Chapter 17

2250 Words

“Kumain kana.” malamig na sabi ni Rash habang naghahain. Napalunok ako habang sinisimplehan siya ng tingin. Napabuntong hininga ako, galit pa din siya sakin. Umupo na ko, ipinaghain niya naman ako ng pagkain. Natigilan ako nang mapansin kong aalis siya. “H-Hindi ka ba kakain Rash?” tanong ko. “Kumain na ko.” malamig na sabi niya at dumiretso na sa kwarto niya. Napasimangot ako habang nakatitig sa pagkain. Hindi ako makakakain ng ayos nito. Agad akong tumayo at nagtungo sa kwarto ni Rash. “Rash!” napalingon siya sakin. Wala na siyang damit pang itaas, nakaboxer na lang siya. Mukhang maliligo na siya. “What the fvck Melody?!” Agad akong tumakbo at dinamba siya. Napahiga siya sa kama habang nakapatong ako sa kanya. Niyakap ko siya sa batok at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD