MARIING napapikit ng mata si Calton nang marinig niya ang paglayo ng sasakyan kung saan lulan si Julianne. Hindi niya gustong ipaubaya ito kay Jacen, pero kailangan niya iyon gawin para maisalisi ang mga tauhan ng PSIAS.
"Sigurado ka bang pinagkatiwala mo si Lia sa pisan mo?" tanong ni Brad na nasa kanyang likuran.
"Malaki ang pagkagusto ni Jacen kay Lia kaya malabo niya itong masasaktan."
"Hindi ba mas hindi safe ang ipaubaya mo ang babaeng mahal mo sa lalaking may gusto sa kanya?"
Nagbuntong-hininga siya. "I have any choice. Si Jacen lang ang best option."
Nagpunta siya sa library at may pinindot sa likod ng libro at ilang sandali pa ay bumukas ang magkabilaang bookshelf. Iyon ang secret place ng ama niya kung saan nito tinatago ang mga armas. Kumuha siya roon ng ilang barin at sinukbit niya sa bulsa ng pantalon niya ang isa naman ay sa may gilid ng binti niya.
Kumuha rin siya ng magazine at inilagay sa maliit na bag na suot-suot niya. Sa tingin niya tama na iyon para mapatumba kung sino man ang nagbabalak na makuha si Lia. Wala naman siyang balak na pumatay, pero kung kinakailangan ay gagawin niya alang ala kay Lia.
Paalis na sana siya nang tumawag ang ama niya.
"Huwag na kayong tumuloy. Nalaman ng PSIAS ang plano natin. Namataan ko ang ilang tauhan ni Marcelo na umaaligid sa lugar."
Natigilan siya. "Paano nalaman?" Hindi niya na dapat tinanong iyon dahil wala naman talagang imposible pagdating kay Marcelo.
"Huwag mo rin hahayaan na mapag-isa si Lia kay Jacen."
Napakunot ang noo niya. "Bakit? Anong kinalaman ni Jacen dito?"
"Napag-alaman ko na isa si Jacen na secret agent ng PSIAS at siya ang inutusan para patayin si Lia," anito.
"No f*****g way..." aniya. Kaya pala nalaman din ni Marcelo kung saan sila dapat magkikita ng ama dahil sinabi na pala ni Jacen.
"Bakit? Nasaan si Lia, Calton?"
"Kasama ni Jacen."
"What?!"
"Siya ang pinakiusapan kong maghatid kay Lia sa'yo. Akala mo mas mapapabuti kung si Jacen ang makakasama ni Lia."
"Lia is not safe with him, Calton! Go get her! Kapag may nangyaring masama sa kanya hindi kita mapapatawad," anito na pinutol na ang linya.
"What happened?" Tanong ni Brad paglabas niya sa library.
"Kailangan kong sundan sila Lia bago pa mahuli ang lahat."
"Mukhang tama ang hinala ko." Sinipat nito ang suot na orasan.
"Trenta minutos pa lang mula ng umalis sila. Hindi pa sila nakakalayo. Let's go."
Sinuot muna niya ang itim na sumbrero bago sumampa sa ducati niyang nakatago lang sa garage ng mansion. Binuhay niya iyon bago pinaharurot ang motor palayo sa mansion.
TAHIMIK lang siya habang nakamasid sa labas ng bintana. Halos trenta minutos na rin silang nasa daan at ang daang tinatahal nila ni Jacen ay hindi niya alam kung saan patungo.
"Pwede kang matulog kung gusto mo, Lia," basag ni Jacen sa katahimikan.
"Hindi ako inaantok," aniya.
"Kinalulungkot ko ang nalaman ko sa'yo. Hindi ko akalain na ganu'n ang mangyayari. Ano ang naramdaman mo nang malaman mong kinakailangan kang patayin?" tanong nito.
"Kahit naman sino siguro matatakot at mabibigla kapag nalaman mong binabalak ka pa lang patayin."
"But Calton failed do his job. That's sad," anito na ikinatigil niya. "Akala ko siya na ang pinaka magaling na agent sa PSIAS pero hindi pala. Pinagmamalaki at hinahangaan siya ng lahat, pero akalin mo 'yon nandahil lang sa isang babae nasira ang pangalan niya," mahabang sabi nito.
Naguguluhang nilingon niya si Jacen. Naninibago siya sa paraan ng pagsasalita nito. Inatake siya ng kaba. Hindi kaya ito ang inutusan para tapusin ang trabaho na hindi kayang gawin ni Calton?
Saglit siya nitong nilingon. "Calton let his guard down. Akala ko pa naman matalino siya. Pero hindi niya naisip na maaaring ako ang pwedeng tumapos sa trabahong hindi niya kayang gawin," anito na lalo niyang ikinatakot.
Mali siya ng akala na hindi magagawa ni Jacen ang saktan siya. Pero heto nakikita niya sa mga mata nito na kaya nitong saktan siya ng walang pag-aalinlangang.
"You look scared, Lia," nakangising sabi nito.
"Don't be. Hindi kita pahihirapan pangako. Basta ba hindi mo rin ako pahihirapan."
"Akala ko mapagkakatiwalaan kita... Akala ko hindi mo 'ko makakayang saktan."
Natawa ito. "Pwes mali ka ng akala. Mali ka ng taong pinagkatiwalaan, Lia."
Nag-iba ng ruta ang dinadaanan nila. Ipinasok ni Jacen ang sasakyan nito sa loob ng gubat at hininto sa pinakapusod niyon. Una itong bumaba tsaka umikot papunta sa kanya. Pagkabukas nito ng pinto ay marahas siya nitong hinila sa kamay at basta na lang binitawan dahilan pata mapaupo siya.
"May gusto ka bang sabihin kila Calton at sa ama-amahan mo bago kita patayin?" Kinuha nito ang cellphone, nilagay sa call tsaka iyon initsa sa harapan niya. "Pwede mo ng tawagan si Calton."
Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numerong naka rehistro na sa cellphone ni Jacen. Nag-ring ang number ni Calton ata agad naman nito iyong sinagot.
"Jacen, nakikiusap ako sa'yo na huwag mong sasaktan si Lia," agad nitong sinabi.
"C-Calton..."
"Lia? Oh god. Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba ni Jacen? Nasaan kayo?" sunod-sunod nitong tanong.
"Calton, salamat sa lahat kasi kahit sa maikling sandali ng buhau ko ipinaranas mo sa'kin ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan. Sorry kasi naging dahilan ako kung bakit namatay ang mommy mo. Natandaan ko na lahat. Natandaan ko na siya ang babaeng tumulong sa'kin noon sa tuwing pinahihirapan at sinasaktan ako noon ng sarili kong ama."
"Lia, don't say that. Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang nangyari. Biktima ka lang din ng kalupitan ni Afzal."
"Gusto ko rin sabihin sa'yo na...simula noong nakilala kita hanggang ngayon, hindi nagbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal na mahal kita."
"f**k! Don't tell me those things. Sabihin mo 'yan sa'kin kapag nagkita ulit tayo. Nasaan ka ba?"
"Pasabi rin kay papa na mahal ko siya at salamat sa lahat ng pagmamahal."
"Lia, where the hell are you?!"
Hindi na siya nakasagot dahil kinuha na ni Jacen ang cellphone sa kamay niya at agad iyong pinatay.
"Nakakalungkot na mga tagpo." Dinukot nito ang baril sa bulsa, kinasa at itinutok sa kanya. "Akala ko hindi na ako hahantong pa s ganito pero heto ako ngayon, ako ang tatapos sa trabaho ni Calton.
Nakuyom niya ang kamao. "May gusto lang akong tanungin sa'yo at sana sagutin mo 'ko ng totoo."
"Tutal mamamatay ka rin naman na, sige ano ba ang tanong mo?"
"Lahat ba ng mga pinakita mong kabutihan sa'kin, lahat ba yun pagpapanggap lang?"
Saglit itong nag-isip. "Noong una hindi. Pero nagbago ang lahat mula ng bumalik si Calton at mula ng nalaman ko sa organisasyon na ikaw ang misyon ni Calton. Bakit kasi sa dinami-rami ng anak ni Afzal, ikaw pa? I really like you, Lia, pero mas malaki ang utang na loob ko kay Marcelo."
"Salamat sa pagiging totoo, Jacen. Salamat din sa mga panahon na nandyan ka lagi sa tabi ko para alalayan ako. Siguro nga ito na ang kapalaran ko."
Muli nitong itinutok ang baril sa kanya. "Paalam, Lia."
Ipinikit niya ang mga mata at hinintay na lang ang pagbaon ng bala sa kanyang katawan. Hindi nagtagal ay narinig niya ang alingawngaw ng putok ng isang baril.
Pero hinihintay ni Lia na makaramdam siya ng sakit pero wala man lang siyang naramdaman. Marahan siyang nagmulat ng tingin nang marinig niyang paulit-ulit na nagmura si Jacen.
"f**k! f**k! f**k!"
"J-Jacen..." Jacen didn't kill her.
"Just like Calton, I can't kill you, Lia. I can't."
Doon may dumating na motor at si Calton ang sakay ni'yon. Mabilis itong bumaba sa motor at malalaki ang hakbang na nilapitan nito si Jacen para bigyan ito ng malakas na suntok.
"Calton!" sigaw niya.
"Tarantado ka!"
Mabilis siyang tumayo pata awatin ito. "Calton, tama na 'yan! Hindi niya ako sinaktan at wala siyang balak na patayin ako," aniya para huminto ito sa pagsuntok kay Jacen.
"Totoo ba 'yan?" tanong nito na binitawan si Jacen.
Tumango siya. "Oo."
Pinahid naman ni Jacen ang nagdurugo nitong labi. "Noong una tulad mo desidido rin akong patayin siya pero akala ko kaya ko hindi pala," anito.
Sinipat ni Calton ang buo niyang katawan kung meron ba naging sugat o wala. "Mabuti kung ganu'n dahil hindi mo magugustohan kung ano ang gagawin ko sa'yo."
Hinawakan siya nito sa kamay at hinila pasakay sa motor.
"Hindi kayo titigilan ng organisasyon hanggat hindi nila napapatay si Lia," sabi ni Jacen.
"As if I let them do that," sagot naman ni Calton.
"Calton," nang lingunin ni Calton si Jacen sinalo ng binata ang ibinato rito ni Jacen.
"Sa Alta Tierra kayo pumunta. Hindi nila alam ang lugar na iyon dahil nakapangalan iyon kay mom. Hindi siya malinis pero kayang pagtyagaan. May mga pagkain na rin doon," sabi ni Jacen.
"Bakit kita pagkakatiwalaan?"
"Dahil tulad mo importante rin sa'kin si Lia. Please protect her with all your life."
"I will. Thank you. I owe you one. Paano ka?"
Tinutok ni Jacen ang barin sa sarili nitong balikat at walang pag-aalinlangang binaril nito ang sarili na ikinalaki ng mga mata niya.
"Jacen..."
Nginitian siya nito. "I'll be fine."
Nakatingin lang siya sa matalik na kaibigan habang papalayo sila ni Calton sa lugar na iyon.