NAALIMPUNGATAN si Lia nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa sala. Maingat siyang bumangon at agad na sinuot ang t-shirt ni Calton na nasa sahig lang. Pagkatapos ay marahan niyang pinihit pabukas ang seradura.
Nahinto siya sa pagbukas nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang lalaki mula sa sala. Nasisiguro niya ang isa roon ay si Calton at ang isa ay hindi niya kilala.
"Nasaan ang Calton na kilala ko? 'Yung desperadong patayin si Julianne Hosni? 'Yung desidido na mailigtas ang buhay ng nakararami?" rinig niyang sabi ng isang lalaki.
Julianne Hosni... Narinig na niya ang pangalan na iyon... Kung hindi siya nagkakamali iyon ang pangalan na itinawag sa kanya noon ni Calton.
Kumabog ng mabilis ang puso niya. Tama ba ang naririnig niya na balak siyang patayin ni Calton? Pero bakit?
"Sinabi ko na kaya ko siyang patayin. Meron pa akong isang araw para gawin 'yon," narinig naman niyang sabi ni Calton.
Natawa ang lalaking kausap ni Calton. "Come on, Calton. Just accept that you can't do your job. Hindi mo na kayang patayin ang babaeng 'yan. Kaya mas makabubuti kung ibigay mo na siya sa'kin, sa ganu'ng paraan hindi mo na makalaban ang organisasyon."
"Kaya ko," giit ni Calton.
"Sige, bigyan mo ako ng matibay na dahilan para paniwalaan ka."
"I hate her. Galit ako kay Lia dahil sa ginawa ng ama niya sa aking ina. Gustong sa kamay ko mismo mamatay ang nag-iisang ugat na nagmula kay Afzal."
Lalong natigilan si Lia sa mga sinabi ni Calton. Pumatak ang mga luha niya. Ang lahat ba ng mga pinakita at ipinaramdam sa kanya ni Calton ay bahagi lang ng pagpapanggap nito?
"Let me tell you this. Alam mo ba kung bakit hindi mo mahanap ang iyong ama? Dahil nagtatago ito mula sa organisasyon dahil hindi niya nagawang patayin ang babaeng tinuring niyang anak. Kung ayaw mong matulad sa ama mo, do your job. Kill that woman without mercy like you always do, Calton."
Napaatras si Lia sa kinatatayuan. Hindi niya napansin ang base sa nasa gilid dahilan para mabasag 'yon at naglikha ng ingay.
Ang dalawang lalaki na nasa sala ay sabay na napatingin sa kanya.
"Lia..."
"Ow... I think she heard everything. Gawin mo na itong pagkakataon para patayin ang babaeng 'yan, Calton," sabi ng isang lalaki.
Puno ng kaba at takot ang puso niya. Tumingin siya kay Calton, ang mga mata nito ay walang emosyon na nakatingin sa kanya.
"Calton, t-totoo ba ang lahat ng mga narinig ko?" nanginginig ang boses niya sa takot. Hindi na niya kilala kung si Calton pa ba ang kaharap niya.
"Maiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap," sabi ng lalaki bago lumabas ng cabin.
Humakbang palapit sa kanya si Calton pero umatras din siya. Natatakot na siya sa binatang kaharap niya ngayon.
"Lia..." akmang hahawakan siya nito ay iniwas niya ang katawan palayo rito.
"f**k! Fine. You want the truth? I'll tell you everything," tiim ang bagang sabi nito.
"I'm a secret agent and dad too. Dad's job is to kill you, pero imbis na patayin ka niya ay dinala ka niya sa Calbaranes at tinuring na isang anak. And now my mission is you, to kill you, Lia," walang emosyong sabi nito.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Kung ganu'n ang lahat pala talaga ay kasinungalingan lang.
"Alam mo ba ang sakit lang. Sana hindi mo na lang ipinaramdam sa'kin ang lahat ng ito kung pinaplano mo rin naman akong patayin."
"That was part of the plan, Lia. I plan to hurt you, to make your life miserable before I kill you. Everything was part of the plan."
Nakuyom niya ang kamao. "Ang sama mo. A-ano bang nagawa ko sa'yo?"
"Ikaw wala, pero ang ama mo marami."
"A-ang ama ko?"
"Your father is a terrorist. Leader siya ng grupong pumatay sa ina ko."
"At gusto mong maghiganti? P-pero bakit ako?"
"Dahil ikaw ang isa sa mga kasangkapan niya, Lia. Ginamit ka niya para sa pansarili niyang kasamaan. Merong microchip na nilagay sa ulo mo, isa yang remote na magpapa-activate sa malakas na bomba na maaaring pumatay sa maraming inosenteng tao. That's why the organization wants you dead."
Nanlamig ang buong katawan ni Lia sa mga nalaman niya mula kay Calton. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya dahilan para mapaupo siya sa dikahoy na sahig. Pakiramdam niya hindi siya makahing. Ang sakit-sakit ng dibdib niya.
Nasapo niya ang ulo nang sumidhi ang sakit doon. May iilang senaryo na pumapasok sa utak niya.. mga senaryong napapaginipan niya at sa bawat senaryong iyon lumilinaw ang bawat eksena kung paano pinapahirapan ang batang babae iyon. At ang batang babaeng iyon walang iba kundi siya!
"Ang sakit! Ayoko na!" sigaw niya habang mariing sinasabunutan ang sariling buhok dahil sa sobrang sakit ng ulo niya.
"Lia." Dinaluhan siya ni Calton pero tinulak niya ito palayo.
"H-huwag kang lalapit sa'kin! Huwag— aaarh!" sobrang sakit ng ulo niya na tila nawawalan siya ng hininga.
Umikot ang paningin niya hanggang sa bumagsak siya at nilamon ng kadiliman.
NAGISING si Lia na masakit ang ulo. Nasapo niya ang sentido nang kumirot iyon. Marahan siyang napamulat pero agad ding napapikit nang may masilayan na liwanag. Pero nang maalala niya ang mga nangyari kanina ay pabalikwas siyang bumangon. Nasa kwarto pa rin siya ng cabin nila ni Calton at sa tingin niya buhay pa rin siya at hindi nananaginip lang.
Bukas ang pinto at iniluwa niyon si Calton. May dala itong tray na naglalaman ng pagkain.
"Buti gising ka na, kumain ka muna para makainom ng gamot." Inilapag nito ang tray sa may paanan ng kama.
Napatitig siya roon. Hindi kaya may lason ang mga pagkaing iyon at iyon na ang tatapos sa buhay niya?
"Ayoko kong kumain," aniya kahit pa nakakaramdam na siya ng gutom.
"Sige na kumain ka na para mainom mo na itong gamot na si Dr. Mendez mismo ang nagbigay."
Napatingin naman siya sa hawak nitong gamot. Hindi kaya ang gamot na hawak nito ang siyang gamot na tatapos din sa buhay niya?
"Lia," tawag nito sa pangalan niya.
Tiningnan niya ito. "Ayoko. Ayokong tumanggap ng kahit na ano na mula sa'yo, Calton!"
Doon pumatak ang luha mga luha niya. Naalala niya ang sinabi ni Calton, na bugod dito at sa ama nito ay wala na siyang dapat na pagkatiwalaan. Pero paano niya gagawin 'yun ngayon kung ito mismo ang may gustong pumatay sa kanya?
"Lia..." Akmang lalapit ito sa kanya ay pinigilan niya ito.
"Dyan ka lang! Huwag kang lalapit sa'kin!"
"Lia—"
"Sinabi ng huwag kang lalapit sa'kin! Wala akong tiwala sa'yo, Calton!"
Nagtiim ang mga bagang nito. Pinutol nito ang pahitan nilamg dalawa at galit siya nitong hinawakan sa braso.
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Lia! Kapag sinabi kong kumain ka, kumain ka!" sumandok ito ng pagkain gamit ang kutsara at marahas iyong isinubo sa bibig niya.
Napaubo siya nang mabilaukan at doon lalo siyang napaiyak. Ngayon sinasaktan na siya ni Calton. Wala na ang lalaking nagparamdam sa kanya ng kakaibang saya nitong mga nakaraang araw.
Sobra siyang nasasaktan sa mga sandaling iyon.
"S-sana pinatay mo na lang ako, Calton," she cried.
"Kung iniisip mong may lason ang pagkain na 'yan, wag kang mag-alala wala kong nilagay. At ang gamot na yan ay si Dr. Mendez mismo ang nagbigay. Kumain ka na at inumin ang gamot na 'yan." Pagkasabi ni'yon ay lumabas na ito ng kwarto.
Inabot niya ang pagkutsara at sinimulang lantakan ang pagkain. Habang kumakain hindi niya mapigilan ang mapahagulhol. Gusto niyang makausap ang ama sa huling pagkakataon.
Eksaktong tapos na siyang kumain nang pumasok ulit si Calton sa kwarto para kunin ang mga pinagkainan niya.
"Nainom mo na ba yung gamot?" tanong nito.
"Para saan pa ang gamot kung mamamatay din naman ako?" tanong niya na hindi tumingin sa binata.
"Lia—"
Tiningnan niya ito. "Dadaanin mo na naman ako sa dahas para sundin ka? Para saan pa? Bakit hindi mo na lang ako patayin ngayon, Calton? Bakit kailangan mo pa akong saktan mg paunti-unti? Ngayon na nakikita mo ng nasasaktan ako at miserable na ang buhay ko, masaya ka na ba? Kontento ka na ba? Pwede mo na akong patayin tulad ng plano mo."
Nakuyom nito ang kamao. "Magpahinga ka, kailangan mo ng maraming lakas sa mga susunod na araw," anito imbis na sagutin siya. Bitbit ang tray na walang paalam na lumabas ito ng kwarto.
ILANG beses ng sinusubukang tawagan ni Calton ang ama pero hindi pa rin ito matawagan. He needs to talk to him.
Muli niyang tinawagan ang ama at napamura siya nang mag ring na iyon at hindi naman nagtagal ay agad nitong sinagot ang tawag niya.
"Calton?"
"Oh, thank God!"
"Calton, did you—"
"Like what you always told me to trust my instinct and I did. Dad, I can kill her. Please, help me. Tulungan mo akong mailayo at maitago si Lia. The organization will—"
"Calton, hijo, calm down. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo. Ang Calton na kilala ko ay kalmado sa lahat ng bagay."
"How can I calm down if it's about Lia? I don't want to lose her, Dad," pag-amin niya.
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.
"Dad?" tawag niya.
"Sorry ninanamnam ko pa ang mga sinabi mo."
"Dad! I'm f*****g serious!"
"I know. I'm sorry. Listen, Calton. Darating ako dyan mamayang gabi, hintayin ninyo ako."
"Alam mo kung nasaan kami?"
"Yes. May tauhan ako na palaging nakasubaybay sa inyo."
"Sino?" kunot-noong tanong niya.
"Malalaman mo rin. Maghanda na kayo ni Lia para sa pag-alis mamayang gabi."
NANONOOD lang si Lia sa bawat ginagawang pagligpit ni Calton sa mga gamit nila. Babalik na ba sila nito sa Calbaranes at doon siya papatayin?
"Maligo ka na," sabi ni Calton at nilapagan siya nito ng damit sa kama.
"Ano ba talaga ang plano mo, Calton?" hindi niya mapigilang itanong.
Nagbuntong-hininga ito. "Ayoko munang sagutin ang mga taong mo, Lia. Sa ngayon, gusto kong sundin mo muna ang mga sasabihin ko, para ito sa ikabubuti mo."
Natawa siya. "Sa ikabubuti ko? Nagpapatawa ka ba? Nakabubuti pa sa'kin kung mamamatay ako?"
Hindi na niya maitago pa ang galit na nararamdaman sa binata. Mahal niya ito pero ito ang dahilan para masaktan siya ng ganito.
Muli na namang tumulo ang mga luha niya. Minahal niya ang binata pero iba pala ang hangarin nito sa kanya. Hindi pa rin matanggal sa isip niya ang mga narinig niya mula rito.
"Lia—"
"Hindi mo ko kailangan kaawaan, Calton, kung naaawa ka nga ba sa'kin. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang patagalin na buhay pa ako."
Nagbuntong-hininga ito. "Dad will be here tonight to get you."
Natigilan siya. "Bakit? Siya ba ang papatay sa'kin?"
"No. You know dad can't do that. Masyado ka niyang mahal para magawa niya 'yun sa'yo."
"Then why?" puno ng pagtataka ang isip niya.
Hinihintay niyang sumagot si Calton pero nanatili lang itong tahimik. Ano pa nga ba ang aasahan niya?
Galit na kinuha niya ang damit na binigay nito at malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa banyo para maligo.
Tapos na siyang maligo at magbihis nang makita niya ang nag-iisang bintana na nasa loob ng banyo. Hindi iyon kalakihan at hindi rin naman kaliitan. Nasisiguro siyang kasya siya roon. Pwede siyang lumabas mula roon para makatakas mula kay Calton.
Hindi siya naniniwala na pupunta ang ama-amahan niya para kunin siya. Siguradong kasinungalingan na naman iyon para mapasunod siya sa gusto nito. Hindi na siya papayag na maging sunod-sunuran siya rito.
Maingat niyang tinulak pabukas ang bintana para hindi iyon magbigay ng ingay. Binuksan muna niya ang gripo para masabi na hindi pa siya tapos na maligo.
Inilusot niya ang katawan sa bintana at pinilit na lumabas mula roon. Sa pagbagsak niya napasubsob siya pero pinilit niyang huwag mapadaing para hindi maglikha ng ingay. Nang makabawi siya, sakay ng golf cart tinungo niya ang bahay nila Anastasia. Natandaan niya ang sinabi nito sa kanya na kapag kailangan niya ng tulong ay wag siyang magdadalawang isip na puntahan ito.
Samantala...
Nagtataka na si Calton kung bakit ang tagal ni Julianne sa banyo. Kinatok niya ito pero walang sumasagot mula sa loob. Nakaramdam na siya ng kaba kaya pinilit niyang sirain ang pinto at sa pagbukas niya wala na roon ang dalaga. Naiwan ang twalya at ang pinaghubaran nito. Napatingin siya sa bukas na bintana kung saan doon lumabas ang dalaga.
"f**k," tanging nasabi niya.