Chapter Twenty Three

1569 Words
"LIA?" si Anastasia nang mapagbuksan siya nito ng pinto. "Ikaw lang mag-isa? Where's Calton?" tanong nito. Nayuko siya. Alam niyang kaibigan nito si Calton pero wala na siyang ibang pwedeng malapitan. "H-hindi ko siya kasama. Tinakasan ko siya, Tasia. Wala kasi akong ibang mapuntahan eh." Hinawakan siya nito sa palapulsuhan at hinila siya papasok sa loob ng mansion. "Sino ang dumating— Lia, ikaw pala..." pero base sa tingin nito ay tila may alam na ito sa posibleng nangyayari. "You can't stay here," anito. "No. She'll stay here," sagot naman ni Anastasia. "Hon, you know the rule—" "I don't f**k with the rule, Levi! Nandito si Lia para sa akin at hindi para sa'yo!" "Tatawagan ko si Calton para alam niyang nandito si Lia." "Levi!" Base sa pag-uusap ng mag-asawa mukhang alam ng mga ito ang plano ni Calton. "Pasensya na wala lang talaga ako ibang mapuntahan. Wag na kayong magtalo dahil sa'kin. Mali na nagpunta ako rito." "No, Lia. Hindi sa ganu'n," si Anastasia. "Hon, ayokong madamay sa kung ano man ang pinasok ni Calton," si Levi. "Pasensya na, Lia," hinging paumanhin ni Anastasia. Mabilis siyang umiling. "No, ayos lang. Mali talaga na nagpunta ako rito. Aalis na lang ako." "Teka." Dumukot ito ng ilang libuhin sa wallet nito at inilagay sa kamay niya. "Alam kong kailangan mo 'yan, Lia, sana sa ganyan man lang na paraan makatulong ako sa'yo." Mapait siyang ngumiti. "Hindi ko tatanggihan ito dahil kailangan ko ito ngayon. Salamat, Tansia, Levi. Pasensya na talaga." Pagkasabi ni'yon ay umalis na siya at maingat na lumabas ng resort. Pinara niya ang taxi na dumaan at nagpahatid sa Calbaranes. Kukunin lamg niya ang mga gamit niya roon at muli g aalis. Bahala na kung saan siya mapadpad. Inabot siya ng gabi nang makarating sa mansion. Nakasalubong niya si Nanay Esme, nagulat pa nga ito nang makita siya. "Susko! Ginulat mo naman ako, Lia. Teka, nasaan si Calton? Ikaw lang ba ang umuwi?" Nagmano siya rito. "Susunod po si Calton, Nay. Sige po aakyat na ako sa kwarto ko," aniya na patakbong umakyat sa kwarto niya. Hindi siya pwedeng mag aksaya ng oras dahil marahil sa mga oras na iyon ay papunta na rin si Calton para sundan siya. Kinuha niya ang malaking bag mula sa kabinet niya at isa-isa niyang nilalagay ang mga damit doon. Magdadala lang siya ng mga importanteng gamit niya. Isa na doon ang perang naiipon niya sa mga taong binibigyan siya ng ama-amahan. Buti na lang tinatabi niya lang iyon kaya magagamit niya ang pera sa mga ganitong pagkakataon. Pagkatapos niyang mailagay lahat ng damit sa bag niya ay nagpasya na rin siyang umalis. Palabas na sana siya ng kwarto ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang galit na mukha ni Calton. "Calton..." napahakbang siya paatras dahil sa takot. Galit nitong sinara ang pinto at humakbang palapit sa kanya. "Why do you leave? Diba sinabi ko naman sa'yo na susunduin ka ni dad?" Siya naman ay patuloy na umaatras. Natatakot siya sa posibleng gawin sa kanya ni Calton. "I don't trust you," mariin niyang sabi. "Aalis ako rito sa ayaw at sa gusto mo." Tumaas ang sulok ng labi nito. "I can lock you here, Lia, para hindi ka makatakas mula sa akin." "Ayoko sa'yo!" sigaw niya. Hindi niya gustong sabihin iyon pero dahil sa galit ay nasabi niya iyon. "G-galit ako sa'yo. Hayaan mo na lang akong makaalis, Calton." "Akala mo ba mas magiging ligtas ka sa labas? Nagkakamali ka, Lia. Mas marami ang gustong kumuha sa'yo, kung hindi ang PSIAS malamang ang La Kawft ang kukuha sa'yo." "At sa'yo ligtas ako? Pero sinaktan mo rin ako! Higit pang mas masakit ang ginawa mo sa'kin. Minahal kita, Calton," she cried. Pagod na siyang umiyak. Akala niya hindi na niya mararanasan ang ganito pero muli niyang naranasan at mas grabe pa. Grabe ang bigat na hatid ni'yon sa puso niya. Buong akala niya mahal siya talaga ng lalaking pinagkaloob niya ng kanyang sarili. "Bakit hindi mo pa ako patayin? Ano pang hinihintay? Patayin mo na ako!" "I can't!" Sikmat nito. "Kahit ilang beses kong sinasaksak sa isip ko na dapat patayin kita, hindi ko magawa, Lia!" Natigilan siya. Hindi nito kayang patayin siya? Pero bakit? Ayaw naman niyang paasahim ang puso kaya hindi niya iyon binigyan pansin. Pero sa narinig niya kanina kapag hindi nito nagawang gawin ang misyon makakalaban ito ng organisasyon. Malalagay din sa kapahamakan ang buhay nito. "Pero bakit?" Tinitigan siya nito pagkakuwan ay umiwas ng tingin sa kanya. "I don't know. Siguro dahil sa awa." Kumirot ang puso niya sa naging sagot nito. Pero wala na siyang magagawa kung iyon talaga ang totoo. "Darating dito si Jacen para kunin ka," maya'y sabi nito. "S-si Jacen? Bakit?" "Siya ang maghahatid sa'yo kay daddy." "Pero paano ka naman?" Lalansihin ko ang mga tauhan ng PSIAS para hindi kayo masundan." Tumingin ito sa malaking bag na dala niya. "Nandyan na ba lahat ng gamit mo?" Tumango siya. "Good. Anong mang sandali nandito na ang sundo mo." "At sa tingin mo hahayaan kong maalis ang babaeng 'yan, Calton?" Sabay silang napatingin sa lalaking pumasok mula sa sliding door na papunta sa veranda ng kwarto niya. "Brad." Tinaas nito ang hawak na baril at nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ni Brad iyon sa kanya. "I will kill this woman, Calton. Hindi ko hahayaan na masira ka sa organisasyon nandahil lang sa anak ng kriminal." Hinarang ni Calton ang sarili sa kanya. "Hindi ko hahayaan na gawin mo 'yan. At alam kong hahayaan mo kong mailigtas ang babaeng ito kahit ayaw mo." Natawa si Brad. "Paano ka naman nakakasiguro?" "Kasi iyon din ang gagawin ko kung ikaw ang nasa posisyon ko." Narinig ni Lia ang mahinang pagmura ni Brad ng paulit-ulit. "You are f*****g out of your mind! Binalaan na kitang tangna ka. I already told you not to fall in love with her, pero inilapit mo pa rin ang sarili mo sa kanya kahit alam mo na ang misyon mo ay ang patayin siya!" Napatitig siya sa malaking likod ni Calton. Tama ba ang rinig niya? O baka naman nabibingi lang siya? "Pasalamat ka, mas matimbang ang pagkakaibigan nating gago ka," sabi pa ni Brad. Pagak na natawa si Calton. "Thank you, my friend." "Anong plano?" Tiningnan siya ni Calton. "Ang pinsan ko ang maghahatid kay Lia papunta kay dad." Mataman siyang tinitigan ni Brad na tila ba hinahalukay ang buo niyang pagkatao. Nakakatakot siyang tumingin. "Stop doing that. Tinatakot mo siya gago ka," sabi ni Calton kay Brad. "Hindi ko lang akalain na ang isang katulad niya ang magpapabago ng paniniwala mo." "Don't talk to her like that. Wala siyang kasalanan dito. Biktima lang din siya tulad ng mga namatay sa kamay ng La Kawft." "And you're depending her. Samantalang dati halos makipagpatayan ka dahil lang sa galit mo kay Afzal." "Ikaw ba ang inutusan ni Marcelo para ipapatay si Lia kapag hindi ko nagawa?" Mabilis itong umiling. "Hindi." "Pero bakit nandito..." hindi na niya tinuloy ang tanong nang maalala ang sinabi ng kanyang ama tungkol sa sinasabi nitong tauhan. "Pero kung hindi ikaw, sino?" Nagkibit ng balikat si Brad. Nasisiguro kong nasa paligid lang din siya naghihintay ng pagkakataon para mapatay si Julianne. Nakaramdam siya ng pagkilabot. Bakit parang normal na lang sa mga ito ang salitang patay? At kung pag-usapan siya ng mga ito ay parang wala siya sa paligid. "We have to be careful, hindi natin alam kung sino ang kakampi sa hindi. Mapagkakatiwalaan ba yang pinsan mo?" tanong ni Brad. "Mabait si Jacen. Hinding-hindi niya magagawa kung ano man ang iniisip ninyo." Brad tsked. "Sabi mo eh," anito na humakbang palabas sa veranda. "Magmamanman lang ako sa labas," anito at sa isang iglap ay nawala na ito sa paningin niya. Nagkatinginan lang sila ni Calton pero sa huli ito ang unang nag-alis ng tingin sa kanya. "Ipapatawag na lang kita kapag dumating na si Jacen. Just stay here please." Nang tumango siya bilang sagot ay tsaka lang ito lumabas sa kwarto niya bitbit ang gamit niya. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago siya pinatawag dahil dumating na raw si Jacen. Pagkakita niya rito ay agad niya itong niyakap at ganu'n din ito. "Are you okay?" Marahan siyang tumango. Sinapo nito ang pisngi niya. "Nasabi na sa'kin lahat ni Calton kaya hindi ako nagdalawang isip na gawin ang kagustohan niya." "Salamat, Jacen at pasensya na kung nadamay ka pa rito. Higit kanino man ikaw ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Lia." "Ako na ang bahala sa kanya," Nagkatinginan sila ni Calton. "Mag-iingat kayo," anito. Iniabot ni Calton ang bag niya kay Jacen. "Ingatan mo siya, Jacen." "I will. Let's go, Lia?" Napatingin siya sa kamay na inilahad ni Jacen. Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. May pakiramdam siya na hindi niya gustong sumama rito at iwan na lang si Calton. Tiningnan niya si Calton. Tipid na ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya bago siya tinunguan. "Sige na, Lia." "M-magkikita pa tayo diba?" naiiyak niyang tanong sa binata. "Oo naman. Susunod ako pangako." Tinuyo niya ang basang pisngi bago inabot ang kamay ni Jacen para tuluyang sumama rito. Inalalayan siya nitong sumakay sa sasakyan. Binaba niya ang bintana para sana kawayan si Calton pero wala na ito. Hindi man lang siya nito hinintay na makaalis. Huling tingin ang iniwan niya sa mansion bago iyon tuluyang nawala sa paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD