Chapter Twenty Five

1111 Words
ISANG may kalakihang bahay ang pinuntahan nila ni Calton kung saan ito ang tinuro ni Jacen. Ang bahay na ito ay tila itinayo pa noong panahon ng kastila at pinaglumaan na ng panahon. Binuksan ni Calton ang pinto gamit ang susing ibinigay ni Jacen kanina. Sinubukang buksan ni Calton ang ilaw pero hindi iyon sumindi, mukhang matagal ng walang electricity ang bahay na ito. Gamit ang flashlight ni Calton ay nagkaroon ng bahagyang liwanag ang paligid. Tinanggal nito ang puting telang nakatakip sa mahabang sofa. "Maupo ka muna. Hahanap lang ako ng mga kahoy na pwedeng isindi sa fireplace," anito. Ibinigay muna nito sa kanya ang flashlight bago ito muling lumabas. Gamit ang liwanag ng flashlight na hawak niya, inilibot niya ng tingin ang buong paligid. Halatang matagal ng walang tumira sa bahay na ito base sa alikabok ng paligid. Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Calton dala ang makakapal na kahoy at sinimulan na nitong paapuyin iyon sa fireplace. "Gutom ka na ba?" tanong nito nang matapos ito sa ginagawa. "Medyo," sagot niya. "Saglit titingnan ko kung ano ang pwedeng lutuin sa kusina." Tumayo na ito at nagtungo sa kusina. Dahil sa ayaw niyang maiwan na mag-isa sa sala ay sinundan niya ito sa kusina. "Are you bored?" tanong nito na bahagya siyang nilingon. "Natatakot ako, Calton. Natatakot ako mag-isa. Piling ko kasi may kukuha sa'kin kapag mag-isa ako," pag-amin niya. Nagbuntong-hininga ito. "Okay, you can sit here. Pwede mong titigan ang kagwapuhan ko habang nagluluto ako," pabiro nitong sabi. Alam niyang nagpapatawa ito para mawala ang tensyon na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Imbis na maupo ay humakbang siya palapit dito at niyakap niya ito mula sa likuran. "Thank you, Calton." Pumihit ito paharap sa kanya. "I'll do everything to protect you, Lia. Hindi ako makakapayag na makuha ka nila sa akin." Tiningala niya ito. "Bakit mo ginagawa ito? Bakit handa mong isakripisyo ang sarili mo para sa'kin?" "Hindi pa ba halata, Lia? Ginagawa ko ito dahil mahal kita at ayokong mawala ka sa'kin. Hindi ako makakapayag." Tumingkayad siya para abutin ang mga labi nito para gawaran ito ng halik. Akala niya pakakawalan na siya nito pero hinawakan siya nito sa batok para mas palalimin ang halik nila. Pero kalaunan ay pinakawalan siya nito. "I want to make love to you but I know you're tired. Sa ibang araw na lang," pilyo nitong sabi. Mahina niya itong tinampal sa braso. "Puro ka kalibugan." "Sa'yo lang, baby." "Sige na baka masunog pa yang niluluto mo." Tinuro niya ang niluluto nito. Naupo lang siya sa upuang nandoon at pinanood lang si Calton habang nagluluto ito. Buti na lang talaga may mga stock na pagkain ang nakatago na pwedeng maluto. Pagkatapos nito magluto ay kumain na sila. Mabuti rin na merong mga plato, baso at kutsara ang nandoon na pwede nilang magamit. Halatang sinadya iyon para sa mga ganitong pagkakataon. Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan na niya si Calton na magligpit at pagkatapos ay sabay din silang naligo. Ginamit nila ang unang kwarto sa second floor dahil iyon ang maayos-ayos. Buti na lang merong malinis na kobre-kama sa kabinet na nagamit nila. "Magpahinga ka na, alam kong napagod ka ngayong araw." nito na niyakap siya ng mahigpit habang tabi silang nakahiga. "Goodnight, Calton." "Goodnight too, baby." Sa sobrang komportable mg pakiramdam niya sa tabi ni Calton, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Namalayan lang niya nang magising siya kinabukasan. Magaan ang pakiramdam niya ng umagang iyon. Napangiti siya nang mabungara ang gwapong mukha ni Calton na mahimbing na natutulog sa tabi niya habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Pinaglandas niya ang daliri sa matangos nitong ilong pababa sa mapupula niyong mga labi at kasabay ni'yon ay napangiti siya. "Ang gwapo-gwapo mo talaga," aniya. Alam niyang gising na ang binata dahil alam niyang malakas ang pakiramdam nito. "Alam kong gising ka na, kaya wag mo ng pigilang ngumiti." Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Marahan itong nagmulat ng mga mata at tumitig ito sa kanya. "Good morning, baby." "Good morning, Calton ko." Lia felt Calton stilled. At dahil nasa dibdib nito ang mukha niya ay rinig niya ang pagbilis ng t***k ng puso nito. Tiningala niya ang binata. "Ang bilis ng t***k ng puso mo." Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Binibigla mo kasi ako." "Awww... Nagba-blush ang Calton ko. Ang cute mo." "Stop that. Huwag mo kasi ako binibigla ng ganyan." Natawa siya. "Hindi ka ba sanay ng ginaganyan?" "Correction, sa'yo lang ako ganito, Lia." Bumangon na ito. "Sabay na tayong maligo," anito na inilahad sa kanya ang kamay. Inabot niya iyon at nagpatangay lang siya rito hanggang sa banyo at sabay silang naligo. Pagkatapos nilang maligo ay hinayaan niya muna si Calton na abala sa harap ng laptop nito, base sa itsura nito ay halatang seryoso ito. Dahil 'dun ay naisipan niya munang mag-ikot-ikot sa buong bahay. Tumingin-tingin sa photo album na nakita niya sa sala. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang mukha ni Jacen noong bata pa ito. May nakita rin siyang babae habang buhat-buhat ang batang si Jacen. Paglipat niya sa sunod na pahina ng album nakita niya sa litrato ang ang babaeng may buhay kay Jacen noong bata. At sa baba niyon ang isang lalaki naman na hawak sa kamay si Jacen habang nakatingin sa puntod. "Ina ni Jacen ang namatay at ang lalaking 'yan walang iba kundi si Marcelo." Napatingin siya kay Calton na tumabi ng pagkakaupo sa kanya sa carpet. "Bakit namatay ang ina ni Jacen?" usisa niya. "Her mother is a battered wife. Ang ama naman niya ay may fetish. Kapag nakikita nitong nasasaktan ang ina ni Jacen doon lang ito nakakaramdam ng init ng katawan," kwento naman nito. "Kaano-ano naman nila si Marcelo?" "Si Marcelo ang unang lalaking minahal ng ina niya. Nang malaman ni Marcelo ang nangyari sa ina ni Jacen agad itong pumunta at pinakulong ama ni Jacen." "Kapatid ni papa ang ama ni Jacen?" muli niyang tanong. "Nope. Ang kapatid ni papa ay si Tita Susan, ang ina ni Jacen." "Iyon ba 'yung sinabi mo sa'kin dati na may fetish si Jacen?" Tumango ito. "Maaaring namana ni Jacen ang fetish ng ama nito. Kaya hanggat maaari ayaw magkaroon ng kasintahan ni Jacen kasi natatakot siya na baka matulad siya sa kanyang ama." Muli niyang tiningnan ang litrato. Hindi niya akalain na grabe rin pala ang pinagdaanan ni Jacen. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nito nasabi ang yungkol kay Marcelo pero sa huli mas pinili pa rin nito ang hindi siya patayin at lubos siyang nagpapasalamat dito. Kapag natapos na ang lahat ng gulong ito, magpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD