"Kakain na tayo." sabi ni Rash pagpasok niya sa kwarto ko. "Nanghihina pa ko." hindi ako makabangon. Parang naubos ang lahat ng energy ko. Napangisi si Rash at umupo sa kama ko. "Kapag hindi ka tumayo diyan, iisa pa ko. Gusto mo?" nakangising tanong niya. Hinampas ko siya sa braso. "A-Adik ka!" namumula na yata ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. "Ang sarap naman ah." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bastos ka na naman!" hinampas ko ulit ang braso niya. "Yung niluto ko, masarap. Ano bang iniisip mo?" natatawang sabi niya. Napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. "K-Kakain na nga ako!" hinila ko na siya patayo. "Tama yan, para may energy ka ulit pag ikaw naman yung kinain ko." nakangising sabi niya. Binato ko siya ng unan. Bwisit na lalaki 'to! Lumabas na kami ng k