“Alisin niyo yung mga 'yon sa bulletin board!” galit na sigaw ni Rash. “Kahit pa alisin natin yung mga pictures sa bulletin board, nakita na ng buong school 'yon.” kalmadong sabi ni Leo. “Tangina naman!” Yan ang bumungad sakin pagkapasok ko sa headquarters ng Danger Zone. Napalunok ako habang nanginginig ang mga tuhod ko. Natahimik ang Danger Zone at napalingon sakin. “Aalis na muna kami, mag-usap muna kayo ni Melody.” seryosong sabi ni Dash. “No, wag nating iiwan si Melody kay Rash.” napatingin sila kay Calli. “Oo, mainit pa ang ulo ni Rash.” dagdag pa ni Leo. “O-Okay lang.” napalingon sila sakin. “Are you sure?” tanong ni Brent. Ngumiti lang ako at tumango. “Hindi ako sasaktan ni Rash.” sana. Walang imik si Rash na salubong pa rin ang kilay at namumula dahil sa inis. “Sige.