Natigilan ako dahil natahimik ang mga tao. Napakurap ako, pakiramdam ko umuusok ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Natigilan na lang ako nang hawakan ni Rash ang kamay ko at hinila ako palayo sa mga tao. Na-blangko yata ang utak ko, hindi ko na alam kung saan ako dinadala ni Rash. Naaalala ko lang ang kahihiyan na ginawa ko kanina. Hinihingal na napasandal si Rash sa puno at binitawan ang kamay ko. Napatungo na lang ako. “S-Sorry Rash, nakakahiya yung---” Natigilan ako nang humagalpak siya ng tawa. Napakunot ang noo ko. Anong tinatawa-tawa ng mokong na 'to? “Bakit ka natawa?!” hinampas ko ang braso niya. “Ikaw kasi, ang cool mo kanina.” natatawa pang sabi niya at hinila ako para yakapin. Napanguso ako. “Hindi ka galit?” tanong ko at niyakap din siya. “Why would I? Kinilig nga ak