Chapter- 4

2309 Words
SA mansion Mondragon ay umiiyak ang ama ni Andrei sa nangyari. Ilang araw nang pinaghahanap ng mgaa tauhan nito ang anak. Ngunit hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan ito. Ayon sa mga tauhan ay walang natagpuan na katawan. O kahit anong gamit na pagmamay ari ng kaisa isang anak. At nakakasiguro na wala rin sa loob ng eroplano ang katawan nito. Sinusuyod na rin ang buong isla pero walang senyales na naroon ito. "Where are you my son?" napa luhod sa carpet habang tumatangis. Gustong sisihin ang sarili, dahil kung hindi pinilit na ipakasal ang anak. Hindi sana ito aalis ng mansyon nila, at hindi mangyayari ang trahedya na iyon sa kaniyang anak. “Pasensya na po Senyor, wala pa rin pong balita tungkol kay Master Andrei.” “Go! Magpahinga na kayo, at bukas ay ipagpatuloy ang paghahanap. Tumawag na ako sa coast guard at sila na ang bahala sa karagatan ng buong isla.” “Sige po Senyor.” Lumipas ang dalawang linggo ngunit wala parin balita kay Matthew Andrei. Ang ama ay halos nawalan na ng pag asa kung buhay pa ba ang anak. Siguro ay totoong iniwan na din siya nito, kagaya ng mahal niyang asawa. Hanggang naging usap-usapan na ng board member ang planong paglalagay ng bagong CEO. Sa kadahilanang mula ng araw na mawala ang anak ay bakante na ang pwesto nito. Alam niya na maraming candidate para sa posisyon na iyon. Subalit hindi siya makakapayag, kailangan makagawa siya ng plano. Dahil kung tuluyang wala na ang anak at talagang hindi na ito babalik. Mas mabuti pa na Full Out na lang niya ang buong shares. Wala siyang tiwala sa kahit sino man na papalit bilang bagong CEO. Matagal na niyang alam na may mga anomalya at gawaing illegal ang ama ng napipisil na bagong CEO. Noon pa man ay gusto na niya iyong bitawan dahil hindi na maganda ang takbo ng kompanya. Nagkamali nga ba siya na piliting ipakasal niya si Matthew sa anak ng vice president? Dahil mula ng mawala ang anak niya ay hindi man nagpakita o nag alala man lang ang fiancee nito na si Beatres. Samantala sa Isla Buena Vista, nasanay na si Andrei sa kapaligiran. Stable na ang katawan niya. Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring maalala. Sinabi lang ni Yzabelle ang pangalan at kaunting impormasyon sa kaniyang pagkatao. Gustuhin man niyang magtanong pa sa dalaga ay walang lakas ng loob para lapitan ito. Sapagkat nang dahil sa kaniya ay naging mapanganib na ang buhay nito. Ang hindi niya maintindihan ay bakit siya tinutugis ng mga bandido. Kaya’t para hindi masyadong mainip ay naging routine na niya ang gumising ng maaga at mag jogging sa dalampasigan. Mauupo siya sa isang malaking bato at hihintayin ang pagsikat ng araw. Kagaya na lang ngayon pasado ng alas otso, kaya tumayo na at tumakbo pabalik ng resthouse. "Good morning." at nakita niyang lumingon sa kaniya si Yza. "Hi morning too, kumusta na ang pakiramdam mo?" wikang sagot naman nito. "Mabuti naman, ikaw kumusta ka naman?” "Ayos lang ako. Tipid na sagot nito sa kaniya. “Amh, gusto mo ba na dito na lang mag breakfast? Tanong niyang muli dito. subalit tango na lang ang isinagot nito sa kaniya. Napakaganda talaga nito at alam niya sa sarili na nagkakagusto siya sa dalaga. Subalit bigla ang pangyayari. Nang bigla siya nitong lundagin. "Dapa! Mr. Mondragon!" kasabay ng bagsak nilang dalawa sa lupa. Dalawang putok ang narinig nila. Awkward ang naging posisyon nilang dalawa. Dahil sa pagkaka dagan sa kanya ni Yza. At ang kanyang ulo ay nakabaon sa pagitan ng dibdib nito. Ilang minuto sila sa ganoong tagpo at nanatili sa posisyong iyon, kaya naman hindi siya nakapigil. Pinagsalikop ang mga braso sa katawan ng dalaga at mahigpit itong niyakap. At kahit nasa delikadong sitwasyon na silang dalawa ay hindi inaasahan ang kakatwa na pakiramdam ang lumukob kay Yza. Kaya mabilis na lumayo sa binata at sinikap na gumapang. "I'm sorry Ms. Yza.” Hinging paumanhin niya sa dalaga. At nagulat pa silang dalawa nang may magsalita. Hindi man lang nila namalayan na may tao sa paligid. Nakalimutan na rin kung bakit nasa ganoon silang sitwasyon. "Both of you, kailangan ninyong umalis sa lugar na ito. Hindi sila titigil hanggat hindi ka nila napapatay Mr. Mondragon. Damay ka dito Agent Yza, nalaman na nila na ikaw ang nagpoprotekta sa kaniya." “Kung gano’n ay aalis agad kami, maraming salamat sa pagdating mo.” “Sige, maiwan ko na kayo.” at agad na nawala ito sa paningin nila. Kahit gustong magtanong ni Andrei sa dalaga ay pinili na lang na manahimik. Wala silang sinayang na oras at agad na nag handa sa pag alis. Pagsapit ng madaling araw ay sakay na sila ng yacht. Ayon sa dalaga ay para hindi sila matunugan ng mga nagtangkang pumatay sa kaniya. Kapansin pansin rin ang pananahimik nito at malalim ang iniisip. "Okay ka lang ba Mr. Mondragon?" Hindi na namalayan na nakaupo ito sa tabi niya. Kaya sa kawalang masagot ay tumango na lang siya dito. "Please call me, Mathew Andrei." para naman hindi masyadong pormal. "Sure, kung yon ang gusto mo Andrei.” “Hindi ko alam kong anong salita ang maaari kong sabihin. Pero alam kong sorry is not enough, nadamay ka pa sa problema ko. Dahil sa akin nanganganib na rin ang buhay mo. Ang mahirap pa ay hindi ako makaalala kung saan ako nanggaling. At ano ang dahilan bakit gusto nila akong patayin. Kung totoong isa akong heir ng kinikilalang super tycoon. Bakit hindi niya ako hinahanap. Instead mga bandido ang humahabol sa akin para iligpit ako." "Wala ka bang maalaala kahit konti sa mga nangyari? O kahit man lang telephone number para matawagan ang bahay nyo? Dahil tanging pangalan mo lang ang alam ko at sa magazine lang kita nakita noon. Meron akong kaunting alam tungkol sa Daddy mo. Pero hanggang doon lang, ayaw ko naman na puntahan ang kumpanya nyo para doon magtanong. Malakas ang kutob ko na inside job ang nangyaring ito sayo.” “Wala akong maalaala, at gusto ko sanang humingi ng pabor sayo, Ms. Yza. Isa kang secret agent at alam kung marami kang connection. Sabi mo nga isa akong mayaman, please tulungan mo ako. Willing akong magbayad kahit magkano, ang kailangan ko lang ay information ng akin ama, magagawa mo ba?" "Kaya ko, kaya lang sa sitwasyon mo Andrei ay ayaw kung ipagkatiwala sa kahit sino ang bagay na iyan. Unless ako mismo ang gagawa. Minsan nang nabulilyaso ang plano ko noon. Ayaw ko ng maulit muli kaya nga ako napadpad dito sa Pilipinas, dahil doon." "Sige ikaw ang bahala, kaya lang mag ingat ka sana." nag aalalang wika ni Andrei. A few hours later… Narating nila ang daungan at nagmamadaling bumaba, at gaya ng instructions sa kaniya ng kaibigan ay dumiretso agad sila sa airport. At napanatag lang siya nang makapasok na sila sa loob ng eroplano. Sa mahabang byahe ay naging tahimik sila pareho. Walang kahit isa ang nagsalita hanggang dumating sila sa distinayon. Nang makalabas ng arrival ay agad na sumakay sila ng taxi hanggang narating nila ang bahay. “For the meantime ay dito na muna tayo.” Hindi siya sumagot bagkus ay tumango na lang at sumunod na sa dalaga. “Dito na muna ang kwarto mo, huwag kang mag alala at pansamantala lang tayo dito.” alam niya na hindi kumportable ang binata sa lugar na iyon. “S-salamat.” Nang mapag-isa ay nagplano siyang mabuti kung ano ang pinaka mabilis na hakbang. Dapat agad na siyang makakuha ng information ng ama ni Andrei. Dahil alam niyang hindi magtatagal ay matutunton rin sila ng mga taong gustong pumatay dito. Nang biglang makarinig siya ng sigaw mula sa kwarto ng binata. Halos lipadin niya ang hagdan para marating agad ito. Maingat na nakapasok at nilapitan agad ang pawisan na binata. Nang masiguro na walang ibang tao ay nakaramdam ng awa na pinagmasdan ito. At hahakbang na sana siya para umalis ngunit sumigaw itong muli nang malakas. "No! Dad! No! Please…. Kaya minabuti na lapitan itong muli at paulit ulit na niyugyog ang balikat nito. "Andrei gising!" malakas niyang tawag sa pangalan ng binata. At marahil ay naalimpungatan ito nang biglang bangon at naitulak siya ng malakas. "Nasaan ako?" tanong ni Andrei habang palinga linga sa paligid at hindi na kuntento ay tumayo saka lumabas ng pintuan. Samantala ay naiwang naguguluhan si Yza. Ngunit hindi nagtagal ay sumunod din agad sa labas at tahimik na sumandal sa wall. Nanatili na nakatanaw lang siya sa binata, dahil sa palagay niya ay nakakaalala na ito. Nang maiisip na baka gustong mapag isa ni Andrei ay iniwan na lang ito. Nilibot muna niya ang buong palibot ng bahay at sinigurado niyang safe sila. Umakyat sa kwarto at humiga na, sa ngayon ay hahayaan na lang muna ito sa mga kinikilos nito. Hanggang makatulog na siya sa pag iisip. SA baba ay nanatili sa beranda si Andrei, hindi pa rin siya nakakaramdam ng antok sa dami ng iniisip. Kanina pagkatapos niyang mamilipit sa sakit ng ulo ay bigla na lang luminaw ang lahat. Sino kaya ang nasa likod ng pangyayaring iyon sa buhay niya. Mga katanungan sa kaniyang isipan na walang naging kasagutan kaya minabuting umakyat sa kwarto. Kailangan na niyang magpahinga, ngunit nadaanan ang nakaawang na pintuan ng kwarto. Nahinto siya at nanatili na nakatayo doon, hanggang hindi namalayan ay itinulak na ang pintuan. Maingat na pumasok at tahimik na sumandal sa wall. Malaya niyang napagmasdan ang babaeng naging tagapag ligtas niya. Ngayon na nakaalala na siya ay kailangan na niyang kumilos. Dahil sigurado siyang nanganganib ang buhay ng ama. Hindi naman nagtagal ay maingat na isinara ang pinto at nagtungo na sa sariling tulogan. Hindi siya makatulog sa dami ng gumugulo sa kaniyang isipan. At halos mag umaga na ng tuluyang makatulog. At kahit madaling araw na siyang natulog ay maaga pa rin siyang gumising para makapag luto ng breakfast nila. Kailangan niya si Ms. Yza at ito lang ang maaari nyang mapagkakatiwalaan. Inihanda na muna niya ang hapag kainan bago pumasok sa silid na kaniyang okupado. Pumasok sa loob ng banyo at mabilis na nag linis ng katawan. Pagkatapos na maligo ay kinatok niya ang kwarto nito. Gusto niyang makapag usap sila at ipaalam dito na magaling na siya. Ilang minuto ding kumakatok ay walang nagbubukas. Kaya pinihit ang pinto para silipin at alaming kung naroon ito. "Ms. Yza! Tawag niya na rito dahil wala ito sa higaan. Kaya lang walang sumagot kaya tumuloy siya sa balcony at nagbabakasakali na naroroon ito. Kaya lang ay talagang wala rin doon ang hinahanap. "Nasaan ka Ms. Yza?" Pabulong niya sa sarili at bumalik na sa loob para sana lumabas. Kasalukuyan naman lumabas ng banyo ang dalaga. At walang kahit anong saplot sa katawan kaya nagka gulatan pa silang dalawa. At hindi malaman ni Yza kung alin ang uunahin na takpan. "Oh, i'm sorry!" Sabay talikod niya dito. "H'wag kang haharap! Ano bang ginagawa mo dito bakit ka pumasok?" Nanginginig ang boses sa nararamdaman na hiya. Si Andrei naman ay nag iinit ang buong katawan sa nakitang kahubaran nito. "s**t!" napakaganda talaga nito." "May sinasabi ka ba?" "Ah w-wala naman, tapos ka na ba?" "Oo, nakabihis na ako, ano bang kailangan mo?" "Gusto ko sanang mag usap tayo at may sasabihin din ako sa'yo." "Sige susunod na ako." "Bumaba ka na lang pagkatapos mo dito." yon na lang ang nasabi niya. At mabilis na siyang tumalikod, medyo nakaramdam ng pagkadismaya. Hindi man lang siya sinulyapan ng dalaga. Samantala ay palakad lakad si Yza sa silid niya at hindi malaman kung anong gagawin. Naiinis siya sa sarili dahil sa kapabayaan. Kung nagdala siya ng robe o kaya towel sa loob ng banyo. Hindi sana siya naabutan ng binata sa ganoong tagpo. Humugot muna ng ilang malalim na paghinga bago magpasya ng bumaba. Naka ready na ang breakfast ng dumating siya. "Let's eat," agad na hinila ni Andrei ang bangko at inalok na maupo na ito. "Thank you." "Gusto kong humingi ng sorry sa nangyari kanina. Hindi ko iyon sinasadya, gusto kitang makausap kaya ako naroon. Bumalik na pala ang alaala ko at kailangan ko nang kumilos. Sigurado ako na nasa panganib ang buhay ng aking ama. Kailangan ko ng tulong mo Ms. Yza." "Go ahead? Ano ba iyon?" "Pansamantala ay dito muna ako mag stay at kailangan na malaman ni dad na buhay ako. Pakisabi sa kaniya na mag ingat dahil sigurado ako na siya ang isusunod ng mga taong gustong pumatay sa akin. Malakas ang pakiramdam kong nasa loob ng kompanya ang gumawa nito sa akin." "But, I am not leaving you alone here, delikado." Pagtutol niya dito. "Leave me, i can manage,"mabilis na sagot niya sa dalaga. "Sigurado ka na kaya mo? Paano kung nasundan na tayo ng kalaban mo?" hindi maikakaila ang sobrang pag alaala niya sa binata. "Kaya ko ang sarili ko, ngayon na nagbalik na ang ala ala ko." "Okay, tonight ang alis ko, mag ingat ka dito at iwasan mong maglalabas." "I will," nakaramdam siya ng kasiyahan sa kaalaman na nag aalala sa kaniya ito. Kinagabihan ay nakasuot ng black overall leather ang dalaga ng magpaalam sa kanya. Bitbit ang isang black bag na pahaba. Nakatali ang mahabang buhok nito na nangingintab sa sobrang itim. Isa sa mga asset nito iyon na lalong nakakadagdag ng kaniyang karisma. "I'm leaving now Mr. Mondragon." imporma niya dito. Simula ng bumalik ang alaala nito ay naging pormal na ang trato nila sa isa't-isa. Tumayo si Andrei at lumapit sa dalaga. "Please take care of yourself and please make sure na safe ang ama ko." Tango lang ang sinagot at tumalikod na sa kaniya. At bago pa lumabas ng pinto ay lumingon ito sa kanya. "Be careful and please be safe." "Yeah i will," at kumaway na lang siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD