LUMIPAS ang isang araw pero hindi umuwi si Calton. Alam naman na nito ang number niya at ang pangalan niya sa chat time pero hindi man lang siya nito tinawagan o chinat man lang.
Buntong-hininga na umayos siya sa pagkakahiga. Kahit anong pagpapalit-palit ng posisyon niya ay hindi siya madalaw-dalaw ng antok.
Muli siyang bumangon at marahas na nagbuntong-hininga. Umalis siya sa kama at lumabas sa veranda na kanuog ng kwarto niya para sama magpahangin, nang makita niya si Calton na sakay ng motor at pumasok sa loob ng mansion.
Bigla siyang nakaramdam ng saya pagkakita sa binata. "Calton.."
Nagmamadali siyang lumabas sa kwarto at patakbong sinalubong ang binata. "Calton." tawag niya sa pangalan nito nang makalapit siya rito.
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo bang nag-aalala ako sa'yo?"
Nang hubarin nito ang helmet ay walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa kanya. Natigilan siya sa paraan na pagtingin nito. Ganitong ganito ang tingin nito sa kanya noon.
"Calton, may problema ba?"
"Pagod ako. Let me rest," anito na nilagpasan siya.
"Carlton—"
"Not now, Lia."
"Pero saan ka ba galing?" Sinundan niya ito papasok sa loob ng bahay. "Hindi ka man kang tumawag para ipaalam kung nasaan ka ba. Nag-aalala kami ni Nanay Esme sa'yo."
Huminto ito at blangko ang mga tingin nito na nilingon siya. "Bakit kailan ko mag-update sa'yo? Obligasyon ko bang sabihin sa'yo kung saan ako pumupunta? May karapatan ka ba para tanungin ako?" sarkastiko nitong sagot.
Natigilan siya at nakaramdam ng kirot sa sinabi nito. Ngayon niya lang napagtanto, oo nga naman sino ba siya at ano ang karapatan niya para tanungin ito.
Nayuko si Lia. "P-pasensya na, Calton."
"Ano ka ba naman, hijo, wala naman siguro masama kung magtanong sa'yo si Lia dahil totoo naman na nag-alala kami sa'yo. 'Yung bigla kang umalis na walang maayos na paalam tapos di uuwi ng isang araw, ano sa tingin mo ang iisipin namin?" segunda ni Nanay Esme na nasa kanyang likuran.
"I'm safe and sound, you nothing to worry about. Magpapahinga na ho ako," anito at tuluyan na silang iniwan sa sala ni Nay Esme na may pagtataka sa biglang pagbalik nito sa dating ugali.
Ito na ba ang kinakatakot ni Lia ang bumalik si Calton sa dati nitong pakitungo sa kanya?
"Baka nga pagod lang si Caltom, Hija. Huwag mo n lang intindihin ang mga sinabi niya, siguradong bukas hihingi siya ng tawad sayo," sabi ni Nay Esme.
Mapait niya itong nginitian. "Sige ho, Nay. Matutulog na ho ako."
Mabigat ang mga hakbang na tinungo niya ang sariling kwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Doon pumatak ang mga luha niya. Nakakasama lang ng loob si Calton, nag-aalala ka lang naman pero minasama nito.
Kung pagod man ito, pwede naman ito magsabi ng maayos sa kanya at hindi nito kailangan magalit at sumagot ng sarkastiko. Hindi man lang nito na-appreciate ang pag-aalala niya.
Iniyak lang niya nang iniyak ang nararamdaman niya hanggang sa hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya.
NAPAMURA si Calton pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang kwarto. Ang pagsalita niya kay Julianne kanina ay wala sa plano niya. Sinabi pa naman niya sa sarili na kailangan hindi maapektuhan ng galit niya ang pagpapanggap niya sa harap nito, pero hindi niya kayang pigilan ang bugso ng damdamin.
Muling nabuhay ang galit niya kay Afzal nang makita nila ang itsura ng pinagkutaan ng grupo nito. Maraming mga bata at iilang mga babae ang patay sa lugar na ni-raid nila nakaraang gabi.
Hindi lang basta pagpatay ang ginawa ng mga ito sa mga kababaihan. Halatang pinahirapan, sinaktan at ginahasa ang mga ito bago tuluyang pinatay. Habang nakikita niya ang mga ito sa nakakapanghinang tagpo, alam niyang ganito rin marahin ang pinagdaanan ng kanyang ina bago ito pinatay ni Afzal.
Kinasamaang palad lang, wala na ang mga ito pagdating nila sa lugar, marahil natikyikan ng mga ito ang pagdating nila. Hindi naman nila masabi na matagal ng wala ang mga ito doon sa lugar dahil halos bago pa ang mga naiwan na upos na sigarilyo ng mga ito.
Kumuha siya ng alak sa may wine cellar niya, pagkabukas ay basta na lang nitong tinungga iyon.
Sa totoo lang may nagtutulak na sa kanya na patayin si Julianne, pero may bahagi sa sarili niya na huwag muna dahil gusto niyang iparanas dito ang mga naranasan ng mga babae mula sa kamay ng ama nito.
Bukas na bus din ay kailangan niyamg humingi ng tawad sa dalaga kahit pa labag iyon sa loob niya. Inubos niya lang ang isang bote bago nagpasyang matulog.
Kinabukasan nga ay agad niyang hinanap si Julianne sa kabahayan pero ang sabi ni Nanay Esme ay maaga ito g nagpunta sa taniman kaya doon niya na ito pinuntahan. Naabutan niya ito sa kwadra ng mga kabayo habang sinusuklayan nito ang kabayo nito.
"Lia," tawag niya sa pangalan nito na ikinalingon nito.
Nang magtagpo ang mga mata nila ay walang ibang rumihistro sa isip niya kundi ang ama nitong si Afzal. Kuyom ang mg kamaong pinipigilan niya ang sarili na huwag magpadala sa galit.
"Calton..."
Humakbang siya palapit sa dalaga. "I'm sorry for what I've said last night. I swear I didn't mean to say those words. I'm really sorry."
Tipid itong ngumiti sa kanya. "Ayos lang, Calton iniisip ko na lang na pagod ka kaya nakapagsungit ka kahapon," anito.
Bakas sa mga mata nito ang pagkamugto. Alam niyang umiyak ito at dahil iyon sa kanya. Pero ayaw niyang magpadala sa awa rito.
"Are we good now?" tanong niya.
Marahan itong tumango. "Oo."
Kinuha niya ang kamay nito. "Thank you. Hindi na mauulit."
Maayos itong humarap sa kanya. "Hindi mo na ulit ako susungitan?"
"Hindi na."
"Kahit anong mangyari at kahit pagod ka?"
"Yes," pagsisinungaling niya.
"Pasensya ka na rin kung matanong ako kagabi. Hindi ko lang mapigilan magusisa dahil sa pag-aalala ko sa'yo."
"Hindi ka dapat humingi ng tawad dahil walang mali sa ginawa mo. Nasa akin ang mali dahil una sa lahat hindi ako nalapagpaalam sa'yo o hindi kaya kay Nanay Esme."
"Ayos na, basta sa susunod magpapaalam ka na lang para hindi kami mag-alala."
"Noted po," aniya na may pekeng ngiti sa ng labi.,
Nang timalikod ulit ito, ang ngiti at napalitan ng matalim na tingin.