Chapter Sixteen

2044 Words
TULAD nga ng sinabi ni Calton ay dinala siya nito sa floating restaurant. Hindi akalain ni Lia pwede pa lang kumain sa gitna ng dagat. Noong una natatakot siya dahil hindi siya marunong lumangoy, pero nagawa siyang pakalmahin ni Calton hanggang sa masanay siya. Maganda ang mga tanawin na makikita sa paligid na nakaka-relax talaga at matatanaw mo rin ang mga kalapit na maliliit na isla, hindi niya sigurado kung may mga tao rin na nandoon. Ang paraan ng pag-serve ng pakain ay sa pamamagitan ng cable war doon nila dini-deliver ang inorder na pagkain. "You like the food?" tanong sa kanya ni Calton matapos nilang maubos ang inorder na pagkain. Matamis niya itong nginitian. "Oo nagustohan ko, ang sarap ng mga pagkain pati na 'yung panghimagas." "Yeah, I like that too. But I like you more, Lia," seryoso nitong sabi habang titig na titig sa kanya. Ramdam ni Lia ang pagkamula ng mukha kaya mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya alam kung paano magte-react sa tuwing sinasabi iyon ni Calton. "Gusto mo bang maglibot-libot para magpababa ng kinain?" pag-iiba nito. Muli niya itong tiningnan. "Sige. Gusto ko 'yan." "How about me, do you like me, Lia?" Heto na naman siya... "Calton..." napayukong sabi niya. Tumawa naman ito ng pagak. "I'm just teasing you, Lia. Gustong gusto ko kasi kapag pinamumulahan ka ng mukha." Kunway masama niya itong tiningnan. "Kaya ba palagi mo ko inaasar?" "No. I just like you, Lia. I really do. Gusto ko lang na parating malaman mo." "Alam mo naman na gusto rin kita, Calton." "Kung ganu'n, gusto kong palagi mong sabihin sa'kin 'yon." "Paano naman?" "Just tell me you like me." Kagat ang ibabang labi na nayuko siya. "I like you, Calton," mahina niyang sabi. "I can't hear you, Lia." "I like you, Calton," medyo nilakasan na niya ang boses. "I still can't hear you." Tiningnan niya ito sa mga mata. "Gustong gusto kita, Calton." sa pagkakataong iyon ay mas malakas na. "Better," naka ngiting sabi nito. "Let's go?" Tango lang ang isinagot niya. Bumaba na sila sa cottage at nagsimulang maglakad-lakad. Sa tuwing may nadadaanan sila na mga nagbebenta ng souvenir ay bumibili si Calton. "Nauuhaw ka na ba?" maya'y tanong nito. "Medyo," agad niyang sagot. "Teka bibili ako ng buko juice," anito na tinuro ang booth kung saan nag bebenta ng fresh buko. "Wait me here," anito na tumakbo papunta sa bilihan. Naiwan naman siyang nakatayo malapit sa dalampasigan. Tinanaw lang niya ang mga alon sa dagat. Napakasaya niya dahil dinala siya ni Calton sa ganitong napakagandang lugar. Napatingin siya sa batang babae na bahagyang hinihila ang laylayan ng bestida niya. Ang cute nito dahil mukha itong isang manika. "Miss, miss, bili ka na po ng tinda ko," anito. Bahagya siyang umupo para magkasing pantay sila nito. "Ano ba yang tinitinda mo?" "Kwintas po na gawa sa shell." Nginitian niya ito. "Ikaw ba ang gumawa ng mga 'yan?" "Opo." "Nasaan ang mama at papa mo?" "Nasa tabi-tabi lang po," anito. "Magkano ba isa niyan?" "Isang libo po isa, miss." Nabigla siya. Hindi niya akalain na merong ganitong halaga ng kwintas. Pero dahil sa naaawa siya sa bata ay bibili siya kahit na isa. Kinuha niya ang pitaka mula sa bulsa ng suot niyang dress, pero nang dudukot na siya ng pera ay may lalaking tumawag dito. "Karina!" Tumakbo ang isang gwapong lalaki palapit sa kanila at agad na binuhat ang babaeng paslit. "Ikaw talagang bata ka, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala," anito sa bata. Tiningnan siya nito at ang perang hawak niya. "Binibentahan mo na naman ang mga guest ng isla," natatawang sabi nito sa bata. "Pasensya ka na miss kung kinulit ka nitong anak ko, pero hindi talaga siya nagbebenta," anito sa kanya. Tipid niya itong nginitian. "Ayos lang." "Levi," si Calton na lumapit na sa kanila. "Calton? Is that really you, man?" binaba nito ang paslit para yakapin si Calton. "Kumusta ka na? It's been three years since I last saw you here," si Levi. Three years? Ibig sabihin nakauwi na pala si Calton ng pinas tatlong taon na ang nakalilipas, pero hindi man lang ito dumalaw sa Calbaranes. "Are you still-" Malakas na tumikhim si Calton dahilan para hindi na matuloy ni Levi ang dapat na itatanong nito. "Any way, you are with this beautiful lady here?" anito na muling tumingin sa kanya. "Oh, yes. This is Lia, Lia, this is Levi kaibigan ko," pagpapakilala sa kanilang dalawa ni Calton. "Hello," bati lang niya. "Mukhang muntikan ng mamodus ng anak mo si Lia, Levi," si Calton na ginulo ang buhok ng paslit. "Mukha nga. Pasensya ka na, Lia, kung kinulit ka ng anak ko," sabi ni Levi sa kanya. "Walang problema." "Magkano naman niya binibenta sa'yo yung gawa niyang kwintas?" tanong ni Calton sa kanya. "Isang libo," nakangiwi niyang sagot. "Manang mana talaga sa'yo ang anak mo, Levi. Daming pwedeng manahin sa'yo 'yung pagiging mandurugas mo pa," naiiling na sabi ni Calton. "So..." Pinagpalit-palit ni Levi ang tingin sa kanilang dalawa ni Calton. "We're not," sabi ni Calton na hindi niya magawang maintindihan. "Pupuntahan na lang kita sa bahay niyo mamaya," sabi pa nito. "Sige. Nice meeting you, Lia. Oo nga pala, bukas birthday ng asawa ko, pumunta kayo." Tiningnan niya si Calton. Ito kasi ang hinihintay niyang magdesisyon sa bagay na 'yon. "Sure. Pupunta kami, baka makatikim na naman ako ng mura sa dragon mong asawa," natatawang sagot ni Calton. Pagkatapos nilang makausap si Levi ay nagdesiyon na rin silang bumalik sa cabin nila. "SO, Lia is your last mission bago ka mag focus sa pagiging doctor mo?" tanong ni Levi nang ipagtapat niya rito ang tungkol kay Lia. Si Levi ay kasamahan niya noon sa SEAL mas nauna nga lang itong mag-resign pagkatapos nitong maging asawa si Anastasia. Sa ngayon ang trabaho nito ay isang data broker. "Si Afzal ang ama ni Lia? Paano siya napunta sa inyo?" si Anastasia. Inilapag nito ang juice sa center table. "Hindi pwede ang alak kaya juice ka na lang muna," segunda nito. Si Anastasia ay dati namang spy sa ibang agency, pero nag-resign na mula nang magkaanak na ito. "Si dad ang unang may hawak kay Lia, pero hindi niya magawang gawin ang misyon dahil napamahal na sa kaniya si Lia," aniya. "Kaya ikaw ang tatapos?" si Calton. "And your mission is?" si Anastasia. "To kill her," sagot niya. "Kaya mong gawin?" si Calton. "Of course. Walang dahilan para hindi ko 'yun gawin." "Really? Pero sa nakikita ko kanina I don't think you can't-" "I can," putol niya sa dapat na sasabihin nito. Tumango-tango ito. "Okay sabi mo." "Wala na bang ibang paraan para hindi humantong sa pagpatay sa kanya?" si Anastasia. "Kung tanungin mo ko parang big deal sa'yo ang pagpatay, Tasia." Isa kasi si Anastasia sa pinakamagaling na spy sa agency nito at wala itong awa kung pumatay sa nagiging misyon nito. "I want to meet her," sabi ni Anastasia. "I already invited them for tomorrow," si Levi. "You'll meet her tomorrow." HALOS hindi magawa ni Lia ang mag-relax dahil alam niyang sa iisang kwarto sila matutulog ni Calton. Hindi niya alam kung anong pwesto ang gagawin niya. Babaling siya sa kanan tapos babaling din sa kaliwa, parang napapaso ang katawan niya sa kama dahil hindi siya mapakali. Nagdesisyon siyang lumabas na lang muna para makalanghap ng sariwang hangin habang hinihintay si Carlton. Ganu'n din naman dahil hindi rin siya mapakali kakahintay sa loob. Kumuha muna siya ng jacket bago lumabas ng cabin at naglakad-lakad sa kahabaan ng dalampasigan. Medyon nawala na ang kabang nararamdaman niya mula nang ihatid siya at iwan sa cabin. Bakit kaya hanggang ngayon wala pa rin si Calton? Nagpaalam naman ito na pupunta lang ito sa bahay ni Levi at hanggang ngayon ay wala pa. Ano kaya ang ginagawa nito? Hinubad niya ang tsinelas at mas lumapit pa sa dagat at hinayaan niyang madaluyan ng tubig ang mga paa niya. Ngayon lang niya naranasanang ganito kaya masaya siya na dinala siya rito ni Calton. Hindi pa siya nakuntento ay tumakbo-takbo siya at parang batang nilaro-laro ang tubig. Nang mapagod ay walang pakialam na naupo siya sa puting buhanginan. Hiningal siya sa pinaggagawa niya. "You're having fun." Napatingin siya kay Calton na umupo sa tabi niya. "Calton, nandyan ka na pala. Kanina ka pa ba?" aniya na nakakaramdam ng hiya dahil sa pinagagagawa niya kanina. "Enough para makita ang ginawa mo," nakangiting sabi nito. Napatakip siya sa mukha. "Nakakahiya." Napatawa ito. "No. Ang sarap mo ngang panuorin. Oo nga pala, bakit nandito ka sa labas?" "Maboring kasi ako kakahintay sa'yo sa loob" Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "So, hinihintay mo ang pagdating ko?" Nahihiya man pero sinagot niya ito. "Oo." "Why you're waiting for me?" Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya gustong aminin ang totoong dahilan. "Wala lang. Wala kasi ako kausap," pagsisinungaling niya. "Ganu'n ba? Let's getting inside. Malamig na baka sipunin ka pa. Bukas ng maaga pupunta tayo sa bahay nila Levi." Nauna na itong tumayo at maglakad papasok sa cabin nila. Tumayo na rin siya at agad na sumunod dito. Hindi alam ni Lia kung nakatulog nga ba siya o hindi dahil ang isip niya ay okupado sa sitwasyon nila ngayon ni Calton. Para naman kasi siyang sira na pinoproblema na magkasama sila ni Calton sa iisang kwarto pero magkaiba ng higaan. Ala-syete na, tulog pa rin si Calton kaya sinubukan niyang tingnan kung ano ang pwede niyang lutuin pero wala ni anong pagkain ang meron sa kusina kundi instant coffee lang, kaya nagpasya siyang lumabas para bumili sa malapit sa bilihan na nasa loob din ng Paradise Island. Matapos niyang mabili ang mga pakay ay agad na rin siyang bumalik. Napakunot pa ang ulo niya nang maabutan niya si Calton na nasa labas at tila may hinahanap ito. Nang makita siya nito ay agad itong lumapit sa kanya. "Where the f**k have you been, Lia?!" ramdam niya ang galit sa boses nito. Nagtataka at nalilitong itinaas niya ang hawak na supot. Hindi niya alam kung ano ang ikinakagalit nito. "B-bumili lang ako sa market—" "Dapat nagsabi ka sa'kin para masamahn kita at hindi ako nag-aalala!" "T-teka bakit ka ba nagagalit?" "Nag-aalala lang ako na baka sa paglabas mo meron kumuha sa'yo!" Napakunot siya ng noo. "Sino naman ang kukuha sa'kin sa ganito kaaga, Calton? Tsaka base sa obserbasyon ko, mataming cctv ang nakakabit sa paligid ng island at merong mga bantay sa paligid kaya malabo yang iniisip mo." Tila naman ito natauhan sa inasta. "I-I'm sorry. I'm overreacting. I'm just worried. But please, next time magsabi ka, okay?" Tipid niya itong nginitian. "Okay." "Ano ba yang binili? Sana hindi ka na nag-abala. Kung nagugutom ka pala ginising mo na lang sana ako. Pwede naman kitang dalhin sa cafe at doon mag-umagahan," anito na kinuha sa kamay niya ang mga bitbit niya. "Para naman hindi mo ako kilala. Mas gusto ko pang magluto kaysa kumain ng umagahan sa ibang lugar. Tsaka ginagawa ko na 'to sa hacienda." "Kaya nga tayo nandito para makapagbakasyon ka at makapagpahinga ka sa mga gawain, tapos pinapagod mo rin ang sarili mo." "Sige hayaan mo na ako kahit ngayon lang. Bukas hindi na ako magluluto," nakangiti niyang sabi. Natutuwa naman ang puso niya dahil masyadong maalaga si Calton ngayon aa kanya. Kaya habang nagluluto siya ng umagahan ay may ngiti sa kanyang mga labi. Para na nga siyang tanga dahil hindi mapawi ang mga ngiti niya. Pagkatapos nilang kainin ang niluto niya ay naligo na rin siya para maghanda sa pagpunta nila sa bahay nila Levi. Excited na rin siyang makilala ang asawa nito at gusto na ulit niya makalaro ang anak nito ai Karina. Mga tanghalian nagpasya si Calton na umalis at magtungo sa bahay nila Levi. Sobra siyang namangha nang makita niya ang bahay nito, kung bahay nga ba kung maitatawag ito dahil sa laki niyon at para siyang napadpad sa mundo ng twilight dahil sa style at straktura ng bahay nito. Isa iyong glass house na nasa pinakamataas na bahagi ng isla. Nakakamangha talaga. "Hi, Lia!" agad na bati sa kanya ng isang magandang babae na ipinakilala ni Levi sa kanya na asawa nito. Nginitian niya ito. "Hi!" Sa pagkakakilala nila nito nasisiguro niyang magsisilbi itong bagong ala-ala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD