Chapter 1
***Melody Natividad's POV***
“Hoy! Ang kapal mo! Niluto ko yan para sakin!” nginisihan lang ako ni Rash.
“Kaninong pagkain ba yung niluto mo? Diba sakin?” naningkit ang mga mata ko.
“Oh sige na! Ikaw na lang ang kumain! Hiyang hiya naman ako sa pagkain mo.” nakasimangot na sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya.
“Kumain ka na, ang arte pa eh.” sabi nito at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko.
Natigilan ako nang mapatingin ako sa katawan niya. Jusme, wala na naman siyang t-shirt. Bakit ba trip nitong lalaking 'to na ibalandara ang katawan niya sa harapan ko?
Buti na lang talaga macho siya, kung hindi baka binuhusan ko siya ng kumukulong tubig.
“Ano? Pinagnanasaan mo na naman ako?” mayabang na sabi ni Rash.
“Kapal mo naman! Naiinis lang ako, lagi ka kasing walang damit. Hindi naman macho.” syempre joke lang yung last part. Iniinis ko lang siya.
“Anong hindi macho?” kinuha niya ulit ang plato ko. Napanguso naman ako.
“Oo na, NAPAKAMACHO mo. Okay na? Akin na yang plato ko.” binalik naman niya ang pagkain ko.
Dito ako nakatira sa condo unit ni Rash Pierre Farthon.
Hindi kami magjowa ah, tutor niya lang ako.
Naalala ko tuloy kung paano niya ko naging tutor two months ago...
Flashback***
“Melody!” napatigil ako sa pagluluto. Pinatay ko ang kalan at agad na binuksan ang pinto.
Napakagat ako sa labi ko nang si Ate Mela ang bumungad sakin. Siya ang may ari ng paupahan na inuupahan ko ngayon.
“A-Ate Mela, bakit po?” sabi ko at alanganing ngumiti sa kanya.
“Ineng, dalawang buwan ka ng walang bayad sa upa!” nakapamaywang na sabi nito.
“Ate Mela, natanggal po kasi ako sa pinagt-trabahuhan ko. M-Maghintay lang po kayo ng kaunti, magbabayad po ako basta makahanap ako ng paibagong trabaho.” napaismid si Ate Mela.
“Bibigyan kita ng isang linggo! Kapag wala ka pang pambayad sa susunod na linggo aba'y pasensyahan na lang tayo!” pakasabi no'n ay agad na rin siyang umalis.
Nanghihinang napaupo ako sa upuan. Sa susunod na linggo? Saan ako kukuha ng pera? Nahihiya na kong mangutang sa best friend ko na si Lovely.
Napabuntong hininga ako at naghanda na para pumasok.
Nag-aaral ako sa Farthon University, isa sa mga pinakasikat na school sa bansa. Mayayaman lang ang nakakapasok do'n pero buti na lang nagbibigay sila ng scholarship sa matatalinong estudyante.
Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino talaga ako. Buti na nga lang kahit papaano ay may talino ako, pa'no na lang kung wala? Edi wala na talagang natira sakin.
Wala akong mga magulang. Lumaki ako sa mga tiyahin ko sa probinsya pero nilayasan ko lang sila.
Lagi kasi nila akong inaalila at ayaw pa kong pag-aralin.
Napadaan ako sa may masikip na eskinita. Napairap ako nang makita ko na naman siya na nakikipagbugbugan.
Si Rash Pierre Farthon, bakit ba hindi na lang siya gumaya sa kakambal niya na si Dash? Matalino si Dash at tahimik, samantalang ang Rash na 'to ay walang ginawa kundi makipagbasag ulo. Ano bang napapala niya do'n?
“Hoy! Rash!” napatigil siya sa pakikipagbugbugan at napalingon sakin.
Wag na kayong magtaka, kada nakikita ko siyang nakikipagbugbugan sisigawan ko siya ng ganito na para bang close kami.
Naiirita kasi ako sa kanya eh.
Hindi naman ako natatakot sa kanya, wala akong pakialam kahit anak siya ng may ari ng school, at wala akong pakialam kahit isa sa pinakamayayaman sa mundo ang pamilya niya. Wala talaga akong pakialam.
“Hoy babae!”
Nilagpasan ko lang siya kahit tinawag niya ko. Nakakainis kasi talaga siya eh.
Porke't mayaman siya, gwapo at macho! Hindi ko siya sasantuhin noh! Akala niya diyan.
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Gwapong mukha ni Rash ang bumungad sakin. Hay! Sayang talaga siya eh, ang gwapo gwapo niya pa man din.
At ang tangkad niya lalo sa malapitan ah. Hanggang leeg niya lang ako.
“Bakit?! Anong kailangan mo?!” masungit na tanong ko at inalis ang kamay niya sa balikat ko.
Ang bango niya sa malapitan ah.
Nagulat ako nang may papel siyang ipakita sakin. Napangiwi ako nang mapansin kong test papers niya pala 'yon at puro bagsak.
Ano na lang ang sasabihin ni Mr. Ice Prince Farthon kapag nakita 'tong test papers niya?
Wag na kayong magtaka na kilala ko ang tatay niya. Sobrang gwapo naman kasi talaga niya kahit may edad na, at matalino pa.
Sayang lang at hindi namana ni Rash ang talino ni Mr. Farthon. Tsk tsk tsk.
“Anong gagawin ko dito?” nakataas kilay na tanong ko.
“Ikaw si Melody Natividad diba?” napatango na lang ako.
“Ano naman kung ako nga si Melody Natividad? At pa'no mo ko nakilala?!”
“I'll give you daily allowance, you will also receive five thousand every week from me, ako na ang bahala sa kakainin mo araw araw, pwede kang manghingi ng pera sakin pambili ng mga damit. And wait, diba wala ka ng matitirhan? Pwede kang tumira sa condo unit ko.”
Napanganga ako sa mga sinabi niya. Paano niya nalaman na wala na kong matitirhan? Teka, seryoso ba siya sa mga sinabi niya?!
“N-Nababaliw ka na ba?” tanging nasabi ko.
“Be my tutor, please...”
End of flashback***
Hay! Kahit papano maituturing na hulog ng langit si Rash sakin.
Kahit masungit siya minsan, minsan makulit, minsan mayabang. Nagpapasalamat pa rin ako at dumating siya sa buhay ko.
Pero sa school hindi kami nagpapansinan. Hindi rin alam ng mga schoolmates ko na nakatira ako sa unit niya.
Siguradong magwawala ang mga babae sa school at baka patayin ako ng mga 'yon.
Buti na lang talaga at hindi ko gusto si Rash, para sakin, isa siyang boss at kaibigan na kaaway at the same time.
May napupusuan na rin kasi ako...
Napangiti ako nang maalala ko si Leo, Leon Scott Faller. Crush na crush ko talaga siya, bukod sa mayaman siya at gwapo, gentleman pa siya. Hay! Kinikilig ako.
“Hoy! Iniisip mo na naman si Faller noh?” masungit na tanong ni Rash. Inirapan ko lang siya.
“Paki mo ba?!”
“Gusto mo sabihin ko sa kanyang crush mo siya?” nakangising sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.
Tropa niya kasi 'yon. Madami silang magt-tropa. Ang tawag nga sa kanila ay Danger Zone, second generation.
Magkakaibigan kasi yung mga tatay nila, mga gangster din nung kabataan nila.
“Subukan mo lang, papatayin kita habang natutulog ka!” sinuntok ko siya sa braso.
Ang tigas ah.
“Wag ka ng umasa kay Leo, babaero 'yon.” sabi niya at tumayo para kumuha ng tubig. Tiningnan ko siya ng masama.
“Paki mo ba? Crush ko lang naman siya eh!” nakangusong sabi ko.
“Share mo lang?” sarkastikong tanong niya.
Binato ko siya ng saging. Bwisit 'to!
“Gusto mo ba talagang patayin na kita?!” naiinis na sabi ko.
“Bakit ba lagi na lang saging ang binabato mo sakin? Mahilig ka talaga sa saging noh? Ito na lang saging ko, malaki pa.” nakangising sabi niya.
Nakalimutan kong sabihin na manyak din ang isang 'to.
“Eh kung putulin ko yang saging mo?!” nakapamaywang na sabi ko sa kanya.
“Wag naman. Madami ng babaeng pinaligaya ang saging na 'to, at madami pa 'tong papaligayahin.” napangiwi ako sa sinabi niya.
“Bastos ka talaga!”
Natatawang nagtungo na lang si Rash sa kwarto niya.
Bwisit na manyak 'yon!
***
“Kamusta naman kayo ni Papa Rash?” tanong ni Lovely habang nakain ng sandwich.
“Edi gano'n pa rin. Laging nagbabangayan, minsan hindi nagpapansinan.” prenteng sabi ko.
Maganda si Lovely at galing sa mayamang pamilya. Pero ako lang ang kinakaibigan niya imbis na makipagkaibigan sa mayayamang katulad niya. Mabait din naman kasi ang bruhildang 'to.
“Mas bet ko talaga si Dash eh.” kinikilig na sabi niya. Napairap na lang ako.
Patay na patay talaga siya kay Dash Pierce Farthon, kambal ni Rash.
“Suplado naman. Walang pinapansin 'yon sa school maliban sa mga kaibigan niya.” sabi ko at napailing.
“Mas okay na si Dash, di hamak na mas matino siya kaysa kay Rash.” sabi naman ni Lovely.
“Tss, mabait kaya si Rash.” pabulong na sabi ko.
Natigilan si Lovely at nang-aasar na napatingin sakin.
“May gusto ka na ba kay Rash? Ayieee.” sinundot sundot pa nito ang baywang ko.
“Ano bang sinasabi mo dyan? Loyal ako kay Leo noh.”
“Loyal ka sakin?”
Napapitlag ako sa gwapong boses na narinig ko. Automatic na namula ang buong mukha ko nang makita ko si Leo na nakapamulsa sa harapan namin.
Jusko... Ang gwapo niya talaga.
“A-Ah eh, i-ibang Leo yung sinasabi ko.” sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Siniko ko naman si Lovely para manghingi ng tulong.
“Ah oo! Si Leonardo da Vinci yung sinasabi niya.” napapikit ako ng mariin sa walang kwentang pagdadahilan ni Lovely.
Sana hindi na lang ako nanghingi ng tulong sa kanya.
Natawa ng mahina si Leo. Kahit yung tawa niya gwapo pa rin. Kamukhang kamukha niya yung tatay niyang nuknukan din sa gwapo.
“What's your name miss?” nakangiting tanong nito.
Napatingin ako sa paligid. Pinatitinginan na kami ng mga estudyante. Sikat kasi ang gwapong 'to
“A-Ah, ako si Melody.” nakatungong sabi ko.
“Melody... Ang gandang pangalan.” nakangiting sabi niya.
Babaero talaga ang lalaking 'to, pero kahit gano'n crush ko pa rin siya at kinikilig ako ng sobra ngayon.
“Can I have your number?”
Napasinghap ako sa tanong niya. Nananaginip ba ako?! O nagd-daydream lang?! Sana hindi na ko magising.
“A-Ah, oo nam---”
“Hoy Faller!” dumating si Rash kasama ang ibang tropa nila.
Agad itong lumapit kay Leo inakbayan ito.
“Magbasketball tayo.” hinila niya ito palayo sakin.
“W-Wait---” aapela pa sana si Leo kaso nahila na siya ni Rash.
Pero hindi nakatakas sakin ang paglingon ni Rash sa pwesto ko at ang pagtingin nito sakin ng masama.
Argh! Paepal talaga ang lalaking 'yon!
Puputulin ko ang saging niya pag-uwi! Bwisit!