"SO, kung titingnan pala parang magkapatid kayo ni Calton," sabi ni Anastasia habang nasa gitna sila ng hapagkainan.
Silang dalawa lang ni Calton ang bisita dahil pareho na raw na walang pamilya sila Levi at Anastasia. Maliban din daw kay Calton at sa isa pang taong di binanggit ang pangalan, wala na raw ibang kaibigan na malapit ang mga ito. Ang iba raw ay nasa ibang bansa.
"Stop it, Tasia, I'm not concerned her as my sister," sagot naman ni Calton.
"Eh para sa'yo, eh paano naman si Lia?"
Tumingin sa kanya ang tatlo at hinihintay ang sagot niya. Nilunok niya muna ang pagkain na nginunguya niya bago siya sumagot.
"Hindi ko rin naman tiningnan si Calton bilang kapatid,"
Tila naman nakahinga si Calton sa isinagot niya.
"You like Calton?" nakangiting tanong pa ni Anastasia.
"Oo naman."
"And you like her, Calton?" tanong naman ni Anastasia sa binata.
Malagkit ang mga matang tumingin sa kanya si Calton. "Oo naman."
Tumikhim si Levi. "Sigurado ka?" anito kay Calton.
"Oo. Bakit hindi?"
"Ngayon ko lang kasi narinig sa'yo ang ganyang salita. Kinikilabutan ako." Tumingin naman sa kanya si Levi. "Alam mo ba itong si Calton, kabilaan ang mga babae kapag nagpupunta kami sa iba't ibang bansa."
"Tarantado ka! Wag mo nga 'ko sinisiraan kay Lia!" si Calton kay Levi.
Natawa si Levi. "Bakit may mali ba sa sinabi ko? Totoo naman na kabilaan ang mga nagiging babae mo."
"I second demotion," sangayon ni Anastasia sa asawa.
"See? My wife agreed to me."
"Kasi mag asawa kayo!" sikmat ni Calton.
"Nagsasabi lang kami ng totoo, Calton," si Anastasia.
"At alam mo ba, Lia, maraming babae ang umiiyak dahil kay Calton. Pagkatapos kasi niya pagsawaan iiwan na niya, na para bang walang nangyari," sabi pa sa kanya ni Levi.
"Pagsawaan? Anong ibig-sabihin nun?" kunot noong tanong niya.
Natigilan naman ang mag-asawa at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya na para bang may mali sa tanong niya.
"Are you still a virgin?" diretsahan na tanong ni Anastasia.
"Tasia!" saway ni Calton sa babae.
"What? I'm just asking her." muli siyang tiningnan ni Anastasia. "Are you?"
Kurap-kurap na tumingin siya kay Calton na kaharap niya. Bakit naman kasi bigla-bigla siyang tinatanong ng ganu'n.
Napayuko siya. "O-oo. May problema ba?"
"Wala naman."
Hindi nakita ni Lia ang ginawang pagtingin ni Anastasia kay Calton. Nilakihan ni Anastasia ng mga mata si Calton at inambahan ng suntok.
"Forget what I told you earlier, Lia. Kaya pala ibang iba sa'yo itong si Calton," sabi ni Levi.
"I told you, she's different that's why I like her."
Lalo siyang pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi ni Calton. Ilang beses na niyang narinig iyon pero hindi pa rin siya masanay-sanay.
Pagkatapos nilang kumain ay inaya sila ng mag-asawa na magkantahan sa entertainment room. The room was big para silang nasa mini sinehan dahil sa lawak ni'yon.
"Umiinom ka ba?" tanong sa kanya ni Anastasia.
"Nakainom na rin naman ako ng wine," aniya.
"Sige, mag wine ka na lang. Teka ikukuha kita." Saglit siya nitong iniwan para kuhaan siya ng wine.
Nanood lang siya kila Calton at Levi na nagkakantahan na. Hindi niya mapigilang matawa nang kumanta si Calton at para itong bata kung umasta. Ngayon niya lang ito nakitang ganito.
"Ganyan talaga sila kapag magkasama," sabi ni Anastasia nang iabot nito sa kanya ang baso na may lamang wine.
"Lalo na kapag kasama nila si Brad," sabi pa nito.
Tiningnan niya ito. "Brad?"
"Oh, hindi mo pa pala siya nakikilala. Well, paano mo nga naman ba makikilala. Anyway, tulad ng sinabi ko, para silang mga hayop na nakawal sa hawla kapag magkakasama. Minsan din kasi magkita kaya siguro ganyan," sabi nito.
"Paano niyo nakilala si Calton?" tanong niya.
Saglit itong nag-isip. "Nagkakilala si Calton at Levi dahil sa work at nakilala ko naman si Levi at Calton dahil minsan ko na silang nakalaban sa— oh I mean naka away sa trabaho."
"Doktor ka rin ba tulad ni Calton?"
"Ahhh... Nurse ako."
Napatango siya. "Okay." Muli niyang tiningnan si Calton habang iniinom ang wine na nasa basong hawak niya. "Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Calton. Kaya sobrang saya ko."
"Nakikita ko na sobrang gusto mo siya, Lia," sabi ni Anastasia.
"Sobra..." hindi niya alam pero pakiramdam niya unti-onting bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit. Pinipilit niyang idilat ang mga mata pero hindi niya magawa hanggang sa tuluyan siyang nilamon ng kadiliman.
"WHAT did you do to her, Tasia?" pagalit na tanong ni Calton.
Napahinto kasi siya sa pagkanta nang marinig niya ang pagkabasag ng baso at nang makita niyang bumagsak ng walang malay si Lia.
"Pinadali ko lang ang trabaho mo," walang emosyong sagot ni Anastasia.
"Anastasia!" sigaw niya.
Malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Lia at agad na tingnan ang pulso nito kung tumitibok pa. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman niya ang pulso nito.
Galit na tiningnan niya si Anastasia. "What did you do?"
"Pinatulog ko lang siya. Tiningnan ko kung ano lang ang magiging reaksyon mo."
Napakunot noo siya. "Ano?"
"Sa nakikita ko, hindi mo kayang patayin ang babaeng 'yan."
Tumayo siya ng diretso. "I can."
"Oh really? Bakit hindi mo pa gawin ngayon? Kayang kaya mo siyang patayin ng walang kahirap-hirap, Calton."
"Huwag kang mangingialam, Tasia."
"Bakit? Huwag mong sabihin sa'kin na gusto mo pang saktan ang babaeng 'yan?"
"Ano bang alam mo?!"
"I know everything, Calton," mariing sagot ni Anastasia.
Lalong lumalim ang guhit sa noo niya. "You know?"
"Dahil si Levi ang inutusan ni Marcelo na tumapos sa buhay ni Lia kapag hindi mo nagawa ang trabaho mo."
"Ano?" tiningnan niya si Levi.
"That's true. Pero tinanggihan ko 'yon kahit pa malaki ang offer sa'kin. Kaya hindi ko alam kung sino ang inutusan kapalit ko," sagot nito.
"Hindi kampante si Marcelo na magagawa mo ang mission mo," segunda ni Anastasia. "Alam na rin namin ang buong kwento. And you want to get revenge. Gusto mo munang pasakitan ang babaeng 'yan bago mo patayin."
"Wala na kayo 'dun."
Akmang bubuhatin na niya si Lia ay pinigilan siya ni Anastasia sa braso.
"Sa nakikita ko, walang kasalanan si Lia, Calton. Inosente siya at biktima rin ng mga pangyayari. Ramdam ko na mabuti siyang tao at alam kong hindi niya kayang manakit. Kaya tinanong kita kung wala na bang ibang paraan kasi she don't deserve to die—"
Galit niyang inalis ang kamay niyo sa braso niya. "Labas na kayo sa kung ano ang plano ko sa kanya."
Akmang muli siya nitong pipigilan pero inawat na ito ni Levi. "Let him."
"Huwag na huwag kang lalapit sa amin kapag nagkagipitan na," babala ni Anastasia sa kanya.
Binuhat niya si Julianne. "Salamat sa pag-iimbita," sabi niya bago tuluyang umalis.
"BAKIT ka mangialam?" tanong ni Levi sa asawa.
Inilapag ni Anastasia ang baso sa center table at naupo sa sofa.
"I felt sorry for her, Levi. Hindi nagkakalayo ang buhay namin noon," aniya.
Buntong-hiningang tumabi si Levi kay Anastasia. "I understand you, Hon. Pero alam mo naman na hindi tayo pwede mangingialam, and you know that."
"I know. I just can't help it. Isa pa, sinubukan ko lang si Calton, pero nakikita ko na hindi niya magagawang patayin si Lia."
Hinimas ni Calton ang likod ng asawa. "Kung hindi man niya kayang gawin desisyon niya 'yon."
Muling nagbuntong-hininga si Anastasia. "I'm sorry kung sinabi ko ang tungkol sa pag-hire sa'yo ni Marcelo."
Tipid ang ngiting ibinigay ni Levi. "It's okay, Hon. Tingnan na lang kung ano ang kakalabasan ng magiging desisyon ni Calton. Sana mahanap na niya ang kapatawaran sa pagkamatay ng kanyang ina. At sana piliin na rin niya ang tahimik na buhay."
"I hope so too."
"Magligpit na tayo at nang makapagpahinga."
NAGISING si Lia na medyo mabigat ang ulo. Sapo ang sentido na bumangon siya. Kunot ang noong nilibot niya ang tingin sa paligid. Sa nakikita niya nasa cabin na sila. Paano siya nakauwi rito? Ang huli niyang natatandaan kakwentuhan pa niya si Anastasia habang umiinom ng wine.
Umalis siya sa ibabaw ng kama para hanapin si Calton pero wala ito sa loob ng cabin kaya nagdesisyon siyang hanapin ito sa labas.
Pagkabukas niya ng pinto bumungad sa kanya si Calton na nakaupo ito sa hanging chair habang umiinom ito ng alak. Humakbang siya palapit dito.
"Calton?"
Saglit siya nitong nilingon. "Bakit lumabas ka pa?"
"Wala ka kasi sa loob."
Hindi na ulit ito magsalita at nakatuon lang ang tingin nito sa madilim na paligid. Merong mga ibang guest ang nagkakasiyahan hindi kalayuan sa kanila.
"Pwede umupo?" tanong niya. Tumango lang ito at muling tumungga.
"Paano ako nakauwi?" tanong niya.
"Nalasing ka sa iniinom mo kaya binuhat na lang kita pauwi rito."
Siya nalasing sa wine? Nakainom na siya ng wine pero hindi naman siya nalasing ng ganito. Pero hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin.
Tiningnan siya nito. "Lia," tawag nito sa kanya.
"Bakit?" kinakabahang tanong niya. Napaka seryoso kasi nito.
"Can I kiss you?"
Kumabog ng mabilis ang puso niya. Gusto siyang halikan ni Calvin. Impokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya rin gustong halikan nito.
"Can I?" muling tanong nito.
Marahan siyang tumango. Ibubuka pa lang niya sana ang bibig para sabihin na pumapayg siya ay agad na nitong pinutol ang pagitan ng mga labi nila. Calton brushed his lips against her. At halos agaw hininga sila pareho nang pakawalan nito ang mga labi niya.
Ramdam niya na may kakaiba kay Calton. Ramdam niya na may problema itong iniisip na hindi nito masabi sa kanya kung ano.
"May problema ba, Calton?"
Nagbuntong-hininga ito. "All I want right now is to get the most out of it with you, Lia."
"Ano bang ibig mong sabihin, Calton?" kinakabahan niyang sabi.
Sinapo nito ang pisngi niya. "I want to kiss you, touch you. I don't want to lie to you, Lia. I want to make love to you."
Lalong lumakas ang kabog ng puso niya. Gusto ni Calton na makipag s*x sa kanya? Hindi iyon ang ibig nitong sabihin?
"I want to have s*x with you, Lia," ulit nito habang ang mga mata ay matiim na nakatitig sa kanya.
Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero hindi niya alam kung anong salita ang dapat niyang sabihin. Biglang nablangko ang isipan niya.
"You can say no if you don't want. Ayokong pilitin ka sa bagay na ayaw mo, Lia."
"H-hindi naman sa ganu'n..."
"Gusto mo?"
Hindi siya halong makahinga ng maayos. "G-gusto."
His brown green eyes lift up. "Good."
Tumayo ito at hinila siya papasok sa loob ng cabin. Pagkasara nito ng pinto ay isinandal siya roon at agad nitong muling inangkin ang mga labi niya. Habang hinahalikan nito ang mga labi niya ay inuumpisahan na nitong tanggalin ang pangitaas niyang damit saka sunod na tinanggal ang bra niya.
Napasinghap siya nang maramdaman niya ang lamig na humaplos sa itaas niyang hubad na katawan.
Binuhat siya nito. Ang mga binti niya ay naka yakap sa bewang nito. Habang dinadala siya nito sa kwarto hindi pa rin nito binibitawan ang mga labi niya hanggang sa maihiga siya nito sa kama at doon lang nito pinakawalan ang mga labi niya.
"Calton..." agaw ang hiningang sambit niya sa pangalan nito.
"I know this is your first, but I can't promise you I can be gentle. I will try my very best not to hurt you, but they say this will be painful for you..."
Itinapat niya ang hintuturo sa mga labi nito dahilan para mapahinto ito.
"I trust you, Calton. You can have me."
"Thank you."
Calton, then, open her fly and pulled her denim jeans off of her, kasama ang panty niya.
Napalunok siya. "Calton..." Nang umpisahan na nitong buksan ang botones at ibaba ang zipper ng suot nitong pantalon. Her eyes widen when she saw that he's comando! Wala man lang itong suot na boxer short o brief.
"A-ang laki mo, Calton. K-kakasya ba 'yan sa'kin?" inosenteng tanong ni Lia.
Hindi naman mapigilan ni Calton na mapangiti dahil sa pagiging inosente ni Lia.
"You're so cute, Lia. Of course this will fit you."
"Are you sure?"
"Yes, baby..." Inabot nito ang mga labi niya para muling halikan. "I will make you feel better. I will make this moment memorable to you, Lia."
Pagkasabi ni'yon ay muli nitong inangkin ang mga labi niya. Alam niyang nasa tamang pag-iisip siya sa mga oras na iyon at buong pag-uubaya niyang ibibigay ang sarili kay Calton.