KINABUKASAN nagising ng maaga si Lia dahil sa katos sa pinto ng kwarto niya. Pungas-pungas ba bumangon siya.
"Sino 'yan?" tanong niya habang humahakbang palapit sa pinto at binuksan iyon.
"Good morning," nakangising bati sa kanya ni Calton.
Kunot ang noong sinuri niya ang suot nito. Nakapang-alis ito mukhang may pupuntahan.
"Aalis ka? Teka anong oras na ba?" tiningnan niya ang orasan na naka sabit sa dingding. Alas-kwatro pa lang ng umaga.
"May lakad ka?"
"Oo, aalis tayo."
Natigilan siya. Tama ba ang pagkakarinig niya? Aalis daw sila?
"Tayo aalis? Saan naman tayo pupunta ng ganitong kaaga?"
"I want to take you to paradise island."
Paradise island? Ngayon lang niya narinig ang lugar na 'yon.
"Ngayon na as in ngayon na?"
"Oo sana. Ayoko ng planuhin baka kasi hindi na naman matuloy kaya ito binibigla ko na. Isa pa, gusto ko rin bumawi sa'yo."
Nakaramdam naman siya ng kaligayahan dahil gustong bumawi sa kanya ni Calton.
"May dapat ba akong dalhin?"
"Yeah. Magdala ka ng ilang pamalit na damit. We'll staying there for two days. Of course being some swimwear."
Napangiwi siya. "Wala akong ganu'n eh."
"Bili na lang tayo doon."
"Sige."
"Mag-ready ka na. Hihintayin na lang kita sa baba," Isang matamis na ngiti ang iniwan nito sa kanya bago ito umalis.
Pagkasara niya ng pinto ay excited na inayos na niya ang mga gamit na dadalhin niya. Pagkatapos ay naligo na rin siya ng maligamgam na tubig. Pagkatapos niyang maligo, isang simpleng dress na puti ang sinuot niya na hanggang sakong ang haba niyon. Hinayaan niya lang na nakalugay ang mahaba niyang buhok. Nagpahid lang siya ng pulbo at lip tint tsaka siya sumunod sa baba kung saan naghihintay si Calton.
"Let's go?" tanong nito pagkakita nito sa kanya. "Mahaba ang magiging byahe natin."
Pagkatapos nilang magpaalam kay Nanay Esme ay agad na rin silang umalis. Pinagbaunan din sila nito ng makakain habang nasa daan sila.
Nakakabingi ang katahimikan habang binabaybay nila ang medyo may kadiliman pang daan.
Nilingon niya si Calton. Seryoso ang mukha nito habang nakatuon ang mga mata sa kalsada. Nangunot ang noo nito at saglit siyang nilingon nang maramdaman nitong nakatitig siya rito. Pinamulahan tuloy siya ng mukha dahil nahuli nito na nakatitig siya rito.
"May sasabihin ka?" tanong nito na ang mga mata ay nasa daan.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo na bang mag-agahan?"
Muli ay saglit siya nitong sinulyapan at muling ibinalik sa daan. "Why? Susubuan mo ba ako?"
"Pwede naman, bakit hindi? Kung gusto mo?"
"Yes please, nagugutom na nga ako eh, buti inalok mo ko."
Inabot niya ang tupperware sa ay back seat na naglalaman ng tuna sandwich na ginawa ni Nanay Esme. Binuksan niya iyon, kumuha siya ng isa at ingat na isinusubo sa bibig ni Calton.
"Alam talaga ni Nanay Esme kung ano ang paborito ko," anito. "Kumain ka rin, Lia."
Sumubo rin siya at talaga namang hindi pa rin kumukupas ang galing ni Nanay Esme sa paggawa ng tuna sandwich.
"Baka inaantok ka ulit? Pwede ka naman matulog. Ilang oras pa ang byahe natin bago natin marating ang Paradise Island," maya'y sabi nito pagkatapos nilang kumain.
Umiling siya. "Ayoko naman tulugan ka. Mas mabuti na 'yung may nakakausap ka habang nasa byahe."
Bahagya siya ulit nitong nilingon. "Ang sweet mo naman, Lia."
Umiwas siya ng tingin dito para hindi nito makita ang pamumula ng mukha niya.
"Ilang oras ang byahe papunta sa Paradise Island, Calton?" pagbabago niya sa usapan.
"Three hours. Malayo-layo pa tayo."
Ang sinabi niyang hindi niya ito tutulugan ay hindi nangyari. Hindi niya namalayan na nakatulog siya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan.
HAPLOS sa pisngi niya ang nagpagising kay Lia. Pagmulat ng mga mata niya agad niyang nabungaran ang gwapong mukha ni Calton na nakangiti sa kanya.
"Sabi nila reckless driver daw ako. Muntik na ako maniwala sa kanila pero mukhang mali sila, ang himbing mg tulog mo."
Tumikhim siya at umayos ng pagkakaupo. "Sorry nakatulong pala ko. Nasaan na ba tayo?" Nilibot niya ng tingin ang paligid.
Sa nakikita niya, alam niyang nasa parking area sila dahil meron din doon ibang naka-park na mga sasakyan at sa nakikita niya, mukhang nakarating na silasa Paradise Island.
"We're here. Nakakuha na rin ako ng cabin natin."
Bigla siyang napalingon sa binata kasabay nang pagtabol ng mabilis ang puso niya. "K-kwarto natin?"
"Yep. Ayaw mo ba ako makasama sa kwarto?"
"H-hindi naman sa ganu'n."
Ngumiti ito. "Don't worry, dalawa ang kama, and I promise you I won't do anything you don't like, Lia."
Marahan siyang tumango bilang pagsanhayon.
Bumaba sila sa sasakyan na bitbit ang gamit nila. Dahil nasa malayo ang cabin nila ay kinakailangan nilang sumakay sa golf cart papunta roon. Isang bungalow na bahay kubo ang bumungad sa kaniya at hindi iyon kalayuan sa dalampasigan.
Agad nilang pinasok ang mga gamit nila sa loob. Tulad nga ng sinabi ni Calton ay may dalawang kama sa isang malaking kwarto. Parang isang buong bahay iyon dahil merong sariling sala at kusina.
"Nagugutom ka na ba?" tanong nito sa kanya.
"Medyo," pag-amin naman niya.
"Okay. Magpapalit lang ako then kumain tayo sa floating restaurant," anito na kumuha ng pamalit sa dala nitong bag at pagkatapos ay pumasok ito sa loob ng banyo para doon magbihis.
Floating restaurant...ngayon lang siya nakarinig ng ganu'n. Excited na rin siya na makita dahil hindi pa siya nakakakita ng ganu'n.
Nilibot muna niya ang paligid ng cabin habang nagbibihis pa si Calton. Malinis ang lugar ay masasabi niyang kumportable. Malayo sa ibang cabin na nasisiguro niyang hindi agad maririnig kung sumigaw man siya rito.
"Let's go."
Napatingin siya kay Calton nang magsalita ito sa likuran niya. Natigilan siya nang makita niya ang anyo nito. Isang floral polo ang suot nito at hinayaan lang nitong nakabukas iyon kaya kitang-kita ang matipuno nitong dibdib. Tinernuhan nito iyon ng puting urban pike short.
"Lia?" tawag pansin nito sa kanya nang makita nitong titig na titig siya sa dibdib nito.
Pinamulahan siya ng mukha. Hinihiling niya na sana lamunin na lang siya ng lupa sa hiyang nararamdaman.
"Do you like what you saw, Lia?" nakangisi nitong tanong.
"Ewan ko sa'yo, Calton," aniya na tinalikuran ito at nauna ng lumabas sa cabin.
Marinig niyang tumawa si Calton. "I'm just kidding. Wait for me!"