindi naintindihan ng dalaga kung ano man ang ibig sabihin ng matanda.
"Susko itong batang ito. Kailan ka ba huling lumabas ng Calbaranes at hindi mo alam kahit simpleng banat," si Nanay Esme.
Nag-isip naman si Lia. Ni minsan ba nakaalis na siya sa Calbaranes? Parang hindi pa ata mula nang dumating siya rito.
"Hindi po ako lumalabas ng Calbaranes, Nay. Bukod sa ayaw ni papa, eh wala rin naman po akong alam na pupuntahan kapag ginawa ko 'yun. Teka, ano ho ba 'yung simpleng banat na sinasabi niyo ho?"
"Ang ibig sabihin ni Nay Esme, sa sobrang sweet daw nating dalawa kulang na lang ay langgamin tayo," sabi ni Calton na inilapag sa lamesa ang mga plato.
"Bakit hindi mo ipasyal si Lia sa labas ng Calbaranes, Calton? Para naman makita niya ang iba't ibang ganda ng bawat bayan," suhestyon ni Nanay Esme.
Napatitig naman sa kanya si Calton at tila ito nag-iisip kung dapat nga ba nitong sundin ang sinabi ni Nanay Esme o hindi.
"Naku, Nay, huwag na ho. Baka magalit pa si papa kapag nalaman niyang umalis ako sa Calbaranes," sabi na lang niya.
"Bakit naman magagalit? Abay malaki ka naman na at nasa tamang edad. Wala naman masama kung ilalabas ka ni Calton, tutal mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa," sagot naman ni Nanay Esme.
Naramdaman ni Lia ang pag-init ng mukha niya. Pakiramdam niya ang pula-pula ng mukha niya dahil sa sobrang hiya.
"Oo nga naman, Lia. Gusto mo bang ipasyal kita sa Manila?" nakangiting sabi sa kanya ni Calton.
Minsan na niyang narinig ang lugar na Manila pero ni minsan sa buhay niya ay hindi niya pa iyon nasilayan.
"Pwede ba?" tanong niya.
"Oo naman, bakit hindi?"
Mabilis siyang tumango. "Gusto ko, Calton. Gustong gusto ko."
"Okay. I will take you there tomorrow. Kaya mabuti pang kumain na tayo para makatulog na ng maaga at bukas na bukas pupunta tayo sa Manila."
"THAT'S not a good idea, Calton. Alam mo kung ano ang kalagayan ni Lia. Nakalimutan mo na ba ang microchip na nasa ulo niya?" sabi ni Brad nang tawagan niya ito.
Mahina siyang napamura. Oo na pala, bakit nakalimutan niya ang tungkol 'dun? Bigla niyang nakalimutan ang tungkol kay Lia nang makita lang niya ang matamis nitong mga ngiti.
Calton needs to change his plan. Hindi nga pala niya pwedeng dalhin si Lia sa Manila dahil doon nakatanim ang bombang itinanim ng grupo ni Afzal.
"Doon mo ba sana balak patayin si Julianne?" tanong ni Brad mula sa video call.
Napatingin siya rito. Nakalimutan din niya ang tungkol sa misyon niya. Masyado siyang nasiyahan sa ilang araw at gabi na wala silang ibang ginawa ni Lia kundi ang lumabas at magsaya.
"Nakalimutan mo na rin ba ang tungkol 'dun, Calton?" pukaw nito sa kanya nang hindi siya nakasagot.
"Of course not. Yeah, tama ka. Doon ko nga sana siya balak na patayin."
Tinitigan siya nito mula sa camera na para bang naghihinala kung nagsasabi nga ba siya ng totoo.
"Ipagpaliban mo muna ang binabalak mo sa babaeng 'yon, Calton," maya'y sabi nito.
"Bakit?"
"Bukas ng gabi palihim kong papasukin ang pinaghihinalaang kuta ng La Khawf. Gusto mo bang sumama?"
Natigilan siya at sa isang iglap ay muling nabuhay ang galit sa puso niya na nakalimutan niya nitong mga nakaraang araw.
"I'm coming with you."
MAAGANG gumising si Lia para maghanda sa pag-alis nila ni Calton. Excited na siya kasi pupunta sila sa Manila kung saan sinabi sa kanya ng kanyang ama-amahan na huwag na huwag siyang pupunta sa Manila.
Naligo siya at agad na nagbihis ng kanyang pangalis. Itinirintas niya ang mahaba niyang buhok at tanging pulbo lang ang inilagay niya sa kanyang mukha.
Ayaw man ipagmayabang ni Lia, alam niyang meron siyang gandang ibubuga. Kayumanggi lang ang kulay niya pero may taglay siyang kagandahan. Sinasabi ng iba na marahil meron siyang dugo ng ibang lahi at naniniwala siya roon dahil nakikita naman niya ang sarili mula sa salamin.
Pagkatapos niyang masiguro na maayos na ang itsura niya ay agad na rin siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan nandoon si Nanay Esme habang abala ito sa pagpunas sa mga plato at baso.
"Magandang umaga ho, Nay Esme," masigla niyang bati sa matanda.
"Maganda umaga rin, Lia."
"Si Calton ho ba gising na?"
Nilingon siya nito. "Hindi ba siya nagsabi at nagpaalam sa'yo?"
"Nagsabi at nagpaalam ho na ano?"
"Hindi raw matutuloy ang pag-alis niyo ngayon dahil may biglaang importante raw siyang gagawin ngayon. Hindi niya sinabi pero mukhang sa trabaho niya dahil nagmamadali kaninang madaling araw," sabi nito.
Biglang nakaramdam ng lungkot si Lia dahil hindi man lang nagpaalam sa kanya si Calton. Excited pa naman sana siya dahil ito ang kauna-unahang makakalabas siya ng Calbaranes...sana.
"Alam kong nalulungkot ka, pero marami pa namang ibang araw para umalis kayo ni Calton. Bueno, kumain ka na muna ng umagahan, nagluto ako," sabi nito.
Naupo siya sa harap ng lamesa at nag sandok ng pagkain at nagsimula ng kumain. Pagkatapos niyang kumain ay nagpasya na lang siyang magpunta sa hacienda para bisitahin ang mga hayop gayun din ang vine yard.
"Magandang umaga, Lia!" masiglang bati sa kanya ni Momet pagkarating niya sa kwadra ng mga kabayo.
"Akala ko ba aalis kayo ni Señorito Calton?" nasabi kasi niya rito mula sa chat na aalis silang dalawa ni Calton ngayon papunta sa Manila.
"Hindi kami natuloy dahil may importanteng ginawang trabaho si Calton," matamlay niyang sagot.
"Kaya pala parang sinakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo eh," pabirong sabi nito.
Inis-miran niya lang ito at pinagpatuloy ang pagsuklay sa kabayo.
"Sus! Ito naman. Nagbibiro lang eh. Nagtatampo ka ba kay Señorito Calton dahil hindi kayo natuloy?"
Nagbuntong-hininga siya. "Hindi naman 'yon, Monet."
"Eh ano?"
"Nagtatampo lang ako kasi hindi siya nagsabi sa'kin at hindi nagpaalam na aalis."
"Ayon naman pala! Kaya pala sambakol 'yang mukha mo. Hindi naman pala nagpaalam sa'yo si Señorito."
"Monet naman eh!"
Natawa ito. "Ito naman! Alam mo may pagkakataon talaga na hindi makakapagpaalam sa'yo ang isang lalaki. Si papang nga may araw na hindi nakakapagpaalam kay mamang kapag papasok sa trabaho. Minsan nga rin hindi alam ni mamang kung saan nagpupunta si papang. Dahil 'dun madalas sila mag-away noon hangang sa nasanay na lang si mamang. Tsaka isipin mo ganu'n din naman si Calton sa'yo noon diba?"
Hindi niya alam, pero natatakot siya kapag ganu'n si Calton. Piling niya ano mang oras ay babalik ito sa pagtrato nito sa kanya noon. Ayun din kasi ang ayaw niyang mangyari.
"Oo nga pala, ilang araw ko nang hindi nakikita ang kagwapuhan ni Señorito Jacen ah? Nanibago lang ako dahil walamg araw na hindi siya pumapasyal dito," maya'y sabi ni Monet.
Hindi niya kasi masabi rito ang naging dahilan kung bakit hindi na pumapasyal si Jacen dito. Marahil naiilang na rin ito sa ganawa sa kanya.
"Baka busy lang," sabi na ang niya.
"Sinong busy?"
Sabay silang napalingon ni Monet sa may pintuan. Nandoon si Jacen, nakatayo habang nakangiti sa kanya.
"Speaking..."
Humakbang palapit sa kanila si Jacen. "Hi, Monet," bati nito sa kaibigan niya.
"Hi, Señorito Jacen..." tila naman kinikilig nitong sagot. "Sana ho lahat ng gwapo kasing tulad niyo, Señorito,"
"Bakit naman, Monet?"
"Si Señorito Calton ho kasi masungit—aray!"
Siniko niya ito.
"Mapanakit ka, totoo naman."
Natawa lang si Jacen. "Puro ka kalokohan, Monet."
Siya naman ang hinarap ni Jacen. "Hi," bati nito sa kanya.
"Himala nandito ka?" pasungit niyang tanong.
Pagpasensyahan niyo na ang kasungitan ni Lia, Señorito. Wala yan sa mood dahil hindi natuloy ang date nila ni Señorito Calton," si Monet.
Tiningnan niya ng masama si Monet. Kahit kailan talaga napakadaldal nito.
"Pupunta sana kayo sa Manila ni Calton? Bakit hindi natuloy?" tanong nito sa kanya.
"May biglaan siyang lakad," walang gana niyang sabi.
"Ganu'n ba? Gusto mo ako na lang ang sasama sa'yo papunta sa Manila?"
Napatingin siya rito. "Bakit mo naman gagawin 'yan?"
"Peace offering ko sa'yo."
Nagbuntong-hininga siya. "Hindi mo kailangan na gawin 'yan. Isa pa, kinalimutan ko na 'yung ginawa mo kaya kalimutan mo na rin 'yon. Sige pupunta na ako sa vineyard."
Akmang tatalikuran na niya ito nang muling magsalita si Jacen.
"But I really like you, Lia."
Napatutop naman ng bibig si Monet dahil sa narinig nitong pag-amin ni Jacen.
Nilingon niya si Jacen. "Tinuring kita na parang isang tunay na kapatid, Jacen. Kung ano man 'yang nararamdaman mo para sa'kin, pakiusap kalimutan mo na. Ayokong may magbago sa pagsasama natin nandahil lang dyan."
Mapait na ngumiti si Jacen. "I understand. Si Calton ba talaga ang gusto mo?"
"Pakiusap, Jacen, ayokong pag-uusapan 'yan. Sige, maiwan ko na kayo." Iyon lang at tuluyan na niyang iniwanan ang mga ito.